“Lolo Amon! Lolo Amon! Pewde ba ikaw kwento sa ‘kin before I sleep?” masiglang sabi ng isang bata.

“Aba! Oo naman apo, anong kwento ba gusto mo?” malambing na sagot ng isang matandang lalaki.

“Gusto ko no’ng journey mo sa moon!”

***

Noong bata pa ako minsan akong napadpad sa may buwan. Bat ako nasa buwan? Alam mo kasi apo isa akong monster. Tayo, mga monsters tayo pero, ikaw ang pinaka cute at pinaka mabait na monster.

Dati kasi naggagala ako…para kasing may kulang sa ‘kin o may sobra. Para bang kahit saan ako mapunta eh… di ako bagay. Kaya naisip ko, I should go on a quest.

Kaya ayon so naglakbay ako umalis sa lugar namin hindi, mali tumakbo ako papalayo sa bahay. Tinakasan ko kung ano yung mahalaga. That time your great mama was so upset. No’ng mga panahon na ‘yon di ko pa alam ang bagay na ‘yon.

Kaya ayon sa pagtakbo ko sa bahay napunta ako sa ibat-ibang lugar. Marami akong nakilalang tao at kapwa ko halimaw. I make friends with everyone, regardless of whom or what they are. Dapat ikaw rin apo tandaan mo, friends are better than enemies.

No’ng mga panahong ‘yon naghahanap ako ng mga sagot sa mga tanong na kahit ako ay ‘di ko alam. ‘Di ko maintindihan kung anong meron sa akin no’ng mga panahon na iyon.

***

Isang gabi, bilog ang buwan. Naglalakad ako nuon sa isang madamong daanan. Sa naalala ko taniman yon, pero… ‘di ko na matandaan kung ano eksakto. At that time wala pang mga ilaw, tanging buwan lang ang nagtatanglaw sa daanan ko no’n. Hindi ko alam, napatingin ako sa buwan no’ng mga sandaling iyon.

Hindi ko naman sana kailangan ng buwan dahil nakakakita naman tayong mga monsters sa dilim, at isa pa nakakakita rin tayo kahit sobrang layo na. Pagtingala ko ay pilit kong sinipat kung ano ang meron doon. Wala akong nakita sapagkat nasilaw ako sa liwanag na hatid nito. Napamangha ako dahil kahit na hindi ito kasing liwanag ng araw ay nakakapag bigay pa rin ito ng tanglaw sa kadiliman.

Napaisip ako apo…anong ganda ng buwan kasama ng mga tala. Nakakapag bigay liwanag sa mga manlalakbay na katulad ko. Di man kasing liwanag at di rin kasing init ng araw ngunit…ngunit anong saya siguro ng may silbi sa mundo. Ang sarap sigurong maging katulad nila. Yung mga nilalang na taaas noong ginagawa ang kanilang tungkulin.

Napa upo ako sa silong ng isang puno at kumain ng isang tinapay na nabili ko kanina sa may bayan. Naalala ko no’n, iniisip ko yung isang bata na nakipagkasundo sa akin. Diba tinuturo sa history class nyo na ‘If we are involve in a contract, we shouldn’t turn it down, we can’t abandon it, and we should take any offering.’ Back in the day, kaluluwa lang ang tinatanggap natin, na hindi na natin ginagawa dahil good guys na tayo.

***

Isang araw mayroong bata na nakipag kasundo sa akin. Ang kasunduan ay iligtas ang kan’yang nakababatang kapatid sa isang malubhang sakit. Naalala ko umiiyak s’ya no’n, sanggol pa lamang ang kapatid n’ya, at sa palagay ko nasa apat na taon pa lamang ang batang nakikipag kasundo sa akin.

Nasa anyong tao ako n’on, pero kasi, nakikita tayo ng mga bata. Nung mga panahon na iyon ay masugid akong sumusunod sa ancient code, we shouldn’t turn down a contract. Kahit na wala pang ka muwang-muwang ang bata, at ‘di pa n’ya alam kung gaano ka bigat ang kan’yang ginagawa ay tinanggap ko ang kontrata kapalit ng kaluluwa niya. No’ng mga panahon kasi na ‘yon apo bad guy pa si lolo.

Nagpanggap ako bilang isang taong manggamot na libreng gagamot sa kan’yang kapatid. Tumira ako sa bahay nila pero sa likod ng aking pagbabalat-kayo ehh, kilala pa rin ako ng bata. Napalapit ako sa bata at sa pamilya nito. Natatakot ako dahil baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko.

Sobrang masayahin ng batang ka-tipan ko at lagi n’ya akong nililibang. Mabubuting tao din ang pamilya at hindi ako tinuring na iba, at sa mga panahon na iyon ay unti-unti kong nakalimutan kung sino ako.

