Chapter 2

Hawak kami ng mga kalaban habang ang mga kamay namin ay nakagapos. Takot na takot si Ben at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Ngayon palang kami naka experience ng ganito sa buhay namin.

Hindipa kami ganap na sundalo at puro training lang ang inaatupag namin kaya ganito nalang ang takot ni Ben. Wala pa kaming nakakasagupang kalaban pero ngayon nasa harap namin sila at bihag kami.

"Ben kalma lang, magiging ayos ang lahat kaya wag kang mag-alala" pagpapakalma ko sa kaniya pero parang hindi ata umubra dahil mas lalo lang lumala.

"Ayoko na Dran! Kasalanan to ni Michael, kung di niya tayo sinama sa kalokohan niya edi sana nasa kampo tayo at nagpapahinga!" Sigaw niya na parang mawawala na sa sarili dahil sa galit kay Michael.

Tama naman siya pero kasalanan ko dahil nagpasama naman ako sa kaniya. Nadamay pa tuloy si Ben, kasalanan ko to.

"So you two are from the Philippine army huh? Good to know, kahit papaano ay may silbi kayo sakin" isang lalaking nakasuot ng uniform ng nakakataas na sundalo ang lumabas sa Tent.

Maraming medalya sa Uniform niya at base sa tindig niya ay kagalang-galang ito. Kahit gaano pa siya kagalang-galang isa padin siyang kaaway na gahaman sa kapangyarihan.

"Sir! We found those brats spying us" at ngayon dumating na ang taong kinaiinisan ni Ben. Pareho namin ay nakatali sila pero pansin kong may iba sa kasamahan namin ang wala, Sa ngayon ay walo nalang kami.

"Ano bang kailangan mo samin?! Wala kaming kwenta kung iisipin mo, walang maitutulong ang tulad namin na hindi pa ganap na sundalo"

"Yes i Know but all of you can still be useful. Gagamitin namin kayo para makuha ang militar ng philippines, yun ay kung makikipagtulungan kayo?"

Hindi ako papayag na mapasapi sa tulad nila, sinong tanga ang sasapi sa kampo ng kalaban? Tanga lang ang gagawa non.

"Makikipag tulungan kami!" Para bang nilunok ko lang ang sinabi ko kanina. Bigla nalang silang pumayag na makipagkampihan sa kalaban?

Nababaliw naba sila?!

"Ano ba kayo?! Hinuhudas niyo ba ang bansa natin? Naging sundalo kayo para protektahan ang mga tao at ang bansa pero sa ginagawa niyo parang mas masahol pa kayo kay Hudas" hindi man lang sila makatingin saakin at parang ang mga sinabi ko ay lumabas lang sa kabila nilang tenga.

"Tumahimik ka Totoy! Ang ayoko sa lahat ay ang tulad mo! Hindi ko gusto ang mga taong sumasalungat sakin!" Nagulat ako ng bigla akong hilahin ng mga armadong kalaban at dinala sa kabilang tent.

Doon ay makikita ang iba't ibang sanda. Dito siguro nila tinatago ang mga armas nila. "Its been months when I torture someone, its getting more exciting"

Itinali nila ako sa isang kahoy na upuan habang pilit akong nagpupumiglas. "Kahit pa bugbogin niyo ako, hinding-hindi ako sasapi sa inyo!" Sigaw ko at nagsimula na silang pagsusuntukin ako.

Malalakas ang suntok nila na para bang gusto na nila akong mamatay. Ganito din ang naramdaman ko non, nung araw na binugbog kami ni Tom.

Nakakainis dahil naalala ko nanaman ang pagkamatay niya! Nabibwiset ako!

"You're not useful so its better if we make your body as our training dummy, be sure tp survive kid" iniwan niya ako sa mga kasamahan niya na patuloy ang pagbubugbog.

Ramdam kona ang panghihina ng katawan ko at ang hapdi sa bawat suntok nila. Puro pasa at dugo na ang katawan ko, pumutok nadin ang labi ko. Tumigil lang sila ng mapansing nanghihina na ako. "Hahaha useless kid" sabi ng isa sa kanila bago umalis.

