NO ONE'S POV

"Have you ever wanted someone you know you can't have?"

Magalaw at iba-ibang kulay ng mga ilaw. Dim ang liwanag sa paligid ngunit sa anggulong pinanggalingan ng isang malalim na katanungan ay may kakaibang liwanag. Nilingon ni Jacoby si Natalie at nasaktuhan niyang tumama ang malikot na ilaw sa magandang mukha ng dalaga.

Umiling si Jacoby.

Kasalukuyang umiinom ang dalawa sa Tipsies. Nasa isang table sila at magkaharap. Isang bote ng vodka sa mesa, caviar sa plato at amoy ng sigarilyo sa paligid. Wala pang tumutugtog na banda kaya ang ingay lang ng pag-uusap ng mga tao sa resto ang maririnig.

"Good for you," sabi ni Natalie. Ngumisi siya saka tinungga ang baso sa harap niya. Nakakaisang bote pa lamang sila pero iba na ang mga mata niya. Sa tuwing nauubos niya ang laman ng kanyang baso ay sumasabay na pumapait ang kanyang mukha. Nasusurpresa na lamang si Jacoby habang pinapanuod siya.

For starters ay in-insist ni Jacoby na mag-ladies drink si Natalie pero tumanggi ito.

"Mabuti na lang..." Uminom si Jacoby mula sa kanyang baso. Habang gumagalaw ang kanyang adam's apple dahil sa paglagok ay napaisip siya na maigi pala at sinamahan niya ang dalaga. "Why did you asked?" Tanong ng malalim niyang boses.

"Because I have and it hurts," sagot kagad ni Natalie. Nilagyan niya muli yung baso niya ng vodka. Nagkandatapon-tapon pa nga dahil sa unstable na galaw ng kanyang kamay. Straight up niyang ininom ang malinaw at may matapang na amoy na likido. Mapait ang lasa pero mas maigi kaysa sa pait na nararamdaman niya.

"I see..." tanging sabi ni Jacoby bago inumin ang sa kanya.

Ang Tipsies ay kilalang restobar sa Central. Nagbubukas ito ng ala-sais imedya ng gabi at nagsasara ng ala-singko ng madaling araw. May entablado ito sa harap kung saan tumutugtog ang naka-schedule na mga banda o mga manganganta at minsan ay libre rin para sa mga free performers. Hindi pa man nakakatuntong noon sa wastong edad si Jacoby ay ilang beses na siyang nakapasok ng Tipsies. Siya kasi ang keyboardist ng bandang StrayCatz at madalas silang tumugtog dito.

Puti at asul na tuxedo suit. Kung si Natalie ay napansin ng mga nasa resto dahil kilala siyang modelo si Jacoby naman ay naging agaw pansin dahil sa napaka-formal niyang kasuotan. Sa katunayan ay ngayon lamang tumungo si Jacoby sa Tipsies na walang business na gagawin. Ngayon lang siya umupo at uminom bilang costumer. Sa harap ay meron ng nagse-set up na guitarist at singer. Nag-strung ng ilang chords ang guitarist para i-check ang sounds. Binalik ni Jacoby ang atensyon niya kay Natalie. Hindi niya alam ang pinagdadaanan nito kaya minabuti niyang makinig lang at hindi magbigay ng komento.

"You're drunk," Jacoby pointed out.

"Am I?" Natalie asked, her cheeks burning.

Tumango si Jacoby. Ngumiti si Natalie.

"It really fascinates me before why people love to drink even though they know that they will regret it later... or the next day... but now I understand them," nakangising sabi ni Natalie saka sumabay sa kumakanta. Namangha si Jacoby dahil kahit isang tono ay wala siyang natamaan. Paunti-unting natawa ang binata. Natawa rin si Natalie sa sarili niya.

"Nakakahiya. To think that I can play a piano piece and also suck at singing both perfectly."

"It's fine, of course, we can't have both worlds."

Natalie smiled bitterly.

Tumahimik sa pagitan ng dalawa. Nagsimulang tumugtog ang nasa entablado. Pareho nilang itinuon ang atensyon dito.