***

Dumating ang araw at napagaling ko ang sanggol. Kailangan ko nang kunin ang bayad, ang kaluluwa ng bata. Lumapit siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. For the first time apo, pinagsisihan ko na halimaw ako. Ngumiti ito ng pagka tamis-tamis sa akin. May kirot na naramdaman ang puso ko. Di ko makakalimutan ang huli n’yang ma sinabi. “Sana makita mo ang hinahanap mo kuya.”

Pagkasabi n’ya ng mga katagang yun ay hinigop ko ang kaluluwa n’ya. Di katulad ng iba, her soul was so pure.

***

Binalik ko s’ya sa harap ng kan’yang mga magulang na ngayon ay nag-aalala na sa kan’ya. Buhay ang bata dahil wala naman sa kontrata na kikitilin ko ang kan’yang buhay. Ngayon ay isa na lang s’yang basyong walang laman. Nakakagalaw naman s’ya at nakakapag salita ngunit hindi na maka-usap ng maayos. Nagsasalita na ito mag-isa at patawa-tawa, minsan naman ay tinatawag n’ya ang pangalan ng kayang kapatid.

Alam na ng taong bayan na isa akong halimaw, kaya pinalayas nila ako. Galit na galit sila at gusto pa nila akong patayin, dahil nga sa isa akong nilalang na hindi nila katulad .

Walang buhay nila akong tiningnan at akmang tatagain nang biglang humarang ang bata. Naalala ko, nung mga sandaling yun unang tumulo ang luha ko. Lumabag na naman ako sa isang code. Thou shall not show any emotions.

***

Lumayo ako sa bayan at napadpad nga ako sa kinauupuan ko noon. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko, o dapat tanggalin ko na ang aking puso para di ko na maramdaman ang sakit na ‘yon. Dapat ba na talikuran ko ang pagkatao ko? Yan yung mga tanong ko ng mga gabing yon. Ano ba talaga ang silbi ko?

Sa pag iisip-isip ko napansin ko na naman ang malamlam na liwanag ng buwan sa paligid. Tumingala ako ngunit nasilaw lang ulit. Kamangha-mangha talaga ang liwanag ng buwan. Napaisip ako baka sa buwan ko makita ang mga kasagutan sa mga tanong na ‘di ko alam. Baka do’n ko makita kung ano ang dapat kong gawin, dahil sobrang liwanag nito. At dahil nagsisilbi itong gabay ng mga manlalakbay sa kadiliman. Baka makita ko rin don ang liwanag ko.

Tumayo ako at nilabas ang mga pakpak ko. Pinagaspas ko ito at sinundan ang liwanag nito. Palaki ito ng palaki at tila ba habang lumalapit ka ay nawawala ang liwanag nito.

Pag dating ko sa akala kong sobrang ganda at nakaka manghang buwan…nadismaya ako. Madilim at lubak-lubak ang walang buhay na lupa dito. Kakaibang-kakaiba ung titingnan mo mula sa earth.

Naglakad-lakad ako doon, ginamit ko ang mata ko para makita kung ano ang nasa loob ng buwan. Bago yon sa mga mata ko dahil ngayon lang ako naka kita ng lupa na puro butas. Walang ka buhay-buhay dito, walang kahit sino. Peke lang ba ang nilalabas nitong liwanag?

Nag lakad-lakad pa ako pero para may naririnig akong boses. Isang malamig at nakakabighaning boses ng babae. ‘Di ako sigurado sa sinasabi n’ya pero parang nanghihingi ito ng tulong. Hinanap ko ang boses dahil akala ko ako lang ang nilalang duon nung mga panahong iyon.

Nakita ko ang babae na sa pagkakataong iyon ay gumagapang. Mayroon s’yang mahabang kulay abong buhok, maputlang kutis, at mga matang ka kulay ng liwang ng buwan. Nakasuot din s’ya ng puting mahabang parang bestida. Hindi na ako sigurado sa mga ala-ala ko apo hehehe. Pero isa lang ang sigurado ako, sobrang misteryosa n’ya at para bang nagliliwanag s’ya.

Naalala ko tinanong ko s’ya “Sino ka?”

Napatingin s’ya sa akin at nagtama ang aming mga mata. May ilang saglit din n’yang na proseso ang aking sinabi, at sumagot s’ya gamit ang mala anghel n’yang mga boses.

“Inire Ako, hindi si-nu-ka.” ‘Yan ang mga linyang sinabi n’ya pero nu’ng mga panahon na iyon ay di ko naintindihan ang ibig n’yang sabihin.

“Sa pagkakaalam ko, ako lang ang nilalang na naninirahan dito. Hindi bale, maari mo ba akong tulungan ginoo?” ‘yan ang tanong n’ya saakin. Bawal tayong tumanggi sa mga kahilingan kaya wala akong nagawa. Gusto ko rin ‘yon dahil interasado ako sa misteryosong babae.

