NO ONE'S POV

"Good eve Ma, kamusta ang araw mo?"

Pagbuntong hininga ang isinagot ni Cecil. Napakurap tuloy ang mga mata ng nasa kabilang linya.

"Andrew, yung panganay mo. He's growing so fast."

Narinig ni Cecil ang biglaang paghalakhak ng asawa.

"Hindi ako nagbibiro. May mga bagay na hindi na ako yung makakapag-explain sa kanya. Kailangan niyo ng mag-usap ama sa ama,"

Tumango-tango si Andrew habang nakikinig.

"Ohhh, so ang aga nga. He is already in that point?"

Cecil blew a breath making Andrew laugh.

"I can't blame him though. He fell in love with Shan's daughter after all."

"Ohh yes haha. Like father like son."

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi,"

Natawa uli si Andrew pero agad ding natigil  dahil sa sumunod na sinabi ni Cecil.

"Nandito naman si Alex so okay lang."

Bigla ay tumahimik ang kabilang linya kaya ngayon ay na kay Cecil ang huling halakhak.

"I love you Pa," bawi ni Cecil. Ngumiti si Andrew bago tumugon din.

"I love you too so much Ma,"

"Talk to your son a,"

"I will,"

"Pero huwag ngayon,"

"Bakit?"

"May late-night talk kasi sila ni Arianne so be considerate."

Natawa si Andrew, "Understood."

ALDRED'S POV

"Always be a gentleman," iyon ang huling sabi ni Papa nang tumawag siya kaninang umaga. Sa totoo ay nagulat ako nang makita ko ang ngalan niya sa screen ng aking phone. Normally kasi ay kay Mama lang siya tumatawag then ipapakausap siya ni Mama sa amin.

"Normal sa ating mga lalaki na mag-isip ng mga ganoong bagay pero alam mo naman yung tama at mali di ba?"

Nakausap ko si Arianne sa cellphone last night at natutuwa ako na nagkaayos na sila ng mga kaibigan niya. Nag-kwento siya ng ilang mga bagay, katulad ng kasama niya mamili ng gift yung childhood friend niya na taga EMIS, yung naghabulan sila ni Bianca, yung pagsabit ng sintas niya sa fence dahilan para madapa siya at pagkain niya ng ramen.

Arianne shared her day to me enthusiastically. Yung nakakawili niyang boses, maliliit na tawa at kalmadong paghinga. Gusto ko iyon mapakinggan gabi-gabi. Kung nabigyan man ako ng magazine na iyon ng idea lagpas sa dapat na malaman ko sa aking murang edad ay iyon ay napatunayan ko pa na yung aking nararamdaman ay tunay na pagmamahal.

Malamig na dumampi sa aking pisngi ang hangin ngunit dahil nasa isip ko si Arianne ay mas ramdam ko ang warmth niya. Tumingala ako at maaliwalas ang kalangitan. Maliwanag ang bilog na buwan na natatabihan ng mga kumikislap na bituin. In-adjust ko ang aking bow tie saka tumingin sa aking relo. 15 minutes na lamang ay magsisimula na ang party.

Nakaupo ako sa table kasama sina Monique, Jerome, Charles at Bianca. Inikot ko ang aking tingin at may mga pamilyar na mukha akong nakita. Si Noreen, Doreen, yung isang gumanap na fairy sa play at mga ilang kasamahan ko sa modeling agency... nandito rin si Ryan James na student council president namin. Suprisingly ay nandito rin si Felicity. Nagkasalubong kami ng tingin pero hindi katulad ng huli ay ang seryoso ng aura niya.

"Kuya nakita mo ba si Ate Natalie?" tanong ni Monique  habang hinahatak-hatak ang tela sa balikat ko. Doon ay napansin kong ilang beses ko nang pinagmasdan ang paligid ngunit katulad ni Arianne na wala pa ay wala rin si Nat.

Umiling ako.

Midnight blue ang theme ng debut. Outdoor ang set up pero kapag tumingin ka sa taas ay parang lumapit ang mga bituin dahil sa mga ilaw na nakakalat. Mga eleganteng puting upuan na nakapaligid sa pabilog na mesa na may kulay puti, pilak at ginto na disenyo,  intricate table clothing and skirting, candelabra na may scented candles, mabangong paligid dahil sa samu't-saring nakapaligid na puti, asul na mga rosas at romantikong tunog ng violin. Alam kong mayaman sina Pristine pero hindi ko akalaing nakatira siya literally sa isang mansion at may ganito sila kalaking frontyard.

