ARIANNE'S POV

"Pusa kong ngiyaw ng ngiyaw Minsan ay nais na kitang ihataw ehe Pero syempre ako ay nagbibiro lang Alam mo namang ika'y aking mahal na mahal Nyaw!"

"What the heck is this?" reaksyon ni Bianca pagkabasa ng tula. Isa sa mga entry para sa contest.

"It's cute though," saad ko naman. Straight face siyang tumitig sa akin bago maagaw ang atensyon namin ng pagtuktok sa mesa na aming pinipwestuhan. Pareho kaming napatingala at napatango.

"Ano bang tagalog ng cute?" pabulong kong tanong kay Bianca pagkaalis ng schoolmate namin.

"Kyut? IDK, pero yung japanese alam ko. Kawaii~" ngiting-ngiti niyang sinabi.

"Hindi naman tagalog 'yong kyut. Filipino 'yon di ba?"

Tumingin sa'kin si Bianca. Tahimik kaming nagtitigan bago kumorteng "O" ang bibig niya. Pagkatapos ng saglit na pag-uusap ay bumalik kaming dalawa sa pagbabasa ng mga entries. Kaming dalawa ang ilan sa mga napili para maging taga-check sa isang patimpalak ngayong selebrasyon ng Buwan ng Wika. I'm not fond of Filipino subject, ganundin si Bianca kaya hindi namin alam kung bakit kami ang inilagay dito. I know I sound like I am complaining and yes I really did though only in my brain awhile ago because now I appreciate what we are doing.

"Binibining kay ganda Ika'y maihahalintulad sa sampaguita Simple ngunit elegante Busilak at mapagkumbaba Presensya mong dala ay kalinga Kaya kahit sa malayo ika'y aking sinisinta"

Inilagay ko sa pinaglagyan ni Bianca ng tula ukol sa pusa ang kakabasa ko lamang na entry. Napaisip ako kung ano ang nasa isipan ng nagsumite habang sinusulat niya ang tula na iyon... or baka hindi yung isip niya yung nagsulat kundi yung puso niya. Ang sweet kasi, para bang galing sa isang inlove na tao. Ilan pang magagandang tula ang nabasa ko bago dumating ang tagakuha ng mga nakapasa para sa susunod na selection process. Pagkaalis niya ay naiwan kaming tahimik at walang ibang magawa ni Bianca.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng Filipino club kasama yung ibang napiling magche-check ng mga entries para sa iba't-ibang contest - patimpalak para sa pagbuo ng makabuluhang poster, patimpalak para sa agaw atensyong slogan, patimpalak para sa paggawa ng prosa, maikling piksyon, etc. Tapos na kami ni Bianca kaya kung tutuusin ay maaari na kaming umalis pero ito ako't nakatulala pala sa kawalan na kung hindi dahil kay Bianca ay hindi ko mapapansin.

"YAAAAAAAA!"

Nagtinginan lahat sa pwesto namin ng biglang tumayo at sumigaw si Bianca. Kahit ako ay gulat na napatingala sa kanya. Pagkatapos niyang magpakawala ng nakakabulabog na ingay ay umayos siya ng posture at sunod na bumuga ng hininga bago umupong muli.

"Siraulo," nasambit ko saka bumuga rin ng hininga. Muli ay tumahimik sa pagitan naming dalawa hanggang sa ako na ang hindi makatiis. Tinakpan ko ang aking bibig at humikab ng pagkalaki-laki. Muli ay napunta ang atensyon ng mga schoolmates ko sa pwesto namin. Agad akong yumuko at humingi ng paumanhin.

Kahapon ay napakaraming nangyari. Anong oras na kami natulog at pagkagising namin ay lunes na, simula ng na-postponed na selebrasyon ng Buwan ng Wika. Pagkagising ay una kong tinignan ang aking cellphone. I got three messages, all from the people who are important to me.

ALDRED: Good morning Arianne 😊

Tinugunan ko rin ng kaparehong bati si Aldred. Sunod ay nag-reply din ako kay Mama at Papa bago ko ginising si Bianca.

