NO ONE'S POV

"Sato, what are you doing here?" pagtataka ni Jerome ng makita ang kaibigan sa labas ng school gate. Sunod ay sinipat niya ang paligid. Madalas itong may kasama na kapwa niya taga WES ngunit ngayon ay nag-iisa.

"Ahh.. You heard about Arianne's audition... sa SOMA mamaya?" tanong ni Sato kasabay ang paghawak sa kanyang batok.

Kakatapos lamang ng unang araw ng selebrasyon ng Buwan ng Wika sa NIA. Umaagos palabas ng eskwela ang magkahalong masaya at pagod na mga estudyante. Ang mga ngiti at hapo nila ay nasisinagan ng kakaibang kulay kahel galing sa papalubog na araw. Nagsilbing bitamina para mapawi ang mga negatibong enerhiya at mas maging positibo ang nalalabing oras ng araw.

"So gusto mong samahan kita pumunta sa audition ni Arianne?"

Napatitig saglit si Sato kay Jerome bago  marahang tumango. Iniabot niya sa kaibigan ang isang itim na helmet.

"How about the gang? Wala ka atang kasama na iba ngayon?"

"I asked them not to come. Ayoko kasing ma-distract si Arianne."

Namilog ang bibig ni Jerome, "I see... Actually I didn't know that you have something with Arianne a," Jerome nudged Sato's shoulder then laughed before wearing the helmet.

Sinuot rin ni Sato ang kanyang helmet bago siya sumakay sa kanyang motor.

" Nakalipas na 'yon at ni-reject niya ako. I'm going there to support her as a friend. Kung nakilala mo si Arianne dati, super mahiyain talaga niya kaya hindi ko akalain na mago-audition siya bilang model. This is a breakthrough for her and I think that fellow, your friend Aldred contributed a lot to her development."

Sumang-ayon sa pamamagitan ng pagtango si Jerome sa narinig, "Kung ganoon, masasabi ko sa'yo na hindi lang si Arianne ang nagbago. Even si Aldred nag-mature. Love... alam kong hindi ka fully maga-agree kung sa akin galing pero marami talagang magandang naidudulot ang pag-ibig," nakangiting saad ni Jerome.

"I never condemned love. Yung tao, iyong tao na alam naman na sa simula yung plano mo sa buhay pero hindi man lang iyon inisip. Yung tao na aware naman sa sitwasyon pero makasarili. Iyon yung dahilan kung bakit hindi ko tinanggap yung pag-ibig na pinasok mo," saad ni Sato habang mahigpit na naka-ikot ang dalawang kamay sa handlebars ng sinasakyan. Unti-unti pang napapahigpit ang kapit niya sa magaspang na rubber ngunit agad din iyong nagluwag dahil sa sumunod na reaksyon ni Jerome.

"Please don't hate her," Jerome's soft tone pleaded. A moment of silence, he noticed how Sato's shoulders moved. He then heard a sigh before the sound of the motor's engine growled which made him wondered. Sato loves his motorcycle so much he always give time to check it, clean it or send it to a repair shop whenever something is not right.

Hearing an unpleasant sound coming from it is really unusual.

Babanggitin sana ni Jerome sa kaibigan ang kanyang napuna pero muling tumunog ang makina ng motor. Maingay dahilan para mapalingon sa kanila ang mga dumaraan na estudyante. Maingay pero hindi iyon ang narinig ni Jerome dahil kahit mahina ay mas nanaig ang mga salitang nanggaling sa bibig ng kaibigan.

"I will not because I can't. As much as I want to, I can never let myself to hate Bianca anymore," saad ni Sato bago tuluyang paandarin ang kanyang motorsiklo. Lumapat ang hangin sa kanilang mga balat. Dala nito ang mga salitang hindi naiwan sa kanina nilang kinape-pwestuhan. Sa utak ni Jerome ay umikot ang ilang bagay. Nakapamilog ang titig ni Jerome sa likod ng kaibigan. Kung may x-ray vision nga lamang siya ay nakita na niya ang hindi normal na kph ng puso ni Sato. At kung nasusukat din ng radar speed gun ang takbo ng damdamin ng mga driver ay baka nahuli na sila.

Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi ni Jerome. His heart felt relief though there's also sadness at the same time. If his conclusion is right, then his heart is convinced to let go of the only reason that is giving him second thoughts.

Magmula ng makita ni Sato ang lumuluhang si Bianca ay nag-iba ang takbo ng puso niya. Nag-u turn ito pabalik sa mga tanong na ipinukol niya noon sa pag-ibig na naramdaman ni Jerome at isiniwalat sa kanya. Habang nakahiga at nakatulala sa ceiling ng kanyang dorm room ay paikot-ikot at ulit-ulit ang isipan niya. Kinukumpara ang naramdaman niya noon kay Arianne at sa kasalukuyan niyang nararamdaman para sa kaibigan nito. Pumikit siya pero agad ding dumilat ng lumitaw ang itsura ni Bianca sa kanyang isipan. Malinaw na hindi kapani-paniwala. Lahat ng anggulo, walang pixelated kahit sa pinakamaliit na detalye. Humawak si Sato sa kanyang dibdib at dama niya ang kabog nito. Kabog na sumakop sa buong weekend niya dahilan para hindi niya magawa ang kanyang mga normal na gawain. Magdasal - nagkandabulol-bulol siya; Iabot ang inuming tubig kay Father - yung ginamit sa paglinis ang naiabot niya at nainom nito; Ipa-check ang kanyang motor - nakalimutan na niya. Gusto ni Sato na makasigurado sa nararamdaman pero wala namang dahilan para magkita sila ni Bianca kaya ng malaman niya na mago-audition si Arianne ay nagbakasakali siya na kasama nito ang babaeng nagpapagulo ng damdamin niya.

"Sato, are you--" Agad na tatanungin sana ni Jerome pagkababa niya nang makarating sila sa kanilang destinasyon ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin ay narinig na niya ang kasagutan.

"I think I'm in love with Bianca," saad ni Sato pagkaalis niya ng kanyang helmet. Iyong sinag ng araw ay tumama sa kanyang mukha.

"Okay lang naman di ba?"

Tunog ng mga sasakyang dumadaan, ingay ng tugtugin sa mga establisyimento, halakhak ng mga tao sa paligid. Masaya ang kapaligiran ngunit habang ang liwanag ng sikat ng araw ay tumatama kay Sato, naiiwan naman ang anino nito sa pigura ni Jerome.

"Mas maigi," tanging nasambit ni Jerome. Nakangiti siya ngunit hindi ito umaabot sa mata niya. Nababasa naman ni Sato ang reaksyon niya at naiintindihan niya ito.

"If God permits, I promise I will never hurt her."

ARIANNE'S POV

"Arianne do this!" Ipinakita sa akin ni Pristine ang screen ng kanyang phone na may larawan ng isang babae na naka-bizarre pose. Pagkakita ko ng picture ay nilipat ko sa kanya ang walang gana kong tingin. Nakangiti siya ng malaki. Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa ba ako na "normal" na siya dahil gusto kong bumalik yung katahimikan kapag hindi siya nagsasalita.

"O kaya ito babe," sunod ay sumingkit naman ang mga mata ko patungo sa direksyon sa tabi ni Bianca. A sexy pose, of course it came from Noreen.

Napabuntong-hininga na lamang ako, "Tigilan niyo nga ako," sabi ko bago sumandal sa puno. Kasalukuyan kaming nandito sa not so Secret Spot na anymore dahil nandito na rin si Noreen.

