FELICITY'S POV






"In fairness ang bango ng pawis niya," saad ko habang inaamoy  ang uniform ko.

Madali akong naglakad pagkalabas ng SC Room. Didiretso na sana ako ng 3-S ng maisipan ko na magsama ng sidekick. Pumunta ako sa room namin, ang 3-D at inabutan ko ang as usual na sitwasyon dito sa tuwing walang teacher.

Nang makita nila kung sino ang nagbukas ng pinto ay sandali silang napatigil at napatingin sa'kin. Tanging isang tao lang ang hindi nakapansin sa presensya ko.

"Okay, okay. Paano ba 'yan ako nanaman ang panalo," galak na sabi ni Julien sabay kuha sa mga perang nakalatag sa desk. Nang magsimula na akong humakbang palapit sa kanya ay bumalik ang ingay sa paligid.

"Wow. Nakakaproud ka a. Kung makapagsabi ka sa'kin kahapon na nagbabago ka na parang totoo, tas ngayon..." Nakaekis ang aking mga braso. Inangat naman ni Julien ang tingin sa akin.

"O?! Nandito ka na? Akala ko humimlay ka na ulit e," sabi niya dahilan para magsingkit ang mata ko.

Tinignan ko siya at ang dalawang babae naming kaklase na kalaro niya't may hawak hawak na baraha.

 Kumamot si Julien sa ulo.

"Ito? Dala lang 'to ng pangangailangan, sa makalawa back to square one. Magbabago na talaga ako," pahayag ng sugalerang babae.

Matabang ko siyang tinignan,

"Wala bang klase?" Inikot ko ng tingin ang paligid. Nagtawanan naman si Julien pati ang mga kalaro niya.

"Huh? Anong wala? Sabihin mo kanina pinaiyak nanaman nyan yung teacher natin," aniya kasabay ang pagnguso sa kanyang tabi.

Napalingon ako sa katabing upuan ni Julien. Sa lalaking nakaupo sa seat no. 22. Isang heavy duty na headphones, mohawk haircut, at tadtad na piercings sa kanang tenga. Nagpang-abot ang mga mata namin pero walang ekspresyon na nabuo sa kanyang mukha. Ang dilim sobra ng mga mata niya, mahirap basahin. Inalis niya ang tingin sakin gayundin ako sa kanya.

"Anong nangyari pala sayo? Kamusta ang sermon? Parang sinabuyan ka ng holy water a," sabi ni Julien habang tinitignan ng maigi ang damit ko.

Magsisimula na sana siyang mag-set uli ng game pero pinigilan ko siya.

"Julien samahan mo ako. May kailangan akong gawin," utos ko. Pansin ko ang pagtaas ng kilay niya. Hinawakan ko ang braso ni Julien na mabilis niya namang hinawi. Nairita ako sa aksyon niya.

"Yah! Babayaran ko kung magkano man yang pangangailangan mo basta samahan mo ko!"

Nagsalubong ang kilay niya't hindi kumibo. Nagtitigan kami at makailang segundo lang ay malapad na ngiti ang pinawalan ni Julien at nauna pa sa'kin maglakad palabas ng silid.

"Aba!" Nakahigab akong sinundan siya ng tingin. Saglit ay nagsimula akong sumunod sa kanya palabas.

"Oy teka! Julien hindi pwede, bumalik ka dito. Babawi pa kami!" tawag ng dalawang kalaro ni Julien na nagpatigil sa akin. Pumihit ako paharap sa kanila.

"Gusto niyo bang ako ang bumawi sa inyo?" banta ko na nagpatahimik hindi lang sa kanila kundi maging sa lahat ng nasa silid ng pinakamababang section ng 3rd year senior high. Ang class 3-D



◆◆◆



"Hoy, Felice! What's the rush? Sa'n ba punta natin?" tanong ni Julien habang nakasunod sa akin.

"Sa 3-S, mangunguha tayo ng bag."

"Eh? Sa silid ng mga 'yon? Ano nanamang pumasok dyan sa kokote mo? Ba't kukuha tayo ng bag?"

Napahinto ako saka pumihit paharap sa kanya.

"Hindi ko pwedeng sabihin," tugon ko dahilan para tumigil si Julien at pumihit pabalik. Pinigilan ko naman siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Uy Julien, hindi ko pwedeng sabihin pero promise, marangal yung dahilan ko."

"Kumuha ng bag na hindi sayo, marangal?" Julien eyed me.

Binitawan ko si Julien. Pinagdikit ko ang aking dalawang hintuturo at nakangusong tumingin sa kanya.

"Oo," pa-cute kong tugon.

"Baliw ka. Huwag mo nga 'kong idamay sa kalokohan mo. Kailangan ko ng pera dahil may dahilan. Gagawin natin 'to kasi may dahilan. Hindi ako gumagawa ng bagay ng hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit ko gagawin 'yon."