Bumangon kami ni Bianca sa bahay ng mga Vicereal na naroon na ang aming mga kagamitan. Bumangon kami na wala pa rin si Natalie at wala na sa kanyang kama si Pristine. Pagkababa namin patungong dining area ay hindi ko alam kung ano ang mga nasa pagkain para makita naming puno ng sigla si Pristine na para bang hindi siya umiyak ng gabalde kagabi.

"Good morning Arianne, Bianca, sorry hindi ko kayo ginising. Ayoko kasing maistorbo ang tulog niyo," bati niya habang nakaupo siya sa hapag. Ngumiti siya ng nakakasilaw dahilan para pareho kami ni Bianca na sumakit ang mga mata. Hindi sumakit ang mga mata namin dahil sa silaw kundi dahil sa pagpapanggap niya. Anyway, I don't know if Bianca really saw Pristine's smile because her bags are all over parang nilamon yung singkit niyang mga mata.

"Are you looking at me?" tanong ko ng idirekta ni Bianca ang mukha niya sa akin.

"Gee, nakikita kita, bwiset," Bianca frowned. Natawa ako. Tumungo at umupo na kami sa hapag.

The breakfast was really tasty. Umaga pa lang pero parang may sasalubungin ng fiesta ang pamamahay nila Pristine. Pinagmasdan ko ang paligid at parang walang nangyaring hindi kaaya-aya noong gabi. Tita Veronica was peacefully sipping her coffee, the Director was also busy eating and discussing some of her following agendas to her secretary and Pristine was happily eating her breakfast.

"May problema po ba Miss Arianne?" Tanong ni Manang Soledad. Nagulat ako kaya iba sa iniisip ko ang naging reaksyon ko sa kanya.

"Si Manang Candy..."

"Oh, hindi pa ba nasabi ni Papa mo? Sa inyo na siya uli maninilbihan."

Nagulat ako bago marahan akong napatango. Naalala ko kasi na ngayong araw ay hindi na nga pala ako uuwi kina Aldred. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya at kina Tita at Monique.

"Aya pagkatapos nitong event, gusto kong bumisita sa mansion niyo a," saad ni Pristine.

Dumugtong naman si Bianca, "Ba't hindi na lang agad-agad mamaya pag-uwi? Who would have thought that that trending big creepy "haunted" mansion last time is your house. LMAO!" Kasabay ng unti-unting pagdilat ng mga mata ni Bea ay iyong pagsimula ng ingay niya. "Imagine, kung natuloy tayong pumunta doon tapos pagkapasok natin badtrip lang pala na portrait ni Arianne yung dahilan kaya haunted iyon! Hahaha!" dagdag pa niya.

Ako na ang nagsingkit ng tingin padirekta kay Bianca. Narinig ko naman ang pagkahagikgik ni Pristine, dahilan para mapangiti kami. Alam kasi namin ni Bea na pinipilit lang ni Pristine na gawing normal ang umaga pero iyong pagtawa niya ay ramdam naming genuine.

Natapos kaming mag-ayos na wala pa rin si Natalie. Nagpaalam kami kay Tita Veronica at dapat sa Director din sana pero nakaalis na siya. Patungo na kami sa service van ni Pristine ng mapansin namin ang pagpasok ng isang limousine. Pasakay na kami ng tumigil ito at lumabas ang isang lalaki, sunod ay si Natalie.

"Pristy? Papasok ka na?" Pasigaw niyang tanong in a kind of brit accent? Napansin ko naman ang pag-gilid ng tingin ni Pristine bago ibalik ang tingin sa lalaki saka sumagot.

"Opo Papa," nakasimangot niyang tugon na ikinagulat ko.

"Okay! Bye-bye!" masiglang sabi ng Papa ni Pristine. Napalingon naman ako kay Natalie na nagkibit balikat lang. Tumuloy na kaming sumakay sa van.