Kakatapos lamang namin mananghalian. Sulit lahat ng mga nabili namin sa canteen kahit na kaunti lamang ang nakain ko. Wala akong appetite dahil sa pag-iisip sa mangyayari mamaya ngunit nang makita ko ang pag-aalala ni Bianca at Pristine ay mas pinili kong sabihin na iniiwasan kong mag-bloat ang aking tyan. Kinuha ko ang aking cellphone saka binuksan ang youtube para mag-search kung ano bang nangyayari sa isang modeling audition. Nag-start ako manuod ng isang video pero ng sumabay na magsalita si Noreen ay pinili kong makinig sa kanya.

"Pero ano nga bang nangyayari sa modeling audition?" Inosenteng tanong ni Pristine kaya tumayo si Noreen at nag-explain.

"Miss Pristine, Bianca and Babe let me, the knowledgeable Noreen Imperial share my knowledge to all of you about what happens during a modeling audition," Yumuko si Noreen at kumuha ng sapin-sapin. Kinagat niya ito, ngumuya at nang ilulon ay nagpatuloy magsalita. Pansin ko ang paglunok ni Pristine bago um-extend ang braso niya patungo sa katulad na kakanin.

"Normally, models or those aspiring to be one has this so called set card. A set card is like a compilation of your photos in different angles and poses and attires. It is a card that is sent to an agency whenever you're applying to become a model. But since Arianne is asked personally then I don't think she need to make one or ..." Biglang natigil si Noreen. Tumitig siya sa akin at biglang pumalakpak, "Ah wait no, maybe you need it Babe! Yes! Arianne needs it! We need to make a set card for you Arianne, sakto dala ko yung cam ko! You can pose how many times you like, I won't complain."

Naningkit ang mga mata ko. I know where this is going. Kukunin pa sana ni Noreen ang camera niya pero bago pa ako makareklamo ay may lumipad na na tinidor papunta sa kanya.

"Itutuloy mo ba o hindi?" Asked Pristine, straight face, dahon na lang ng sapin-sapin ang hawak niya. Ilang na pagtawa ang ibinalik ni Noreen habang hagikgik naman ang narinig kong reaksyon ni Bianca.

"O-Okay, co-continue tayo sa actual audition hehe... They will ask you to show your walk, try on clothes and they will take snapshots in different angles. You really need to prepare some poses Arianne because they will ask you to move through few poses each time they shoot."

Sabay-sabay kaming napapatango nina Bianca at Pristine habang nakikinig kay Noreen.

"I do some photoshoots for cosplays... kind of same but still different pa rin," saad ni Bianca na tinanguan ni Noreen.

"Modeling audition don't take time and only last for a few minutes because they know what they are looking for. There are usually three outcomes; rejection, invitation for second casting at syempre good outcome... Actually this is a surprise for me na may audition ka pala Babe. Normally kasi iri-ring ako ng koneksyon ko kapag may audition na magaganap e or is it because you are special? Baka formality na lang 'yang audition. You are really sought by them after all."

"Formality? Nope, I don't think so though masasabi ko na special audition yung mangyayari. Dalawa lang kasi kaming inimbita na mag-audition and kung sino yung mapipili ay makakasama ni Aldred and Natalie sa project nila," paliwanag ko na ikinagulat nila.

"Wait, what?! Nat is involved?"Gulat na tanong ni Noreen, "Walanghiyang babae 'yon mukhang tinago niya 'to sa akin a hmmp," gigil na saad ni Noreen, "Anyway, setting that aside, dalawa kayo? Kilala mo kung sino yung isa?"

Tumango ako, "Yup, si Amanda."

"What? Si Amanda?"

"Amanda? Aldred's friend right? Arianne I think you really need to study... After meeting her I search Amanda and she is like a pro already in that field before she went here," Bianca said to me. Worry is written all over her face.

"Yea, if it's Amanda then you really need to prep and ace up your game Arianne. She's a freelance model in states."

Bigla ay tumayo si Bianca at Pristine. Pareho sila ay nakatingin sa akin. Sa isang iglap ay nasa loob na kami ng isang bakanteng classroom at sa isang iglap ay naging magkasundo si Pristine at Noreen. May ipinakitang larawan sa akin si Bianca mula sa kanyang cellphone. Pansin ko ang pagtutok sa akin ni Noreen ng kanyang camera pero ng aapela ako ay sinita ako ni Pristine.