Tinanong ko s’ya kung ano ang maibibigay n’yang kapalit ng aking pagtulong at sinagot n’ya lang ako ng titig.

Nagkatama na naman ang aming mga mata at ngayon ko lang napansin na tila ba may bakas ito ng kalungkuta, at para bang hinihila n’ya ako papunta sa kan’ya. Napaisip ako, ano ang ginagawa niya sa madilim at walang buhay na lugar na ito. “Tulungan mo akong hanapin ang bahay ko. Mahina ang aking mga mata kaya mabilis lang akong madapa.”

Kusa na lamang gumalaw ang katawan ko at namalayan ko nalang na pasan ko na s’ya at naglalakad na kaming dalawa.

“Pasensya ka na ngunit hindi ko mabibigay sa iyo ang kaluluwa ko. Isa kang demonyo tama ba? Naka sangla na ang buhay at kaluluwa ko sa lugar na ito kaya…” Matiim akong nakinig pero hindi n’ya tinapos.

***

“Mayroon akong ipambabayad sayo, Bata ako no’ng dinukot ako at pinatay ng mga anak ng araw. Dati akong tao katulad mo. Alam kong may mga kung anong bumabagabag sa puso mo pero…” Napahinto s’ya sa pagssalita at tila ba huminga ng malalalim. Tahimik lang akong nakikinig sa kan’ya dahil gusto kong malaman bat s’ya nag-iisa dito.

“Kung sa palagay mo na nagi-isa ka lagi, wala ng pag-asa. Parang sobrang lamig ng paligid at para bang nabibbingi ka sa katahimikan. Wala kang sagot sa mga tanong na kahit ikaw hindi mo alam, tumingin ka lang sa buwan. Alam mo ba, ang buwan nanghihiram lang ng liwanag sa araw. Sa labas ay maaring maliwanag ito, ngunit kung mapapansin mo sa loob puro kadiliman. Alam mo kinamumuhian ko ang mga tao, dahil sa ginawa nila sa akin. Katulad ng pagkamuhi mo sa sarili mo,” ‘yan ang sinabi n’ya saakin na nagpahinto sa paglalakad ko.

“Paumanhin binibini ngunit hindi ko alam ang sinasabi mo.” Totoo naming hindi ko alam ang sinasabi n’ya… hindi…hindi pa.

“No’ng nakita ko ang mga mata mo alam kong katulad din kita. Sira sa loob, parang blangkong puting papel. Maayos kung titingnan sa labas ngunit puno ng pagka bagabag ang kalooban,” ‘yan ang mga tinuran n’ya saakin.

“Alam mo sa sarili mo na hindi maayos ang lahat pero ayos lang iyan. Ayos lang na maging blanking papel. Kumpara sa akin Bata ka pa, hayaan mong kulayan ka ng iyong mga karanasan, ng mga nilalang na makakasalamuha mo. Wag mong tanggalin ang iyong puso. Wag mong takbuhan ang iyong pagkatao. Lahat tayo may lugar at may silbi sa mundo, hindi mo na yun kailangang hanapin pa sa paglalakbay, nariyan lang sa loob mo. Wag kang tumakbo ng makita mo ang hinahanap mo. At pag-nakita mo na ang hinahanap mo. Maging katulad ka sana nang sikat ng buwan sa gabi. Maari kang maging gabay sa dilim ng mga katulad mong naliligaw. Lahat ay may silbi kahit ang isang halimaw na naghahanap lamang ng kasagutan at napadpad sa tahanan ng buwan.”

Pagkasabi n’ya nuon ay Tumambad ang isang malaking bahay. Bumaba s’ya sa akin at pumasok doon. Hindi ko man naintindihan ang mga sinabi n’ya pero, pakiramdam ko nagkaroon ng isang maliit na kislap sa loob ko, at yung kislap nay un apo kung bakit nagging good guy si lolo.

Bago pa man ako bumaba sa lupa ay nagpasalamat muna ako sa pinaka magandang bayad na natamo ko.

“Maraming salamat ngunit Maari ko bang malaman ang iyong pangalan binibini?” Gusto ko manlang malaman ang pangalan n’ya bago ako bumaba sa lupa.

“Yle, tama Yle. Kay tagal na nung huli kong sinambit ang aking pangalan.”

Pagsarado nya ng pinto ay agad na akong bumaba sa lupa na may dalang bagong liwanag.

***

Wag mong madaliin ang paglaki apo, patuloy mo lang kulayan ang buhay mo. Sana dumating ang araw na makita mo ang sarili mong liwanag.

WAKAS
Owl Tribe Creator