Bianca is the one who told me about Pristy and Nat's dad while we were on our way to school. Late kasi ako sa party kaya hindi ko siya nakita. Anyway Pristy and Nat's Dad really looked young. And what I mean by looking young is he really looks young like a teenage boy. His body built, the way he acted... more of boy than a father. Mas matangkad lang din siya ng kaunti kay Nat kaya parang magkapatid lang sila. Iyon ang dahilan kung bakit nagulat ako na siya pala ang Papa nila.

"Man, Aya this is boring af," saad ni Bianca pagka-slouche niya.

"I think...uhh ibig kong sabihin, sa tingin ko, maaari na naman tayong umalis dahil tapos na tayo sa gawain natin," saad ko at biglang humalakhak si Bianca. Nagpaalam kami sa mga tao sa silid.

Habang naglalakad patungo sa canteen ay nakikita ko ang sarili ko sa mga salaming aming nadaraanan. Naaalala ko yung mukha ko kagabi pero yung repleksyon ko ngayon ay nagpapatunay na walang naitatago sa liwanag ng araw. My features is much worse right now because of the bag lines under my eyes. Feeling ko ang tuyot ng paligid ng mga mata ko. Parang wala tuloy buhay ang mga mata ko.

"Sa tuwing sisikat ang araw Sa kawalan ay lagi akong napapatanaw Isip ko'y laging napapabaliktanaw Sa mga nasaksihan ng aking balintataw Ganda mo'y sing misteryoso ng dilim Tila nagtatago sa bilog na buwan Ngunit nang dumating ang liwanag Ikaw pala mismo'y kasing hugis ng buwan"

Saan ko nga ba inilagay yung tula na 'yon? That started really good pero nag-troll kasi sa huli. Hindi ko nga naiwasang mapahagikgik pagkatapos kong basahin iyon.

"Anong tinatawa mo dyan, Aya?”

"Naalala ko yung nabasa kong tula kanina,"

Ngumisi si Bianca. Papasok kami ng canteen ng may mga makasalubong kaming lower year students.

"Good morning Miss Arianne and Miss Bianca," bati nila. Tumugon kami ni Bianca at bigla silang nagtakbuhan papaalis, marahil natakot sa itsura ko.

"Lols, kilig yung mga bruha. Iba ka talaga Aya," sambit ni Bianca na ipinagtaka ko. Dumiretso kaming bumili ng makakain bago umupo sa isang table.

"Pumasok kaya si Natalie?" Naitanong ko kay Bianca habang iniikot ko ng tingin ang canteen. Hindi siya kagad sumagot kaya nilingon ko siya. Busy pala sa paglalaro.

"Shit, sa taas, sa taas sabi!" Gigil niyang reaksyon habang gigil ring pinipindot ang screen ng kanyang phone. Walang gana ko siyang pinagmasdan hanggang sa mapansin niya ang reaksyon ko.

"Istorbo ko Aya e, ba't di mo na lang siya i-text? For sure matutuwa 'yon kapag tinanong mo siya."

"Ayoko, baka maistorbo ko siya."

Biglang tumigil si Bianca sa paglalaro at ibinaba ang kanyang phone. Ngayon ay siya na itong kung makatingin sa akin ay parang na-disappoint ko siya.

"Bahala ka dyan. Ask mo si Noreen. Iyon, sasagot kagad sa'yo,"

Gusto kong makita talaga si Nat ngayon dahil ibibigay ko sana sa kanya yung birthday gift na binili ko. Ayokong kausapin si Noreen pero sa kanya lang naman ako makakakuha kagad ng impormasyon. Ite-text ko pa lang siya pero speaking of the devil ay nasa tabi ko na pala siya.

"Hello Arianne babe, wait-- ite-text mo ako? No! Don't erase it just continue! Aalis na ako so text me! No!"

Ibinalik ko na sa homescreen ang aking phone saka tinignan siya ng diretso.

"Right on time, tatanungin ko lang sana kung pumasok si Natalie?" tanong ko at bigla akong nakarinig ng click. Walang camera na dala si Noreen pero pansin ko kung saan nakatutok yung phone niya.

