ALDRED'S POV

Ilang beses nag-alarm ang cellphone ko bago ako tuluyang bumangon. Alas-singko ng umaga. Lumabas ako ng silid saka bumaba patungong kusina. Naroon na si Mama na nagluluto at si Monique na nakaupo sa hapag hawak-hawak ang kanyang cellphone. Binati ko sila. Binati rin ako ni Mama habang si Monique naman ay tinignan lang ako saka inirapan. Ang attitude kaya hindi ko sinabi na may bakas pa siya ng laway sa pisngi.

"Aldred, maghilamos ka nga anak. Puro muta ka,"

Napatigil ako at napalingon kay Mama. Tumawa siya nang magtama ang mata namin kaya napanguso ako. I noticed how Monique smirk naman so I eyed her.

Tumungo ako sa CR. Pagkabalik ay kumuha ako ng tubig sa fridge at uminom. Habang lumalagok ay sumilip ako saglit sa breakfast na niluluto. Longganisa, daing, itlog at sinangag. Humahalimuyak ang bango ng bawang kaya kahit wala pa sa harapan ko ang mga pagkain ay ginaganahan na ako. Tumabi ako kay Monique. Pinagmasdan ko siya at naisipan kong kunin ang aking cellphone sa taas. Aakyat na sana ako pero sabi ni Mama ay kakain na kaya di na ako tumuloy. Habang naghahanda siya ay inalala ko na lang yung text ni Bianca na hindi ko nabasa kaagad. She was asking kung bakit hindi pumasok si Arianne at sinabi ko na may pinuntahan lang kami. Mga 11pm ko na rin na-reply-an yung text niya noong tanghali kahapon.

"Gising na po si Tito?" tanong ko dahil nang dumaan ako sa sala ay bukas na ang tv.

"Oo, baka nasa terrace lang,"

Muli ay nagtanong ako, "Wala pa po si Arianne, gisingin ko na po ba siya?"

Nag-stay yung mga mata ni Mama sa'kin habang nilalapag niya yung plato ng longganisa sa mesa.

"Hindi raw siya papasok sabi ng Tito mo,"

Nagtaka ako, "Bakit daw po?"

"Ayaw raw niya," nakangiting tugon ni Mama bago siya bumalik sa counter.

Kagabi matapos mapagalitan si Arianne ay awkward ang naging atmosphere habang nagdi-dinner kami. Hindi ko maiangat ng maayos yung mga kubyertos na hawak ko. Tapos sa tuwing ngumunguya ako ay para bang ang ingay ko dahil sa sobrang tahimik namin. Hindi ko tuloy maka-usap si Arianne. Sinubukan kong salubungin yung mga tingin niya pero nakatungo lang siya sa buong oras namin sa hapag at kaunti lang ang nakain niya. Nang lumabas si Marius sa silid nila ay nitanong ko na lang kung kamusta ang ate niya. Okay lang naman daw pero syempre napagalitan siya ni Tito kaya siguro nahihiya siya.

Katulad ng sabi ni Marius sa'kin ay totoo nga atang monster si Tito Alex sa kabila ng mabait at pleasant niyang aura. Nitanong ko si Mama at nitawanan niya ako noong una bago i-confirm na, "Oo, Alex is really scary once he gets mad,".

Sinabi iyon ni Mama kasabay ang nananakot na tono. May time daw noon na umabot si Tito Alex sa point na halos makapatay na siya. Nakatawa siyang nagkwento without knowing na napalamig ng salaysayin niya ang mga tuhod ko. Habang nakahiga tuloy ako kagabi ay inaalala ko yung sinabi ni Mama. Naisip ko na dapat talaga akong maging maingat sa pakikitungo kay Tito Alex kung ayaw kong ilayo niya si Arianne sa'kin.

Bago matulog ay ni-text ko na lang si Arianne. Humingi ako ng sorry dahil wala akong nagawa para ipagtanggol siya at sinabi ko rin na sana okay lang siya then good night. Agad naman siyang nag-reply na okay lang daw, okay lang siya at wala naman daw akong kasalanan. She said good night too with sleep well at dahil doon ay kahit papaano'y nakatulog nga ako ng mahimbing.