"Aldred, si Arianne?"

Napalingon ako kay Carlo dahil sa tanong niya. Nasa kabilang side siya ni Monique.

"Tumawag siya kanina. Sabi niya baka ma-late daw siya kaya nauna na kami ni Monique," tugon ko at hindi ko alam o guni-guni ko lang na biglaang nagdilim ang mukha ni Carlo.

"May problema ba Carl?" natanong ko tuloy. Namilog ang mata niya bago ngumiti siya ng nakakasilaw.

"Ah wala naman, pero kung ako kay Arianne hindi ako magpapa-late kasi alam mo naman, ayaw niya ng atensyon pero kapag na-late ka, nasa'yo yung tingin ng lahat,"

Tumawag sa akin kanina si Mama habang nasa salon kami ni Monique. Tinatanong niya kung nagkita ba kami ni Arianne dahil tumungo rin daw ito ng Central. Nang hindi ako kontakin ni Arianne ay ako ang tumawag sa kanya. Medyo matagal nga siyang sumagot sa tawag pero tumugon din naman siya at sinabing may pinuntahan lang siyang importante.

"Pinakita ba sa'yo ni Arianne yung susuotin niya? Ako yung may gawa n'on," nakangiting sabi naman ni Bianca pagkabalik na pagkabalik niya sa table namin. Tumabi siya sa akin kaya naiwan yung isang upuan sa tabi ni Jerome na bakante.

"Hindi ko nakita, busy kasi ako kanina. Pero si Mama oo. Sobrang nagpaganda pa nga raw kay Arianne yung gawa mo kaya nae-excite na talaga ako na makita siya."

"Ako pa ba? Haha, anyways saan daw ba siya nagpunta? Sinabi ko na kay Pristy na male-late si Aya. Medyo nalungkot nga siya... hey sigurado naman na pupunta siya di ba?" From high to low ang energy ng pagsasalita ni Bianca. Pansin ko ang pag-aalala sa katanungan niya.

"Yes she will, baka nahirapan lang sa pagbili ng sapatos. Iyon kasi yung sabi ni Mama na dahilan ni Arianne kaya pumunta siya ng Central,"

"Really? That girl...She should have asked me... or someone else to accompany her," Bianca said unsurely.

Lungkot ang nakita ko sa mukha ni Bianca. Iko-console ko sana siya pero biglang sumulpot si Noreen sa pwesto namin at walang tigil na kumuha ng litrato.

I am wearing a navy-blue tuxedo suit. Naka semi-formal black suit naman si Carl at bukas ang unang tatlong butones ng white oxford niya. Full white naman si Jerome with his vest. Pansin ko ang pagkatahimik niya at hindi nila pagpapansinan ni Bianca. Habang kumukuha tuloy ng litrato ang naka-black suit na si Noreen ay pinagmamasdan ko ang dalawa at ang awkward nila.

Monique is wearing a simple sky blue off-shoulder dress while Bianca has her unique midnight blue lolita dress.

"Sayang wala pa si Bebe ko pati si Nat," saad ni Noreen habang tinitignan ang mga kuha sa cellphone niya.

"Huwag mong sabihing hindi a-attend si Natalie," sabi naman ni Bianca kaya tinignan siya ni Noreen saka nakangusong tumango.

I heard things before but lately ko lang binigyan ng pansin. Nat and Pristy are cousins. They are not on good terms and it worsened because of Arianne's choice to befriend Pristine rather than Nat (Arianne mentioned to me before that Nat and her were classmates/ friends wayback in grade school). There is also a rumor that the two are not on good terms because of inheritance issues. There was a time before in the agency that Nat was asked by one of our co-models about her parents and she simply answered that they were dead. I felt pity for her that time and now that I am more aware and starting to realize a lot of things, I felt pity for her more.

Sigh... A very deep breath escaped from me.

"I should have greeted her yesterday," I said to myself.

NO ONE'S POV

"Achoo!"

Malamig na hangin ang dumampi kay Natalie. Naka-long sleeves na floral button down shirt naman siya ngunit parang nanuot sa buto niya ang temperatura at nanlamig siya. Kasalukuyang siyang nasa isang waiting shed. Kakagaling niya lamang kina Nicholai at ngayo'y nag-iisip siya ng susunod na pupuntahan. Wala pa siyang naiisipan na specific na lugar pero nag-aabang siya ng bus patungo sa Central.

