ALDRED'S POV

"Hey Amanda, what are you doing here?"

"Ah, I just want to inform you that I'm finally going to see and confront Dad."

"Oh, that's good but... Arianne? Why are you with Amanda?"

"Didn't Arianne tell you? She's the girl I'm talking about."

"Talking about? Wait! Are you saying that--!"

"Aldred, I'm sorry. I just realized that I love Amanda too. She's smarter than you, matured than you and well, uh, a good kisser than you."

"What?! Arianne, you're just kidding right?!"

"No, I'm really sorry. I'm going now with her to prove our love to her Dad. Bye."

"Bye Aldy."

"Wait! Amanda! Arianne! Joke lang 'to di ba?! Oy! Comeback! My Arianne! Noooo!"

🔶️🔶️🔶️

"NOOOOOO!" Napabalikwas ako bigla. Tumatagaktak ang pawis at naka-hang ang kamay sa hangin. What the hell is that?! Arianne holding Amanda's hand, saying she'll leave me for her! Nightmare!

"Damn you Amanda!"

Pagkatapos aminin sa akin ni Amanda ang problema niya at dahilan kung bakit siya naglayas sa kanila ay nagpatuloy kaming mag-kwentuhan. I asked her personal things that she didn't hesitate to answer. Kung kailan niya natuklasan na lesbian siya, kung sino-sino nakakaalam, kung ilan na yung nagiging girlfriend niya at kung sino yung babae na tinutukoy niya. Ayon sa kanya ay 7th grader siya nang mapagtanto niya, tanging yung personal helper niya lang yung nakakaalam dati sa pamilya at hindi na niya mabilang kung naka-ilang girlfriends na siya.

"Really? Bakit? Sobrang dami ba para hindi mo mabilang exactly?" Sarkastiko kong tanong. Bumalik na ako sa pagkakasandal sa puno.

Tumawa si Amanda, "I'm good at Math but I'm not good at counting things that I regularly used to do."

"Pfft, you're like the girl version of Carlo."

Tumawa ng matindi si Amanda. Pagkatapos ng reaksyon niya ay pinagmasdan ko siya. Nakahiga pa rin siya sa damuhan at nananatiling nakapatong ang braso sa mukha pero hindi na para magtago ng reaksyon kundi para labanan ang liwanag ng kalangitan.

Nahirapan siguro talaga si Amanda kaya umabot siya sa ganoong punto ng desisyon. Arranged marriage? Sino ba namang may gusto ng ganon? Sa mga palabas ko lang iyon nakikita at para lang iyon sa mayayamang pamilya. Mabuti na lang nga ay hindi nag-gaganon yung pamilya ni Arianne. Hindi ko lubos maisip ang gagawin ko kapag halimbawa na lang na ipagkasundo siya sa kung sinong walang kwentang kamote sa mundo.

"Sa dami siguro naman kahit papaano may ilan na notable sa mga naging girlfriends mo, iyon na lang."

Ngumiti si Amanda, "Ah... Notable... What a difficult word... Well, marami pa rin pero para hindi ka na mahirapan may nag-iisa na hindi ko makakalimutan kailanman," saad ni Amanda. Still nakangiti pero may bahid ng lungkot sa mga mata.

"Is that the girl you're talking about?" pag-usisa ko. Umiling naman siya

"No,"

"Then sino yung tinutukoy mo?"

"Hindi ko akalain Aldy na may pagkausisero ka pala."

"Hala, uy. Hindi no, na-curious lang ako... saka as a friend, gusto ko lang malaman yung worries mo. Sorry for stepping on your personal space."

Umalis si Amanda sa pagkakahiga at umupo. Lumingon siya sa akin.

"As a friend? I am really happy. Simula kasi ng dumating ako dito ang lagi kong naririnig tungkol sayo is wala kang pakialam sa mga taong nakapaligod sayo. Of course, maliban kina Jerome and Charles."

"That's why you should be proud that I'm asking you because it means I care for you," humalukipkip ako.

"Okay-okay, thanks for acknowledging me as your friend," tumayo si Amanda, lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Nakilala ko siya pagdating ko dito sa General City."

"Taga-dito sa atin? Kilala ko ba siya? Sino?"