"Aya, hindi ako papayag na hindi ka prepared mamaya," saad niya sabay kasabay ang pag-flash ng camera ni Noreen.

"Hehe sorry," pagpapaumanhin niya kuno na sinamaan ko ng tingin.

ALDRED'S POV

"Iyan yung play..." Mangha kong nasambit nang mapalingon ako sa isang malaking TV sa loob ng pinasukan naming silid. Sunod ay napalingon ako kay Natalie at kahit siya ay gulat ang mga mata.

"Yup, and a great one. The both of you were amazing ," Tumayo yung lalaking blonde at mukhang foreigner mula sa sofa. Napatingin ako sa kanya, sa tasa ng kape na nasa table sa harapan niya at sa malaki pang lamesa sa gitnang dulo nitong silid.

"What floor is this again? The highest floor of this building?" Tanong ko sa aking sarili hanggang sa magsalita si Sir Roel.

"Good morning po Mr. President. Ito nga po pala yung mga alaga ko, si Aldred at Natalie," Pagpapakilala ni Sir dahilan para mapatindig ako ng maayos. Agad naman kaming kumilos ni Natalie para bumati rin at magpakilala.

" Wow! So aside talent, both of you are also aesthetically out of the norm league in person. Nice Roel for discovering them, the fact that it was an impromptu performance. Iho, Iha, you're both promising."

Parehas kami ni Natalie na napalingon kay Sir Roel at naabutan siyang proud na nakangiti.

"Maupo kayo at nang mai-discuss natin ang future ninyong dalawa," sunod na sabi ni President Lawrence.

🔶🔶🔶

ARIANNE: Good morning din :)

Napabangon ako bigla nang ma-receive ko ang reply ni Arianne. Hindi ko man siya makita ng personal ay agad kong na-imagine ang ngiti niya dahil sa emoji na ni-send niya. Dahil doon ay hindi pa man sumisikat ng mataas ang araw ay nauna ng nagliwanag ang umaga ko. Masaya akong umalis ng kama, humuhuni akong naghilamos at nang tignan ko ang aking sarili sa salamin ay daig ko pa ang naligo ng ilang beses dahil sobrang aliwalas ng aking mukha.

Na-amaze ako kaya nag-strike ako ng kung anu-anong pose sa harap ng salamin - counter pose, hair swipe, casual, handsome pose... Natigil lang ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon saka sinagot ang tumatawag na si Sir Roel.

"Good morning po Sir, napatawag ka?"

"Good morning Aldred, may importante kasi akong sasabihin, okay lang ba na hindi ka pumasok ngayon?"

Napaisip ako bago tumugon, " Hmm. may event kami sa school, Linggo ng Wika... wala naman akong participation kaya sa tingin ko okay lang. Bakit po sir?"

"'Yon, nice! Punta ka ng Manila, sa main. May idi-discuss kami about sa future ng career mo,"

" Sa main?" Medyo nag-buffer ang pag-iisip ko kung saan ang tinutukoy niya, " Sa SoEnt?"

"Yup!"

Lumabas ako ng aking silid para magpaalam kay Mama pero bago pa ako bumaba patungong kusina ay napalingon muna ako sa pinto ng dating kwarto ni Arianne. May ilan-ilan pa siyang gamit doon na nabanggit ni Tito kagabi na babalikan nila kasama si Arianne upang pormal na ring makapagpaalam sa amin. Halos magdadalawang buwan lang siyang nag-stay kasama namin pero parang napakarami ng nangyari. Tahimik si Arianne, hindi siya mahilig lumabas ng silid pero kahit ganoon ay parang tumatagos ang presensya niya at umaabot sa silid ko. Sa tuwing lumalabas naman siya at nagkikita kami ay para bang senyales kagad iyon na magiging makulay ang araw ko. Mami-miss ko si Arianne, sobra, yung makapal at minsang ruffled niyang buhok, orange na samyo, bibe na pajama at malambot na tinig. Nakakalungkot na hindi ko na madalas na masisilayan ang mga iyon pero naiintindihan ko naman kung bakit, para iyon sa kapakanan niya.