Love stood still Leading us towards each other Now we're back at the start Cos while we were apart Love stood still

Hindi alam ni Jacoby kung bakit magaan ang loob niya kay Natalie. Oo't nagkita sila sa iba't-ibang pagkakataon pero hindi niya pa rin ito lubos na kilala. Originally ay gusto niya lang maging tagapakinig habang sinasamahan ang dalaga pero ngayon ay may naguudyok sa kanyang tanungin ito.

"I think the vodka is kicking in that's why..." nakangising saad ni Jacoby sa sarili habang nakatingin siya sa entablado. Niluwagan niya ang kanyang necktie at binuksan ang dalawang butones ng kanyang shirt.

Alas-otso ng gabi. Nakaka-intoxicate na vodka, caviar na kaunti lang ang bawas, amoy ng sigarilyo na nakaka-irita sa ilong, slow music na nakaka-move ng damdamin o yung matamis na tinig na nakaka-inspire. Hindi alam ni Jacoby kung alin sa mga iyon ang nagpabago ng isip niya at ngayon ay gusto na niyang malaman ang bumabagabag sa kasama niya.

"Natalie, why can't you have that person?" Hindi alam ni Jacoby pero merong kakaiba ng banggitin niya ang pangalan ng dalaga. Binalikan niya ang kaninang tanong. Inilipat niya ang atensyon kay Natalie ngunit ang payapa na nitong pagtulog ang tumambad sa kanya. Napatulala saglit si Jacoby hanggang sa mangisi at mapahagikgik siya.

ARIANNE'S POV

"Arianne anak, saan ka galing?" agad na tanong ni Papa pagkadating ko sa sala. Sunod ay napalingon siya sa aking tabi.

"Magandang hapon po," bati ni Amanda.

"Pa, si Amanda po pala. Kaibigan ko, sinundo ko lang siya kasi aayusan niya po ako," pagsisinungaling ko. Tumango si Papa at saka binati rin si Amanda. Nagpakilala sila sa isa't-isa. Sunod ay tinanong ko kung nasaan si Marius at sinabi ni Papa na nagpaiwan muna ito sa mansion. Tutuloy na sana kami paakyat nang lumabas naman si Tita Cecil mula sa kusina. Humingi ako sa kanya ng paumanhin dahil sa pagdadala ko ng bisita. Um-okay naman siya at mas nagalak ng banggitin ko kung sino ang aking kasama.

"Amanda? Yung kaklase ni Aldred sa states?"

Nakangiting tumugon si Amanda, "Opo," sabi niya kasabay ng pagkawala ng mata niya.

"Kailan ka pa narito iha? Alam ba ni Aldred na magkakilala kayo ni Arianne? Teka, nakakaintindi ka pa ba ng tagalog?"

Humagikgik si Amanda, "Oo naman po. Last three weeks ago po. Actually I just transferred in NIA recently and Aldy and I are classmates."

"Oh? Iyong bata na iyon talaga hindi ka man lang naikwento. I'm glad to see you again Amanda. From what I remember, you were so cute and fluffy but now you're so gorgeous. You grew so well,"

Amanda chuckled, "Thanks Tita," saad niya bago kami nagpaalam at tumungo sa aking silid.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong napabuntong-hininga. Napansin nga iyon ni Amanda dahil bigla na lang siyang sumulpot sa aking tabi at contrary sa laging naka eyesmile niyang mga mata ang reaksyon niya.

"I'm really sorry Arianne," saad niya. Umiling ako at sinabing okay lang. Agad ay lumiwanag ang aura niya.

"That Aldy, he didn't even mention me to her mom," naka-pout na saad ni Amanda. Naglakad siya patungo sa aking kama habang iniikot ang tingin sa paligid. "Oh, that umbrella. That's the one that Natalie bought," tinuro niya yung orange kong payong pagkaupo niya. Namangha ako.

"Ah Nat gave that to me,"

Amanda stared at me for a moment before asking a question that is out of nowhere.

"Interesting. Arianne, what do you think about Nat?"

Nagulat ako, "What do I think?" Naibalik ko tuloy.