Amanda giggled, "Andami mong question marks... Anyway, I need to protect my personal space kaya sorry, I will keep her identity a secret," saad niya bago sumandal sa balikat ko. Ang luwag ng Tree Garden pero ito siya't nakasiksik sa akin at walang pake sa personal space ko.

Secret? Bumangon ako bigla. Huwag na huwag magkakatotoo yung bangungot ko dahil baka makalimutan kong babae pa rin si Amanda at masapak ko siya sa mukha. Makakalimutan ko lahat ng pinagsamahan namin, kahit na yung part kung saan pinangako ko sa kanya noong mga bata pa kami na hindi ko sasabihin na siya yung dahilan kaya nasunog yung science lab.

Pagkalabas ko ng silid ay saktong lumabas din si Arianne sa kwarto niya. Binati ko siya at tumango lang siya sa akin bago siya naglakad at lagpasan ako.

"Arianne, may problema ba?" tanong ko dahil ang totoo ay kahapon pa siya ganito. Nilingon ako ni Arianne with her deadpan look. Kahapon ay ganito rin ang ekspresyon niya, mas malala nga lang ngayon dahil may eye bags na siya.

Tinitigan lang ako ni Arianne bago siya magpatuloy sa pagbaba ng hindi ako sinasagot. Bigla tuloy lumitaw sa utak ko yung panaginip ko at nag-alala ako.

"Oy, Arianne, may nagawa ba akong mali? Ayaw mo na ba sa akin? Mas gusto mo ba yung magaling humalik? Magpa-practice ako," saad ko at bigla na lang parang nawalan ng lakas ang kanang binti niya. Mabuti na lamang ay naka-react ako kagad at nakalapit sa kanya para kunin ang braso niya kundi ay malalaglag siya ng hagdan.

"Baliw! Saan mo naman nakuha 'yan?" Reaksyon ni Arianne kasabay ang pamumula ng mukha.

"Hindi mo kasi ako pinapansin," ngumuso ako.

Tumindig si Arianne. Irita ang mga mata na nakatitig sa akin. Sunod ay bumuga siya ng hininga.

"Sorry, I'm just- I'm just," parang hindi niya alam ang gusto niyang sabihin. Kung saan-saan lumalapag ang tingin niya bago muli niya akong tignan at titigan ang labi ko.

"May problema ba sa labi ko?" tanong ko at bigla siyang umubo.

"May-May laway ka pa," tugon niya. Agad ko naman pinunasan ang labi at pisngi ko. Ako dapat ang mahihiya pero pagbalik ko ng aking atensyon kay Arianne ay mas namula ang pisngi niya. Pipisilin ko sana ang kanang pisngi niya pero bigla niyang hinawakan ang pulso ko.

"No!" saad niya saka patakbong bumaba.

Saturday, sabay-sabay kaming kumain. Sa tuwing dadapo ang tingin ko kay Arianne ay naaabutan ko siyang nakatingin sa akin tapos bigla niyang iiiwas. Noong una ay nag-aalala ako pero hindi ko alam kung bakit humuhugot ng ngiti sa akin yung reaksyon niya. Siguro dahil sa tuwing iniiwas niya yung tingin niya ay naiiwang namumula ang pisngi niya? O yung kapag nakatitig ako sa kanya ay panakaw niyang tsini-tsek kung nakatingin pa rin ako? O di kaya dahil kapag inalis ko na ang tingin ko sa kanya ay binabalik niya na ang tingin niya sa akin?

Naku-curious ako kung ano ang iniisip ni Arianne pero ayokong tanungin siya lalo na't ini-enjoy ko yung mapagmahal na tinginan niya.

Pagkatapos kumain at tumulong sa paglilinis ng bahay ay bumalik ako sa aking kwarto para maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako para makipag-socialize sana kay Tito Alex pero wala siya.

"Pumunta ng Central Estates si Tito mo at si Marius para i-check yung mansion nila," tugon ni Mama ng puntahan ko siya sa terrace para magtanong.

"Eh si Arianne po?"

"Kakaalis niya lang,"

"Kakaalis? Umalis siya without telling? Saan daw po siya pupunta Ma?"

Nakarinig ako ng pagtawa sa likod ko.

"Mama si Kuya may sira na po sa tuktok,"

"Monique," sita ni Mama kay Monique. Nang-aasar ko naman siyang tinignan at ginantihan niya ako ng memeable na ekspresyon.

