FELICITY'S POV

White sealing.

Pagkadilat ko ng aking mga mata ay ang puting kisame ang una nitong nasilayan. Balak ko sanang ilibot ang aking tingin sa paligid para i-identify kung nasaan ako pero bigla na lang sumakit ang aking ulo.

Aww! Shit my hea--

Napahinto ako at napatingin sa kaliwa.

Hahawakan ko kasi sana ang aking ulo pero natigilan ako ng maramdaman kong may parang nakapigil sa aking kamay.

"O, you're awake," isang boses ng lalaki ang narinig ko. Nang luminaw ang paningin ko ay nagulat ako sa kung sino ang aking nakita. Si Enrico Dela Costa. Firm ang ekspresyon niya... at gwapo. Nagtaka ako. Tinignan ko siya ng masama bago ilipat ang aking paningin sa kamay niya.

I cleared my throat to signal that he is holding my hand. Base sa ekspresyon niya ay doon niya lang din na-realize na nakahawak pala siya sakin. Nahuli ko ang flustered niyang mukha pero agad ay inirapan niya muna ako saka binalik ang una niyang ekspresyon. Dahan-dahan na inangat ni Enrico ang kamay kong hawak niya at ibinato ito papunta sakin. Nanlaki tuloy ang mga mata ko dahil sa aksyon niya. Tinitigan ko siya ng masama bago ko iangat ang itaas na bahagi ng aking katawan para umupo.

"Bakit ikaw yung nandito? Bakit mo hawak ang kamay ko? May ginawa ka ba sakin a?" masungit kong mga tanong.

Tumayo siya at nagpakita ng pagkairita. Sumuksok siya ng kamay sa kanyang bulsa at naglabas ng panyo.

"Binilin ka sakin ni Ma'am Cariso,  kailangan niya na kasing umuwi," pahayag niya habang pinupunasan nang maigi sa harap ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin kanina. Lumapit siya sa isang maliit na table sa dulo ng kama at kinuha ang bote ng alcohol.

I huffed at his action pero minabuti ko nang palampasin 'yon.

"Pambihirang nurse 'yan, ito na nga lang gagawin hindi pa magawa. Hindi niya ba naisip na paano na lang kung manyak ka."

Enrico glared at me, "Alam mo ba kung anong oras na ngayon?" tanong ni Enrico. Tumingin ako sa may orasan at sinagot siya.

"Wah? Alas-dos na uli? Teka a, wag mo sabihing kahapon pa ko tulog dito?!" namamangha at gulat kong naitanong dahilan naman para mapalingon siya sa orasan.

Humawak siya sa kanyang noo.

"Not that. Sira pala yan. Wala ka bang relo? Look outside the window."

"It's dark," sambit ko. "Hell, of course I can tell if it's day or night pero paano ko naman malalaman yung exact time?"

"Okay princess, It's already 7:45 pm, gabi na at kailangan nang umuwi ni Ma'am Cariso para sa mga anak niya. Ako na lang ang hihingi ng tawad kung nakasama man sayo yung pakiusap niya sakin pero sana maintindihan mo, para sa mga bata. Hindi naman siguro kasing kitid ng utak mo yung puso mo di ba?"

Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib at napanganga sa kanya.

"Woah! Wow a, ang taray!

"Ba't ano bang tingin mo sakin a? Oo na, naintindihan ko," pagsisigurado ko.

Kinapa ko yung ulo ko at inalala yung pangyayari kanina. Oo't siguro gusto ko pang matulog pero hindi sa ganoong paraan. Nakakabwiset. Kaya pala sila nagsisigawan. Sisiguraduhin ko talaga na mananagot yung gumawa noon.

"Oy, hindi mo naman siguro balak na paghigantihan yung gumawa sayo niyan di ba?" Tanong ni Enrico habang nakatingin siya sa akin.
Inalis ko ang kumot na nakalagay sakin at bumaba ako ng kama.

"Galing a, paano mo nalaman?" 

Sumama ang mukha niya.

"It was an accident kaya 'wag ka nang magbalak."

"I will make it an accident too so no worries," sabi ko habang sinusuot ko ang aking sapatos.