Amanda chuckled, " Thank you Arianne for defending me kanina," pag-iiba niya ng usapan. Naalala ko yung pangyayari at biglang nag-init ang pisngi ko.

"I-I just did what I think is the right thing to do,"

Pagkatapos kong magsalita ay parang mas lumamig ang aircon sa silid. Ilang saglit kaming magkatitigan lang ni Amanda bago siya tumayo.

"We should start, 30 to 7 na. Para hindi ka masyado ma-late," sabi ni Amanda. Tumango ako.

Hindi naman talaga ako fully nagsinungaling kay Papa. Totoo kasing aayusan ako ni Amanda. Pambawi niya sa mga nasayang na oras dahil sa "pag-kidnap" sa akin ng Papa niya. Inayos niya yung buhok ko at ini-low bun ito. Nilagyan niya ako ng light make-up... Blush on, eyeliner, eyebrow at lipstick. Habang nilalagay ni Amanda yung lipstick ay may naalala ako. Pansin ko naman ang pagngisi niya.

Final touch ay iyong mga accessories. I let Amanda decide what I should wear and she picked a blue stoned earrings, a silver necklace with a moon pendant and a silver band ring. Maingat na isinuot ni Amanda sa akin ang earrings at necklace pero ng isusuot na niya ang ring ay napatigil hindi lang siya kundi ako rin. Pareho kasi naming nakalimutan na may singsing na pala akong suot-suot.

"No wonder why Aldy is head over heels," sabi ni Amanda habang pareho kaming nakatapat sa full body mirror. Tinignan ko ng maigi ang aking sarili at kahit ako ay hindi nakaiwas mamangha.

"You're really good at make up," nasambit ko habang nakatitig sa salamin. Bigla namang humalakhak si Amanda.

"You know it's not the make up right? Anyway, we should get going. I don't want Aldy to wait,"

Pababa ako ng hagdan nang mapalingon sa akin si Papa at Tita. Para silang nakakita ng kung ano dahil pareho silang nakanganga. Nahiya tuloy ako bigla at para bang gusto ko ng umatras pero nang tumingin ako sa likod ay naroon si Amanda.

"Wow," rinig kong sambit ni Papa bago siya biglang tumayo. Sunod naman ay nag-slow clap si Tita. Nag-picturan pa kami bago nila ako pakawalan.

Thirty minutes past seven nang umalis kami sa Cuzon residences. Ayon kay Papa ay nauna niyang inihatid si Aldred at Monique dahil wala pa ako. Nag-kwento siya ng pagaalala dahil hindi ko ugali ang mahuli sa oras pero ng ipaliwanag ko sa kanya na pinuntahan ko nga si Amanda ay nalinawan na siya.

Kasama namin si Amanda sa kotse para pagkadaan sa akin kina Pristine ay ihahatid na rin siya ni Papa sa Central. Habang bumabyahe, pagkatapos ng kaunting kwentuhan ay tumahimik. Slow music sa radio ang nagsilbi lamang na ingay kaya lumakad ang isipan ko. Tinignan ko ang kaliwang kamay ko bago ang kaliwang kamay ni Amanda. Napansin niya ako at ngumiti siya. Ngumiwi naman ako. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-text kay Bianca pati na rin kay Pristine na on the way na ako.

🔶🔶🔶

"Mag-text na lang kayo ni Aldred anak a, para masundo ko kayo agad," bilin ni Papa habang nasa labas kami ng sasakyan.

"Opo,"

"Ikaw Amanda? Sigurado ka ba na ayaw mong magpahatid?"

Umiling si Amanda, "Hindi na po. Ngayon lang po kasi ako nakapunta sa part na 'to ng General City kaya maglalakad-lakad po muna ako. Maraming salamat po,"

Inikot ni Papa ang tingin sa paligid bago marahang tumango, "Maliwanag naman dahil sa mga ilaw. Okay, sige, mag-iingat ka. Salamat sa pag-aayos mo sa anak ko," ngumiti Papa.

"Ako po yung dapat na magpasalamat sa kanya. Sige po, mag-iingat din po kayo."