"Sa may Central Mall daw," tugon ni Mama sa kaninang tanong ko.

"Sige po, kakaalis niya lang po di ba? Maaabutan ko pa siya," saad ko at handa na sana ako palabas ng bahay pero bigla akong pinigilan ni Mama.

"At saan ka pupunta?"

"Sasamahan po si Arianne,"

"Aldred," tinitigan ako ni Mama.

"Bakit po?"

"Sinabi niya bang samahan mo siya?"

Umiling ako.

"Ikaw bata ka talaga,"

"Pero po..."

"Naiintindihan ko naman kung gaano mo kagusto si Arianne at kung gaano ka ka-protective sa kanya pero hindi sa lahat ng oras ay dapat mong ipilit yung sarili mo sa kanya. She will ask you to come if she wanted to."

"Kasi po..."

Mama sighed, "I-text mo na lang siya kung kailangan ka niya para hindi mo mai-invade yung boundaries niya. Aldred, love her but don't own her."

Napatitig ako kay Mama.

Love her but don't own her...

Tinignan ko ang librong binabasa niya. Libro tungkol sa mga toxic na tao. Ayokong maging ganoon kay Arianne.

"Sige po Ma." Bumalik ako sa loob ng bahay. Kinuha ko si Cheeky at habang karga-karga ko siya paakyat ay pansin ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Monique hanggang sa makapasok ako ng kwarto.

Tama si Mama. Ang masaktan si Arianne, ang masakal siya at kamuhian niya ako ang hindi ko gagawin kailanman. Ni-text ko si Arianne at nag-reply naman siya kagad. Sabi niya ay bibili lang siya ng reconciliation gift para kina Bianca at Pristine.

I flopped down on my bed, "Hmmp! Kung niyaya niya ako e di sana matutulungan ko siya sa pagpili. Di ba Cheeky?"

"Arf!" Hinimas-himas ko si Cheeky habang nakahiga kami.

Nitong mga nakaraan ay hindi ako nakakapaglaro ng online games dahil sa pag-iisip kay Arianne at pag-aaral tungkol sa love. A new turn of leaf for me and I'm glad that this is happening. Masasabi ko kasing nag-grow ako as a person ng matuto ako ng mga bagong bagay katulad ng medyo nakikipag-usap na ako sa mga kaklase ko, marunong na akong makiramdam kahit papaano at iniintindi ko na yung pakiramdam ng mga nasa paligid ko.

"Hmm, ano kayang magandang gawin?" tanong ko sa aking sarili. Gusto ko sanang magkwento kay Carlo ngayon pero nang i-text ko siya para kamustahin kung bakit hindi siya pumasok ay nasabi niya na masakit daw ang tiyan niya kahapon. Nisabi ko na pupunta ako sa kanila pero sabi niya ay kasama siya ni Tita Theresa mamalengke.

"Do you want to go out Cheeky?" Niyakap ko si Cheeky at para bang bigla kong naintindihan ang pagkahol niya.

"No!" Parang sabi niya habang nakatingin ako sa magazine na pinaghirapan kong bilhin noong nakaraan. Ngayon ay alam ko na ang gagawin ko.

NO ONE'S POV

Ang Central district ang point of commerce ng General City. Nandito halos lahat ng uri ng business kaya nandito rin halos lahat ng mamamayan ng bayan lalo na tuwing weekend. Ito ang lugar kung saan nagku-krus madalas ang landas ng mga taga-norte, timog, kanluran at silangan.

"Saan niyo po unang gusto pumunta Miss Natalie?" tanong ni Irene pagkakababa ng sasakyan. Walang gana siyang nilingon ni Natalie.

"Do we really need to go out? Why can't I stay home?"

Parang mabigat hindi lang ang katawan pati na rin ang loob ng lumabas si Natalie sa sasakyan.

"Yes, upon Madam Victoria's order. Besides, it's your birthday so we need to celebrate it," tugon ni Irene.

"Celebrate?" Sinipat ni Natalie ang kakalabas lang ng sasakyan na si Pristine. Malungkot ang mukha nito at katulad niya'y walang kalatuy-latuy kumilos, "I am used to celebrate it on my own so why bother?" Binalik ni Natalie ang tingin niya kay Irene. Tinitigan niya ang head bodyguard hanggang sa maputol ito ng tumunog ang kanyang cellphone.