"Did you take a picture?" Inis kong tanong.

"Yup," nakangiti niyang tugon, "Advance payment for answering your question. Hindi siya pumasok, late na kasi siya and pinatawag din daw siya sa SOMA."

Nang banggitin ni Noreen yung SOMA ay may biglang parang pumutok na ugat sa utak ko. Nag-burst yung mga pangyayari noong mga nakaraan hanggang sa huminto doon sa isang alaala kung saan nagmatapang ako sa harap ni Natalie at Amanda. God! Sa dami ng nangyari ay ngayon ko lang naalala na mamayang hapon na pala yung audition ko sa SOMA!

Napatanga ako kay Noreen. Nagkandabuhol-buhol yung kulubot sa utak ko dahil sa hindi ko alam ang gagawin. Tinignan ko ang aking relo. Ilang oras pa bago maghapon pero agad na akong nakaramdam ng kaba.

"I am not prepared. What should I do? What should I do? " Paulit-ulit sa isipan ko. Dumulas ang cellphone sa aking kamay kaya napansin kong nagbabasa ang aking mga kamay.

Huwag na lang kaya akong tumuloy?

"Arianne are you okay?" narinig kong tanong pero hindi ko alam kung kanino galing. Doon ko napansin na isusubo ko na pala yung hinlalaki ko para ngatngatin sana. Pinigilan ko ang aking sarili at inilapag sa mesa ang aking kamay. Nagsisimula na itong manginig.

Pero iyon na yung chance ko para maka-move forward. Mom, Dad, Aldred, Nat... I already have their support. Kapag naduwag ako paano na lang sa mga susunod?

"Aya,"

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya't napalingon ako kay Bianca. She has this worried look on her face. Wala siyang alam sa sched ko mamaya dahil hindi ko naman iyon nasabi sa kanya dahil naunang nag-away kami at kahit kay Pristine ay hindi ko iyon nasabi ng tuluyan. Though alam kong kung na-inform ko silang dalawa sa gagawin kong pag-audition mamaya ay siguradong makukuha ko rin ang suporta nila. I'm sure of that dahil isa silang dalawa sa mga nakapaligid sa akin na laging naniniwala sa kakayahan ko kahit na ako ay walang tiwala sa aking sarili.

"Is there a problem?" nag-aalalang tanong ni Bianca. Napatitig ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya ng maigi at lalong nag-alala siya. Ngumiti ako at napalitan ng pagkalito ang ekspresyon niya.

"Nothing," tugon ko.

I've decided. How can there be a problem when there are people like this who is always by my side?

Bigla ay tumunog ang phone ko and again, tamang-tama sa sitwasyon.

"Hello Sir Roel, good morning po."

"Hi Miss Arianne, naistorbo ba kita?"

"Hindi naman po."

"Okay, maigi. Gusto lang kitang kamustahin about sa audition mamaya. Tutuloy ka naman di ba?"

Hindi ko alam kung bakit pero napahagikgik ako sa tanong ni sir at bago ko siya sagutin ay naunang gumuhit ang ngiti sa aking labi.

"Yes po sir, tutuloy po ako sa audition mamaya," tugon ko.

NO ONE'S POV

Katahimikan - iyon ang kasalukuyang bumabalot sa loob ng student council room. Katahimikan hindi dahil sa walang tunog na maririnig sa bawat pagtipa ng keyboard, pagkiskis ng mga papel, pagdulas ng tinta ng ballpen at pagnguya ni Alona ng bubblegum. Kumakaluskos sa silid ang mga natural na ingay ngunit nasasakop ng katahimikan ng dalawang damdamin ang atmospera ng paligid.

"Naubos kanina yung mga papel doon sa short poem making contest. May isa kasing lumahok na nakagawa ng higit pa sa bente na entries. Agad namang na-inform yung naka-task doon na volunteers kaya nabigyan din kagad ng papel yung mga iba pang contestants. Ang naging epekto lang ay lumagpas ng 10 minutes yung event," pahayag ni Eunice bago ilipat sa next na pahina ang notebook na pinagbabasahan niya.