Hinayaan akong magdesisyon ni Mama kaya ito ako ngayon at bumyahe patungong Manila ng mag-isa. Dalawang oras akong nakaupo sa bus, kalahating oras na bumyahe sakay ng jeep at halos isang oras na naglakad at naligaw hanggang sa makarating ako sa lugar na may matatayog na building. Pagkapasok ko ng SoEnt ay ni-welcome kagad ako ng receptionist, para bang anticipated niya ang pagdating ko. Ni-instruction-an niya ako kung saan ako pupunta. Sumunod ako sa mga sinabi niya. Diretso, kanan, sa may lounge. Nakita ko ang magarbong sofa set kung saan ako pinaupo muna ng receptionist. Habang papalapit ako doon ay di ko maiwasang ikutin ng tingin ang paligid at mapaisip.

"For my future career huh..."

Ang SoEnt ay isang kompanya na kilala sa pagpo-produced ng mga big stars ng bansa - actors, singers, bands, idols, personalities, etc. Hindi ako mahilig manuod ng TV kaya hindi ako masyadong pamilyar sa kung sino-sinong sikat ang mga hawak nila pero yung fave kong idol/artist group na A2C at syempre si Ate Candice ay ilan sa mga pride ng SoEnt.

Nagbabakasakaling makakita ng mga artista para ipagmayabang kay Monique ay naagaw ang paningin ko ng isang pamilyar na pigura. Kung hindi ko siya kilala ng personal ay baka napagkamalan ko nga siyang artista rin. Nagkakalikot siya ng kanyang cellphone bago mapalingon sa akin.

"What are you doing here?" Parehas ang naging katanungan namin ni Natalie sa isa't-isa.

Nang dumating si Sir Roel ay nidala niya kami sa pinakamataas na bahagi ng SoEnt, sa President's room. Narinig ko na ang pangalan ni President Lawrence sa SOMA pero ngayon ko lang siya nakita at personal pa. Yung features niya ay foreigner overall pero yung pananalita niya ay Pilipinong-Pilipino. Umupo kaming lahat at habang nag-uusap sila ni Sir Roel ay na-realized ko na despite na siya ang presidente ng SOEnt at nage-exude ng executive aura ay down to earth pa rin ang asta niya.

"For now, maigi kung workshop muna sila. Gusto kong handang-handa silang dalawa bago natin sila ilabas," narinig kong sabi ni President Lawrence dahilan para mapalingon ako kay Sir Roel.

"Workshop po? Para saan?" I asked and Natalie nudge my knee. Tumawa naman si President Lawrence.

"So ito pala yung sinasabi mo?" Nangingiting tanong ni President Lawrence kay Sir Roel. Napasingkit naman ako ng tingin kay Sir nang kumamot siya sa kanyang batok at tumango.

"It's understandable, despite his appearance you said that he is still young. Fifteen or Sixteen?" Tumingin sa akin si President Lawrence.

"Ma-Magsi-sixteen po sa September," tugon ko saka namimilog matang nitignan si Sir Roel na nasa opposite sofa namin ni Natalie.

"Mr. Aldred and Ms. Natalie, kaya ko kayo ipinatawag na dalawa dito ay dahil may nakita akong potential sa inyo. Gusto kong ilabas kayo bilang mga artista."

"Artista?!" gulat kong reaksyon sabay nakangangang nilingon ang katabi kong si Natalie ngunit magkaiba kami ng reaksyon dahil bumuga siya ng hininga.

"Hindi ka talaga nakikinig kanina ano?" tanong niya.

Tumawa si Sir Roel, "Oo Aldred, nasabi ko na rin kay President Lawrence yung pagtanggi mo noon pa man kaya ito siya at personal ng mago-offer sa'yo."