Marami nang nag-text kay Natalie magmula nang pumatak ang unang oras ng araw ng birthday niya. From classmates, acquaintances, co-workers, co-models and friends... The one who greeted her this morning and the reason why her phone beep is Eunice. Ito ang unang pagkakataon na birthday ni Natalie at hindi sila ayos ni Eunice. Normally ay tatawagan siya ng kaibigan pero ngayon ay nag-message lang ito at nag-greet ng simpleng happy birthday. Hindi man yung nakasanayan ay masaya pa rin si Natalie dahil kahit na may hindi sila pagkakasundo ni Eunice ay naalala pa rin siya nito.

"Miss Natalie," banggit ni Irene. Naghihintay ng sagot sa kanina niya pang tanong. Tinignan siya ni Natalie pagkatapos nitong reply-an si Eunice.

"Gusto niyong i-celebrate yung birthday ko pero dito lang sa Central? Pwede bang pumunta tayo ng Baguio, o Tagaytay, o basta sa ibang malayo man lang?"

"I'm sorry Miss Natalie pero hindi pwede," tugon ni Irene sabay sulyap sa likod ni Natalie. Napaikot tuloy ng tingin si Natalie sa paligid niya. Kasalukuyan silang nasa outdoor parking ng Central Mall. Maraming tao sa paligid at mga 1/4 dito ay kilala o di kaya'y namumukhaan niya.

Napabuntong-hininga na lang si Natalie, "Okay, I understand..." saad niya. Sunod ay nilingon niya ang parang lantang halaman na si Pristine. Napasingkit siya ng tingin, humalukipkip siya saka ibinalik kay Irene ang atensyon.

"Since you are really asking where I wanna go, then how about bring me to a bar," Natalie's pink lips formed a smile.

"Bar?"

"Yup, I am legal now so I can finally able to enter a bar right?"

Napatitig si Irene kay Natalie, "No," tanging tugon niya with a firm expression. Alam ni Natalie na ito ang makukuha niyang sagot at may inihanda na sana siyang pangontra pero may naunang umangal kaysa sa kanya.

"Why not?!"

Napalingon ang dalawa kay Pristine.

"Gusto ko ring pumunta ng bar. Doon tayo pumunta Irene. I want a booze! Gusto ko uminom ng alak, gusto ko maglasing, gusto kong kalimutan man lang kahit saglit yung sakit na dulot ng galit sa'kin ni Arianne!"

Kumunot ang kilay ni Natalie habang napahawak naman sa kanyang noo si Irene. Napatingin lahat ng nasa parking lot sa kanila dahil sa biglaang pagngawa ni Pristine.

"Idiot, bukas ka pa mage-eighteen," sita ni Natalie.

Napatigil si Pristine. Para siyang estatwa sa isang parke na naihipan ng hangin. Sunod ay bigla siyang lumuha kaya binigay ni Irene ang gusto ng dalawa. They ended up in a bar. 9th Heaven, a cafe and dessert bar.

"Why?" Dismayadong reaksyon ni Natalie at Pristine pagkapasok nila ng cafe. Sinalubong sila ng isang waitress at dinala sila sa isang private room.

"A bar fit for the both of you," Irene showed her rare smile.

This is not what the two wanted but Irene knew it is what they needed. Nakasimangot ang dalawa ng dalhin niya ang mga ito sa 9th Heaven pero nang makaupo na sila ay wala ng tigil sa pagkain si Pristine. Pansin niya naman na natuwa rin si Natalie na kahit papaano'y sumaya ang kapatid niya. Sa huli, birthday man ni Natalie ay mas mahalaga pa rin para dito ang kapakanan ng kakambal. Isa sa hinahangaan hindi lamang ni Irene, kundi lahat ng mga kasamahan niyang tagasilbi ng pamilya Vicereal pagdating sa ugali ni Natalie.

"She's eating too much? Is it okay?" may pagka-irita na tanong ni Natalie. Nakakalimang slice na kasi ng cake si Pristine.

"Hindi naman po siguro siya tataba sa loob lang ng isang araw. Kapag nag-bloat naman po siya, sasabihan ko na lang si Manang.

Natalie eyed her sister with a disgusted look.

