FELICITY's POV

June 23, 20XX. One month na ang lumipas simula ng magising ako. I'm in a school named Southern Elite School aka S.E.S located, of course, in the southern part of General District.

According to Bliss... Bliss, my younger sister. This school is special solely for the superachievers, for the talented, and elites.

A reason why I'm wondering that someone like me is here.

Alas-dos ng hapon, Filipino ang klase at ang lumanay ng boses ng teacher. Mahina ang usad ng hangin at nababalot ng init ang paligid -- tahimik pero ito ang sigaw na siesta time na. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ilang minuto ata ang lumipas bago maalimpungatan ako nang dahil sa malakas na hampas na narinig ko at sa parang pirasong tumama sa ulo ko.

Ano ba 'yon?! Inis kong iniangat ang aking ulo na nakapatong sa desk. Minulat ko ng maigi ang aking mga mata at parang biglang tumigil ang oras. Napalingon ako sa buong paligid at lahat ng kaklase ko'y nakatingin sa last row, sa tabi ng bintana, seat no. 25, ang pwesto ko. Isinalubong ko ang aking paningin sa kanila at nagsipagyukuan naman sila.

"Magandang umaga binibining Cortez," nakangiti na bati ni Ms. Asaytona. Tamad na tamad ko namang iniangat ang kaliwa kong kamay bilang pag responde sa kanya.

"Good morning din po Miss," malamya kong tugon.

"Naging masarap ba ang tulog mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

Nang mag-ekis ng mga braso si Ms. Asaytona ay napalingon ako sa stick na kanyang hawak. Katulad ng kanyang boses ay malumanay din ang naging mga apak niya papunta sa aking pwesto.

"Nakaidlip nga lang ako Miss e," katwiran ko sabay pag-reflex ng aking bibig para humikab.

"How unlady like," sa isip-isip ko.

"Dalawampu't dalawang minuto at tatlumpu't isang segundo. Sigurado ka bang nakaidlip ka lang?" tanong niya saka itinutok ang dulo ng kanyang stick sa may panyo ko.

Mabilis ko itong kinuha para punasan ang aking bibig.

"Woah! Miss you really counted it. Amazing!" reaksyon ko habang mabagal na napalakpak. Dahil dito ay sumama naman ang mukha niya. Nagulat ako ng biglang simbilis nang liwanag ng kidlat na humampas sa aking desk ang kanyang stick bago ko marinig ang maingay na tunog nito.

Whew! Napahinto ako at napatakip ng tenga.

"Ilang beses ko bang sasabihin na bawal ang Ingles sa aking klase?"

Maging madaldal ka na nga raw sa klase ni Ms. Asaytona pero wag na wag mong subukang suwayin ang mga patakaran niya kung ayaw mong humataw kung ano man ang hawak niya.

"Hindi ko maintindihan Binibining Cortez. Hapon na ngayon at ayon kay Ginoong Valderama at Ginang Santos ay natulog ka rin daw sa klase nila," pareklamo niyang banggit.

"Lagi ka bang gabing- gabi na natutulog? Ano bang pinagkaka-abalahan mo at inaabot ka ata ng madaling araw? "

"Naglaro lang po kami ni Julien."

Naglipatan ng tingin ang aking mga kaklase sa opposite na dulo ng row ko. Natawa ako ng makita ang nanlaking mata ni Julien dahil sa gulat. Napahawak siya sa kanyang noo bago ako lingunin ng masama. Nilipat niya ang kanyang mga mata kay Miss este Binibining Asaytona. Wala siyang magawa kundi marahas na huminga at tumango sa aming guro.

"Kung ganoon, bakit hindi natutulog si Binibining Martinez sa klase ko?"

"E nakatulog kasi siya Ma'am sa kalagitnaan ng game!" giit ko.

Bumalik si Ma'am sa harap at umupo sa silya niya. Napansin ko ang saglit na reaksyon ni Ma'am. Ang pagpikit ng mga mata niya, mahigpit na hawak sa stick at pag-close fist ng kanyang free hand. Hindi naman ako manhid para hindi ko mapansin na nagpipigil na lang siya.

Nagbuntong hininga si Ma'am at nang mapakalma ang sarili ay binitawan niya ang stick. Tinabangan niya ako ng tingin at hindi siya kumibo. Tumayo siya at magsusulat sana sa board pero napatigil ng magsalita uli ako. Hindi ko kasi maiwasang mangasar.

"Di ba may Galarian Ponyta ka Mam? Pa-trade naman."

Nilingon niya ako ng masama.

"Tigilan mo ako Binibining Cortez."

Nangiti ako.

"Eh? Sige na, gusto ko 'yon e."

"F."

"What?"

"O gusto mo P," nilingon ako ng masama ni Maam.

"Di ko gets," sabi ko.

"Gusto mo ng Ponyta? Sige, F, F ang makukuha mo sakin."

Napanganga ako at sinundan lang siya ng tingin.

"YOU, MS. CORTEZ WILL RECEIVE AN F IN MY CLASS." 