Ngayong umaga ay hindi sumabay sa aming mag-almusal si Tito Alex. Natapos din akong mag-ayos ng aking sarili nang hindi lumalabas ng silid si Arianne maging si Marius. Pagbaba ko ng hagdan ay nasaktuhan ko si Tito sa sala. Nagkatinginan kami, binati ko siya at tumugon siya sa akin. Hinanap ko si Monique at nauna na raw siya ayon kay Mama ng puntahan ko siya sa kusina. Nagpaalam na ako sa kanya at kay Tito Alex nang madaanan ko uli siya sa sala. Palabas na ako ng bahay pero napatigil ako nang bigla akong tawagin ni Tito.

"Aldred,"

"Bakit po?" alerto at magalang ko agad na tugon pagkalingon.

Saglit bago nagsalita si Tito. Umiwas siya ng tingin then binalik sa akin, "Sorry kung nasama ka pa ng anak ko sa kalokohan niya."

Namilog ang mata ko sa narinig, "Kalokohan po?"

Tumango siya, "Yes,"

"Okay lang po saka wala naman po kayong dapat ihingi ng tawad kasi kusa po akong sumama sa kanya," sabi ko.

"Iyon nga, I know how much you are head over heels on her kaya susundan at susundan mo siya. My daughter is older than you so she should know better."

"It's not Arianne didn't stop me po, alam niya po yung tamang gawin kaya lang makulit lang po talaga ako. I'm the one who shoved myself inside the taxi that she's riding in. I'm the one who had the idea to go to Sir Roel's unit to borrow civillian clothes so that Arianne and I can enter the mall. Tito don't get mad at her anymore please? May problema lang po kasi si Arianne kaya naisipan niyang gawin 'yon."

"Problema?" Kasabay ng pagtaas ng tono ni Tito ay ang pagtaas ng kilay niya, "O-Oo, syempre alam ko. Hindi naman siya aakto ng gano'n ng walang dahilan tsk... at mas pinili niyang sabihin sayo yung problema niya kesa sa'kin. Basta, hindi pa rin magandang dahilan iyon para hindi magpaalam."

"Nipagalitan niyo po ba uli siya kaya ayaw niyang pumasok?"

"Hindi no. Nagtampo ata siya sa'kin."

"Ah oks po, pero sa tingin ko po hindi naman. Ang totoo po kasi Tito nag-away sila nina Pristine at Bianca kaya iniiwasan niyang pumasok ng school."

"Nag-away sila?"

Tumango ako sa gulat na reaksyon ni Tito.

"Ga-Ganon ba? Okay-okay. I'll talk to her no, I don't know about girls' fight," Umikot ang tingin ni Tito. Nakahalukipkip siya at seryosong nag-isip bago parang may lumiwanag na ilaw sa utak niya, " Tama, kakausapin ko si Shan," sabi niya habang parang kinakausap ang sarili. Lumingon si Tito sa akin. Alerto ang mga mata.

"Kakausapin ko si Mama niya para makausap siya. Sige, thank you. I'll call Shan, bye, mag-ingat ka papasok," sabi ni Tito bago iwan ako at nagmamadaling umakyat. Napanguso ako. Tumuloy na ako papasok ng school.

🔶🔶🔶

Sa daan ay naka-ilang salubong din ako ng mga tindero ng taho at pandesal. Ilang magagandang tinig ng mga ibon ang aking narinig at ilang beses tumama ang sinag ng araw sa aking mga balat. Naramdaman ko yung init pero dahil maaga pa ay nag-balance ito sa lamig na dala ng natitirang hamog. Tumingala ako at ang liwanag ng asul na kalangitan ang sumakop sa aking paningin. Maganda ang panahon ngayong umaga pero mas maganda sana ito kung katabi ko si Arianne habang tinatahak ang daan.

"Aldred!"

Lumipad ang nag-iisang ibon na nakadapo sa sanga. Nasa may kalahati na ako ng aking ruta nang bigla kong marinig ang boses ni Bianca. Lumingon ako sa likod. Naroon siya at nag-iisa.

"Bianca, good morning," bati ko agad sabay tingin sa likod niya. "Ikaw lang?"

Pumait ang reaksyon ni Bianca bago siya tumango.

