NO ONE'S POV

Habang nagkakaroon ng kasiyahan sa front yard ay may mga yapak na imbes umindak at makisayaw ay piniling lumalayo sa saliw ng tugtugin. Sa likod na bakuran, habang unti-unting humihina ang ingay at awitin ay palakas naman ang kabog sa dibdib ng taong dapat nasa sentro ng selebrasyon.

"Charles, bitiwan mo ako. Saan mo ba ako dadalhin?!"

Matalas na tingin ang unang itinugon ni Charles kay Pristine, "Pristy, hindi mo ba naiintindihan yung nangyayari? Your fiance, he didn't show up. That means we can be together. Are you not happy? Pristy, you and me! Sumama ka na sa akin, magtanan na tayo. Don't worry, I've readied everything. I worked hard silently for this day. There will be a drastic change in your way of life but do not worry. I promise, I will do everything for you. You love me right? Come with me. Stay with me," nagsusumamong pahayag ni Charles. Sa kanyang mga mata ay makikita ang pagkadesperado. Nakangiti siya pero may kakaiba itong bahid. Maihahalintulad sa mga mata niyang kahit katiting na kinang ay hindi maaaninag.

Sobrang nasaktan si Pristine sa nakaraang pagkikita nila ni Charles. Kanina nang makita niya ito bago magsimula ang party ay naalala niya ang huling sinabi nito noong nasa Royal Tea House sila. Ito na ang huling pagkikita nila ayon kay Charles at napagtanto niyang seryoso nga ito ng makita niyang kasama nito si Eunice. Nasaktan si Pristine sa nasaksihan ngunit nang malaman niya na hindi sumipot ang kanyang fiance ay si Charles pa rin ang unang pumasok sa isipan niya. Nakaramdam siya ng saya at pag-asa. Ipinahayag niya ang kaganapan sa binata at ang kasalukuyan niyang sitwasyon ang naging reaksyon nito.

"Cha-Charles..." Pristine softly blurted while reading Charles' darkened eyes.

"Say what?  Halika na," Malambing na aya ni Charles. Nakatitig siya kay Pristine habang marahang hinihimas-himas ang hawak na kamay nito.

Minsan kapag napapatingin si Pristine sa kawalan ay lumilipad ang utak niya at ipinapadpad siya sa mga bagay na sinabi ni Charles. Ilang beses na siyang nakapag-daydream na sana ay makasama niya ang binata. Ngayong araw ay tinanggap na ni Pristine na kapag sumapit na ang gabi ay hindi na mangyayari kahit kailan ang mga daydreams niya pero ito ngayon siya't binibigyan ng proposisyon ni Charles.

Si Charles na kahit ilang beses siyang sinasaktan ay hindi niya kayang kamuhian. Si Charles na gagawin ang lahat para makasama siya. Si Charles na kahit ganoon kasama ay mahal pa rin niya.

"Pristy, answer me," Charles desparate eyes plead when she didn't react immediately. Pristine got startled.

"I- I love you too Charles, but-but I don't think it's a good idea. I don't want to worry everyone and that includes your mom, Tita Theresa. You don't want to get her worried right? Besides, we don't need to do that. I think my fiance does not also agree to our set up that's why he didn't showed up. Maybe I can talk to him."

Ang hamog ng gabi o ang aura ni Charles? Habang maingat na isinasalita ni Pristine ang opinyon niya ay may sumusuot na lamig sa sistema niya . Unti-unti ay inialis ni Charles ang tingin nito sa kanya at sunod ay marahang yumuko. Naisip ni Pristine na marahil ay iniintindi ni Charles ang kanyang sinabi hanggang sa mapagtanto niyang mali siya. Biglang humigpit ng matindi ang hawak sa kanya ni Charles to the point na nasasaktan na siya.

"Excuses! Excuses! Excuses!" Bulyaw ni Charles. Puno ng galit ang mga mata ng ibalik niya ito kay Pristine. "So you don't love me anymore, Pristy?!"

Napaatras si Pristine dahil sa intensity ng reaksyon, "Where-Where did you get that idea? That is not what I mean. Wait, Charles. It hurts, please bitiwan mo ako."