Napahugot ako ng hininga. Hindi ko alam kung anong klaseng samahan ang meron kami dati pero sa isang buwan kong pagkakakilala kay Julien ay may pagkamaprinsipyo talaga siyang tao. Alam kong kapag hindi ko sinabi sa kanya ang nais niyang malaman ay kahit ibigay ko pa lahat ng laman ng wallet ko ay hindi niya ako tutulungan.

Siguro kung isang milyon? Pero hindi naman ata reasonable iyon.

Hindi naman ako nangako kay Enrico pero hindi ko pa rin ma-afford na baliin ang parang pangako ko sa kanya.

"Hindi ko talaga pwedeng sabihin pero believe me, this is for a good cause. Makakaligtas tayo ng buhay kapag ginawa nating manguha ng bag."

I'm trying my best to convince Julien.

Nagmaang-maangan siyang walang naririnig bago tuluyan ng humakbang pabalik sa pinanggalingan namin. Nagko-contemplate na ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Sasabihin o hindi, sasabihin o hindi. Sure ako na may nagaganap ng klase sa 3-S. Hindi ako pamilyar sa mga estudyante doon kaya't kailangan ko ng kasama.

Unti-unti ay nakakalayo na si Julien.

Ba't ka ba naga-alala sa magiging reaksyon ng lalaking 'yon? Magalit siya kung magalit pero dapat magpasalamat na lang siya. Saka this girl can keep a secret naman... ata?

"Si Enrico..."

Agad binalik ni Julien sa akin ang atensyon niya.

"Si Enrico?" tanong niya na punong-puno ng pagtataka at may talas ng pagkagulat, "Anong meron kay Enrico?"

Bumuga ako ng hininga.

"Si Enrico kasi inaatake ng hika, kailangan kong kunin yung gamot niya sa bag niya," tugon ko. Bigla ay lumapit sa akin si Bianca at inalog ang magkabila kong balikat.

"Baliw ka! Ba't ngayon mo lang sinabi? Nasaan siya ngayon? Sa may infirmary?" sunod-sunod na tanong ni Julien. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil sa pinaggagagawa niyang pag-alog sa utak ko. Ngayon ay siya na ang naunang naglakad habang nakasunod naman ako.

"Ayaw niya kasi pasabi kahit kanino. Nasa council room lang siya."

"Ha?! Ba't naman? Teka a, wag mo sabihing may kinalaman ka sa asthma attack niya?"

"Uy! Wala 'no! Galing kasi siya sa P.E class noong istorbohin niya ako. Pagod na pagod siya. Noong nasa SC na kami doon na. Ewan ko nga sa kanya kung bakit ayaw niya pumunta ng infirmary. Tas i-secret ko pa raw to," paliwanag ko na parang hindi pinaniniwalaan ni Julien.

"Believe me!" giit ko.

Sumingkit ang mata niya, "Okay," sambit niya saka nagsalita uli. Wala talaga siyang tiwala sa akin.

"Buti naisipan mong tulungan siya," saad ni Julien pagkatigil namin sa may harapan ng pinto ng 3-S.

"Baliw ka ba? Ako huling kasama n'on. Pag natigok 'yon sino sa tingin mo ang sisisihin? Saka kahit papaano may konsensiya naman ako."

Nakaporma kami sa tapat ng pintuan na para bang may tatambangan. Sumilip kami sa salamin sa pinto at naaninag namin ang mga estudyante na boring na nakaupo lang sa kanilang mga silya. Nagbabasa ng libro, nagsusulat o di kaya'y may binubutingting na kung ano. Nang magtama ang mata namin nung Glenn ay doon ko na pabalibag na binuksan ang pinto ng classroom nila. Lalong tumahimik ang silid ng 3-S habang nakatanga sila sa amin.

Tumayo si Glenn pati na 'yung iba.

"Felicity?!"

"Felice!"

"Miss Felicity!"

Sunod-sunod na narinig ko. Imbes na matakot ay parang natuwa pa ang karamihan sa kanila na iniistorbo namin sila.

"Anong kailangan niyo?" seryosong tanong ni Glenn ng lapitan niya kami. Ang talas ng tingin niya sa amin.

Bago ako tumugon sa kanya ay napa-ikot ang mata ko sa paligid. Wala akong kilala ni-isa sa kanila. Kinalabit ako ni Julien kaya tumingala ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Kakatapos lang namin ayusin yung gulo dito. Ngayon Felice may kailangan ka pa ba?"

Ginantihan ko si Glenn ng talas ng tingin. Iyong talas ng tingin na tipong kakaliha pa lamang at kayang makatusok ng 3 porkchop at once doon sa canteen. Imbes na matakot sa akin, ay katulad sa mga kaklase niya ang naging reaksyon niya. Nagpawala si Glenn ng isang masayang  aura.

"Kukunin ko lang yung bag ni Enrico," I answered casually.