"Bakit? Kahapon ba hindi rin pumasok si Jerome?"

Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin at nang sisimulan ko ng iapak ang aking sapatos ay bigla siyang pumihit paharap sa akin.

"Aldred, can I ask a question?" It's a bright morning but Bianca's eyes are sullen.

"You already are," I smiled. Bianca smiled too. A faint smile though then her eyes drooped down. "Is there a problem?" I questioned because her reactions say so. Bianca looked at me.

"Jerome... I wonder... has he already shared with you his future plans?" Her unfamiliar gloomy voice asked.

I stared at her and think, "No," is what I answered. I walked towards Bianca and now we are side by side passing the minutes of the morning.

Actually, si Jerome, Carlo at ako ay hindi pa napag-uusapan ang college. Hindi ko ino-open yung topic sa kanila dahil wala pa rin naman akong plano. Carlo mentioned before that he will take a pre-med course but that before is a way way before. I don't know kung nagbago ang isip niya. Meanwhile, si Jerome always jokes that he want to become a teacher. It's a joke for him but I always take it as it is. Bagay rin naman kasi sa kanya ang maging guro. Sa aming tatlo ay siya ang may pinakakakayahang mag-bahagi ng kaalaman sa iba.

"Though Jerome always jokes around that maybe he will pursue BSEd."

"Education?" reaksyon ni Bianca,

"Yup," Tumango ako.

"He never tells me..." pabulong na reaksyon ni Bianca. Dismayado ang mukha at may lungkot sa mata.

"Maybe because he's not yet sure? As I said, he's just joking about it,"

"Still..."

Nagtataka ako kung bakit ganito siya maka-react, " Mag-step siblings kayo pero hindi ko alam na super close pala kayo ni Je."

"Paano mo nasabi?" Sharp eyes darted at me.

"Para kasing hindi ka sanay na hindi niya sinasabihan ng mga bagay-bagay."

Muli ay idiniretso ni Bianca ang mga mata niya sa daan. Nakatingin ako sa kanya kaya pansin ko ang biglaang pagseryoso niya. Saglit ay nagsalita muli siya, "Saan pala kayo pumunta ni Arianne kahapon?" Pag-iiba niya ng topic.

Napatitig ako saglit kay Bianca bago tumugon, "Sa Central Mall. Nanuod kami ng sine, naglaro sa amusement center saka kumain."

"Nag-date kayo?"

"Parang ganon na nga," I shrugged my shoulders.

Hindi naman na umimik si Bianca.

"Malungkot si Arianne, sobra. She's not used to what is happening between the three of you. Hindi ko alam kung ano yung main reason ng hindi niyo pagkakaunawaan... kung sino yung mali, pero si Arianne. I assure you, gusto niyang maayos kayo," sabi ko.

Yung kamay ni Bianca na nakahawak sa shoulder bag niya ay biglang humigpit ng kapit. Pumait nanaman ang reaksyon niya bago parang nahihiya ang mga matang tumingin sa akin, "The truth is I'm the one who wronged her. I said some things... Things that are really piercing. Kung sino man yung kailangang mag-apologize, ako 'yon at hindi siya."

"Do you need help?"

Ngumiti si Bianca.

"Hindi mo siya kasabay? Ibig sabihin hindi uli siya papasok?"

"Oo, pinagalitan kasi siya ni Tito kahapon,"

"Huh?"

"Ang totoo kasi, papasok dapat talaga kami kahapon pero napansin kong may kakaiba sa kanya. Sabi niya huwag ko na siyang ihatid sa school niyo pero sinundan ko siya at iyon nahuli ko na mag-skip siya. Sumakay siya ng taxi without knowing kung saan siya pupunta."

Bigla ay kumawala ang halakhak sa bibig ni Bianca. Tawa na sapat para mapalipad paalis yung iba pang mga ibon sa paligid. However, kahit na malakas ang reaksyon niya ay di pa rin no'n natabunan ang lungkot sa mga mata niya.

"Pasaway. Ayaw niya siguro talagang makita kami."

"It's new to her so please understand," saad ko na nagpatitig sa kaniya sa akin.

"Arianne is lucky to have you," Bianca smiled softly.

"Of course," ngumiti ako.