"Bitiwan?!" Ngumisi si Charles. From 0 to 360 degree nagiiba-iba ang reaksyon niya. "Hindi mo talaga ako naiintindihan ano?" Humalakhak siya, " Di ba sinabi ko na kanina, hindi kita papakawalan! Pristine, mukha ba akong may pakialam sa iba?! Ikaw lang! Sayo lang ako may paki pero binabalewala mo! Ginagawa ko lahat pero di mo naiintindihan!" Ngayon ay nagngingit ang mga ngipin niya sa galit.

Tinignan ni Pristine ang paligid. Nagbabakasakaling may makakita sa kanila. Sunod ay ibinalik niya ang atensyon kay Charles. Sa mga mata nitong nagdidilim pero umaapoy sa galit bumagsak ang tingin niya. Natatakot siya at the same time ay nalulungkot. Ramdam niya ang hinanakit ni Charles.

"Charles, you-you're scaring me. It's not that I don't understand you. It's just... It's wrong..." Unti-unting tumulo ang luha ni Pristine habang nagpapaliwanag. Napatitig sa kanya si Charles, parang nabato sa kanyang posisyon. Nang magsimulang bumuhos ng tuluyan ang mga luha ni Pristine ay lumuwag ang mga kamay ng binata na nakahawak sa kamay niya. Sinundan ni Charles ng tingin ang mga likido hanggang sa pumatak ang mga ito sa mga damo. Binitawan niya si Pristine.

Tumahimik ang paligid. Lumakas sa pandinig nila ang tugtugin sa frontyard, yung mga huni ng kulisap at ang pagihip ng hangin na hindi nagbabago ang lamig na dulot. Dumampi ito sa balikat ni Pristine. Dapat ay giniginaw siya pero ibang pakiramdam ang nag-okupa sa damdamin niya pagkatapos niyang marinig ang boses na tila hinugot pa sa ilalim ng lupa.

"Bullshit," Charles coldly blurted. Napatitig sa kanya ang nanlaking mga mata ni Pristine.

"Char--" Napatigil si Pristine ng biglang humalakhak si Charles. Sunod ay nalipat ang tingin niya sa kaninang kamay na nakahawak sa kanya na ngayon ay nakaamba na.

"Charles what are you?!" Pristine reacted in horror.

"Bakit ba nakiusap pa ako sa'yo kung pwede naman kitang pwersahan na kunin."

Iginalaw ni Charles ang kamao niya pasuntok sana sa puson ni Pristine pero hindi niya ito natuloy ng isang kamao rin ang tumama sa mukha niya. Natumba si Charles at napaupo siya sa mga damo.

"Aldred?" Gulat na reaksyon ni Charles ng tumingala siya.

Nagkatitigan ang dalawang magkaibigan. Agad naman lumapit si Arianne sa nakatulalang si Pristine. Natigil ang luha nito sa pagbuhos. Nagawa na ni Charles dati pero hindi pa rin siya makapaniwalang sasaktan dapat siya nito.

"What the hell is that Carl? What are you going to do?" tanong ni Aldred. Malalim ang tinig, gulat at hindi makapaniwala sa nasaksihang dapat sanang gagawin ng bestfriend niya.

Dahil sa tanong ni Aldred ay napaikot sa paligid ang tingin ni Charles. Nakita niya ang lungkot sa reaksyon ni Aldred, ang pagngitngit ni Arianne, ang pagdating ng mga bodyguards ng mga Vicereal  bago bumagsak kay Pristine ang kanyang tingin. Kita niya ang magkahalong takot at lungkot sa mukha nito. Muli ay may lumabas na mga luha pero hindi na ito galing kay Pristine kundi kay Charles na natauhan sa maling ginawa niya.

"Charles, anak,"

Dumating si Theresa at agad niyakap ang anak. Nang maramdaman ni Charles ang init ng ina ay bumilis sa pagbuhos ang mga luha niya.

"I'm sorry! I'm sorry! Pristy I'm sorry! I'm sorry Tita Ver! Mama I'm sorry!"