"The guy was really sorry for what happened. Alalang-alala pa nga siya na baka kung ano ang mangyari sayo. You don't know how he wanted to stay here until you wake up para makapag-apologize kaya pwede bang palampasin mo na?"

"Of course I won't know, pinatulog niya kaya ako. Anyway, dahil sinabi mo e di aalamin ko bukas," katwiran ko before giving him a big smile. Maglalakad sana ako palabas ng bigla akong pigilan ni Enrico.

"Hindi ka pwede umalis."

Tinignan ko siya ng masama.

"Tsk, at bakit naman hindi?"

"Sabi ni Bliss susunduin ka raw niya dito pagtapos ng practice nila. 8:00 I think? Hintayin mo na lang siya at baka magkasalisi pa kayo."

"Pero nakakainip kaya," reklamo ko.

"Stay. Iyon yung bilin niya sakin kaya PLEASE makinig ka pwede?"

Huff.

Bumalik ako sa may kama at doon umupo habang nakasandal naman si Enrico sa may pader malapit sa pintuan. Hindi niya inaalis ang masamang tingin sa akin at ganoon din ako. Katahimikan ang bumalot sa loob ng infirmary at tanging yung mga mata lang namin ang nag-uusap.

Ilang minuto ang lumipas ng maalala ko yung balak ko sa Enrico na 'to. Sisimulan ko na sana ang pag iimbestiga ng bigla na lang siyang gumalaw sa pwesto niya at naglakad paalis.

"Oy, Enrico saan ka pupunta?!" Naaalarma kong tanong ng humawak siya sa door knob ng infirmary.

Saglit siyang napahinto bago sumagot sakin.

"Mukhang bored na bored ka na kasi kaya mas maganda siguro kung puntahan ko na si Bliss," sabi niya at saka sunod na nagbukas ng pinto. Napababa naman ako sa kama dahil sa aksyon niya.

"Oy! Iiwanan mo ba ako mag-isa dito? Paano na lang kung may manyak na estudyante, teacher o guard na dumaan dito?!"

"Don't worry, no one will dare to touch you," saad niya bago umapak palabas. Mabilis naman akong tumakbo para pigilan siya.

"What if mag brown out? 'Wag ka na umalis, malapit na naman e. Kung gusto mo umalis isama mo ako o ako na lang ang aalis. Basta 'wag mo ko iwan mag-isa dito."

Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Enrico. Nakatitig siya sakin at hindi umimik. I removed my hand from his arm when he step back inside the infirmary.

Bumalik ako sa kama at umupo.

"Are you sure about this? Kanina lang sabi mo manyak ako tapos ngayon hinahayaan mo akong mag-stay dito," nakangising sabi niya.

"Okay sorry na. Saka hindi ko kaya sinabi na manyak ka. Ang sabi ko '"Paano kung manyak ka?"."

"What if manyak talaga ako?"

Bigla akong natahimik sa sinabi niya pero mabilis din akong natawa.

"You're the student council president so I'll just consider that they did vote you because you have good morals."

"Hmm, hmm. Okay kung iyon yung paniniwala mo e pero, you sure? I mean, iyon lang yung dahilan ng konklusyon mo sa'kin? You don't even know me well... malay mo sa likod ng tingin ko sayo e hinuhubaran na kita."

Kinilabutan at na-bother ako sa sinabi niya. Alam kong hindi 'yon totoo at nangaasar lamang siya pero syempre hindi ko maiwasan maging di komportable. Napalunok ako ng malalim. Pinili ko na lamang na ibahin ang usapan.

"Heard that you were bullied before."

Napansin ko ang biglang pagsingkit ng mata niya pagkatapos marinig ang statement ko. Nakatitig siya sakin ng matagal bago napabuntong hininga at sumagot.

''Yeah, I was at sinisigurado ko na hindi na mauulit 'yon," he answered firmly  .

"Grabe naman 'to makatingin. Wala pa naman akong atraso sayo ngayon a... ba't meron ba dati?"

"Nagtanong ka pa kung may atraso ka talaga? Oo, meron at ikaw yung may pinakamalaking atraso sakin."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Oww, ganun ba. Haha, sensya na wala kong maalala e pero sa totoo lang curious talaga ako kung bakit ka na-bully, kung ba't kita binully? Hindi kasi kapani-paniwala."