"Are your relationship progressing?"

"Yup, she already confessed to me that she loves me."

Huminto si Bianca at gulat na napatingin sa akin, "Really? Wow, I should be happy but I feel betrayed."

"Eh? Bakit naman?"

"Hindi siya nagkikwento sa amin. I'm kinda jealous. You are stealing her away from us."

"Hala! Hindi no. Syempre hindi siya makakapagkwento sa inyo kasi nga may away kayo. Kaya dapat magbati na kayo. Batiin mo na siya a?"

Tumawa si Bianca. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Baby boy ka talaga,"

Tumawa rin ako at ngumiti ng malaki bago magseryoso, "Promise me Ate, batiin mo na siya. Gagawin ko lahat ng tulong na kailangan mo. That's the least I can do for her bago siya umalis sa amin. Gusto ko malinis na yung isipan niya kasi wala na ako lagi sa tabi niya."

"Maka-ate ka dyan a... pero wait, what do you mean?"

"Hindi niya rin ba nasabi sa inyo? Sa Central Estates na sila titira starting sa Monday. Aalis na sila sa amin."

Nagseryoso ang tingin ni Bianca bago ialis niya ito sa akin. Hindi siya umimik at diretso ng tumingin sa daan. Unti-unti ay dumadapo ang mga ibon sa mga sanga ng mga punong nadadaanan namin. Ilang hakbang pa ang nagawa ko bago ko uli marinig ang seryosong tinig niya.

"I see..."

Saglit lang ay nakarating na kami ni Bianca ng NIA. Inalok ko na ihatid siya pero tumanggi siya.

NO ONE'S POV

"Anong nangyari sa braso mo?" Iyon ang agad na tanong ni Jerome nang makita niya si Bianca na naglalakad pauwi. Susunduin niya ang kapatid pero dahil may ginawa pa siya ay medyo late na siyang nakalabas ng NIA. Sa daan na niya nakita si Bianca. Sa ilalim ng mga punong matayog at mas matanda pa sa kanila.

"Not your business," tanging tugon ni Bianca kasabay ang paglagpas kay Jerome. Dumiretso siya ng lakad ng hindi tinitignan ang kapatid.

Sa gulat sa natanggap na tugon ay napasunod ang tingin ni Jerome kay Bianca"Okay," tanging sabi niya.

Biglang tumigil si Bianca. Pumihit siya at masamang tinignan si Jerome, "Okay? Iyon lang talaga yung reaksyon mo?"

Nagtinginan sa dalawa ang mga kasabay nila. Umarko ang mga kilay ni Jerome habang humigpit naman ang ekspresyon ni Bianca.

"Hindi na dapat kita sinundo," Mga salitang agad sumaksak sa puso ng dalaga.

"Si-Sino ba kasi nagsabi na sunduin mo ako?" Balik ni Bianca habang mahigpit na napapakapit sa shoulder bag niya. Lumunok siya pagkatapos, sinusubukang itago ang tunay na nararamdaman. Nakatitig siya ng matindi sa mga mata ni Jerome. Nagpapanggap na hindi nasasaktan hanggang sa isang iglap, sa isang aksyon ay nabasag ang maskarang suot-suot niya.

"Okay then, simula ngayon titigil na ako," tugon ni Jerome sabay alis ng kanyang mga mata sa tingin ni Bianca. Tumuloy siya ng lakad. Mabigat at malamig na mga yapak. Hindi alintana na ang kanyang nilalakaran ay ang mga bubog ng maskara ng kausap niya. Sa bawat paghakbang ni Jerome ay nadudurog niya pa ang mga ito. At ng lumagpas siya kay Bianca ay isang malamig na hangin, lamig na higit pa sa hamog ng paparating na gabi ang iniwan niya.

Matagal bago tinignan ni Bianca si Jerome. Nanatili siyang nakayuko sa kanyang kinatatayuan. Nagbubulungan ang lahat ng nakasaksing estudyante tungkol sa argumento nila pero wala siyang maintindihan. Sobra kasi ang kabog ng dibdib niya para marinig ang paligid. Nang pumihit siya para hanapin si Jerome ay nasa malayo na ito. Iniwan siya at hinayaang mag-isa.