"Okay, good," nakangiting tugon ni Pristine.

"Merong mga estudyante na nagbalak mag-sneak out ng school para pumunta ng NIA. Nahuli naman sila kagad at agad din silang dinala sa guidance office. May suggestion galing sa guidance na turuan sila ng leksyon sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa mga volunteers. Sumasang-ayon ka ba?" tanong ni Eunice. Parehong busy si Charlotte at Alona sa mga kani-kaniya nilang gawain pero hindi maalis ang tenga at atensyon nila sa dalawang nakakataas nilang kasama.

"Hindi," Pristine looked up at Eunice, "Planado naman na nating lahat. Kapag sinama natin sila na hindi man lang na-orient ay baka imbes na makatulong ay makagulo lang sila."

Tumango si Eunice.

"Pagpulutin na lang sila ng mga basura,"

"Okay," tugon ni Eunice.

Pagkatapos ihatid ni Eunice kay Pristine ang mga balita ay umupo na siya sa kanyang pwesto saka nagsimulang magtipa sa kanyang laptop. Ganundin ang ginawa ni Pristine pagkatapos niyang makinig. Napatulala sa dalawa si Alona hanggang sa maagaw ang atensyon niya ng tadyakan siya ni Charlotte sa ilalim ng mesa. Basa ni Charlotte ang mga katanungan sa mukha ni Alona ngunit wala siyang magawa kundi magkibit-balikat dahil kahit siya ay clueless sa nangyayari sa dalawa.

Tumutunog ang mga kamay ng orasan, humihihip ang nakakaantok na hangin. Mabagal ang naging takbo ng oras sa loob ng student council kaya nang tumugtog ang alarm na lunch break na ay parang isa itong torotot mula sa mga anghel na hatid ay kalayaan.

"Char! Lika na bilis, limited filipino dishes yung mga tinda ngayon sa canteen. Baka maubusan tayo," pagkatayo ay hinatak kagad ni Alona si Charlotte.

"Wait lang, tatapusin ko lang 'to,"

"Mamaya na 'yan. Halika na," saad ni Alona. Dahil sa lakas niya ay walang nagawa si Charlotte. Pahawak naman na siya ng pinto ng biglang kumiskis ang paa ng isang upuan sa sahig.

"Binisita mo na ba siya?"

Boses ni Eunice ang narinig ni Alona. Imbes na i-slide ang pinto para lumabas ay napatigil siya. Tinulak siya ni Charlotte at minata para ipahiwatig na dapat na silang umalis pero hindi nakinig ang treasurer.

"Hindi," tugon ni Pristine pagkalingon niya sa nakatayong si Eunice.

"Dapat bisitahin mo siya. Kahit gusto kong ako alam kong hindi naman ako yung kailangan niya. Nakita ko iyon kagabi... sa mga mata niya."

Hindi umimik si Pristine dahilan para mabuo muli ang kanina pang katahimikan sa pagitan nila ni Eunice. Napalingon naman si Eunice sa direksyon ng pinto kung nasaan nandoon pa rin si Alona at Charlotte. Nahihiya si Charlotte na nasa loob pa sila at nakikinig ng usapan kung saan hindi naman sila kasali habang si Alona naman ay nasasabik sa mga susunod na maririnig.

"Bisitahin mo siya para sa akin. Bilang kabayaran sa kasalanan niyang paggamit sa akin para saktan ka. Alam kong wala kang kasalanan pero ikaw yung rason kung bakit siya nagkaganon. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya," saad ni Eunice bago siya umalis sa kanyang pwesto at tumungo palabas ng silid. Nauna pa siyang lumabas ng student council room kaysa sa dalawang naiwang nakatingin kay Pristine.

"Baka maubusan kayo ng mga pagkain sa canteen," nakangiting sabi ni Pristine sa dalawa na na-gets kagad ni Charlotte. Hinatak kagad ni Charlotte si Alona palabas.