◆◆◆ 

"Pambihira, ano na namang pumasok dyan sa kokote mo?" Julien groaned out of frustration.

Natapos ang klase ni Ma'am Asaytona ng maaga pa sa normal niyang oras. Habang wala pa ang susunod na teacher ay lumabas si Julien na agad ko namang sinundan.

"Hey, okay lang ba sayo 'yon? You will get an F?" dugtong niya na hinalakhakan ko.

"Oh yes, of course. It's because I'm fabulous, right?"

Ouch. Isang malutong na pitik sa tenga ang tumugon sa akin.

"Sira. F, Failed, Falpak! Ponyta ka!" mariin niyang sabi.

"Baliw. Fassing 'yon saka Fasado," natatawa ko namang depensa.

Tumigil si Julien sa paglalakad at tinignan ako. Dahil sa aksyon niyang 'yon ay napatigil din tuloy ako.

"Umayos ka nga. Gusto mo bang ma-kick out?!"

Napanganga ako dahil sa pagka-concern niya.

"Whatever." I rolled my eyes.

Mabilis na umangat ang kamay ni Julien pero agad ko rin namang nasalag iyon.

She huffed, "Nevermind. Ba't ko nga ba iniisip na maki-kick out ka. Nakalimutan kong ikaw pala si Felicity," she said while raising her imaginary white flag.

"Heh," I smug, "Tadadadan! And that's what F means -- FELICITY!" I added.

Her face immediately went flat. Well, maybe not amused by what she heard.

"FUCK you! Ayon ang F! Lintek ka, 'wag ka na uulit a," she reacted while raising that fucking sign in her right hand.

I pouted. Magpapaawa pa sana ako sa kanya pero natigil ako ng marinig ko ang tinig ni Ms. Asaytona

"Mr. Dela Costa, pwede bang pumunta ka sa faculty pagkatapos ng klase niyo."

Papasok na kami ni Julien ng washroom ng marinig namin siya. Na-usi ako kaya titignan ko sana si Miss pero sa lalaking kausap niya ako napalingon.

Sumagot ng "Opo" yung lalaking kausap ni Ma'am. Nang ialis niya ang kanyang tingin kay Miss ay nagpang-abot naman ang mga mata namin.

Agad ay siningkitan niya ako ng mata sabay nag-irap.

Napataas ang kilay ko.

"Hala? Anong problema non?" tanong ko na tinawanan ni Julien.

Hindi ko maintindihan ang lalaki na 'yon lalo't wala pa naman akong ginagawa sa kanya pero in fairness... may guts siya na irapan ako.

3 to 4 pm, huling oras ng class session bago mag-uwian. Julien and I walked out of the school building because I asked her to skip the class. A month passed and everything around is still new to me. The hallway, the classrooms, buildings, gardens, teachers, students, and classmates. Not a bit trace of familiarity. Kung memories and experiences ang batayan sa kung ano ang ugali ng isang tao, then I wonder what kind of those I have before for them to say that I'm different now from the way I used to be.

I'm Felicity Reign Cortez, 17 years old, 3rd year senior high student. May amnesia ako and aside from common sense ay wala na akong matandaan na iba pa.

Two weeks makalipas ng first day of class ay nagulat na lang ako ng malaman ko na may monicker pala ako, Felicity aka "Fallen Princess".

Isang araw daw, araw ni St. Valentines ng may malaglag na estudyante mula sa music room sa may 3rd floor. Salamat na nga daw dahil kahit na nagkatama-tama siya sa mga sanga ng puno ay iyon naman ang dahilan para bumagal ang paglaglag niya at mabuhay. Walang nakakaalam kung bakit at paano siya nalaglag. Dineduct na nga raw ang ano mang uri ng katangahan sa mga ispekulasyon dahil imposible raw iyon. Though may natira naman daw na mga kapanipaniwala ay mananatili lamang ang mga iyon na ispekulasyon din hangga't walang patunay.

Kung iisipin, literally, I did fall pero hindi 'yon yung dahilan kung ba't ako naturingan na "Fallen Princess".

"Ano bang problema sakin ng Enrico na 'yon?" Nakakunot kilay kong tanong bago ko ihiga ang likod ko sa pinong mga bermuda grass.

Kasalukuyan kaming nakatambay ni Julien sa gilid ng football field.

"Nagtanong ka pa talaga kung bakit e salot ka dito sa school," sagot ng magaling kong kaibigan sa akin habang sinusundan niya ng tingin ang bolang sinisipa-sipa ng mga naglalaro.

Napaupo tuloy ako bigla dahil sa sagot niya.

"Woah! Wow, a?! Ang harsh mo naman. I thought I'm a saint here?"

Naka-focus at punong-puno ng enthusiasm ang mata ni Julien habang pinapanuod ang laro. Nang isipa ng kasalukuyang may dala ng bola ang bola ay napa 'aja' pa siya pero sa kamalasan ay napigilan ng goal keeper ang pagpasok ng bola sa net.

"Sayang" sambit ni Julien bago nanunuyang tumingin sakin.

"Santa? Tsk, kung alam lang nila. Oo, Santa ka, Santa Santita," Julien spouted while eyeing me from head to toe.

