. . Sa bansang meron tayo, hindi mo na gugustuhing tumira pa dito. Ang tulad naming mahihirap ay hindi nakakamit ang hustisya o kahit ang pag-galang. Sa bansang nalugmok na sa kahirapan ay makikitaan mo ng kawalan ng pag-asa. Ang Pilipinas na ata ang tinuturing na mahinang bansa sa mundo. Kung titignan mo ay nasakop na kami ng mga dayuhan. Mas lalong naghirap ang mahihirap habang ang mayayaman ay patuloy na umaangat. "Dran, sabi ni mama manlimos na daw tayo. Naubusan nanaman kasi tayo ng bigas," sabi ng kapatid kong lalaki na si Tom, sampung taong gulang palang siya pero namulat na siya sa ganitong sitwasyon ng buhay. Walang tumatanggap samin, trabaho at pag-aaral? Isang pangarap nalang yan na hindi namin maaabot. Walang tatanggap sa mga tulad naming walang pinag-aralan at napagtapos. "Sige," Dala-dala ang kinakalawang na lata ay pumunta kami sa park. Ang lugar kung saan ang mga pulibi ay nanlilimos ng pera. Palimos, palimos dito, palimos doon. Sa kakarampot na barya siguradong kulang pa para mapakain kami sa araw-araw. Masaya ang mga taong namamasiyal dito sa park, kumakain ng masarap, nakakatuwaan. Ang mga pagkaing sinasayang nila ay sa basurahan lang napupunta. Pinagkakaagawan pa ito ng mga batang kalye na gutom na gutom. "Kuya..." Tiningnan ko ang kapatid ko at ngumiti. "Tandaan mo, hindi tayo tutulad sa kanila. Pangako ni kuya na bibigyan ko kayo ng maayos na buhay," Aahon kami sa kahirapan at ipapamukha sa mga mayayaman na kaya naming mabuhay ng hindi kailangan ang pera nila. "Ang baho talaga dito, paalisin niyo na bukas ang mga mababahong tao nayan" Isang babae ang dumating habang pinalilibutan ito ng mga lalaking naka-itim. Magarbo ang suot niya habang may nagkikintabang mga alahas. Nadako ang tingin nito samin at ngumiti. Nilapitan kami nito at inabutan ng maraming pera. "Para san yan?" Tanong ko habang nakatingin lang sa mukha ng babae. "Bayad, gusto kong paalisin mo ang marurumi at nakakadiring mga taong kalye nayan. Isabay mo na din ang sarili mo pagkatapos," Nakakainsulto ang sinabi niya, para bang nanliliit ang lahat sa ginagawa niya. Nakakadiri? Marurumi? Nakakatawa dahil nagmamalinis siya. "Hindi ko kailangan ang marumi mong pera. Kung hindi mo gusto ang 'marurumi at nakakadiring' tulad namin, Ikaw ang umalis" nagulat pa ito sa sinabi ko na nagpainis sa kaniya. Hindi porket may pera siya ay luluhod na kami sa kaniya. "Boys! Bugbugin ang lalaking yan, now!" Sa bawat sipa at suntok nila ay nagpapahina sakin. Para bang nauubos ang lakas ko sa ginagawa nila. Ang gusto ko lang naman ay ang umayos ang buhay namin, maging pantay-pantay ang tingin sa tao at ang mapakitang hindi mahina ang bansang to. --- "Dran, ano bang pangarap mo?" Tanong ni Teacher Ramos habang nakatayo ako sa harap ng klase. Nakakakaba naman, para bang milyon-milyong mga tao ang nakatingin sakin. "A-ang gusto K-ko po..." "Sige lang Dran ituloy mo, wag kang matakot na sabihin ang pangarap mo. Malay mo magkatotoo yan kapag sinabi mo samin," Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga kaklase ko na taas noo. Magkakatotoo ang pangarap ko, naniniwala ako na magkakatotoo ang pangarap ko. "Gusto kong maging malakas na sundalo ng pilipinas!" --- "Tama na po! Patawarin niyo na po ang kuya ko, nagmamakaawa po ako" Natigilan ang mga nanbubugbog sakin ng lumuhod na ang kapatid ko. Tom pakiusap wag! Wag kang lumuhod sa mga tulad nila! "Tss, boys dispatyahin niyo na din ang batang to" sa utos ng babae ay binugbog nila naman ang kapatid ko. Hindi na ako makakilos pa, sobrang sakit ng katawan ko pero paano naman ang kapatid ko. "W-wag! Pakiusap t-tama na!" Kahit pa gaano kalakas ang boses ko, kahit pa magkanda paos na ako, para bang bingi ang mga taong to. Natutuwa sila, natutuwa sila sa kung anong paghihirap ang ginagawa nila samin. Kailangan kong tumayo, kailangan kong ipagtanggol ang kapatid ko! Tama na pakiusap! Sawa na ako sa buhay na meron kami, tama na! "Kayong lahat ay mga ganap ng sundalo ng bayan, wag kayong matakot, mangamba o umatras dahil sa oras na gawin niyo yon muling matatalo ang bansa natin! Babalik nanaman tayo sa pagiging talunan! Do you understand soldiers?!" "YES SIR!" Natupad na sawakas, ang pinangarap ko ay natupad na. Suot-suot ko ang mga medalya at ang unipormeng pinapangarap kong makuha. Maipagtatanggol kona din ang bayan ko. "Oy Dran, lagot ka nanaman kay Commander. Nagpapantasya ka nanaman eh, tumakbo kana" Para bang nawalan nanaman ako ng pag-asa ng mapagtantong nasa practice parin ako. Kailan ba ako uusad at magiging katulad ng mga sundalong yon? Puro takbo, akyat at galang, kailan ba ako sasabak sa