Nang maiwang mag-isa ay kinuha ni Pristine ang kanyang cellphone. Tumawag siya sa hindi naka-save na numero pero pamilyar sa kanya. Naghintay siya ngunit sa muling pagkakataon ay hindi pa rin ito sumasagot. Tsinek niya ang mga messages niya sa messenger para sa taong hindi naman niya friend sa platform pero madalas niyang kausap doon. Nakailang kamusta na siya pero ni kahit seen ay hindi man lang nito ginawa.

Ibinaon ni Pristine ang kanyang mukha sa dalawa niyang palad. Napakalalim ng kanyang iniisip to the point na hindi niya napansin na nag-slide na pala pabukas ang pinto ng student council room.

"Pristy," isang malambot na tinig ang umagaw ng atensyon ni Pristine. Pagkalingon niya sa direksyon ng pinto ay naroon at nakatayo si Bianca at Arianne. May dala-dalang samu't-saring sweets, lahat ng uri ng limited edition foods sa canteen at boba tea.

"Aya, Bea..." Nabasag ang kanina pang pinuprotektahan na emosyon ni Pristine. Naiiyak siyang lumapit sa dalawang kaibigan.

"Umiiyak ka na naman?" Nakangiting tanong ni Bianca habang akap-akap si Pristine.

"I'm sorry, di kasi siya mawala sa isip ko," tugon ni Pristine kasabay ang ilang pagsinghot.

Inalis ni Bianca ang pagkakaakap sa kaibigan at inilipat ang pareho niyang mga kamay sa magkabilang balikat nito.

"Ay, ay, tahan na. He's fine. Nakita mo naman yung reaksyon niya di ba ng ma-realized niya yung nagawa niya? Baka need niya lang ng space muna saka ng medical attention. Kapag natapos 'tong event, sasamahan ka namin ni Aya na puntahan siya. Okay?"

Napatitig si Pristine kay Bianca. Sunod ay nilipat niya kay Arianne ang kanyang tingin. Humalukipkip ang kaibigan, bumuntong hininga bago matipid na ngumiti. May galit si Arianne kay Charles kaya hindi siya sang-ayong buo na magkita muli ang dalawa pero wala naman siyang magagawa.

"Para sa ikakagaan ng kalooban mo," malalim ang tinig na tugon ni Arianne. Dahil sa sinabi niya ay gumaan ang pakiramdam ni Pristine.

Matipid rin ang naging ngiti ni Pristine, yung tipong nahihiya pero katumbas noon sa loob-loob niya ay iyong ngiting hindi man sing liwanag ng araw ay maihahalintulad naman sa kapayapang dulot ng asul na kalangitan.

"Thank you," saad ni Pristine sa dalawa bago tignan ang mga pagkaing dala nila, "Oh my, is that leche flan?" Namilog ang mga mata niya sa tuwa.

"Oo, lahat ng fave mo nandito kaya halika na kasi kailangan nating ihanda para mamaya si Aya," saad ni Bianca sabay hila palabas kay Pristine.

"Ihanda para saan? Aya, anong meron?" Pagtataka ni Pristine. Nilingon niya si Arianne na nakasunod sa kanila. Hindi siya tumugon.

"Ang loka, may audition pala sa SOMA mamaya!" Natutuwang sabi ni Bianca.

"SOMA?" Nagkunot ang kilay ni Pristine. Mula kay Bianca ay nilingon niya muli si Arianne, "Star One Modeling Agency?" Tanong ni Pristine. Tumango si Arianne.

Siguro dahil sa dami ng iniisip kaya matagal bago nag-proseso sa utak ni Pristine ang mga bagay-bagay. Isa, dalawa, inabot ng limang yapak bago bigla siyang huminto. Tinignan niya ng maigi si Arianne at sa isang saglit lang, for the first time ever, ay sinakop ng kilalang mahinhin niyang tinig ang hallway dahilan para mabulabog ng grupo nila ang atensyon ng mga nasa paligid.

"Mago-audition ka sa SOMA Aya?! Magmo-model ka? Bakit ngayon ko lang nalaman?!"