"Pwoblema?" masungit na tanong ni Pristine habang punong-puno ng cake ang bibig. Meron pa nga siyang bahid ng icing sa pisngi at crumbs ng tinapay sa gilid ng labi.

Nairita si Natalie, "You look pathetic," tugon niya.

Normally ay aawayin ni Pristine si Natalie pero ngayon ay inirapan niya lang ito at pinagpatuloy ang pagkain niya. Uminom siya ng tsaa bago isunod ang panibagong hiwa ng cake.

Lumaki si Pristine na kontrolado ang galaw at alaga ang imahe. Kaunti lang ang nakakakilala ng totoong siya at minsan niya lang nalalabas ang totoong pagkatao niya. Ngayon ay nasa may VIP room sila ng 9th Heaven kaya okay lang kung ano ang gawin niya. Lumipas tuloy ang oras at naka-twelve slices siya ng cake habang tatlo lang kay Natalie at isa kay Irene. Hindi makapaniwala ang dalawa sa kasama. Dumighay pa si Pristine ng pagkalakas-lakas kaya yung hindi makapaniwalang mukha ni Natalie ay napalitan ng pandidiri.

"Disgusting," sambit ni Natalie.

Pristine just looked at her before turning her attention at Irene.

"Irene... ang sakit ng tyan ko," hirap na sabi ni Pristine dahilan para parehong makaramdam ng parang sakit ng ulo ang mga kasama niya. Nahinto lang ang nararamdaman ni Natalie ng biglang mag-ring ang kanyang phone. Nang tignan niya kung sino ito ay uminit ang sikmura niya. Natunaw ang mga matatamis na kinain niya yung tipong nag-melt para maging honey kaya kumawala ang mga paru-paro at bubuyog sa sistema niya.

"Arianne, good morning," bungad ni Natalie. Cheeks and heart burning in a very good way. Agad nama'y napalingon sa kanya si Pristine.

"Good morning Nat, happy birthday," Natalie ate too much sweet but all of that are incomparable to Arianne's sweet and buttery voice.

"Thank you," tugon ni Natalie habang kumakabog ng matindi ang kanyang dibdib.

"I hope you have a blast this day even though I know that you don't like celebrating your birthday," dagdag ni Arianne. Wala siyang kaalam-alam na ang tanging pagtawag niya at pagbati ay sapat na para mapasaya si Natalie sa araw ng kaarawan nito.

Ngumiti si Natalie, "I already am," saad niya bago manakaw ni Pristine ang kanyang atensyon.

Nang malaman ni Pristine na hindi nakausap ni Natalie si Arianne dahil hindi ito pumasok ay mas lalo siyang nalungkot. Para kasi sa kanya ay senyales ito na ayaw talaga siyang makita ni Arianne. Ngayon, habang naririnig niya ang pakikipagusap ni Natalie sa kaibigan ay hindi niya maiwasang magselos. Selos na imbes na galit ay kalungkutan at inggit ang hinuhugot sa kanyang damdamin at kita iyon ni Natalie sa kanyang mga mata.

"Ah, Arianne... Can I ask something?"

"O-Of course Nat, what is it?"

Natalie eyed Pristine, "Nalaman ko kasi na hindi kayo okay ni Pristine. Bukas na yung birthday niya, pupunta ka ba?" tanong ni Natalie na ikinagulat ng katabi niya. Ni-loud speaker ni Natalie ang tawag.

"She's my bestfriend. So of course, I will go kahit na may hindi kami pagkakaunawaan."

Right after hearing those words, Pristine cannot hold her tears to fall down from her eyes. Natalie witness her reaction and this time she smiled tenderly.

"I'm glad, thank you so much."

Pagkababa ni Natalie ng tawag ay nilipat niya ang kanyang atensyon sa walang tigil na pagpupunas ng luha ni Pristine. She sighed a sigh of relief. Saka kinuha niya ang platito ni Pristine at kinain ang natitira pang cake dito.

"This morning is enough for me. We should go back home. Stop crying or else your eyes will sore. Arianne will going to notice that and she will get worry. You don't like that right?"

Tumango si Pristine ng ilang ulit habang patuloy pa rin ng pagkuskos sa kanyang mga mata.

"Yup, I don't like that but I also don't want to go back home now." Pristine cried.

"Why? Di ba kanina ka pa uwing-uwi?"

Parang bata na umiling si Pristine, "Can we go eat a dimsum?"