Masayang natapos ang event para sa mga ibang dumalo. Wala silang kaalam-alam na sa likod ng kasiyahan ay isang hindi kaaya-ayang pangyayari ang naganap. Kinuha si Charles ng mga tagasunod ng pamilya Vicereal kasama ang kanyang ina. Dumating si Eunice kasama si Noreen at nakita nila ang kinahinatnan ng binata. Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Eunice na humahagulgol si Charles.

"I'm sorry Pristine," paulit-ulit na sabi ng binata kaya sunod ay nilipat ni Eunice ang atensyon niya kay Pristine.

Katulad ni Charles ay wala ring tigil sa pag-iyak si Pristine. Lahat ng luha niya ay bumabagsak sa kaibigang si Arianne na kasalukuyan siyang mahigpit na niyayakap. Sa likod niya ay humahaplos ang kamay ni Bianca na dumating kasabay nina Noreen at Eunice pati na rin ni Jerome. Hinawakan ni Jerome ang isang balikat ni Aldred. Pareho sila ng kaibigan ay nakasunod lang ang tingin sa inilalayong si Charles.

🔶️🔶️🔶️

"Long time no see, Ver," Alex smiled widely while waving his hands. Napatigil sa kinatatayuan si Veronica at napatitig sa kanya bago nakahalukipkip na naglakad.

"Yea,"

Nakaalis na ang mga bisita at nag-aayos na sa paligid. Umupo si Alex sa isang hindi pa natatabing upuan. Sa kanyang harapan ay tumigil si Veronica. Nakatayo at walang gana ang mga matang nakatingin sa kanya pero masaya ang puso na makita muli ang kaibigan.

"You still look great,"

"And you look miserable,"

"Oy, grabe!"

"Are you going to fetch Arianne?"

Walang hangin pero ramdam ng dalawa ang pagdampi ng malamig na gabi. Pamilyar na panahon. Ito yung pakiramdam nila noon sa tuwing nagka-camping silang magkakaibigan.

"Supposedly but she said she wanted to stay here with your daughter. Yung mga anak na lang ni Ce yung susunduin ko."

"I see," sambit ni Veronica saka ngumisi. Napatitig tuloy sa kanya si Alex.

"I heard your daughter's fiance didn't showed up. Is that true?"

"Yes, it is." Nagseryoso ang mukha ni Veronica.

Saglit ay tumahimik sa pagitan ng dalawa bago muling magtanong si Alex.

"You don't mind it right?" Alex smiled.

Veronica didn't answered immediately. Seconds passed before she smiled at first then sighed after, "As much as I don't want to think about it, that is still the family's tradition so I need to mind it's consequences," saad ni Veronica habang sinusundan ng tingin ang mga nagbubuhat ng mesa.

"Nakita ko si Pietro papalabas kanina. Kamusta na kayo?" pag-iiba ni Alex ng usapan. Marahang ibinalik ni Veronica ang tingin kay Alex.

"We're fine," tanging tugon ni Veronica.

Tumango-tango si Alex kasabay ang malokong ngiti. Pansin ni Veronica ang reaksyon niya kaya napasingkit ito ng tingin. Nagsalita namang muli si Alex.

"Nakilala ko iyong isa mong anak. Si Natalie, pumunta siya sa bahay noong nakaraan. Nakita ko na si Pristine pero masasabi kong mas ikaw na ikaw yung bata. Nalungkot tuloy ako nang malaman ko na hindi siya nire-recognized as anak mo. Hindi pa ba panahon para sirain niyo yung tradition?"

Pumagitna ang katahimikan sa pagitan nila.

Si Pristine at Natalie ay parehong bunga ng tradition na sinusunod ng mga Vicereal. Pagka-graduate noon ni Veronica ng highschool ay agad siyang na-engaged sa ama ng dalawang kambal na anak niya. Sinubukan niyang pumalag noon pero mayroong mga pangyayaring dahilan para maisipan niyang ang kagustuhan ng kanyang ina ang makabubuti para sa kanya. Nang matanggap ni Veronica ang kanyang kapalaran ay kasabay niyang kinalimutan ang kanyang pangarap pati na rin ang unang pag-ibig niya.

