NO ONE'S POV


BANG! 

Mabilis na pinuntahan ng mga estudyante ang pinanggalingan ng ingay. Sa isang silid ay tumambad sa kanila ang mga gulo-gulong upuan. Maliban d'on ay nakita din nila ang isang lalaking estudyante na nakaupo sa sahig. Nanginginig ito at mangiyak-ngiyak na nakatingala sa tangible form ng kanyang bangungot -- si Felicity.

"Subukan mong magpakita pa uli sakin at sisiguraduhin ko na pagsisisihan mong ipinanganak ka sa mundo," malamig na banta ni Felicity, sapat na para mangatog sa takot ang lalaking estudyante.

Mabilis itong naghanap ng maibibigay. Kinuha niya ang wallet niya't iniabot ito kay Felicity. Walang ano-ano nama'y nakangisi itong kinuha ng isa.

"Good."

Naglakad si Felicity papunta sa desk na pinakamalapit. Naagaw ang atensyon niya ng isang asul na bag na nakakalat sa sahig. Tinignan niya iyon at ang lalaki. Naalala niya yung bola, yung ulo niya at yung nangyari noong gabing 'yon. Nainis siya at sinipa ng malakas papunta sa lalaki ang bag.

"Bwiset! Lumayas ka na nga!"

Mabilis na tumakbo palabas ang lalaki dala ang bag. Wala naman magawa ang mga nakikiusi kundi maawa at tignan lang siya. Nang mawala na siya sa kanilang paningin ay ibinalik nila ang tingin kay Felicity. 

Felicity is now sitting on top of the desk, happily humming her own tune. Halatang gustong-gusto ni Felicity ang ginawa niya.

Classic, typical highschool bully, not. Ito ang panibagong buhay ni Felicity na ikinagulat ng lahat. Parang bumaligtad kasi ang mundo dahil sa asal niya. Ang dating pinakamabait ngayon ay siyang pinakapasaway. Kahit saan banda mo tignan ay mali ang ginagawa ni Felice pero kahit kailan ay hindi siya naparusahan. Maraming nagtatanong kung bakit, maraming nagtataka pero lahat ito ay nasasagot kapag nakita na nila si Felicity. 

Galing si Felicity sa isang political clan, apo rin siya ng may-ari ng SES. Gaya ng sabi ni Julien ay may 'bearing'. Oo't isa ito sa mga sagot kung bakit walang bumabangga sa kanya pero hindi ito ang pinakasagot. The answer is on her face. Her tantalizing eyes, long & thick eyelashes, perfect nose, and lips to match her face. Felice is undeniably pretty. She is so stunningly bewitching, her face is enough for her victims to forgive her.

Siguro hindi kapani-paniwala, pero totoo -- at least in this fic.

"Grabe pre, refined Felicity is charming but a bully one is not bad."

"What do you mean by "Not bad"?! Hindi mo ba alam na yung oras ng pagkalaglag ng anghel ko ay ang oras din ng pagbaligtad ng laman ng dictionary?! Bad is now good and cold is the new hot. Fuck. She's so good and so hot." 

Usapan ng dalawang usiserong lalaking estudyante. Masasabing ang Felicity na nakikita nila ngayon ay iba talaga sa dati. Sa pananamit pa lang ay maikukumpara na ito. Paano pa kaya sa kilos at pananalita? 

Parang isang puting rosas -- Simple pero maganda, mahinhin at magalang, na ng mahulog ay nabahiran ng mapulang tinta sa kanyang mga talulot. Nag-evolve at naging gorgeous, seductive at fierce -- isang pulang rosas.

"Hmmp! What is beauty naman if you're brain is empty. Ba't ba nandito pa kasi 'yan sa school natin?" naiinis na reaksyon ng isang babaeng estudyante na nakikiusi rin. Nagtinginan tuloy ang iba pang mga nasa paligid niya sa kanya. 