Tanghali pa lang ay umalis na si Natalie sa kanila. Pinigilan siya ni Manang Soledad habang hindi naman umimik si Veronica. Bago siya umalis ay nagkasalubong sila ni Pristine. Walang nabuong emosyon sa pagitan ng dalawa nang magkatinginan sila ngunit ng lumagpas na sila sa isa't-isa ay parehong naglungkot ang mga mukha nila.

As much as possible ay iniiwasan ng pamilya na ma-curious ang mga tao kay Natalie. Isa sa dahilan kaya hindi siya noon sinuportahan ni Victoria at Veronica sa pagpasok sa modeling. Wala na nga lang silang nagawa nang maging successful ito gamit ang sarili niyang mga kamay. Hindi maaaring um-attend si Natalie sa debut ni Pristine dahil nakapaligid sa event ang mga matang naghahanap ng maaring pag-usapan. Kilala si Natalie bilang bahagi ng Vicereal clan at syempre ay mapag-uusapan ng mga tagamasid ang absence niya pero male-lessen ito kung wala siya.

Nakaupo si Natalie hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nagche-check siya ng lugar na maaaring tambayan. Dahil nasa legal age na siya ay maaari na siyang pumunta sa mga establisyimentong hindi niya napupuntahan dati. Scroll down at scroll up bago i-press niya ang screen nang dumaan ang pamilyar na pangalan ng isang bar sa kanya.

"Tipsies? Dito madalas tumugtog sila Nic," And then ay napagdesisyonan na niya kung saan siya pupunta.

Tumayo si Natalie. Nagdaanan na ang ilang kotse pero wala pa ring bus. May mga jeep naman na patungo sa Central pero dahil malamig ang hangin ay hindi siya sumasakay. Saglit ay may mabilis na motor na dumaan sa harap niya. Ang bilis nito kaya nahati ang hangin at nadala sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ay bumahing si Natalie pero hindi niya inaasahan na pagkadilat ng mga mata niya ay nasa harapan na niya ang kaninang motor na lumagpas sa kanya.

"What are you doing here?" isang pamilyar na boses ang nagtanong kay Natalie. Tinanggal ng rider ang helmet niya at lumitaw ang mukha ni Jacoby Winters. Napatitig sa kanya si Natalie at hindi umimik.

"Hey, what's wrong?"

Bigla ay ngumiti si Natalie bago mahinhing tumawa.

"Ikaw ba talaga 'yan?"

Napabuntong hininga si Jacoby bago napakamot sa kanyang batok, "Do I look too neat?" tanong niya.

Nakasuot si Jacoby ng white tuxedo suit, yung buhok niya ay naka-istilo na neat slick back at wala siyang suot na kahit isang piercings. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa itsura niya noong mga nakaraang pagkikita nila ni Natalie.

"Yes, no offense pero hindi kita nakilala agad," natatawang tugon ni Natalie.

"Ah okay lang, actually ako rin. Hindi ko nakilala yung sarili ko noong tumingin ako sa salamin."

Humagikgik si Natalie, "So saan ang punta?" tanong niya.

Sasagot na sana si Jacoby pero may biglang pumasok sa utak niya. Last time ay hinatid niya si Natalie sa lugar na pupuntahan niya (sa Norte) pero nandirito ito ngayon sa Silangan.

"May a-attend-an lang na party. Ikaw? Bakit nandito ka?"

"Galing ako sa friend ko,"

"I see, so pauwi ka na?"

Umiling si Natalie, "Pupunta ako ng Tipsies,"

May pagkagulat sa mga mata ni Jacoby ng marinig ang pangalan ng lugar.

"That's a bar. Are you allowed there?"

"I just turned 18 yesterday so it will be my first time there," Natalie smiled.

Napatitig si Jacoby kay Natalie. Tahimik ang kalsada dahil sa maluwag ang daan. Gabi pero maliwanag ang buwan. Dumarami pa ang mga bituin sa langit. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at napansin ni Jacoby ang pagkibot ng mga balikat ng dalaga. Walang anu-ano'y tinanggal niya ang kanyang puting coat at iniabot ito kay Natalie.

"Hey, no, thanks. Okay lang ako," pagtanggi ni Natalie kasabay ang ilang iling. Ibinabalik niya ang coat sa binata pero busy ito sa pagbukas ng top-box.

"Malamig kaya isuot mo na 'yan," saad ni Jacoby bago ilabas ang isa pang helmet at iabot din ito kay Natalie.