Napatitig ako kay Sir Roel, kay President Lawrence, kay Nat saka sa maliwanag na view sa labas na tumatagos sa pader na salamin.

"Nasabi rin sa akin ni Roel na you're not just a handsome face. You also excel in academics and a gifted one... but he also said that you're not yet sure of what path you'll pursue so I'm here to give you a choice."

Napatitig muli ako kay President Lawrence. Pumasok sa isip ko lahat ng sinabi niya pero hindi ko maibuka ang aking bibig para sa kahit anong itutugon. Totoo't wala pa akong naiisipang gusto kong gawin after grumaduate bukod sa makasama ko si Arianne. Wala akong ma-imagine na trabaho ko at kahit kailan, kahit na ilang ulit ng binanggit sa akin ni Sir ang paga-artista ay never itong pumasok sa isipan ko.

"He's really surprised," lumingon si President Lawrence kay Sir Roel, "Don't worry child, I don't need your answer right now about being a full time artist but I want both of your answers in this." Iniabot sa akin ni President Lawrence ang folder na kanina pa nasa gitnang mesa. Iniabot ko kay Natalie ang isa.

"It's a contract. A 2 year contract. Basahin niyong maigi iho at iha,"

Binuksan ko ang folder. Manipis lang pero ang haba ng nakatipa sa kontrata. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ko pero pansin ko ang pagngisi ni Sir Roel.

"Nahabaan ka ba Aldred? To summarize it, the company is offering the both of you a contract to not entertain other offers from other agencies."

"You mean Sir for the following 2 years, hindi kami pwedeng umalis ng SOEnt?" tanong ni Natalie habang gumagalaw ang tingin niya pababa ng folder.

"Yup," ngiting-ngiti na tumango si Sir Roel.

Imbes na basahin pa ang kontrata ay tinignan ko na lang si Natalie. Gumagalaw ang bibig niya at may faint na tunog na lumalabas dito pero hindi ko maintindihan. Seryoso niyang binabasa ang kontrata. Napatingin ako kay Sir Roel saka nabaling ang mata ko kay President Lawrence. Ngumiti siya kaya't nahiya ako't babasahin sanang muli ang nakasulat sa papel hanggang sa...

"We understand your situation as students pursuing academics and we know that education is important that's why we are offering you this contract worth 2 million, 1 million per year, P250000 per quarter to stay in SOEnt..."

Napalingon akong muli kay Natalie, "What?" Hinatak ko ang folder niya. Sinamaan niya ako ng tingin hanggang sa maalala ko na parehas lang pala kami ng kontrata na hawak.

"2,000,000... 1,000,000 per year... 250,000 per quarter," I imagined my eyes turned literally in pesos sign after I read that zeroes written in the folder that I'm holding.

"Is this real?" gulat na tanong ni Natalie.

"Yup, that's real Nat," tumango si Sir Roel.

Napanganga ako. That amount is insane lalo na't nakasaad sa contract na priority pa rin namin ang pag-aaral. Paminsan-minsan kaming tatawagin ng SOEnt at a reasonable time, there will be workshops but we will not be force, no restrictions on food and everything. In short, gusto lang nila kaming mag-stay sa kanila and we will be paid.

"Stay and paid..."

Pareho kami ni Nat na napalingon kay President Lawrence.

"Insane right? But it will be more insane for us if we lose the two of you," saad ni President at dahil doon ay nilabas ko ang ballpen sa aking sling bag. Natalie stared at me in disbelief.

"I am insane if I didn't take this," saad ko sa kanya saka pinirmahan ang kontrata. Sunod ay tinignan ko si Sir Roel, "Di ba po Sir? Hindi mo naman po 'to ibibigay sa amin kung makakasama 'to di ba?"

Ngumisi si Sir Roel sabay iling.