"Aba grabe ka makapagsalita a! Oy, wag mo pagsalitaan si Miss Felicity ng ganyan. Alam ng lahat dito kung ano yung mga capabilities niya meron lang talagang mga inggitera na katulad mo na sigurado ay tumulak sa kanya kaya ngayon wala siyang maalala," depensa ng isang babae na nakarinig ng statement.

"Oo nga! Saka wala lang maalala si Felicity kaya mabababa ang ratings niya ngayon," pagsegunda ng isang lalaki na kumakampi sa nagtatanggol kay Felicity.

"Hala nanisi pa 'tong mga 'to? E kung tanga talaga yung idol niyo't nadulas siya roon e. Saka walang maalala kaya mababa ang ratings?! Sabihin niyo kaya 'yang excuse niyo sa mga may sipon at may sakit tuwing kumukuha ng weekly exams. Sabihin niyo lang apo kasi siya ng may-ari ng school. Mga bulag! Makalayas na nga." Litanya ng babae saka umalis. Hinawi niya ang mga taong nakaharang hanggang sa mabunggo siya sa isang naka P.E uniform na lalaki. Napatingala siya't naabutan niya sa lalaki ang nanlilisik na ekspresyon. Natakot siya sa presensya pero bigla-bigla ay nag-iba ito dahilan para mawala ang nararamdaman niya.

"Anong meron dito? Kala ko ba sa loob lang yung gulo?" tanong ni Enrico dahilan para mapatulala ang mga nasa paligid.

Umabot sa Student Council at Disciplinary Committee ang nangyari sa silid kaya't bilang presidente ng student council  ay pinuntahan ni Enrico lugar ng komosyon.



FELICITY'S POV



Pagpasok na pagpasok ko sa school ay sinigurado ko na bago ako makapagsimula ng kahit anong klase ay dapat ko munang matapos yung goal ko ngayong araw. Ang maparusahan yung taong nagpatulog sakin. Kahapon bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang pagmumukha ng kupal at tandang-tanda ko 'yon.

Hindi ako pumasok sa first subject dahil balak kong igugol ang oras para sa paghahanap sa bwiset na 'yon. Nanggigigil kong nilibot ang malinis na hallway ng thirdfloor hanggang sa mapadpad ako sa room ng 3-S. Walang nagkaklase noong oras na 'yon pero may nag-iisang tao sa loob. Sumilip ako at natagpuan ko ang hinahanap ko.

BANG! 

Sinipa ko ang desk na pinakamalapit sa pinto ng silid. Nagulat ang taong nasa loob at napatingin siya sakin. Ikinabigla niya ang presensya ko. Hindi niya inaasahan at bigla siyang namutla at nanginig. Sigurado naman na alam niya kung ano ang pakay ko. Napangisi ako at mas lalo pang umangat ang kaba niya.

Makailang ulit kong narinig ang paghingi niya ng tawad bago ko siya masapol ng mga pinagsisipa kong mga upuan. Oops, hindi ko alam na tatamaan pala siya. Napaupo siya sa sahig at mabilis na iniabot ang sa tingin niyang kabayaran sa kasalanan niya. Hindi ko naman ito tinanggihan.

Nang lumitaw sa utak ko ang pangyayari ay parang isang soccer player na sinipa ko ang isang bag papunta sa kanya. Pinalayas ko na siya't umupo ako sa isang desk. 

Hindi lingid sa aking kaalaman ang mga tao sa labas ng silid. Sa ingay ba naman nila at sa pagka-sensitive ng tenga ko. Naririnig ko ang mga paghanga pati na rin ang mga inis isama mo na ang pangungutsa. Ayoko naman sanang manghinayang sila dahil sa hindi ko pagpansin pero sadyang wala lang talaga akong pake. 

Iba ang nasa isip ko.

"Sigh. Mamatay ng 'yan. Bakit ba hindi 'yon mawala sa isip ko?" Isa sa madami kong tanong ukol sa mga pangyayari kagabi.