"Halika na,"

"Saan?" pagtataka ni Natalie habang hawak-hawak ang coat at helmet.

"Sa Tipsies. It's your first time there so I can't let you go alone,"

Napanganga si Natalie dahil sa narinig. Saglit bago siya naka-react.

"Sira! I will be fine saka may pupuntahan ka di ba?"

"Yeah but it's just an errand. Hindi ko naman talaga gustong pumunta doon," Jacoby nonchalantly answered. Tinapik-tapik niya ang bakanteng space sa likod niya.

"Sit,"

Natalie eyed him then sighed.

Hindi sinuot ni Natalie ang coat. Umupo siya patagilid sa motor dahil naka denim skirt siya saka itinakip ang coat sa mga hita niya. Sunod ay sinuot niya ang helmet saka inihawak ang isang kamay sa coat at isa sa balikat ni  Jacoby.

"Is it fine to hold you here?  Nalaman ko kasi na nahihirapan kayong magliko kapag dito nakahawak."

"Okay lang, magaan naman yung kamay mo kaya hindi nakakaabala."

In-adjust ni Natalie ang sarili niya at nang-okay na siya ay marahang pinatakbo ni Jacoby ang motor.

ARIANNE'S POV

Five in the afternoon. To think that Pristine's debut party will start at seven, I should be preparing right now instead I am here inside a van with unknown people around me. 7 well-built men wearing different civilian clothes. All of them have a stern look aside from the driver who is banging his head and singing his lungs out to the song Work From Home by Fifth Harmony.

Kung hindi lang nasira yung sapatos na susuotin ko ay wala ako ngayon dito sa gitna ng kalsada. Palabas ng General City ay tahimik ang daan though hindi ang puso't isip ko na napupuno ng kaba. Naalala ko tuloy yung napansin ni Nicholai kahapon. Sila ba 'yon? And ano ang kailangan nila sa akin?

"Miss nauuhaw ka ba?" Tanong ng katabi kong lalaki. Nagulat ako kaya napailing ako bigla kahit tama naman siya. Sa kaba ko kasi ay natutuyo na ang lalamunan ko.

Actually, yung sitwasyon sa loob nitong van ay matiwasay. Wala akong piring sa mata o posas o tali na makakapagpigil sa mga galaw ko. Hindi rin nila kinuha ang cellphone o bag ko. Nakakapagtaka kaya mas lalo akong nag-iingat. After all ay pitong lalaki na mala-bouncer ang pangagatawan ang nakapaligid sa akin. Kaya rin siguro hindi na sila nag-abala na kontrolin ang kilos ko dahil wala naman akong magagawa.

🔶🔶🔶

Alas otso ng umaga nang kumatok si Tita Cecil sa pinto ng aking silid. Alas singko pa lamang ay gising na ako't abala lang mag-scroll sa newsfeed ng aking fb. Ngayon ko lamang na-accept yung group invitation ni Felice na Amnesiac Friends kung saan kami lang dalawa ang member.

Ngayong nabuksan ko na ang phone ko  (IDK if I need to thank Charles) ay may background na ako sa kung anong mga nangyari noong nakalipas na buwan including that kiss or should I say kisses with Aldred.  Pagkakita ko ng mga picture ng halikan... oo halikan namin ni Aldred ay agad gumana ang memorya ko at naalala ko kung paano kami unang nagkita. Yung pagbanggit niya sa ngalan ko, yung sensasyon ng hawakan niya ang braso at kamay ko, yung halik niya na hindi lang isang beses, at yung amoy ng strawberry lip balm ko. Sa pagkakaalala ko ay kinasusuklaman ko ang pangyayaring iyon at gustong-gusto kong malimutan ngunit ngayon, kahit isang saglit, bawat detalye at pakiramdam ay ayokong mawala sa aking isipan.

Bumangon ako at pinagbuksan si Tita. Dala-dala niya ang isang malaking box. Yung gown na gawa ni Bianca.

"This is too..." Napabuntong hininga na lamang ako habang nakaharap sa salamin. Pagkatapos naming mag-almusal ay isinukat ko yung damit.

Pristine's debut celebration will start at 7 in the evening. I love to celebrate her birthday but my excitement is not the same as others who flaunt theirs on social media. Mahal ko si Pristine pero ayoko nang grande na mga pagtitipon. Pero mahal ko si Pristine kaya a-attend ako kahit ayoko.

"Arianne," I heard Papa's voice along with his knock. Pinagbuksan ko siya ng pinto habang nakatago ako sa likod nito.