Pansin ko ang medyo pagtataka ni Papa dahil sa binanggit ni Amanda. Hindi naman siya nagtanong at nagpaalam na rin sa amin. Nang mawala na ang kotse na sinasakyan niya sa aming paningin ay pareho kaming pumihit ni Amanda.

"Gabi na. Nagpahatid ka na sana kay Papa," sabi ko, bigla ay ngumiti siya.

"E, you're already playing your part? Worried about me? You're so sweet Arianne," biglang umangkla si Amanda sa akin.

"Hi-Hindi sa ganon... Pero seryoso ako. Gabi na, kapag naglakad-lakad ka pa baka makursonadahan ka dyan," I explained. Amanda giggled while she snake her arms on mine. She was about to say something until the both of us suddenly stopped because of a guy who approached us.

"Miss Arianne," sambit ng lalaki. Bakas ang sobrang tuwa sa mukha niya samantalang ako ay agad kinilabutan.

"Arianne do you know him?" asked Amanda. Her hold became tighter.

Umiling ako.

"No, you know me. We met each other last Thursday. I'm really sorry for mistaking you as Miss Shan when in fact you are her daughter. I'm just a big fan of your Mom before that's why I became overwhelmed when I first saw you," paliwanag ng lalaki. Pinagmasdan ko siya. Of course, I knew him. Papalapit pa lang siya sa amin ni Amanda ay kumabog na sa kaba ang puso ko. He explained things but it didn't make my heart settle and Amanda noticed it.

"Let me introduced myself Miss Arianne, I am Hubert Mendez. Miss Arianne, you're so beautiful." He looked at me from head to toe, " You really looked like Shan. Your hair, your face, your charisma. So so beautiful. Can-Can we take a photo together?" Mr. Hubert brought out his phone. He was about to take a photo without waiting for my consent but Amanda stopped him abruptly.

"I'm sorry Mr. Hubert but my friend is currently on the run as she is already late inside. I'm afraid we need to go," Amanda said with a smile on her face.

Mr. Hubert stared at Amanda then at me before nodding, "Okay," nakangiting sambit niya. Pagkatapos ay iniwan na namin siya at nagmadali kaming tumungo sa gate ng mansion nila Pristine

"Arianne, that man is sick in the head," pabulong na sabi ni Amanda.

As much as I don't want to judge a person, Mr. Hubert's actions indicated that there is something wrong with him, still I denied what Amanda claimed.

"Sobra naman sa tingin ko yung may sira siya sa ulo... Baka ganoon lang talaga siya mag-express ng admiration," I tried to widen my thinking even though my heart still beats with nervousness.

Amanda stared at me then sighed, "Ikaw dapat sa tingin ko ang mag-ingat," sabi niya kasabay ang nag-aalalang reaksyon. Inihatid ako ni Amanda sa entrance at nang makapasok na ako ay nagpaalam na siya.

Sa labas pa lang kanina ay rinig ko na ang matamis na tunog ng violin pero ng pumasok ako ay naramdaman ko rin ang texture ng musika nito. Smooth, slow, cool yet warm at the same time. Habang naglalakad patungo sa gitna ng yard ay naaamoy ko ang paligid. Samyo ng mga rosas na agad nagpawala ng aking kaba. Tumingala ako at tama pero mali si Papa. Maliwanag ang paligid pero hindi dahil sa mga ilaw kundi dahil sa malaki at bilog na buwan pati na rin sa mga nakapaligid na bituin. Binaba ko ang aking tingin at nagliliwanag naman na mga mata ang aking nakita. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

I am at the back but I became the center of attention. My heart started to beat fast again though unlike before, I've never felt anything other than that.

"Stand straight, be confident,," narinig ko sa aking likod. Lumingon ako sa pamilyar na tinig at ang gwapong mukha ni Aldred ang aking nakita.

"Arianne, sobrang ganda mo," ngumiti siya.

The music is sweet and romantic, the fragrance of roses is sweet and calming and the view of the moon above is sweet and beautiful. My heart started to beat fast again though this time, it is the feeling of having someone who supports and believes me. The heartbeat rate when you are with someone you're in love with.