Hey! Don't get me wrong! That question does not pertain to the kiss it's about what Enrico's words last night... and his actions... and the kiss... ok, yung tanong na 'yon ay para sa buong pangyayari kagabi.

Napahinto ako sa pagsipol. Hinawakan ko ang labi ko at muli'y nagbalikan ang mga eksena noong gabi at naka HD pa. Umiling ako para agad na mabura iyon sa aking isipan. Hinga ng malalim at buga.

Nagpapasalamat ako't dumating talaga si Bliss kagabi. Kung hindi siguro ay baka kung saan na kami nakarating. Sa kama, sa sahig o deretso sa langit? Ahmm. Nevermind. 

Aaminin ko noong oras na 'yon ay lutang na ko, parang hindi ko siya mapapahindian sa kung ano man ang gustuhin niya. Nang makailang ulit kong isipin 'yon bago ako matulog ay na-cheap-an ako sa aking sarili. Parang ang landi ko naman at ganoon ako kabilis bibigay kung sakali.

"Teka baka malandi talaga ako dati?"

I'm not amused by what I'm thinking. I shooked my head.

By the familiarity of the kiss, I'm assured that it wasn't my first kiss. Not a first-timer? I shivered and looked down. 

What if hindi na ko virgin?!

"Okay. Stop Felice. You're thinking too much baka lagnatin ka," sabi ko sa aking sarili.

Pinili kong wag na pakialaman sana ang nakaraan pero hindi ko matiis na hindi ko malaman kung ano ang koneksyon namin sa isa't isa, yung sinasabi niyang atraso ko sa kanya at yung huling statement niya kagabi. Nangangati akong magtanong sa kanya. Nakahanda na ko sa isang cliche na kasagutan dahil obvious naman ayon sa mga given details ang kulang na lang ay manggaling iyon sa bibig niya.

"Pero a, good job old self. I'm proud of you. At least maganda yung taste mo sa guy."

Pagkatapos kong sabihin iyon sa aking sarili ay naagaw ang atensyon ko ng isang pamilyar na boses sa labas. Pagkatingin ko sa pinto ay nandoon at nakasandal si Enrico.

Mabilis na umakyat ang dugo ko sa aking mga pisngi.

"Hindi ka talaga nakinig sa sinabi ko kagabi a," ani niya.

Inalis ko ang tingin ko at umaktong parang walang narinig at nakita.

Naglakad siya papunta sakin.

"At dito ka pa talaga sa classroom namin nagkalat," sabi niya ng makalapit na siya.

Napataas naman ang kilay ko.

Ini-scan niya ang paligid. Nakalimutan ko na ito nga pala ang section niya. 

Ang class 3-S, ang pinakamataas na section sa buong 3rd year. Followed by 3-A, 3-B, 3-C at 3-D. Ang 3-S ay binubuo ng top 25 students, ang 26-50 ay sa 3-A, ang 51-75 ay sa 3-B and so on. A totality of 125 students, ganon din sa ibang year level. 

"Bakit? Sino ka ba para pakinggan ko? Magulang ba kita? Boyfriend ba kita a?" 

Naningkit ang mata niya at hindi siya kumibo. Much to my disappointment.

Bumaba na ako sa desk.

"I should excuse myself. May klase pa kasi ako," sabi ko.

Suminghal siya't tinitigan ako. Napatingin ako sa mata niya't bigla na lang ay na-awkward-an ako. Nakita niya ang reaksyon ng mukha ko't napalitan ng ngisi ang ekspresyon niya.

"Aalis ka pagkatapos mong gawin lahat 'to?" Nakataas na kilay niyang tanong.

As expected ay ito ang sasabihin niya. Inayos ko ang sarili ko bago sumagot sa kanya.

I huffed, "Bakit? Balak mo 'kong isama sa council kahit na wala namang mangyayari? Hindi niyo rin naman ako mapaparusahan. Well, sige ba, sasama na lang ako kung gusto mo kesa naman mag-stay ako sa boring na klaseng 'yon."