Bwiset! Ganito pala ang bansang kalaban namin, hindi sila patas at marahas. Ang bansa nila ay ang dapat pinapasabog at tinatalo.

"Sir, the 3rd platoon has returned from the night raid. They brought in prisoners. Including..." hanggang dun lang narinig ko.

"Really? Might as inspect it to confirm if it's true."

Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? At sino yung mga taong nahuli? Malaking problema kung madamay pa siya.

Pumasok ang isa sa mga nambugbog sakin. Tinanggal niya ang pagkakatali ko at marahas na itinulak palabas.

Mas lalo atang sumakit ang buong katawan ko sa ginawa niya. Inangat nito ang ulo ko dahilan para makita ang isang babae na nakatayo sa harap ko.

Dinadala na ito papalayo sakin pero kahit ba nakatalikod ito alam ko kung sino siya.

Sa segundong yon para bang bumagal ang buong paligid.

---

"Aalis kana ba talaga Alice?" Tanong ko sa kaniya habang tinutulungan siyang dalhin ang mga bag niya.

"Ano kaba babalik din ako, may emergency lang ngayon sina Papa kaya kailangan kong bumalik." Lumingon-lingon ito at lumapit sakin upang may ibulong. "Subukan mo lang na sabihin sa mga kasamahan natin ang sikreto ko at talagang kakalbuhin kita," pagbabanta niya.

"Yes Maam!" Pagbibiro ko at sumaludo pa. Habang pinapanood siyang umalis sa kampo ay ang paghahangad ko na makabalik siyang muli.

---

"Mukhang kilala mo ang babaeng yon ha." Tingnan ko ang lalaking nagsalita na siyang pinuno nila. "She will be killed in public to warned the Philippines. She is usefull then you"

"Kung papatayin niyo siya isama niyo na ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa magdusa dito!"

"Good idea! The more, the better!"

Kinabukasan ay dinala kami sa plaza. Kung saan maraming nakabantay na mga kalaban at ang mga tao ay natatakot habang pinapanood kami. "Ang tanga mo! Alam mo bang hindi magandang ideya na magpapatay ka sa kanila!" Sermon ni Alice.

Natahimik lang ako habang ang mga kamay ay nakagapot. Nakatayo kami sa gitna ng Plaza at naghihintay sa mangyayari.

Dumating sina Ben habang natatakot sa mangyayari. Naiintindihan ko ang pagsapi nila sa kalaban, gusto nilang mabuhay pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko pang mamatay kesa ang magpasakot sa kanila.

"Kayong lahat!" Panimula nila, "This will be our warning, those two will be the proof that we can do anything just to get this whole nation"

Hinila ng mga ilang armadong kalaban sina Ben at may ibinigay na baril. Hindi ko alam kung ano ang balak nila pero hindi ko ito gusto. "Kill your friends or we will kill you all !" Pagbabanta nila.

Mga wala talaga silang awa, pati mga kaibigan ko ginagamit nila!

Natahimik lang ang lahat at walang may gustong pumigil sa kanila. Lahat sila natatakot sa magiging kapalaran nila. Walang may gustong makialam kung buhay naman nila ang magiging kapalit.

Tiningnan ko ang mga mamamayan ko na umiiyak at nagdarasal. Nananalig na sana mailigtas kami sa kamay nila. "One! Two! Three! Fire!" Sa senyas niya ay nagpaputok na sila Ben.

Halos hindi sila makatingin samin, pero nagawa padin nilang magpaputok.

Tuluyang bumagsak ang katawan namin ni Alice sa sahig habang ang pulang likido ay hindi maawat sa pag-agos.

Dahan-dahan kong nilingon si Alice at mapait na ngumiti. Sabay naming sinabi ang huli naming paalam sa isa't isa. "S-sasusunod na buhay nalang, Alice/Dran"

SuroTheSloth Creator