"Dimsum?" pagtataka ni Natalie.

Tumango si Pristine saka tinignan si Natalie, "It's your favorite right? Let's celebrate your birthday there," Pristine smiled. A smile so different from what she usually shows. A smile showing how much she cares for her sister. A smile showing the real her.

🔶🔶🔶

"Do you think that is enough?" tanong ni Arianne.

"It is," tugon naman ni Nicholai, "You don't know how much your call means to her," dagdag niya.

Kasalukuyang nasa isang high-end jewelry shop sina Arianne at Nicholai. Umaga ng tawagan ni Arianne ang kaibigan para manghingi ng advice hanggang sa magkayayaan sila na lumabas na lang. Unknown to Arianne ay sinubukang yayain ni Nicholai si Natalie pero gustuhin man nito ay hindi siya nakasama dahil sa utos ng kanyang lola.

"Do you think Nat will like this one?" Itinuro ni Arianne ang isang silver daisy chain bangle.

Tinignan ni Nicholai ang bracelet. Makapal ang bangle, cute yung bulaklak, simple pero elegante. "She will like anything as long as it comes from you," tugon niya bago gumapang ang mga mata niya sa presyo nito. Kahit wala tuloy ekspresyon ang kilala bilang poker face student council president ng EMIS ay hindi naman naitago ng boses niya ang pagkagulat, "Well, that's cute but isn't quite expensive?"

"Do you think so? But I really think it suits her," Arianne looked at Nicholai with an unintentional puppy eyes. Tinitigan ni Nicholai ang reaksyon niya. Who will say no to that? Sa mga ganitong pagkakataon ay naiintindihan niya kung bakit nahulog ang loob ni Natalie kay Arianne kahit na pareho sila ng kasarian.

Nicholai sighed, "It would have been better if Nat is here instead of me," sabi niya sa isip-isip niya. "Kung saan ka masaya," saad niya kaya ngumiti ng pagkalaki-laki si Arianne. Itinuro ni Arianne sa clerk ang accessory bago ibalik kay Nicholai ang tingin.

"Natutuwa talaga ako kapag nakakahugot ako ng reaksyon sa'yo," ngumiti si Arianne.

Tumungo ang dalawa sa cashier. Habang ibinabalot ng clerk ang item ay inilibot ni Nicholai ang tingin sa paligid. Naalala niya na na-feature na ito sa Lumiere magazine. Kaunti lang ang tao sa loob ng shop dahil hindi ito basta-basta napapasukan ng mga normal na mamamayan.

"Ayaw mo ba talaga Nic?" Pangatlong beses na na tanong ni Arianne.

Pangatlong beses na na iling ang itinugon ni Nicholai, "Sa birthday ko na lang."

Humagikgik si Arianne.

"All for P70500," sabi ng cashier na agad nagpakislot ng tenga ni Nicholai. Hindi man lagi sila nagkakasama ni Arianne ay kilala nila ng maigi ang isa't-isa. Kilala ni Nicholai si Arianne na matipid na tao pero pagdating sa mga mahahalagang tao sa buhay nito ay namamangha siya dahil all out talaga ito kung gumastos. Bumili si Arianne ng friendship bracelet nilang tatlo nina Pristine at Bianca. Binilhan niya rin ng kwintas si Pristine bilang regalo sa birthday nito, saka bracelet para kay Natalie, at isang charm.

Arianne pulled out her card and Nicholai noticed the reaction of the staffs around them. Nang una niyang makilala si Arianne noon ay wala siyang kaalam-alam na galing ito sa isang napakayamang pamilya. Though Arianne looks like she is rich, Nicholai didn't have an idea that she is this rich. Napakamahiyain kasi ni Arianne, walang yabang at lagi pang nabu-bully.

"Para saan yung charm?" tanong ni Nicholai pagkalabas nila ng jewelry shop. Pansin niya kaagad ang biglaang pag-blush ni Arianne.

"For Cuzon?"

Gulat na napatingin si Arianne sa kaibigan, "Alam mo?"

"Of course, it's a wildfire news. So totoong nagkakamabutihan na kayo? Or huli na ako sa balita at kayo na?"

Matinding umiling si Arianne, "Na-Not yet," sambit niya bago siya biglang huminto sa paglalakad. Napahinto rin si Nicholai at napansin niya ang biglaang paglungkot ng mukha ng kaibigan.