"So this is what being in love feels like... Nakakapagpa-diabetes."

Napangiti ako.

ALDRED POV

Simula ng magkatagpo kami Arianne ay nagsimula akong mag-isip para sa bukas at sa mga susunod pang bukas. Wala akong pakialam noon dati pero ngayon ay nae-excite ako para sa mga darating na araw. Masaya pero minsan ay di ko maiwasang mag-alala lalo na sa mga sitwasyong ganito. Yung mapapatanong ka sa sarili mo kung bakit na-deserve mo yung ganitong pagkakataon.

This is the first time that I appreciate our P.E. class. Slow dancing, Arianne's hand and arms on mine as we sway silently. We are silent outside but I know that both of our heart screams. Her beautiful face just inches away from mine blushes beautifully, her eyes sparks like one of the stars in this night and the warmth of her hand channels through mine then goes straight to my heart. Arianne looked up at me and then I saw an angel smile.

Did I do something good last week to deserved this? A question that always runs in my mind every time I feel Arianne's warmth and recently I have this thought, do I deserved her? Am I enough? I've never dreamt of someone before but Arianne is a dream that most people want and it is me who is holding her hands right now.

"Aldred, may problema ba?" Arianne always sees through me.

"Napaisip lang ako kung anong nagawa kong mabuti nitong nakaraan para makasayaw ka,"

"Ah..." Tumango-tango siya, "Wala kang maisip? Baka kasi wala naman," dagdag niya saka humagikgik. Napanguso tuloy ako. Humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko.

"Ako kasi meron ata kaya nandito ka siguro kasayaw ko. Ikaw yung reward ko," saad ni Arianne na nagpatigil sa akin. Ngumiti siya dahilan para dumagundong pa lalo ang dibdib ko. Naramdaman ko ang biglaang pag-init hindi lang ng pisngi ko kundi ng buong pagkatao ko. I always thought I'm good at this but most of the time, Arianne really surprises me.

"You're really scary," saad ko saka tumuloy uli sa paggalaw.

"Bakit naman?" nanunubok niyang tanong.

"Pinapahulog mo yung loob ko sa'yo ng sobra to the point na mukhang hindi na ako makaka-recover pa,"

Humagikgik si Arianne, "Why? Don't you like it?"

Ngumisi ako, "Actually, I am more ready to fall deeper,"

Nang dumating si Arianne ay maraming mga mata ang naagaw niya. Hanggang ngayon nga ay pansin ko ang tingin nila. Looking at Arianne, it looks like she doesn't mind them. Lately, napansin ko rin na hindi na siya katulad ng dati. Madalang na siyang mag-stutter at kapag pinaramdam mo na sinusuportahan mo siya ay lumalakas na ang loob niya. I am really happy that I'm one of those who are able to witness her growth and also kinda proud that I am one of the reason why she's growing.

Ipinatong ko sa balikat ni Arianne ang baba ko saka siya niyakap. Gusto kong malaman ng mga nasa paligid na sa akin siya.

"Aldred," sambit niya. Pansin ko ang biglaang pagkahiya sa tono niya.

"Gusto kong malaman ng mga nasa paligid na akin ka," saad ko. Saglit na tumahimik sa pagitan naming dalawa hanggang sa yumakap ang mga braso ni Arianne sa akin. Napangiti ako ng sobra sa tuwa.

"Okay, kahit na ikaw naman 'tong hindi ako sinasagot. Ilang dates pa ba?"

Napadiretso ako ng tayo. Napamilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, "Can we count this night as one?"

Tumawa siya, "Ewan ko sa'yo. Bahala ka," tugon niya.

Tumango ako. 2 out of 10 na.

Nagpalit ang tugtog. Umayos kami ni Arianne pero bago pa kami makasabay sa bagong indak ng tugtugin ay napalingon kami pareho sa aming tabi.

"Hihihi, so lovey-dovey." Bigla ay may nag-flash na ilaw. Si Noreen hawak-hawak ang camera niya. Tumayo ako ng diretso saka hinawakan si Arianne sa kanyang braso.

"Take us a pic," utos ko.