Hindi niya ako sinagot at inalis lang ang tingin sakin. Lumapit naman ako sa kanya.

"Paano ba kita binu-bully dati? Siguro tinatawag kitang bakla? Kahit athletic ka kasi parang anlambot mo pa rin kung kumilos saka ang haba ng pilik-mata mo." Nilapit ko ang aking mukha kay Enrico para pagmasdan ng maigi ang mata niya pero agad ay lumayo siya sa akin.

"Lampa kaya? Pero... impo-sib-le na--."

He suddenly glared at me.

"Wait, did I hit it? May tumatawag talaga sayong lampa? Wimp?"

"Banggitin mo pa ulit, mananagot ka talaga sakin," banta niya.

Napangisi ako at napahalakhak. Sa sobrang tuwa ay napahawak na ako sa aking tyan.

"Lol. Sa tingin mo ba matatakot ako? Kung ganon, siguro display lang 'yang pangangatawan mo no? And mahina ka talaga kaya tinatawag kang lampa? Lampa. Lampa."

Dumuduro ako sa dibdib ni Enrico ng bigla niyang tampalin ang aking kamay. Suminghal siya at dahan- dahang lumapit sa akin. Kahit na pansin ko na ang galit niya ay hindi ako tumigil sa pang-aasar.

"Lampa, lampa, lampa."

Sobrang lapit niya na sakin pero hindi ako natinag. Ewan ko ba at enjoy na enjoy akong asarin siya. Paulit-ulit ko pa ring binanggit yung sinabi niyang wag kong susubukan hanggang sa mapatigil ako ng kunin niya ang aking kamay.

Ouch!

"Di ba binantaan na kita?" Galit niyang sabi na ikinagulat ko. Saglit akong napatanga sa kanya bago ko maramdaman ang sakit na dulot ng higpit ng paghawak niya. Nasasaktan ako kaya't sinubukan kong alisin ang kamay niya ngunit hindi ko ito magawa.

"Ba't hindi mo ata maalis? Kala ko ba lampa ako a?" saad ni Enrico ng ilapit niya ang mukha sa mukha ko. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Teka! Ano- stop. Ang, ang pikon mo naman..." I struggled to say while tilting my head away.
Napaatras ako dahil sa close proximity pero sa bawat pag atras ko ay ang pag abante naman niya. Napatigil ako ng mabangga ko ang isang kama.

"E? Ikaw yung gumawa ng sitwasyon na 'to tas ngayon susuko-suko ka na? Look at me and say it again."

Napansin ko ang biglaang pag-husky ng boses niya. Naguluhan ako.

"Say what? Na lampa ka? Masokista ka ba a?" Balik ko, still looking away from him. Humigpit pa lalo ang hawak niya pero hindi na iyon masakit. His thumb started to caress my palm at ewan dahil bigla akong nag-panic ng dahil lang doon.

"STOP!" Nasigaw ko.

"Stop what?" Malamig niyang tanong. Bigla ay hinawakan ng free hand niya ang pisngi ko at iniharap ang kanina'y nakalihis kong mukha sa kanya. Sa pagharap ko ay iba sa kaninang Enrico na kausap ko ang tumambad sakin. Para bang nanggaling sa isang marathon ang Enrico na nasa harapan ko. Ilang butil ng pawis ang namuo sa mukha niya at dumadampi sa mukha ko yung init ng hininga niya. Mabango naman infairness pero sa lalim ng paghinga niya ay para bang may kung anong nakabara sa lalamunan niya.

"Sabihin mo uli," utos niya na hindi ko maintindihan.

"Sabihin mo uli!" Bulyaw niya na ikinatalon ng puso ko sa isang banging malalim. Nangatog ang binti ko pero sigurado akong hindi dahil sa takot. Ngayon ko lang ito naramdaman kaya hindi ko maipaliwanag.

"Gusto kong marinig yung boses mo. Sabihin mo yung pangalan ko Felicity. Sabihin mo "Enrico", "Enrico", sabihin mo," he said almost pleading. Biglang nagbago ang ekspresyon niya na ikinataka ko. Iyong mahigpit niyang hawak ay biglang lumuwag at ngayoy hinihipo na ang bawat bahagi ng aking kamay.