"Po?"

Papa eyed me, "Pupunta na kami ni Marius sa mansion. Dala na namin yung mga gamit namin. Anong oras kita ihahatid sa pupuntahan mo?"

"6:30 po,"

"Okay," tugon ni Papa habang dumiin pa ang titig sa akin. Sa likod niya ay dumaan si Tita Cecil pero napatigil at napatingin din sa akin.  Mas lalo tuloy akong nagtago sa pinto.

"Sabi ng Mama mo si Bianca raw ang gumawa ng isusuot mo. Pwede ko bang makita?"

Bigla ay tumabi si Tita Cecil kay Papa, "Oo nga iha, iyon ba yung box kanina?" May pagka-excited na reaksyon niya.

Ngumiwi ako bago marahang tumango. Nahihiya ako pero wala naman akong magagawa. Binuksan ko ang pinto para ipakita sa kanila ang aking sarili. Pansin ko ang gulat na reaksyon ni Papa at pagkamangha ni Tita kaya na-conscious ako.

"Omo!" rinig kong sambit ni Tita. Na-distract ako sa kanya kaya hindi ko napansin ang pagtutok sa akin ng cellphone ni Papa.

"Papa!" Reaksyon ko ng may mag-flash na ilaw.

"Oh my God Shan! Our daughter!" Sambit niya habang nakatingin sa screen ng phone at akala mo'y humahagulgol. Sunod ay ipinakita niya kay Tita ang nakunan niyang larawan. Nagtago tuloy uli ako sa pinto dahil sa hiya.

"Ang ganda mo iha, sobra," sabi ni Tita.

"Th-Thank you po," uminit ang pisngi ko dahil sa compliment.

"Arianne anak, kapag may gustong makipagsayaw sayo huwag kang papayag a!"

"Hindi mo na po kailangan sabihin Pa," tugon ko dahil ayoko naman talaga.

"Maigi," nakangiti si Papa na tumango-tango.

"Pero pag si Aldred po, okay lang po di ba?" Pagsingit ko habang palipat-lipat ng tingin kay Tita Cecil at Papa. Nangiti si Tita habang biglang nagdilim naman ang mukha ni Papa. "Kasabay ko rin po sila na ihahatid mo di ba?" Tanong ko pa. Pumakla ang mukha ni Papa at biglang inialis ang tingin sa akin.

"Hmmp!" Narinig ko pagka-irap niya. Natatawa ako sa loob-loob ko habang nakatingin kay Papa. Natawa rin si Tita Cecil. Marahan namang gumalaw ang eyeballs ni Papa pabalik sa akin saka sinagot ang katanungan ko.

"Oo," bitter niyang tugon saka taas noong pumihit paalis.

Nagkatinginan kami ni Tita Cecil at sabay na napahagikgik.

Ito ang unang pagkakataon na a-attend ako ng party at kailangan mag-dressed up. Sa school kasi ay lagi lang akong behind the scenes at noong mag-debut naman si Bianca noong February ay nag-out of town vacay lamang kami. Sa utak ko ay hindi ko naman kailangang magmadali dahil isusuot ko lang naman yung gawa ni Bianca, mag-susuot ng kaunting accessories and sapatos tapos aalis na pero hindi pala ito basta-basta.

"Should I wear a make-up?" tanong ko sa sarili habang nakahiga at nakatingin sa kisame.

Pagkatapos naming magtanghalian nila Tita ay narinig kong nagpasama si Monique sa Kuya niya para tumungo ng Central at magpa-salon. Come to think of it, siguro ay busy rin si Aldred dahil simula kaninang umaga ay hindi kami nakakapag-usap.

"I should atleast right? Lalo na ito yung unang pagkakataon na a-attend kami ni Aldred ng formal party. He's like my date," Bumangon ako at agad tumungo sa isang drawer na naglalaman ng make up kits na for God know's when huli kong ginamit.

Ini-skin test ko yung mga gagamitin ko and luckily okay pa. Sunod ay hinila ko ang drawer sa ilalim ng kama revealing my one and only sandals and ugh! Ito ang nakaligtaan ko.

Lumabas ako ng kwarto at nagpaalam kay Tita Cecil na pupunta lang saglit ng Central. Doon ko nalaman na nakaalis na pala sila Aldred at Monique. Medyo nakaramdam ako ng tampo dahil sa hindi niya pagpapaalam... Anyways, Tita said where and what is the salon's name so dadaanan ko na lang dapat sila pagkatapos kong bumili ng sapatos pero this unexpected thing happened.