From that moment ay alam na ni Bianca at Arianne na nagbalik na ang normal na Pristine. Napa-facepalm na lamang si Arianne habang bigla namang napahalakhak si Bianca. Parang bubuyog namang nagbulung-bulongan ang  mga nakarinig.

"My god, Pristy," yamot na sambit ni Arianne. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa kahihiyan.

🔶️🔶️🔶️

"Aldred?"

"Natalie?"

Parehong nagulat ang dalawa ng makita ang isa't-isa. Naisantabi naman kagad ang pareho nilang pagtataka ng dumating si Roel at pumagitna sa kanila.

"Ayos! Mabuti nandito na kayo kagad!" Galak na reaksyon ni Roel. Hindi na nga niya hinayaang magsalita pa si Aldred at Natalie dahil agad-agad ay niyaya na niya ang mga ito patungong elevator.

"Ano pong meron sir? Bakit kami pinapunta dito?" Pagtataka ni Aldred. Umaga pa lamang ay tinawagan na siya ni Roel. Imbes tuloy na pumasok ay nag-ready na siya para pumunta ng Maynila, sa SOEnt ang kumpanyang naghahawak sa SOMA.

"Surprise, wait lang kayo," nakangiting sabi ni Roel.

"Surprise?" Matalim na tono ang pinawalan ni Natalie, "Siguraduhin mo lang po Sir na ikakatuwa ko yung surpresa na 'to dahil ayoko ng madagdagan yung sama ng araw ko lalo na't bumyahe pa ako ng pagkatagal-tagal," masungit na pahayag ni Natalie. Kitang-kita sa mukha niya ang inis kaya kahit si Aldred ay natakot para sa kapakanan ni Roel.

Pumihit si Roel para bigyan ng atensyon si Natalie, "Anyare?" tanong niya.

Sumimangot si Natalie, "Wala,"

"Wala pero ganyan yung mukha mo? Hindi kita nakita kagabi a, saang bahay ng lalaki ka tumambay?" pabirong tanong ni Roel. Ngayon ay matalim na tingin naman ang itinarak ni Natalie sa kanya. Wala siyang kaalam-alam sa epekto ng huling pangungusap na binanggit niya.

"Gusto mo na po bang mamatay sir?" malamig na tanong ni Natalie.

Nangatog ang nakikinig lang na si Aldred habang napahalakhak naman si Roel sa narinig . Bago pa man siya tumugon ay tumunog na ang elevator sa floor na pinindot niya at bumukas ng ang pinto.

"30th floor?" parehong nagulat si Aldred at Natalie.

"Ayoko pa Nat, lalo na at excited ako para sa future niyong dalawa. Gusto ko pang mabuhay para mapanuod kayo lagi," sabi ni Roel bago siya naunang lumabas ng elevator. Naglakad siya patungo sa isang babae na nakatayo sa may reception area. Tinignan siya ng babae bago sa dalawang kasama niya na nasa kanyang likuran.

"Good morning Sir Roel, Miss Natalie and Sir Aldred, nasa loob na po si President Lawrence."

Nakahugot ng reaksyon ang nabanggit na pangalan at titulo kina Aldred at Natalie

"Good morning din, sige, papasaok na kami, salamat."

Pagkabukas ni Roel ng pinto papasok sa president's office ay agad silang binati ng isang palabas mula sa isang malaking tv at isang pamilyar na tinig.

"My princess, her eternal beauty, will sleep beside me, forever."

"That is--" manghang sambit ni Aldred bago mapatigil siya ng isang boses.

"Finally, nandito na ang mga susunod nating big stars," saad ng isang malaking tao na lalaki. Blonde at may asul na mga mata - foreigner na foreigner ang datingan pero pinoy na pinoy kung magsalita.

"Good morning po Mr. President," agad na bati ni Roel na sinundan naman nina Aldred at Natalie.

"Magandang umaga rin Roel at sa inyo iho at iha. Halika maupo kayo, sa wakas at nakita ko rin kayo sa personal."

Erururu Creator