Nagtaas ang kilay ni Glenn. Bigla naman ay may lumapit na isang babaeng kaklase nila sa'min.

"Bakit naman? Di ba dapat nasa council ka? Nasaan si Enrico?" pagtataka ni Glenn.

"Siya yung nagpakuha ng bag niya sa'kin kaya akin na dali," atas ko with nagmamadaling aksyon.

Hindi kumibo si Glenn at inusisa ako. Nagsalita naman ang babaeng nasa tabi niya.

"Hindi ka naman siguro pumunta dito at nag-isip na basta na lang namin ibibigay yung bag ni Enri sa kung sino sino? Ni hindi nga namin alam kung totoong pinapakuha niya sayo yung bag e."

Napakislot ang tenga ko sa kung paano tinawag ng babae na'to si Enrico. Nairita tuloy ako sa presensya niya. Inirapan ko siya. Hindi ko siya pinansin at si Glenn lang ang kinausap ko.

"Basta akin na yung bag."

"Anong kailangan mo sa bag niya?" tanong ng babae.

Naasar ako sa pakikiepal niya't nilingon ko siya ng masama.

"Di ka ba makaintindi? Pinapakuha nga lang sakin."

Bigla ay nanahimik siya. Parang nagulat pero saglit lang iyon dahil nagsalita nanaman siya.

"Kal-Kala mo ba mapapaniwala mo ko? Hindi ko alam ang intensyon mo," Her lips are quivering and I noticed how her hands fidgeted. It looks like nagtatapang-tapangan lang 'yong babae and I'm impressed.

Binalik ko kay Glenn ang tingin ko.

"Glenn akin na yung bag," malamig ko ng utos dahil gumagalaw ang oras. Hindi sumagot si Glenn kaya nag-init ang ulo ko.

"AKIN NA SABI YUNG BAG!"

Napabulyaw ako na ikinagulat hindi lang nila kundi pati ako rin. Sa totoo kasi ay hindi na ko mapalagay sa pag-aksaya ng oras namin dito. Bawat galaw ng kamay ng orasan ay ang paghihirap nung Enrico na 'yon sa paghinga. Nai-imagine ko 'yon at hindi ko ma-take.

"Ibigay niyo na. Nagsasabi siya ng totoo," utos ni Glenn habang nakatitig sakin.

"Pero Glenn..." sambit ng babae. 

Napakagat ako sa labi ko. Hinawakan ni Julien ang balikat ko bago siya nagsalita.

"Bigay niyo na Julian. Nagsasabi 'tong si Felicity ng totoo," aniya.

Tumingin yung Julian kay Julien.

"Ate..." sambit nito na nagpamangha sakin. Nilingon ko si Julien at tinanguan niya ako. Nang magsalita uli yung Julian ay nalipat naman sa kanya ang atensyon ko.

"Okay," dugtong niya na para bang napilitan lang. Sunod ay iniutos niyang kunin ang bag ni Enrico.

Napanganga ako sa natuklasan ko. Muli ay sumulyap ako kay Julien saka sumulyap ako sa babaeng nasa harap ko, Julian? Not entirely look alike but the resemblance is uncanny!

"Hoy, Julien kambal mo 'tong bratinella na 'to?" Dinuro ko yung Julian. Nagtakip naman si Julien ng kanyang bibig at mahinang tumawa. Habang tumatawa ay tumatango siya.

Binalik ko ang tingin sa kakambal niya at naabutan ko ang pag-frown ng mukha nito. Tinignan niya ang kanyang sarili bago tignan ako gamit ang galit niyang mukha.

"Hmmph!"

Hindi ako makapaniwala, mag iisang buwan na kaming magkakilala ni Julien pero ngayon ko lang nalaman na may kakambal siya at nasa 3-S pa.

Wala man lang nag inform!

Hinanap ko ang pagkakatulad nila pero tanging hawig lang talaga ang nakita ko. Kung hindi mo nga siguro bubusisiin talaga ay hindi masasabi na kambal sila. Karisma, style, kilos. Magkaibang-magkaiba. Isang bratinella na kikay at isang skater na boyish.

"Walanghiya ka Julien, alam mo namang nagmamadali na tayo! Dapat ikaw na kumausap dito sa umeepal mong kapatid."

Nag-frown lalo ang mukha ng kapatid ni Julien samantala ay tinawanan niya lamang ako. Binalik ko kay Glenn ang aking paningin at naabutan ko ang pag ngiti niya. Kung kanina ay winelcome niya kami ng may alarma, ngayon naman ay humupa na ito. Nakakapanghatak ang mata ni Glenn. Parang dalawang pares ito ng mga magnet na nanga-attract ng kung sino man ang madikit dito.

Naligtas lang ako sa mga mata niya ng biglang magkagulo. Sumigaw ang isa niyang kaklase.

"Glenn, wala dito yung bag ni Enrico." 

Erururu Creator

Felicity Reign Cortez visits 3S where everything is not falling into place.