laban? "Ben, hindi kaba naiinggit sa mga sundalong yon na makakaalis na dito?" Tanong ko sa kaibigan ko dito sa kampo na si Bennedick De Jesus. Katulad ko hindi padin kami makaalis dito, puro practice, practice, practice... Hayss. "Syempre naiinggit, pero ginagawa lang ni Commander to para matuto at maging handa tayo. Bakit ikaw Dran? Naiinip kana ba?" Tanong nito na puno ng pagtataka. Ewan ko din pero gusto ko ng makaganti sa mga dayuhan nayon lalo na sa, mga mapagmataas na mayayaman nayon. Mas binilisan ko ang takbo at inunahan ang mga kasamahan ko. "Kainis!" "Dran Sanchez!" Napatigil ako ng tawagin ako ni Commander. Hinabol ko muna ang hininga ko at tumingin sa kaniya na may seryosong tingin. "Bakit ho?" "100 push up, now!" Para bang mababaliw na ako sa sinabi niya. Isang daan talaga?! Papatayin ba niya ako? Sa payat kong to baka bumigay ang buto ko. "Opo!" Lalamya-lamya kong sabi at gumilid upang doon mag push-up. Grabe nakakadalawa palang ako hindi na kaya agad ng nga braso ko. "Blah blah blah puro utos" bulong ko na mukhang narinig ni tanda. "May sinasabi kaba Sanchez? Kung ayaw mo mag military pwede ka namang umalis na, pero wag mong aasahan na makakabalik kapa" pagbabanta nito. "Wala naman po akong sinabi na ayaw kona!" At wala akong balak na mag-quit dahil para sa kapatid koto. Para sa kaniya ang paghihirap na to, gusto kong ipakita na kaya kong ipaglaban ang bansang to para sa kinabukasan namin. --- "Pasensya na pero kung wala kayong pera mapipilitan kaming ilabas siya ng ospital, pasensya na po" usal ng doctor. Nagsisimula ng ilabas ang kapatid ko na nakahiga sa kama ngunit napatigil ng kwelyuhan ko ang doktor. "Hoy ikaw! Obligasyon mo dibang gamutin ang mga nangangailangan?! Kaya bakit mo pinapabayaang mamatay nalang ang pasyente mo!" Mahina itong tumawa at tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya. Tiningnan ako nito ng masama at may ibinulong. "Hindi namin obligasyon ang tulad niyong walang mga pera, kung ako sayo totoy umalis na kayo ngayon mismo" --- Sa tuwing naaalala ko yon naiinis ako, nagagalit ako ng sobra! Hindi ko akalaing pera na pala ang nagpapatakbo sa mundong to. Kaya gusto kong baguhin ang bansang to at puksain ang mga taong tulad nila. Hating gabi na at ang lahat ay tulog na, ako nalang ata ang gising ngayon. Tiningnan ko ang mga kasama ko habang nasa itaas ako ng Double deck. Tulog na nga sila, gusto ko ng matulog! "Dran, takbo pa" napatingin ako sa ibaba ko at doon nakita ko si Ben na nagsasalita habang tulog. Ano naman kaya ang napapanaginipan ng lalaking to? Siguro napapanginipan niya ang pagdurusa ko. Napatingin ako sa ibang kasamahan ko na palihim na lumalabas. Napansin naman ako ng isa sa kanila na si Michael. "Oy Dran, dahil nakita mo na din kami baka gusto mong sumama?" Nakangisi nitong sabi. Napailing nalang ako dahil siguradong may kalokohan silang gagawin. "Wag na, kayo nalang" akmang hihiga na ako ng hinahin nito ang paa ko. "Hindi pwede yan Dran, ayoko ng sumbungero kaya sumama ka. Isama mo nadin yang kaibigan mong Nerd" ngumiti ito ng parang aso. Ano pabang magagawa ko? Syempre ang sumama kasama si Ben. Nasa kalagitnaan kami ng madilim na kagubatan, kailangan pa naming lagpasan ang mga pader para lang makalabas. "Wow fresh air! Nakalabas din sa impyerno!" Sigaw ni Michael na tuwang-tuwa sa paglabas niya. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya hayss. "D-dran, bumalik na tayo please. Baka magalit satin sila Commander" pag-mamakaawa ni Ben. Kahit ako natatakot sa kung anong parusa ang matatanggap namin sa oras na malaman ito ni Commander. "Alam kona Ben," pinigilan ko si Ben sa paglalakad at hinayaan sila Michael na maglakad papalayo ng hindi kami napapansin. "Oh diba makakabalik na tayo. Halika na bago pa tayo mahuli ni Commander" Dahan-dahan kaming naglakad pabalik sa daang dinaanan namin. Pero para bang hindi namin naiwasan ang ano mang mangyayari ngayon. "Handa na ba kayo sa pagsalakay sa kampo ng pilipinas? Mas maganda kung ngayon natin gawin ang misyon natin" Mula sa di kalayuan ay tanaw namin ang isang malaking Tent. May mga armadong lalaki ang nagbabantay aa paligid habang maingat kaming nagtago sa likod ng naglalakihang halaman. "K-kailan pa nagkaroon ng ganito malapit sa Kampo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ben. Kahit ako hindi ko alam kung bakit pero sa pananamit nila ay hindi sila mula sa kampo, Mga kalaba. "Hoy! Sino kayong dalawa?!"                                                                                                                                                          
SuroTheSloth Creator