Yumuko siya at ngumisi saka humawak sa kanyang kaliwang sentido.

"Ba't ano bang iniisip mo na dapat na mangyari?" nakangisi niyang balik sakin, "Maliban sakin ay nasa gym lahat ng members ng student body," dugtong niya.

"So?" Nakataas kilay kong tanong.

"Sigh. I know you're dumb but it doesn't mean that you always need to act like one." 

Nilapit ni Enrico ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. Nakiliti ako nang lumapat sa balat ko ang mainit niyang hininga pero napalitan iyon ng pangingilabot ng mabulong niya na ang ibubulong niya.

"Ano bang gusto mong mangyari? Kung gugustuhin mo pwede nating ituloy yung kagabi," senswal niyang suhestiyon na nagpatalon sakin palayo sa kanya. Nag-init ang mukha ko't tinawanan niya iyon. Nainis ako't di ko maiwasan ang manggigil. Napadaop palad ako at handa ko na siyang sapakin pero mabilis ay kinuha niya ang kamay ko.

"Manyak ka," nanggagaliti kong sinabi. Mas ngumisi pa siya.

Binalak kong alisin ang kamay niya pero ang higpit ng kapit niya. Napatingin ako sa may labas at nakita ko ang mga reaksyon nang mga usisero. Nang samaan ko sila ng tingin ay nilihis nila ang kanilang mga mukha.

Bigla ay hinila niya ako papalapit sa kanya. 

"Ano ha? Promise sasagarin ko. Game?"

Mabilis ay sinikmuraan ko siya gamit ang free hand ko.

Oww! Reaksyon ng mga nasa labas.

"Ouch!" reaksyon niya. Napayuko siya't napahawak sa sikmura niya.

"Siraulo ka a!" sabi ko. Narinig ko naman ang biglang paglakas ng ingay sa labas. Siguro dahil sa pagkagulat at pagka-curious sa kung bakit ginawa ko 'yon sa student council president nila.

"Weak!" dugtong ko bago ako mabilis na naglakad paalis sana para takasan ang galit niya pero pag-apak ko sa may pinto ay bigla na lamang na may parang pader na humarang sakin. Katulad ni Enrico ay naka P.E uniform din ito. Mahigit isang ulo ang tangkad niya sakin at kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya.

Inabot ko siyang nakayuko't nakatingin sakin.

"Felice, maaari bang sumama ka sakin sa disciplinary committee?" nakangiti niyang sabi. Magre-react sana ako nang bigla na lang ay hilahin ako ni Enrico.

"Nah, Glenn nag-usap na kami, ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Enrico. Parehas kami ay nakatingala sa lalaking nasa pinto.

Aminado akong gwapo si Enrico pero hindi maitatanggi na mas gwapo 'tong nasa harapan ko ngayon. Tall, dark, manly and handsome kumpara kay Enrico na kasing height ko lang at may may pagka maputla ang complexion. Hindi ko namalayan ang pagtitig ko sa mukha ng nasa harapan ko hanggang sa biglang humigpit ang hawak ni Enrico sa'kin.

"Aray!" reaksyon ko sabay tingin kay Enrico. Naniningkit ang mga mata niya. Nagsalubong ang kilay ko at inirapan ko siya bago ibalik sa lalaki ang aking paningin.

Ngumiti? Ngumisi ang lalaki kay Enrico bago lumingon sakin at hagudin ang buhok niya mula noo hanggang batok. Bigla ay parang naramdaman ko ang hangin dahil sa aksyon niyang 'yon pero di katulad sa iba ay malugod ko itong tinanggap.

"Oh I see, pero Enrico, hindi mo naman siguro nakakalimutan na sakop namin yung mga gan'tong issue di ba? I did let the council handle her for agreed reasons pero dahil sa wala naman kayong nagagawa, maybe it's time for us to butt in." 