🔶🔶🔶

"Why? Do you not love me anymore?" tanong ni Bianca sa sarili pagkatapos alalahanin ang pangyayari kahapon. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nalalaman ang tunay na dahilan sa ikinikilos ni Jerome at ang kasagutan sa nabanggit ni Sato.

Kasalukuyang nasa may hallway na si Bianca patungo sa kaniyang silid-aralan. Habang nadaraanan ang ilang schoolmates niya ay pansin niya ang pagbubulungan nito. Wala dapat siyang pakialam hanggang sa may isang bagay siyang narinig na nakapagpapintig ng tenga niya.

"I heard they are step-siblings..."

"Really? Pero sa actions nila kahapon parang may namamagitan sa kanila higit pa sa magkapatid."

"I know right, if that's the real case then that's gross."

Tumigil si Bianca sa paglalakad at nilingon ng masama yung pinanggalingan ng huling salita. Nanahimik ang buong Grade 12 hallway. Lahat nakatingin sa iisang direksyon maliban lang yung mga mata ng estudyanteng tinignan ni Bianca. Umiwas siya ng tingin, yumuko saka lumunok.

Out of the three members of Pristine's clique, si Bianca ang masasabing may pagka-warfreak. If Pristine is prim and delicate, Arianne is introverted and charismatic, si Bianca naman ay classy but sassy. Bianca sometimes has a sharp tongue and her long colorful fingernails are designed to complement it.

Yung natural na singkit na mga mata ni Bianca ay mas sumingkit pa. Unti-unti ay bumabaon ang titig niya sa schoolmate niya. Pahakbang na siya para lapitan ito nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Napakurap si Bianca at sa isang iglap lang ding iyon ay nagkulasan na ang mga estudyante sa hallway. Nagtakbuhan lahat papasok sa kani-kanilang silid.

"Bea," Pristine's weak voice greeted Bianca.

"Is there something wrong?" tugon naman kagad ni Bianca. She didn't bother greeting Pristine a nice morning because her voice already has an obvious answer.

"Aya really hates me!" Pristine cried.

🔶🔶🔶

"Hello?" Who is this?"

Nagising si Arianne nang mag-ring ang cellphone niya. Pikit pa ang isang mata ay inabot niya ito. Tinignan kung anong oras na, ala sais-imedya ng umaga. Sunod ay pinansin niya kung sino ang tumatawag. Tanging numero lamang ang nasa screen. Normally ay hindi niya iyon sasagutin pero dahil naistorbo na siya ay ginawa niya ang hindi niya ginagawa.

"Aya, good morning,"

"Pristy?" Magkahalong irita at gulat ang naging rehistro ng reaksyon ni Arianne, "Nag-iba ka na ng number?"

Dahil sa tono na narinig ay agad nakaramdam ng alinlangan si Pristine.

"Hi-Hindi, number 'to ni Kuya Robert. Hiniram ko muna... baka kasi hindi mo ako sagutin kapag yung number ko mismo yung ginamit kong pantawag."

Saglit na napatigil si Arianne bago siya tumugon, "Okay,"

Arianne's answer is suppose to be normal. Kakagising niya lang, wala pa sa wisyo ang utak niya at antok pa ang boses niya pero dahil sa hindi pagkakaunawaang namamagitan sa kanila ni Pristine ay iba ang naging dating nito. Natakot si Pristine sa tipid na reaksyon ng kaibigan. Pumasok sa utak niya na ayaw siya nitong makausap. Si Arianne naman ay may gustong sabihin pero mas pinili niyang hintayin ang kausap dahil ito naman ang tumawag. Naghintay si Arianne at kahit tumatawag na ang kanyang ina ay hindi niya ito sinasagot. Nanahimik ang pagitan ng dalawa. Tumikhim si Pristine at nang may handa na siyang sasabihin ay saka naman napag-isipan ni Arianne na kausapin na ang kanyang ina.

"I'm sorry Pristy. I need to answer my Mom's call,"

Lumungkot ang mukha ni Pristine, "Okay," nasabi na lang niya. Pagkarinig niya ng pagpatay ng tawag ni Arianne ay sumunod kagad na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Tumulo at tumulo, sapat para di niya mapansin si Natalie na nakatingin sa kanya.