"Alam mo ba na gusto rin siya ni Nat?"

Pinag-aralan ni Nicholai ang reaksyon ni Arianne. Saglit bago siya tumugon, "No," ani niya dahil hindi niya talaga alam.

Mapait na ngumiti si Arianne, "Gusto rin niya si Aldred. Kung magkaiba nga lang sana kami ng gusto sigurado makakapag-share ako sa kanya katulad ng pag-share ko sa'yo. Actually medyo nagi-guilty ako. At some point kasi parang inagaw ko sa kanya si Aldred. Sinubukan kong talikuran yung nararamdaman ko para hindi ko masaktan si Nat pero hindi ko nagawa,” Arianne opened up.

Tumahimik sa pagitan ng dalawa. Yung tipong yung ingay ng paligid ay hindi nakakapasok sa gitna nila. Napapalingon sa dalawa ang mga taong dumaraan kaya napansin ni Nicholai ang hindi na pag-intindi ni Arianne sa mga matang tumititig sa kanya.

"Hindi mo kailangan gawin 'yon. Though hindi naman galit si Nat, sa tingin ko siguradong mas ikakagalit niya kapag nalaman niya na nagsasakripisyo ka para sa kanya."

Napakagat si Arianne sa pang-ibabang labi niya dahil sa narinig.

"Nic, if ever Nat ask for advice, if ever she ask you to choose between me or her, please choose her," malungkot na ngumiti si Arianne.

Tinitigan saglit ni Nicholai ang kaibigan bago siya tumugon, "Do not worry, Natalie will not ask me to choose between the two of you,"

Mahinang tumawa si Arianne, "Oo nga, what am I thinking... parang pinapalabas ko na ganoon mag-isip si Nat at masama talaga yung ugali niya."

Muli ay nanatili lang ang tingin ni Nicholai kay Arianne, "She is... she really is bad. She already made her choice but she's not telling you about it. Sigh, Arianne, if ever the time comes that Natalie will reveal her chosen choice to you, can you promise me that you won't get mad at her?"

Nagtataka na napatitig si Arianne, "What do you mean?"

Hindi nagsalita si Nicholai dahil sapat na ang mga tingin niya para iparating kay Arianne yung nais niyang sabihin.

Arianne smiled, "Okay, I promise I won't get mad pero hindi ko maipapangako na hindi ko ipaglalaban yung feelings ko," saad ni Arianne. Yung determinado niyang mga mata, aura at countenance, ngayon lamang ito nasaksihan ni Nicholai. Agad tuloy pumasok sa isip niya na isang mahirap na desisyon ang pinili ng matalik na kaibigan. Isang desisyon na alam niyang alam ni Natalie na sa huli ay masasaktan lang siya.

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad. Bilang pasasalamat sa pagsama sa kanya ay tinanong ni Arianne ang kaibigan kung saan nito gusto kumain para mailibre niya. Patungo na sana sila sa isang ramen house ng biglang mapahinto si Arianne. Sinundan ni Nicholai ang kanyang tingin at lumapag ito sa isang babae na may mahabang itim na buhok na orange ang dulo, naka black haori, at pink na yukata. Pumihit ito paharap sa kanila kaya  nakita nila na may kagat-kagat itong parang bamboo na bagay.

"Nezuko!" agad lumitaw sa utak ni Nicholai pero iba ang isinigaw ni Arianne.

"Bianca!"

Napalingon si Bianca sa pinanggalingan ng tinig. Nang makita niya si Arianne ay napanganga siya kaya nalaglag ang bagay na kagat-kagat niya, "Arianne?" gulat niyang reaksyon. Humakbang si Arianne paabante sa kanya pero kabaligtaran naman nito ang inihahakbang ng mga talampakan niya. Natutuwa siyang makita si Arianne pero siguro dahil sa hindi siya handa ay nababahag ang buntot niya. Papalapit na si Arianne sa kanya ng bigla siyang pumihit patalikod at tumakbo.

"Bianca!" tawag ni Arianne. Ipinahawak niya kay Nicholai ang mga pinamili, "Nic mauna ka na. Hahabulin ko lang si Bea. Order-an mo na rin ako, kahit ano basta 'wag spicy," bilin niya bago tumakbo.

Erururu Creator