"Mukhang tiwalang-tiwala sa iyo yung alaga mo a,"

"Oo nga po Mr. President. Kaya bago po makarating sa kanila yung mga ibinibigay kong projects e inaaral ko po muna. Ayoko kasing magkamali at masira yung tiwala nila sa akin," sabi ni Sir, sunod ay nilipat namin tatlo ang aming tingin kay Natalie.

"Actually, this offer is really tempting sir. I may act like this pero alam kong alam mo po na may tiwala din ako sa'yo. It's just that this is a 2 year contract and I need to discuss it with my grandmother first that's why I can't have an immediate answer. Is it okay if I reply after a week?"

"It's alright iha. I will wait."

Pagkatapos ng ilang pang diskusyon ay inimbitahan kami ng Presidente na kumain sa labas pero sa kasamaang palad ay may schedule pala siya ayon sa secretary niya kaya sa susunod na lang daw kapag naibigay na ni Natalie ang sagot niya sa kontrata. Tanghalian na kaya kaming tatlo na lang nila Sir ang kumain sa labas. Pumasok kami sa isang cafe na ayon kay Sir ay dapat na matikman namin ang mga pagkain.

🔶🔶🔶

"How did you get here Nat?" tanong ni Sir Roel habang naghihintay kami ng aming mga orders.

"Taxi," simpleng tugon ni Natalie na ikinagulat naming dalawa ni Sir.

"Taxi? From your home to here? Magkano inabot ng pamasahe mo?" tanong muli ni Sir, "Bakit di ka na lang nagpahatid?" dagdag niya pa.

"I didn't asked how much the fare amounted but it was such a smooth ride so I gave the driver 1500 letting him to keep the change... ayoko, if nagpahatid ako then mapipilitan akong umuwi kagad."

P1500? That's too much. Imagine the burgers na pwede niya pang mabili kung tumulad siya sa akin na P250 lang ginastos.

"Mga RK talaga, haha. Anyways, ano't wala ka kagabi sa debut ng kap-- I mean ng pinsan mo? Hinanap kita kaya." Pansin ko na may parang ibang gustong sabihin si Sir. Tatanungin ko sana kaya lang ay may biglang nakakatakot na aura na dumikit sa mga balahibo ko.

"Nakina Nicholai ako... please don't ask any further." Parang hinugot sa north pole yung boses ni Nat. Isama mo pa yung pagsama ng mukha niya na kapag ipinagpatuloy pa ni Sir Roel ang pagtatanong ay mage-evolve siya bilang isang madugong polar bear.

"Nicholai? Oh, si Miss Porcelain doll. Do you think kapag inalok ko na uli siyang mag-model e papayag na siya?"

Umiling si Natalie, "Nich hates spotlight the most."

"Sayang naman, gusto ko talaga siya e. Her face is so mysterious, parang sa mga painting. Walang reaksyon pero kapag binasa mo marami kang konklusyon."

"Hayaan mo na po Sir si Nich. Hindi ka pa ba napapagod sa hina-handle mo. Ang dami na namin," saad ni Natalie na ikinahalakhak ni Sir Roel. Matunog yung halakhak niya pero pansin ko ang dahan-dahang pagbagsak ng tono nito.

"Actually may problema nga ako." Painom ako ng tubig ng sinabi niya iyon. Napatitig tuloy ako kay Sir, "Si Candice... we're having a problem lately sa kanya."

"Kay Ate Candice?" gulat naming reaksyon ni Natalie.

"Yup, she's full of excuses lately, out of focus din... I heard kahit sa school nagkaka-problema rin siya kaya ini-stop ko muna lahat ng activities niya."

"Did you asked po Sir kung may problema siya?" nag-aalalang tanong ni Natalie.

Sumimangot si Sir, "I already asked her several times but she always said "wala" and mag-smile like always. Nag-start lang siya magkaganon ng magka-boyfriend siya."

"Boyfriend?" Gulat na reaksyon ni Nat saka ko naalala yung kasama na lalaki ni Ate Candice noong nag-photoshoot kami.

"Ah si Jacob Elizalde!" Pagsingit ko.