Hindi kumibo si Enrico at binitawan ako. Para bang napakadali at sinurrender niya na ako. Tinignan niya ang lalaki na nagngangalang Glenn ng walang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Hoy 'wag mo subukang pasamahin ako dyan. Sayo ako pumayag," pagtututol ko. Nakita ko ang gulat sa mata ni Enrico. Bigla naman ay tumawa ang lalaki. Tinignan ko siya ng masama dahilan para tumigil siya.

That guy heaved a sigh afterward.

"Okay. Sige, last na 'to, pagbibigyan ko ang prinsesa pero sa susunod asahan mo na na ang DisCom na ang hahawak sayo. Hindi na namin pwedeng palampasin yung mga kaguluhang ginagawa mo Felice," sabi niya sa akin saka sunod na tumingin kay Enrico.

Hindi umimik si Enrico pero nakita ko ang faint smug sa kanyang labi. Nagsasabi ito na para bang nagwagi siya sa isang laban na hindi ko alam kung ano. 

Tinignan ko ang Glenn mula paa hanggang ulo. Naabutan niya ang pag usisa ko. Tinarayan ko siya kagad ng tingin dahil baka isipin niya pa na- type ko siya.

"Sige na. Babalik na ko sa P.E class natin. Ie-excuse na lang kita kay Sir." Pumihit patalikod si Glenn at umalis. Kagaya ng ilang usisero ay naka-stick sa broad shoulders at biceps ng lalaking 'yon ang aking mga mata. 

He is such a hottie, a hunk. I looked at my side, at Enrico. From head to toe I compared. He's a hottie too but not that hunk of a type. More of a flower boy. I rolled my eyes. I did say I have good taste but after knowing that such a kind of guy exists at this school, I felt a bit disappointed. 

"May girlfriend na ba siya?" 

"What?!"

"Kung may girlfriend na siya tanong ko."

Nag-tight ang ekspresyon ng mukha ni Enrico at muli ay hinawakan nanaman ang kamay ko. Mabilis niya akong hinila palabas ng silid at naiwan ang mga usisero na nakatingin lang samin.

◆◆◆




Pagpasok na pagpasok namin sa council room ay mabilis na sinara ni Enrico ang pinto at parang unan akong itinapon sa isa sa mga couch sa center ng silid. Umupo naman siya sa couch na kaharap ko. Mukhang wala siyang balak na gawin talaga yung sinabi niya kanina. Napahinga ako ng maluwag. Nakatingin ako sa kanya't nagaabang ng kanyang sasabihin pero tanging ang masamang tingin niya lang ang rumesponde sakin. Nagsawa ako sa titigan namin kaya't inalis ko ang tingin sa mata niya. Napakunot ang aking noo ng mapansin ko ang paraan ng pag-upo niya. Normal kasi sa lalaki ang bumukaka o kaya ay nakadekwatro pero siya ay tinalo pa ang pagiging babae ko.

Kanina pa kami magkasama pero ngayon ko lang nabigyan ng pansin ang appearance ni Enrico. Siguro dahil sa natural sa kanya ang mukhang malinis, mukhang presko pero gaya noong kagabi ay mga butil na naman ng pawis ang namuo sa kanyang mukha. Ang buhok niya naman ay basang basa rin ng pawis. Sunod ay binaba ko ang aking tingin sa may chest part niya. Hindi naman fitted yung gray na tshirt pero dahil sa sobrang basa ay parang naka-glue itong dumikit sa katawan niya. Malalim din yung paghinga niya.

"Anyare sayo? Ba't pagod na pagod ka ata?"

Parang kumausap lang ako sa pader dahil tanging pangi-snob lang ang tinugon niya sakin.

"Hah! 'Wag mong sabihin na napuruhan ka talaga sa pagsuntok ko sayo?" I laughed, "Ang hina mo naman."

Bigla ay nagtalas ang paningin niya.

"Tumakbo kami sa field ng 3 laps," masungit niyang paliwanag.

"3 laps lang tapos ganyan ka na kagad? Ang lamp-- haha. Wala." Napahinto ako sa aking sasabihin ng bigla ay magdilim ang ekspresyon niya.