"Felicity," banggit niya sabay ngiti na para bang uhaw na uhaw.

I shivered at Enrico's actions. The close proximity of our faces, his hot breath. His whole being right now intoxicates me. I can't move at bigla na lang akong nahirapan din na huminga. His action is unpredictable. Galit siya di ba? Ganto ba siya magalit? I tried my best na ilihis ang mga mata ko sa kanya pero nasakop na ng pagmumukha niya ang area ng vision ko.

"Bakit ka lumalayo a?" He asked softly pagkahawak niya sa baba ko.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ni Enrico na nakahawak sakin. Hindi, na-realize ko na simula pa lang pala na hawakan niya ako ay nanginginig na 'yon. Para sakin ay isang senyales ang reaksyon niya na mahina talaga siya. Balak ko na sana siyang labanan pero nag-iba ang titig ng mga mata niya.

"Please say my name," he plead again but now his eyeballs became very dark and deep. Lumala ang naramdaman kong kaba sa dibdib ko. Inabante niya ang katawan niya hanggang sa ang matirang space na lang ay 1 inch sa pagitan ng mga mukha namin.

Teka! Teka! Is this guy serious?!

Um-adjust ako patagilid pero napatigil ako bigla. We're so close at bawat galaw ng isa't isa'y nagre-result sa pag-rub ng katawan namin. Doon ay na-realize ko na something is bumping in my lower half at siguro nga ay tama yung sinabi ni Julien kanina.

Bigla tuloy nag-init ang mukha ko.

"Wait! Enrico. Enrico... please stop. I won't, hindi na kita aasarin kahit kailan kaya itigil na natin 'to."

Natataranta na ako habang pilit siyang tinutulak.

"No we can't. Not this time. Hindi ngayong yakap na uli kita," he said.

Inilipat ni Enrico sa aking likod ang kaninang kamay na nakahawak sa braso ko. Nabibigla ako sa mga ginagawa niya kaya mas pwinersahan ko pa ang pagtulak pero habang ginagawa ko 'yon ay may biglang nag-sink in sakin.

Inulit ko sa utak ko yung huli niyang sinabi.

Hindi ngayong yakap na uli kita...

Yakap na uli kita...

uli...

"Enrico, anong ibig mong sabi--"

Gusto ko siyang tanungin pero di ko na nagawa. Bigla ko na lang naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Laking gulat ko sa aksyon niya kaya hindi ako nakapag-react.

Light and soft, iyon ang physical na naramdaman ko. Saglit lang dahil inalis niya rin agad ang labi niya. Naiwan akong nakatanga pero ng ngumisi siya ay nakaramdam ako ng pagkairita. Napangitngit ako pero bukod doon ay wala na kong magawa. Lumunok ako. Para bang nanuyot naman ang lalamunan ko pati ang bibig ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Kinakabahan ako pero may isa pang feeling na gustong mangibabaw. Na kapag mangibabaw ay sa tingin ko ay magiging dahilan ng aking pagkalusaw.

"Are you making fun of me?!" Gigil kong tanong pero iba ang sinagot niya. Hinalikan muli ako ni Enrico at hindi na iyon katulad ng kanina.

"I knew it, you need me," saad niya pagkaalis ng kanyang labi. Biglaan naman uminit ang aking mukha. Kailangan ko ngayon ng hangin ngunit may kailangan pa ako na iba na hindi ko malaman kung ano.

"Wha-What do you mean?"

"If only we both realize it sooner..." saad ni Enrico na hindi ko maintindihan. Sa lagay ng mga sinasabi niya ay parang kausap niya lamang ang sarili niya. 

"Enri--"

I tried to stop him pero hindi nga siya lampa.

Noong una ay nagpumiglas pa ako pero naubusan na rin ako ng lakas. Hindi ko maintindihan... nauubusan ako ng lakas kahit na parang nabibigay niya yung kailangan ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na para bang sumusunod sa kung anong gusto niya.

He's nibbling my lips...

HE'S NIBBLING MY LIPS! I freaked out inside.