"Jacob Elizalde? Isn't that a big name. He's the owner of Medicus Pharmaceuticals right?"

Tumango si Sir Roel.

Naputol saglit yung usapan ng dumating na ang dalawang waiter at ilapag sa table namin ang isang buong baked chicken, special kare-kare, side dishes at desserts. Sa dami ng pagkain ay para bang naglalaway ako. Hindi ko naman nararamdaman yung gutom kanina ngunit ng pumasok sa ilong ko ang aroma ng mga pagkain sa aking harapan ay kumulo ang sikmura ko. Hinayaan kong mag-usap si Natalie at Sir. Kinuha ko ang isang leg ng chicken saka diretsong kinagat ito. Natalie stared at me and shrugged her shoulders.

"Hindi ako makapaniwala," sambit niya saka bumuga ng hininga. Pansin ko naman ang pagtawa ni Sir Roel dahil sa reaksyon niya.

Habang kumukuha kami ng mga pagkain ay tumuloy si Sir Roel sa pagsasalita, "Iyon din yung tunay na rason kaya naghanap yung SOMA ng new models... excited na nga ako para mamaya e. Sino sa tingin niyo yung mapipili kina Amanda at Arianne?" tanong ni Sir na nagpatigil sa akin sa pagsipsip ng buto ng manok. Sunod ay naagaw ang atensyon ko ng patatas na gumulong sa sahig. Galing sa plato ni Natalie. Sabay naming inilapag sa mesa ang mga kubyertos na hawak namin.

"Wha-What time? Makakaabot po ba tayo?" tanong ni Nat.

"I don't know, sana hindi traffic mamaya pagbalik natin."

"What?! Then dapat hindi na po tayo kumain dito. Dapat nag-take out na lang po tayo," she reacted kind of violently.

"Sir, makakaabot naman po tayo di ba? I need to be by her side. Uubusin ko na lahat 'to kagad tas uwi na po tayo."

Tumawa si Sir, "Kayong dalawa. Oo makakaabot tayo, mamaya pa namang alas-syete ng gabi 'yon," saad niya.

Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming umuwi sakay ng kotse ni Sir Roel. Noong unang oras ay smooth naman ang byahe, tahimik to the point na nakapag-isip ako ng maayos ng mga sasabihin kay Mama about sa pinirmahan kong kontrata. Nakapag-isip na rin ako ng mga bibilhin once na matanggap ko ang unang P250,000 na makukuha every quarterly pero agad kong ini-ekis ang mga iyon sa aking isipan. Kailangan ko kasing maging masinop na sa pera para sa future namin ni Arianne. Sa sobrang dami ko na ngang naplano ay hindi ko napansin na kanina pa pala kami nakatigil sa iisang pwesto. Fifteen minutes? Binuksan ni Sir Roel ang bintana sa side niya ng may dumaan na nagtitinda ng tubig.

"Ano pong meron manong?"

"May nagkarambola po Sir. Limang sasakyan, grabe nga po yung isa."

Supposed to be ay expected namin na maaga pa ng dalawang oras sa sched ng audition nina Arianne kami makakarating. Sadly... I mean nakakapunyemas dahil sobrang tagal bago naayos ang gulo sa daan at dumating kami past 8 na nang gabi. Pagkababa ko ng sasakyan ni Sir ay agad akong tumakbo papasok ng agency. Doon ay agad kong nakita si Jerome at Kuya Sato, si Amanda kasama ang isang babae na nakapang-helper na uniporme, yung photojourn ng SNGS, si Bianca, si Pristine at si Arianne na nagkukuskos ng mata. Pagkaalis niya ng kanyang mga kamay sa kanyang mukha ay agad nagkasalubong ang tingin namin. Her eyes are red and teary, despite that she welcomed me with a smile.

Arianne tried hard to giggle pero sumabay rin sa kanyang reaksyon ang pagtulo ng luha mula sa kanan niyang mata.

"A-Aldred, I lost," saad niya.

Erururu Creator