"Pakialam mo ba?! E kung napagod ako e. Tas dumagdag ka pa. Kunsumisyon!" 

"Sungit naman nito. E kung hindi mo ba ako pinapakialaman e di sana bawas 'yang konsumisyon mo," rekomendasyon ko na nagpabitter sa mukha niya.

Tumayo siya sa couch at pumasok sa wash room. Nagsara siya ng pinto.

"OY! PRESIDENT! ANO PALANG GAGAWIN KO DITO?!" sigaw ko. Hindi siya sumagot.

Napahikab ako siguro dahil sa katahimikan. Inihiga ko ang aking sarili sa couch na aking kinauupuan. Walang magawa ay napatulala na lang ako sa maputing kisame ng silid hanggang sa marinig ko ang mapwersang pagbukas ng pinto.

Hindi ko iyon tinignan pero pinto iyon ng washroom. Mabigat pero mabagal na yapak ng sapatos ang aking narinig hanggang sa magulat ako ng palitan ng mukha ni Enrico ang kisameng aking tinitignan.

"Felicity..." Nanghihinang tawag sakin ni Enrico ng bumulaga siya sa paningin ko. Bigla ay namula ako. Wala siyang pantaas kaya't kitang kita ko ang glossy niyang pangangatawan dahil sa pawis. Napalunok ako ng malalim.

"Anong pro--"

Napaupo ako at magre-react sana ng bigla na lang ay bumaligtad siya sa may sandalan ng couch pabagsak sakin.

"Enri--! Oy! Ano! Teka! Ang bigat mo. Hhnngg." Pilit kong tinutulak at inaalis sa ibabaw ko si Enrico. I gave my very best but still it's not enough. Tuluyan siyang bumagsak sakin at naipit ako.

"Fe-lici-ty," sambit niya. His face leaning on my right shoulder. Naramdaman ko ang mas paglalim ng paghinga niya. 

"Oy? Ano bang... ano bang problema mo?"

Dahil sa bigat niya at pag-ipit sakin ay hindi ako makagalaw ng maayos. Humanap ako ng paraan. Hinila ko ang aking mga kamay na nakapwesto sa matitigas niyang dibdib at abs. Napahinga ako ng malalim. Ipwinesto ko ito sa may likod niya paakap. Naramdaman ko ang sobrang panlalamig ng likod niya gayundin ang pawis niya.

Is he sick?

"Enrico, may sakit ka ba a?" Agad kong tanong. Bigla ay nakiliti ang leeg ko. Naramdaman ko kasi ang paglapat ng labi niya pati na rin ang pagngisi niya.

"Sa-kit? Baliw. Wala ko n'on. Sa mababa mong art class iapp- iapply yang yang imagination mo a," mayabang niyang sabi kahit na naghahabol na siya ng hininga.

"Punyeta! Ang gago mo nagtatanong ako ng maayos a. Umayos ka nga! Umupo ka," utos ko na hindi niya sinunod. Sa halip ay mas lalo niyang idiniin ang sarili sakin saka malokong tumawa.

"He-he."

"Damn! Hindi ako nakikipaglokohan a. I'm not acting dumb right now! Ang lamig mo, masama ba pakiramdam mo a? Saka PLEASE umayos ka na. Yung pawis mo dumidikit sakin. Kadiri!"

Sa paggalaw ng kamay niya ay akala ko na magsisimula na siyang umayos pero hindi pala. Bigla ay naramdaman ko ang paghalik ng labi niya sa leeg ko at ang pagyakap niya sakin.

Kinilabutan ako at kumabog ang dibdib ko.

"Be-lieve me. I'm-I'm not sick. I'm cold because we are not yet doing it. Di ba nag-promise ako kanina?" 

Nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Nangitngit ang ngipin ko at parang biglang gumana ang adrenaline ko. Nagawa ko siyang itulak, ang masama lang ay nasobrahan ata ito. Tumama siya sa may arm rest ng couch at nalaglag ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan sa sahig.