"Hah. Grabe, ewan ko nga e kung bakit nagulat pa sila sa ugali mo e kung tutuusin... " she fadingly said.

"Kung tutuusin, ano?"

Nakaramdam ako ng inis ng hindi pansinin ni Julien ang tanong ko.

"Kung tutuusin, ano nga?" naiirita kong ulit. I earned a not so interested expression from her before she answered my question.

"Kung tutuusin ang dami mo ng inagrabyado," ani niya.

"E? Kala ko naman kung ano. Parang iyon lang?" tanong ko.

"Anong parang iyon lang?!"

"So you can talk about aggravating?" nanunubok kong tanong.

Julien glared at me while biting her inner cheek.

"Yes, I can. Ba't may dahilan ba para wala? This bitch. You're lucky because you're Felicity Reign Cortez. You're maybe the biggest idiot now but your name still has a bearing that's why no one dares to correct your wrongdoings," she answered maybe out of annoyance.

Nginitian ko siya.

"Am I being preached?" I asked playfully.

Julien rolled her eyes.

"No. Wala akong balak. Gusto ko lang sabihin na naranasan ni Enrico na maagrabyado kaya galit siya sa mga tulad mo na bully.

"Ganon?"

Hindi na siya kumibo.

Hindi ko naman maiwasang magtaka sa sinabi ni Julien. Hindi kasi kapani-paniwala na makakaranas ng pambu-bully yung lalaking 'yon. He's the student council president, the popular type - sexy, handsome and intelligent. Sa katunayan nga ay isa siya sa mga halos bukambibig ng mga malalanding babae sa school kaya nakakapagtaka tuloy kung sa'n bang part ng pagkatao niya siya na-bully.

"Wait. Are you saying that he's small down there?" I whispered.

Mabilis na pitik sa noo ang naramdaman ko.

"Ouch! Hoy! Namumuro ka n--"

"What the fuck? What are you talking about?"

"About him being bullied! Yung reason kung bakit," I insisted.

Bigla ay parang natigilan si Julien. Para siyang isang video sa internet na huminto at hirap mag-load. Nagba-buffer kumbaga. Ilang segundo siyang nakatanga bago mag-process sa utak niya ang tanong ko.

"His big down th-- I mean, I don't know! Puta! How will I know?! Yah! Saka hindi naman 'yon yung dahilan kung bakit siya na-bully. Sira!"

Lol, this girl. Boyish mother of curse who can't even handle a single green topic. By green, I mean natural, earthly!

"Ang slow a... owwkay, kung hindi 'yon then ano yung dahilan?" tanong ko habang hinihimas ang aking noo.

Nilipat ni Julien ang tingin sa nagaganap na laro sa field. Nasa kaninang team uli ang bola at ginagawa nila ang lahat ng paraan para makapuntos. 15 minutes na sa tantsa ko ang lumilipas simula ng mag-stay kami dito at nananatili pa ring 0-0 ang nasa score board.

"Boring~"

Yawn. Hindi pa yata sapat ang pag-idlip ko sa klase ni Ms. Asaytona at ngayon ay napapahikab na naman ako. Binalik ko na lang ang tingin kay Julien para hintayin ang magiging sagot niya bago pa man ako makatulog.

"I can't tell."

Tsk. Okay, e di wag.

"Kung gusto mo talaga malaman e di ikaw mismo ang umalam. Pffft. Ang masasabi ko lang ay hindi lang ikaw ang nagbago," dagdag niya na nagpatanga sa akin.

Kahit kailan ay hindi pa kami nakakapagusap ni Enrico. Sa tuwing pinapapunta ako sa student council room ay iyong parang maiihi na na vice president ang humaharap sakin. I don't care about Enrico before pero ngayon, a part of me find him interesting. He is the student council president. Kapag nalaman ko yung kahinaan niya ay pwede ko siyang pasunurin sakin. Cash cow, human atm, bank service - he can be one of those things.

I gave up on Julien. Alam ko na wala akong mapapalang sagot sa kanya kaya ako na mismo ang maghahanap noon. Tumayo ako at sumulyap sa kanya saka sa mga naglalaro. Hindi ko alam kung ano bang meron sa larong football o maski sa kahit anong sports at nagsasayang sila ng lakas para doon.

Sino bang may gusto na mapagod? Tss.

I groaned out of annoyance ng magsigawan yung mga nanunuod sa game. Masyadong feel na feel ni Julien yung laro kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Habang naglalakad ako papaalis ay mas lalo pang naging intense yung sigawan. Feeling ko ay napaka OA na nung ibang sigaw o tili na naririnig ko kaya nairita ako at na-curious sa kung sino mang gumagawa ng ingay na 'yon. Titignan ko sana ang dahilan pero sa halip na makita ay masakit palang ipapadama ito sakin.

"Felice!"

Aww! I felt it on my head. My eyes wandered on the surrounding for a couple of seconds before it went black.

"FELICE!!!"

Erururu Creator

Felicity Reign Cortez, the fallen princess is once again on the ground... knocked out by a ball.