"Tama ka. Ilang beses ko ng pinag-isipan. Nagbabago na ang panahon at sa tingin ko ito na nga yung tamang pagkakataon para sumabay kami sa pagbabago."

"Do it for your daughters,"

Nang dumating si Natalie at Pristine sa buhay niya ay iyon ang pinakamasayang nangyari sa kanya. Though alam niyang matatali ang dalawa sa kanilang tradition ay siniguro niya na matatali ang mga ito sa paraang makakabuti sa dalawa.

"I always thought I'm doing everything for them but I realized I'm becoming like my mother and forgot what I'm used to before. Ginagawa ko kay Pristine iyong ayaw kong ginagawa sa akin ni Mama dati. Panahon na para hayaan ko siyang magdesisyon para sa sarili niya at sana hindi pa huli na maging tunay akong ina sa kanilang dalawa."

Sa paligid ay napapatingin sa dalawa ang mga tagasilbi ng pamilya Vicereal. Sa malayo ay nakatanaw si Manang Soledad at Madam Victoria. Noong kabataan ng dalawa ay aso't pusa ang mga ito. Kung hindi nga lamang sumusunod sa tradition ang Pamilya Vicereal ay si Alex ang gusto ni Victoria para sa anak kahit na alam niyang may ibang gusto si Veronica.

"If Shan is here, she'll be really happy about your decision,"

Napatitig si Veronica kay Alex, "Shan... How is she?" matipid ang kanyang ngiti pero hindi maitatago ang biglaang pagkinang ng kanyang mga mata.

"Oks lang, workaholic daw sabi ng iba,"

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Veronica sa narinig, "Hindi ba siya nagpapahinga?" may pag-aalalang tanong niya.

Alex chuckled, " Don't worry she does. Sobrang passionate lang talaga siya sa "trabaho" niya kaya nami-misterpret ng iba as workaholic when in fact she really does enjoy what she's doing."

"I don't think so. If only you're reliable then she won't need to  do that,"

"Oy, I am reliable a,"

"In what way? Wala pa ba siyang balak uli na iwan ka?"

"Ba't ba? Lahat kayo ganyan sa'kin."

"Sa tuwing naiisip ko kasi na sa'yo lang bumagsak si Shan hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Mabuti na lang at swerte siya sa mga anak niyo."

"Oy sumusobra ka na!"

Humalakhak si Veronica. Parang noong kabataan lang nila na kapag nagpapalitan ng asaran sa pagitan ng magkakaibigan ay si Alex lagi ang kawawa sa huli.

ARIANNE'S POV

Madilim pa ang paligid ng magising ako. Tunog ng orasan, malamig na temperatura. Pinakiramdam ko ang paligid bago ko kuhain ang aking cellphone na nakapatong sa may head table. Tinignan kung anong oras na. Mag-aalas singko ng umaga. Sunod akong tumingin sa kabilang kama kung saan nakahiga si Bianca at Pristine. Mahimbing pa ang tulog nila.

Pagkatapos ng selebrasyon at insidente kagabi ay napagpasyahan namin ni Bianca na samahan muna si Pristine. Hindi na nga siya nagpakita sa final event ng debut niya dahil hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Nalaman ko lang nitong nakaraan na may kakaiba sa bestfriend ni Aldred pero hindi ko akalaing may malalim pala silang koneksyon ni Pristine dahilan kaya ganoon siya.

Magarbong set-up, engrandeng selebrasyon at masasarap na pagkain. Iyon ang pinapangarap ng ilang debutante sa ika-labingwalo nilang kaarawan. Lahat ng iyon ay na kay Pristine kagabi kaya't kinaiingitan siya ngunit ang hindi nila alam ay kung gaanong kinasusuklaman ni Pristine na maganap ang pagdiriwang. Nangyari ang dapat na mangyari pero may mga bagay na hindi naiwasan. Akala ni Pristine ay nabigyan siya ng pagkakataon ngunit mas malala pa ang nangyari.