"Ow god," nasambit ko ng makita ang kalagayan niya. Mabilis ay hinila ko si Enrico pabalik sa couch. Lumala ang panlalamig niya pati ang pagpapawis ang masama pa ay namutla siya. Hindi siya nakadilat ni hindi kumikibo. Nataranta ako sa sitwasyon kaya't pinakinggan ko ang puso niya

Bigla ay niyakap niya nanaman ako. Hindi ko na ito inintindi.

"Ayos ka lang ba?" 

"Sa tingin mo?" 

"Sorry. Pero kasi e. Ano? Gaano na kasama pakiramdam mo?"

"Tsk. Masyado ka ata kung makapag-alala sakin." 

Hindi ko alam pero parang natamaan ako sa sinabi niya. Hindi na lamang ako kumibo.

"Don't worry. Asthma attack lang 'to. Kailangan ko lang yung gamot ko," sabi niya.

"Asthma? Asthma. Anong huwag akong mag-alala?! Nasaan yung gamot mo? Kukunin ko."

Ang hirap niya sa paghinga, panlalamig ng likod pati na rin pawis. Sa pangangatawan niya ay hindi mahahalata na may hika siya.

"Wait. Mas mabuti kung pumunta na lang tayo ng infirmary. May nebulizer sila doon di ba?" sabi ko na mabilis niyang tinanggihan.

"Hindi pwede!" Bulalas niya na nagpagulat sakin.

"Ayoko. Basta pakikuha na lang yung inhaler ko sa may classroom. Yung jansport na blue, sa may wallet d'on." 

Bago ako lumabas ng council ay pumunta muna ako sa may wash room at kinuha ang pamalit niya na hindi niya nagawang maisuot. Nagmagandang loob na akong isuot sa kanya ang tshirt. Nang palabas na ako ng silid ay nag salita siya.

"Huwag mong subukang sabihin sa iba yung sitwasyon ko." Nanghihina pero ma-pride niyang sinabi.

"Paano yung members ng council?"

"Hindi sila pupunta dito. May klase."

Tumango ako at may sinabi siya na hindi ko narinig.

"Huh?"

"Bilisan mo," masungit niyang utos.

"Opo," matabang kong reply.


♦♦♦

A/N:

YAY, NA-UPDATE KO 'TO. LOL. For now, habang ginagawa ko ng maigi yung LOVECON (Tatapusin ko muna isulat bago ko-update) ay ito muna yung isa sa ia-update ko. Yep, isa sa. Nasa peak na kasi ng plot 'yong LOVECON kaya hindi ko siya pwede i-update ng basta-basta dahil baka may mga makalimutan ako hehe. Anyways, kung nagbabasa kayo ng LOVECON, Felice and Enri already appeared there and maga-appear pa sila doon sa future chaps. Katulad ng note ko sa previous chap, sinimulan kong isulat 'tong M(D)N1 noong 2011/2012. Panahong nag-start mauso yung ebooks pero dahil sa school work kaya hindi ko natuloy. Kung mapapansin niyo rin halos same pa ng V1 ng LOVECON yung style ko sa chap na 'to kasi nag-start pa lang ako magsulat nito. Hindi ako mahilig magbasa dati ng novels, more on manga kaya maiksi pa ako mag-describe dito haha. Ngayon, sa mga latest chap ng LOVECON umaabot na ng 4k yung words ko (which I know is not ideal for a novel pero haha ganun po talaga ako magsulat). From 2011 to 2022, time flies and yep, I'm an adult now, nasa working class na nga e pero writing is my hobby kaya kahit papaano natutuloy ko itong mga stories ko... kapag may free time huhu.

Sana may free time uli ako next week para makapag-update uli ako. Thanks for reading :)

Erururu Creator

It's just a normal day for Felicity Reign Cortez aka SES' fallen princess. Kicking chairs, throwing butts, and receiving warnings from people of the Disciplinary Committee and Student Council... not until someone needs to take his inhaler.