Maga-alas tres imedya ng hapon. Kakatapos ko lang bayaran yung binili kong sapatos sa department store nang may tumabing lalaki sa akin. Tinignan ko siya at nang magtama ang aming mata ay saka niya idiniretso ang tingin niya. Tumingin ako sa daan at pansin ko ka agad ang ilang lalaking nakakalat na may kaparehong aura niya.

Sobra ang kabog ng dibdib ko pero pinilit kong maging kalmado. He lead the way at habang naglalakad kami ay sinubukan kong mag-iwan ng signals like looking at the cctvs and getting the attention of the guards though the latter didn't succeed. Sa tuwing sinusubukan ko kasi ay inaagaw ng mga kasamahan ng lalaking katabi ko ang atensyon ng mga nasa paligid. Apparently, they know their ways.

"Miss kapag may gusto ka sabihin mo lang a," hindi ako makapaniwala sa sinabi ng katabi kong lalaki. What the heck? Sunod ay dumukot siya sa kanyang bulsa at naglabas ng chewing gum. Inalok niya ako pero siyempre tumanggi ako. Kinain niya yung inalok niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya at habang ngumunguya siya ay pansin kong yung kaninang stern aura sa loob nitong van ay nawala.

Dahil sa aksyon nila ay kailangan kong mas lalong mag-ingat. Hindi nabuo ang kasabihang calm before the storm para sa wala lalo na't hindi ko alam ang motibo nila at kung sino ba talaga sila.

"Gusto ko nang umuwi,"

"Pasensya na pero hindi pwede," ngumiti yung lalaki. Okay, sinabi niyang pwede kong sabihin yung gusto ko pero hindi ibig sabihin ay tutuparin niya.

"Pwede akong tumawag?"

"Pwede naman pero huwag mo ng i-try. May phone jammer kami kaya walang signal." Pagkasabi niya nito ay agad kong tinignan ang aking cellphone at tama nga siya. I stared at him anxiously. Nagsisimula ng maupos ang paghinga ko.

"A-Ano po b-bang kailangan niyo sa a-akin?" I struggled. Ngayon ko lang naramdaman ang nagpapawis at nanlalamig kong kamay ng pagdampiin ko ang mga ito.

"Gusto ka lang ma-meet ni Boss," tugon ng lalaki.

"Bo-Boss? Ba-Bakit po?"

Yumuko ang lalaki at sinipat ako ng tingin, "Ah, nandito na tayo."

Lumingon ako sa labas. Lumiko ang van na aming sinasakyan sa isang malaking restaurant na puno ng tao. Naguluhan ako. Buong paligid, kada sulok ay may tao. Isang lugar na hindi dapat pagdalhan sa akin kung sakaling kidnapping nga ang nangyayari.

Nag-park ang sasakyan sa isang reserved parking. Unang lumabas yung mga lalaki sa likod ng van at ngayon ko lang nalaman na may isa pa palang van na kasama. Bigla ay nakaramdam ako ng mas matinding kaba dahil katulad sa mga palabas ay ginagawa yung paglilipat ng biktima sa ibang sasakyan para hindi matunton ng  mga awtoridad.

"Halika na Miss," the guy whom I talking to offered his hand when he descended. Nagdadalawang isip kong kinuha ang kamay niya.

"Oy, ingatan mo lagot tayo magasgasan lang 'yan," saad ng naunang lalaki. Napalingon ako sa kanya at doon ako nagka-hint sa kung ano ang nangyayari.

Pinaligiran ako ng mga lalaki habang papasok kami ng restaurant. Sa mata ng ilan ay parang mga personal bodyguards ko sila. Habang naglalakad kami ay inisa-isa ko sila ng tingin. Siguro dahil sa kaba ay hindi ko kagad napansin pero ngayong medyo gumagana na ang pag-iisip ko ay naalala ko na nakita ko na sila.

In-assist kagad kami ng mga waiter at waitresses. Dinala kami sa isang private room at pagkapasok na pagkapasok namin ay sa isang tao na pamilyar sa akin dumiretso ang aking tingin.

"Oh finally! My soon to be daughter in law! Welcome, have a sit!" Masiglang sabi ng lalaking kasama ni Amanda. Maputi, matangkad at tsinito ang itsura. Binalik ko kay Amanda ang aking naagaw na atensyon at ngayon ay naka-face palm na siya.

🔶️🔶️🔶️

Erururu Creator