Despite na humihikbi na siya sa pag-iyak ay nagawa pa ring ikwento sa amin ni Pristine ang nakaraan nila ni Charles. Pareho kami ni Bianca ay nagulat sa istorya niya. Nalaman naming magkababata silang tatlo nina Charles at Natalie. Na si Natalie ang unang girlfriend ni Charles pero hiniwalayan ito ni Nat para ipaubaya sa kanya ayon daw kay Charles. Nag-kwento rin si Pristine na siya ang dahilan kaya namatay ang ama ni Charles dahilan para kasuklaman siya nito.

"Galit siya sa'yo pero siya naman yung pilit sumisiksik sa buhay mo," saad ni Bianca habang nakaupo siya sa kama ni Pristine. Hindi naman umimik si Pristine at mas lalong naglungkot lang ang mukha.

"Mabuti na lang talaga dumating sina Aldred at nasapak niya yung siraulo niyang kaibigan," sabi muli ni Bianca.

Pansin ko ang pagdiin ng mga kamay ni Pristine sa hita niya.

Alas-onse na ng gabi. Tulog na dapat kami dahil may pasok pa bukas. Suot ni Bianca ang pajama ni Pristine habang ako naman ay kinuhaan ni Pristine ng pajama sa damitan ni Natalie. Maghahating-gabi na pero wala pa ang may-ari ng inuupuan kong kama.

"Pristy, kung hindi ba kami dumating sasama ka ba sa kanya?" Tanong ko. Gulat at nakapamilog ang mga mata niya ng tumingin sa akin. Sunod ay yumuko siya at hindi sumagot. Doon ay alam na namin ni Bea ang sagot.

"Pristy, you are kidding right?" Bianca reacted in disbelief.

"I-I want to be with him," nakayukong tugon ni Pristine saka nagpunas ng mukha.

Napatayo naman si Bianca sa narinig. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Pristine at iniangat ang mukha nito.

"Oy-Oy, girl! Kailan- Kailan ka pa nagkaganyan?!"

Kahit ako ay napatayo na rin at lumapit sa dalawa. Umiyak naman nang malakas si Pristine.

"Pristy, ayoko mang husgahan si Charles pero obvious kasi, he is not in the right mind. Sa kwento mo pa lang kanina na sinasaktan ka niya, ibig sabihin lang no'n hindi ka niya mahal. Kung sasama ka sa kanya, sasaktan mo lang din yung sarili mo," may pagka-inis kong sabi.

"No, Charles said a lot of times that he loves me. I already understand why he hates me and kung sasaktan niya man ako, I deserved it. I am the reason why he is still hurting afterall. I just want to be with him kahit ganoon."

Nang marinig ko ang dahilan ni Pristine ay kumulo lahat ng pwedeng kumulo sa sistema ko. Uminit ang ulo ko, nagpintig ang  tenga ko at nanggigil ang kamao ko. Gusto ko siyang yugyugin ng matindi para matauhan siya pero hindi ko na kinailangan pa dahil yung mga kamay ni Bianca na kaninang nasa pinsgi ni Pristine ay ngayon ay nasa leeg na niya.

"Be-BEA! Bi-Banca! BIANCA! Stopped I CAN'T BREATH!"

Binitawan ni Bianca si Pristine. Bigla namang tumayo si Pristine, kumuha ng isang unan at pinaghahampas ito kay Bea.

"Walang hiya ka! Papatayin mo ba ako?!"

"Oo! Gaga ka kasi! Kesa mahibang ka pa sa pag-ibig mo papatayin na kita kagad para di ka magdusa."

Maghahampasan pa dapat sila pero pumagitna na ako kaya natigil. Pansin ko ang pagpunas ng luha hindi lamang ni Pristine kundi pati rin si Bianca. Tahimik na bumalik si Pristine sa pagkakaupo sa kama habang kami ni Bianca ay nanatiling nakatayo sa harapan niya.