"We're going," sabi ni Natalie. Lumingon sa kanya si Pristine.

"I don't want to go to school!" Ingit ni Pristine saka mabigat na lumapit sa kanyang kama at ibinagsak ang sarili sa malambot na kutson nito. Kinuha niya ang kanyang unan at itinabon ito sa ulo niya.

"Fine," sabi lang ni Natalie habang pinanunuod ang nakakaawang eksena sa harapan niya. Umagang-umaga tuloy ay napabuntong-hininga siya. Pumihit siya para lumabas na ng silid pero sakto pagkahawak niya sa door knob ay napatigil siya ng tinig ni Pristine.

"Natalie..." mahinang sambit ni Pristine habang nakatakip ang unan sa mukha.

"What?" Nilingon ni Natalie si Pristine.

"Talk to Arianne for me," halos pabulong na sabi ni Pristine pero sapat pa rin ang lakas para marinig ng kausap niya.

"Why me? You're the one who brought that problem upon yourself."

Paghikbi ang agad sumagot kay Natalie. Pansin niya ang pagbaon ng mga daliri ni Pristine sa malambot na unang hawak nito. Naaawa siya sa kapatid niya pero ito rin naman ang may kasalanan kung bakit siya nagkaproblema kaya sa isip-isip niya ay dapat na harapin ito ni Pristine.

"Aalis na ako," paalam ni Natalie. Mas malakas na paghikbi naman ang tumugon uli sa kanya. Napabuga ng hininga si Natalie. Pagkagising pa lang niya ay napapakiramdaman na niya na sasakit ang ulo niya sa araw na ito at hindi nga siya nagkamali. Nakabukas na ang pinto at paapak na siya palabas ng biglang lumambot ang puso niya dahil sa sunod na mga salita na binaggit ni Pristine.

"Sige na Ate please," saad ni Pristine nang bumalikwas siya at umupo. Inalis niya ang unang nakatakip sa kanyang mukha at pinagmasdan niya si Natalie gamit ang maga niyang mga mata.

"Please?" Pristine plead.

Paanong makakahindi si Natalie? Pristine annoyed her so much this past few days pero kailan ba ito huling humingi ng pabor sa kanya? Hindi na niya maalala. Subukan niya mang maging matigas ay hindi niya maiaalis sa kanyang puso kung gaano niya ito kamahal.

"Tss, okay, I'll try," tugon ni Natalie with her softened eyes.

Mahigpit namang napayakap si Pristine sa unang hawak niya, "Thank you,".

Nagmamadaling bumaba si Natalie. Nadaanan niya si Manang Soledad pababa ng hagdan at nagtaka ang mayordoma kung bakit wala ang kalahati ng kambal.

"Masama raw po ang pakiramdam niya," tugon ni Natalie na hindi lang si Manang Soledad ang nakarinig maging si Veronica.

"Mukhang okay naman siya kanina,"

Napalingon si Natalie sa pinakababa ng hagdan. Nagtitigan sila saglit ni Veronica bago siya tumuloy pababa at huminto ng madaanan ito.

"Why not be a mother to her and ask her what's going on?" sabi ni Natalie pagkatigil niya sa tabi ng ina bago siya dumiretso palabas. Sinundan siya ng tingin ni Veronica hanggang sa mawala siya.

"Brat," bulong ng kasalukuyang head ng Vicereal Household. Nakahalukipkip at singkit ang tingin sa labas ng pinto. Naglakad naman patungo kay Veronica si Manang Soledad.

"Oo nga, katulad mo talaga siya Veronica," natatawang sabi ni Manang Soledad ng tabihan niya ang amo niya.

"Am I that hard too handle before? Ang sakit sa ulo na bata."

"Hindi, mas mahirap kang alagaan at mas matigas ang ulo mo sa kanya. Maswerte ka pa rin at mas mabait ang anak mo."

Nakakunot noo na nilingon ni Veronica ang matanda. Natawa naman ito ng makita ang reaksyon niya.

"Gusto mo bang dalhan kita ng tsaa sa silid mo madam?"

Parang pagod na tumango si Veronica.

"Mabuti pa nga,"

🔶🔶🔶

Erururu Creator