Humalakhak si Noreen, "Eh? Ayaw ko nga, si Arianne lang gusto kong kunan," saad niya at nag-flash muli ang camera na nakatutok kay Arianne. "Oh my gosh, babe why are you so gorgeous. Mawalang galang kay Miss Pristine pero ikaw yung pinakamaganda dito."

Arianne sighed, "That-That's too much. A-Anyway, ano, Noreen can you please take as a pic... like Aldred said," she said while blushing. Pareho kami ni Noreen na napatitig sa kanya.

"Wow. O-Okay, sure, my gosh, sige, para sa'yo babe," gulat na reaksyon ni Noreen.

Arianne and I pose together. I'm used to cameras pero ewan at biglang nag-stiff ang katawan ko . Hindi malaman kung anong posisyon ang gagawin. We are a couple but we're not so I don't know what she will like. Umanggulo ako patagilid pero pakiramdam ko ay mali. Kabilang gilid pero may mali pa rin. Nakailang palit ako ng pwesto hanggang sa mapansin ko na parehong nakatitig sa akin si Arianne at Noreen.

"Mukha kang tanga," natatawang sabi ni Noreen without regards to my feelings.

"Aldred," tawag naman ni Arianne at bigla siyang umangkla sa braso ko. Napatayo tuloy ako ng diretso at sa isang saglit ay tumunog ang camera ni Noreen.

"Thank you Noreen," sabi ni Arianne.

Pansin ko naman ang pagpula ng pisngi ni Noreen, "Ba-Basta ikaw," saad niya habang nakaiwas ang tingin sa amin saka nagbuntong-hininga. "Anyway, Arianne, aware ka ba na ngayon ipapakilala yung fiance ni Miss Pristine?"

Nagulat ako sa narinig ko. Bigla tuloy akong napalingon sa table namin, wala doon si Carlo pero naroon si Eunice na mas late pa kay Arianne na dumating.

"Pristy gave me a word before,"

"Pero napansin niyo ba? Dapat iyon yung isa sa highlight ng event kanina. Tapos dapat magsasayaw rin sila ngayon pero hindi pa rin ipinapakilala yung mystery guy. Naglibot-libot ako kanina at napagalaman ko na hindi raw sumipot yung lalaki. Nag-aalala tuloy ako kay Miss Pristine. Okay lang kaya siya?" Nagtatanong si Noreen pero may kakaiba sa tono niya. Para bang may gusto siyang iparating.

Nang dumating si Arianne kanina ay sinamahan ko siya papunta kay Bianca at Pristine. Busy noon si Pristine sa pakikipagusap sa ilang mukhang VIPs pero iniwan niya ang mga ito kagad ng makita ang kaibigan. The three hugged each other tightly. Iniwan ko sila saglit para makapag-usap. Maya-maya ay bumalik sa table namin si Arianne at Bianca. Nawala ang make up sa mata ng dalawa, siguro dahil sa pag-iyak na mahahalata mo dahil sa pula ng mga mata nila. Hindi naman naging kabawasan na nabura ang make up nila dahil ngayon ay iyong pinakamagandang accessory naman ang pumalit dito. Iyong mga ngiti nila.

I must say that this debut is not the typical debut I always see and heard about. It's like a grande business meeting disguise as a coming of age party. Pagkatapos i-welcome ang mga attendees kanina ay nagsalita ang lola ni Pristine. Si Ma'am Victoria na School Director ng SNGS at NIA. Sunod ay ang Mama niya na nagngagalang si Veronica, though anak niya si Pristine ay pansin ko na mas may resemblance rin si Natalie sa kanya. Katabi ng Mama ni Pristine ang isang lalaki na sunod namang nagpakilala na Papa niya. Hindi ko alam pero marami ang nagulat ng magpakilala ang Papa ni Pristine, kahit si Bianca na kaibigan niya ay pansin ko ang pagka-surpresa kaya natanong ko siya kung bakit. Ayon sa kanya ay ito ang unang pagkakataon na lumabas sa publiko ang ama ni Pristine.

A few events happened then Pristine went back to see her visitors while here we are, the young one's at the front.