Is this my first kiss? Hindi ko alam ang sagot pero yung feeling, yung sensation. Pamilyar at... hindi ko maiwasang ma-amazed. Don't get me wrong! I'm amazed at the familiarity and not because of the kiss! Of course, I hate what's happening but my body felt the opposite. I don't like the idea of my mind losing over my body so again I resist at his action pero bigla niyang hinila ang katawan ko. Tumigil na siya sa paghalik at niyakap ako.

I felt a lot of butterflies inside my stomach. Yep, kanina nandyan na sila pero nagsiliparan sila ng yakapin ako ni Enrico at maramdaman ko ang init niya.

"Mahal kita Felice, sana hindi na bumalik yung mga alaala mo," narinig kong sabi niya na ipinagtaka ko. Titignan ko sana siya at tatanungin pero bli-nock muli ng labi niya ang takbo ng utak ko.

Nang marinig ko yung sinabi niyang mahal niya ako ay aaminin kong biglaang tumibok ng matindi ang puso ko. Para bang isang switch yung salitang iyon para tanggapin ko ang emosyon ni Enrico kahit na wala akong maintindihan sa mga pinagsasa-sasabi niya.

Like the long-awaited ray of sunshine during cold days. Like a spark every time I plug my phone charger wrong. Warm and electrifying. Too hot for my body to handle. Too shocking for my nerves not to crack. Too good, too hot, too sweet I think I fly but I melted and this was a clear defeat. I let myself be mixed and be drowned by whatever feelings he has right now. I followed him and moved along with his rhythm. Obviously, I am enjoying what I think now is a sweet punishment but then a sudden knocked at the door made the both of us to stopped.

Tinulak ko si Enrico sabay punas sa aking labi. Sa lalim ng aking paghinga ay para bang tumakbo ako ng sampung ikot sa track field. Napuno ng hiya ang mukha ko.

Lumayo naman si Enrico. Humugot siya ng panyo sa chest pocket niya saka pinunasan rin ang kanyang labi. Malagkit niya akong tinignan dahilan para mag-init ang pisngi ko. Ngumisi si Enrico, isang nakakasuya na ngisi na dahilan naman para mababaan ako sa aking sarili. Naglihis na lang ako ng mukha.

Muli ay tumunog ang pinto. Binuksan na ito ni Enrico.

"Ate!" Bati ni Bliss sabay agad na dumeretso sakin. Pumasok siya ng para bang walang Enrico sa paligid. Maliban sa shoulder bag niyang nakasampay sa kanyang balikat ay dala-dala niya rin ang back pack ko.

Kinuha ko ang aking bag para hindi na siya mahirapan.

"Ate, sorry medyo late ako. Nag-isang ikot pa kasi kami e," paliwanag niya.

"Okay lang," nakangiti kong balik. Hinimas ko ang bunbunan ng aking kapatid at ngumiti siya ng abot tenga.  Bliss is my precious younger sister. She's my baby and the most important person to me in this whole world.

Nang dumating si Bliss ay hindi ko na ginawang tignan pa si Enrico. Sigurado kasi ako na kapag tinignan ko siya ay may mabubuong ekspresyon sa mukha ko. Natatakot ako sa kung anong ekspresyon 'yon at sa kung anong iisipin ni Bliss pag napansin niya 'yon.

Nagpasalamat si Bliss kay Enrico at tuluyan na kaming na umalis. Sa labas ng school gate ay nandoon ang isang malaking van na nag aabang samin.

A/N:

Sinulat ko 'to 2011, kasabay ng LOVECON. Naalala ko kakabasa ko lang ng matured na novel n'on and na-apply ko iyon dito... HAHAHA. Medyo graphic yung details kaya ni-edit ko ngayon (March 13, 2022). Second novel 'to na isinulat ko, pero mas inuna ko yung LOVECON (which is my 3rd). Kung nagbabasa kayo ng LOVECON, nag-appear na roon si Enrico & Felice, & si Arianne (LOVECON's main heroine) ni-describe na 'yong dating itsura ni Enrico.

Erururu Creator

Felicity Reign Cortez, the fallen princess, met the person who intrigues her only to be kissed and be intrigued more.