"Hindi niyo pa kasi nakikilala ng maigi si Charles. He really is a good person. Siguro ngayon kasi galit pa siya sa akin kaya ganoon siya pero malay niyo pag nagtagal. That's why I want to be with him. I want to help him get his old self back. Seeing you Aya breaking away from your old shy self because of Aldred, I realized how love can really change a person. If I stay with Charles and give him the love he deserve then may be he will change for the better."

Hindi namin maatim ni Bianca ang mga verbal at physical na pananakit na ginawa ni Charles kay Pristine. Nagagalit ako sa kanya,  gusto ko siyang tadyakin at sapakin pero kahit papaano'y nawawaksi ko iyon sa aking isipan kapag naaalala ko ang nakakaawang reaksyon ni Pristine.

"You're insane, Pristy," sambit ni Bianca. Mababasa sa mukha niya ang salitang sumuko na siya sa pakikipag-argumento kay Pristine. Umalis siya at bumalik sa kama. Napakamot ng matindi sa ulo bago isalampak ang sarili sa malambot na kutson.

"Aya, naiintindihan mo naman yung nararamdaman ko di ba?" Tanong sa akin ni Pristine. She has this desperate look to be understand and naiintindihan ko naman siya pero hindi sa paraan na gusto niyang maintindihan ko siya.

I realized that because of her responsibilities, Pristy really did restrained all of her feelings and emotions and this is the result of it.

"Matulog na tayo. Kailangan nating pumasok ng maaga bukas kasi unang araw ng Linggo ng Wika."

NO ONE'S POV

Lunes ng umaga, mataas na ang araw kaya dapat ay kanina pa kumakatok si Manang Soledad. Siguro ay walang pasok. Holiday? Ano ang okasyon? Iyon ang mga konklusyon na nakalutang sa utak ni Natalie. Kalahating gising at kalahating tulog. Wala sa huwisyo. Saglit ay nakarinig siya ng huni ng mga ibon. Medyo malakas pero hindi sapat para idilat niya ang kanyang mga mata. Hinayaan niyang ang mga tenga niya lang ang pumakiramdam sa paligid dahil sa tingin niya na kapag dumilat siya ay magsisimulang pumintig pa nang matindi ang utak niya. Umayos si Natalie nang higa. Umikot sa kabilang direksyon.

Hindi niya alam kung dahil sa masakit lang ang ulo niya kaya parang iba ang lambot ng kutson ng kanyang kama. Medyo masakit sa likod kaya hinanap ng kamay niya ang isa niya pang unan. Iyong niyayakap niya. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ito kahit nakapikit siya. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan pero imbes na comfort lang ang makukuha niya ay nagtaka rin siya.

"When did Manang change the fabric softener?" tanong ni Natalie sa sarili. Hindi naman siya nagrereklamo dahil mas mabango sa nakasanayan niya ang amoy ng unan. Isinubsob niya pa ang mukha niya dito kaya muli ay nagtaka siya.

"The smell is comforting but why it's not that soft?" pagtataka muli ni Natalie. Kahit masakit ay unti-unting binuksan ni Natalie ang mga mata niya.

Maputi pero hindi tulad ng kulay ng tela ng isang unan. Marahan niyang iginapang ang kanyang tingin at bumaba ito sa isang kulay pink na nakausli bago sa mga puting parang mga bato na nakaukit. Biglang nanlaki ang mga mata ni Natalie pero bago pa siya tumingala ay biglang may yumakap sa ulo niya at isinubsob ang mukha niya sa bagay na unang inakala niyang unan.

"Ehehe,  Matilda you're tickling me," narinig ni Natalie kaya't napatingala siya.

Pale skin tone, chiseled face, smoldering eyes, raven black hair and pink lips. Bigla ay parang may naputol na kung anong pisi sa utak ni Natalie dahilan para matanga siya. Bumalik na lang siya ng matindi sa kanyang wisyo nang ang labi kung saan naka-stuck ang tingin niya ay dumampi patungo sa kanyang noo.

"Ehehe, Matilda? You're incredibly soft right now? And not hairy too?"

Jacoby Winters the boy who accompanied Natalie last night tighten his hugged. Meanwhile, Natalie remained stupefy not until she felt a heat on her body. Looking down, she saw her chest pressed on Jacoby's abs.

"YAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!"

Lumipad ang kaninang mga humuhuning ibon. Nawala ang sakit ng ulo ni Natalie at nagkaroon siya ng lakas na hilahin ang kumot  na pinagsasaluhan nilang dalawa ni Jacoby. Sa ikalawang pagkakataon ay napatili si Natalie ng  makita niya na naka-boxers lang ang binata.

"What- What is happening?" Bumangon si Jacoby. Lito at pikit pa ang isang mata niya. Sunod ay tumalon ang isang itim na pusa sa hita niya at umupo.

"Matilda?"

Ngumiyaw ang pusa pero sa iba ito nakatingin. Sinundan ni Jacoby ang tingin ng alaga at dinala siya nito sa nakatayong si Natalie. Wala sa wisyo ay gumapang ang tingin niya sa mukha nito, sa gulo-gulong blonde na buhok, sa cup ng bra na nakalaylay at  nakaipit sa pagitan ng kumot at puson ni Natalie, sa toned at maliit nitong hips, sa pink na palda at sa mga mahahabang binti at magandang paa. Huli na ng takpan ni Natalie ang sarili gamit ang kumot na hawak niya.

"What-What are you doing here?" Jacoby asked nonchalantly and softly.

Inikot ni Natalie ang kanyang tingin. Katulad sa mga Japanese dojo ang itsura ng silid. Walang kama kundi comforter lang sa sahig. Konting gamit na kombinasyon ng itim at puti na mga kulay.

"Right, what am I doing here?" tanong rin ni Natalie sa sarili bago mag-slide pabukas ang pinto.

"Anong nangyari Kuya?" tanong ng isang batang babae na naka-wheel chair. Sa likod niya ay sumulpot ang ilang mga kababaihan na may pare-parehong kasuotan. Mula kay Jacoby ay napalipat sila ng tingin kay Natalie.

"Lolo! Si Kuya may dalang babae!" Sigaw ng bata.

"Jeanne shh!" Tawag naman ni Jacoby pero huli na ng sumulpot sa likod ng bata ang isang matanda.

"Jacoby! Ito ba ang dahilan kaya hindi ka tumuloy kagabi?" Agad na reaksyon ng matanda. Hindi sumagot si Jacoby. Sunod ay isang hindi pamilyar na boses para sa kanya ang narinig niya pero iba ang naging dating para kay Natalie.

"Hindi ako makapaniwala. Ito pala ang dahilan. Alam niyo bang sobrang napahiya ang pamilya kagabi dahil sa hindi pagsipot ng apo niyo,"

"Pietro, pasensya na. Hayaan mo't tuturuan ko siya ng leksyon. Pati itong babae na iniuwi niya. Hindi man siya tumuloy kagabi ay tuloy pa rin ang engagement nila ng anak mo."

"Hmmp, marapat lang. Gusto kong naroon ako kapag binigyan siya ng leksyon," saad ni Pietro bago pumihit para maglakad sana paalis. Hindi na siya dapat mag-aabala pa na tignan ang kaguluhan pero natigil nang biglang may tumawag sa kanya.

"Papa ikaw po ba 'yan?" Natalie shouted.

Nanlaki ang mga mata ni Pietro. Madaling kumilos ang mga paa niya patungo sa pinto ng silid at ng makita ang tumawag sa kanya ay agad bumagsak ang panga niya.

"NA-NATALIE?!"

Yung pagkaseryoso at awra na pagka-istrikto ni Pietro ay biglang naglaho na parang bula. Napatulala siya sa kanyang panganay na anak bago mapailing at ilipat kay Jacoby ang kanyang tingin. Nang makita ang itsura ng binata ay samu't-saring pangyayari ang tumakbo sa utak niya to the point na nakarating siya sa makamundong imahinasyon na ginawa ni Jacoby kay Natalie.

"Nag-sex kayo?!" walang pakundangang tanong ni Pietro dahilan para lumipad sa kanya ang kumot na hawak ni Natalie.

Erururu Creator