Wala akong alam na ipagkakasundo si Pristine kaya si Carlo ang unang hinanap ng mga mata ko ng malaman ko iyon. Alam ko, base sa mga aksyon ni Carl nitong nakaraan ay iba ang tama niya kay Pristine. Sigurado akong malaki ang magiging impact sa kanya kapag nalaman niya ito.

"Mas magugustuhan niya 'yon," tugon ni Arianne kay Noreen.

"Siguro nga, pero maigi na puntahan niyo siya," sabi naman ni Noreen. Ngumiti siya pero yung ngiting balisa.

"Gusto ko man pero busy pa ata siya makipag-usap sa mga business partners nila. Ayokong makaistorbo," tugon ni Arianne.

"Mali, hindi na niya kasama yung mga business partners nila," parang aksidenteng napataas ni Noreen ang unang salita niya bago kunin ang isang braso ni Arianne, " Sa likod ng mansion, may yard, may malaking puno... si Ramirez. Yung friend mo Aldred, bilis,"

Nakasuot si Arianne ng heels pero para lang siyang naka-rubbershoes ng bigla siyang tumakbo. Agad naman akong sumunod sa kanya. Base sa pagkakasabi ni Noreen ay may hindi magandang nangyayari pero base rin sa paraan ng pagsasabi niya nito sa amin ay mukhang inililihim niya ang nasaksihan.

Carlo is my bestfriend. Wala ako sa tabi niya noong mamatay ang Papa niya. Nagkita kami uli pagkatapos noon at akala ko ay okay na siya. Still carefree, positive and go with the flow until one incident happened. Making me realized that he became different.

May rabbit na stuff animal noon si Carlo na pinakaiingatan niya. Kwento niya sa akin ay bigay daw iyon ng mahalagang tao sa kanya. Lagi niyang dala-dala iyon at nakasabit sa bag niya kahit na malaki na kami. Isang araw ay tinambangan kami ng ex ng isa sa mga naging not so legal girlfriend niya. Hinawakan ako ng mga kasamahan ng lalaki habang binubugbog si Carlo ng inagawan niya. Despite na nakailang suntok na sa kanya iyong lalaki ay nakangisi pa rin siya noon. Siraulo talaga sa isip-isip ko hanggang sa kunin ng lalaki ang bag niya at hilahin iyong stuff animal. Parang bula na nawala bigla yung ngisi ni Carlo. Papalubog pa lang ang araw noong mangyari ang insidente pero parang sa paligid niya ay nauna na ang gabi. Mabuti na nga lamang ay may humahawak sa akin noon dahil kahit ako ay nanlambot ang tuhod sa klase ng tingin niya.

"Don't fucking touch that!" bulyaw ni Carlo na hindi pinakinggan ng lalaki. Kinuha ng lalaki yung rabbit na manika saka hinati ito sa dalawa. Ngumisi iyong lalaki kay Carlo pero iyon na ang huling ngisi niya noong araw na iyon. Alam kong body guard ang trabaho ng Papa ni Carlo bago ito mamatay at mukhang naturuan niya ang anak niya. Though that time ay hindi anak ng isang tagapagtanggol ang naging galawan ni Carlo kundi anak ng isang mamamatay tao.

"Bullshit,"

Arianne and I saw Carlo laughing hysterically at Pristine.

"Bakit ba nakiusap pa ako sa'yo kung pwede naman kitang pwersahan na kunin."

When Carlo likes something, he will do his best to get it. Carlo always gets whatever he wants because of that attitude. Kahit silang dalawa lang ni Tita Theresa, kahit hindi sila ganoon kayaman ay nakakagawa si Carlo ng paraan para mabili ang gusto niya. His resourcefulness and persevarance are one of those things I admire in him. Pero paano ba kung yung taong laging nakukuha ang gusto ay pagkaitan ngayon? I don't know what is inside Carlo's brain right now. What is it that he is thinking? Carlo is my bestfriend and from what I am seeing, I need to save him before he do something he'll regret later.

I needed to put a sense into his head and what I mean by putting sense is by landing my fist onto his face.

🔶🔶🔶

Erururu Creator