ARIANNE'S POV

"Good evening ma," bati ko kay Mama. Umupo ako at sumandal sa may head board habang nakalatag ang paningin ko kay Marius. Ang himbing pa ng tulog niya.

"Good morning anak, inaantok ka pa. Nagising ba kita?" Ramdam ko ang mataas pa ring energy sa tugon ni Mama kahit na alam kong patapos na ang araw sa kanila. Lumingon ako sa may bintana. Mataas na ang sikat ng araw sa labas at silay na silay ko ang malinis at bughaw na kalangitan. Napaisip tuloy ako kung ilang mga bituin ang nakikita ni Mama kung sakaling nasa balcony siya ng kanyang unit habang kinakausap ako.

"Hindi po, kakagising ko lang po kani-kanina."

Ngumiti ako kasabay ang paghaplos sa noo ni Marius.

"Kakagising mo lang? Hindi ka ba papasok?"

Shit.

Nakalimutan kong magtataka si Mama na hindi pa ako nakakapag-ayos sa ganitong oras. Hindi ako tumugon kagad sa kanya dahil alam kong malalaman niya kapag nagsinungaling ako at ayoko namang magsinungaling sa kanya in the first place.

"Arianne?"

"Tinanghali po ako ng gising,"

"Hindi ka ginising ni Papa mo?"

"Hindi ko po alam,"

Narinig ko ang pagtawa ni Mama.

"Okay, so how is my baby doing na lang? How is school? Are you doing well?"

"Okay lang po ako sa school. Mataas po mga grades ko pero yung math medyo napag-iiwanan still mataas pa rin naman po Ma so don't worry."

"Gusto mo bang kuhaan kita ng tutor sa math?"

"Ha? No, 'wag na po. Kaya ko naman po though hindi po katulad sa ibang subject na easy peasy. Okay lang po ba ma?"

"Okay lang, kahit anong grades pa makuha mo as long as alam ko na you're doing your best. Happy si Mama and happy rin si Papa. Anyway, pasaway ba si Papa mo sa'yo?"

Napagaan ng mga sinabi ni Mama ang kalooban ko pero dahil sa huling tanong niya ay alam ko na kung bakit siya biglang tumawag without notifying me first. Normally kasi ay ime-message niya muna ako na tatawag siya at kung anong oras.

Napatigil ako at napangiti. Sakto naman ay parang pusa na nag-purr si Marius.

"Hindi ka po tumatawag lately... pero ngayon tumawag ka. I bet nagkwento si Papa sa'yo. I didn't mean to make him worried. Sorry po Mama, pasaway po ako kay Papa," pagpapaumanhin ko kagad. Paghagikgik naman ni Mama ang unang sumagot sa akin.

"Arianne, you know how much your Papa loves you right? I know, we both know that you can handle yourself well. I and your Papa are both amazed and proud of how independent you became but that doesn't mean that we can't worry about you," Mama's caring voice reached me.

"O-Opo,"

"Okay, now let's talk about the main reason why I called you,"

Napadilat ako ng buo dahil sa sunod na sinabi ni Mama, "Main reason?"

"Yup," saad niya. Na-imagine ko ang pagtango niya, "Your Papa just called me a moment ago. It's about you and your friends... He said that you're having a girls fight? Gusto kang tulungan ni Papa mo kaya lang wala siyang idea so he called his wife."

Napahawak ako sa aking batok, "O-Opo, may hindi po kami pagkakaunawaan nila Pristine," pag-amin ko.

"Sa tuwing nag-uusap tayo wala kang nasasabi na hindi maganda kina Pristine at Bianca. Nakita ko na sila sa mga pictures mo at mukha naman talaga silang mabait na mga bata. Yung misunderstanding, dumadaan talaga iyan sa lahat ng magkakaibigan but if that misunderstanding will be the cause of your friendship's break up then that means that your friendship is not strong."

"I don't want our friendship to end po,"

"Then mag-usap kayo, if your friendship will be able to pass this then the three of you are ready to face a storm."

"But- But they're the one who got angry at me. I want to talk to them but what if they don't?"

"Did they never try to reach you out?"

Napatahimik ako bigla at napayuko.

"They did. Pristine just called me earlier but she's not saying anything so I hung her up."

I heard Mama's laugh and sigh at the same time.

"Ikaw talagang bata ka... Your doubts. Alam mo ba anak na ang pagkakaroon ng doubts ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuusad ang isang tao? Sa lahat ng aspeto ng buhay, kapag nagka-doubt ka sa isang desisyon at hindi mo ito sinubukan ay kahit kailan ay hindi mo na makikita ang resulta nito."

Naguluhan ako sa sinabi niya, "Ano pong ibig sabihin mo Ma?" pagtataka ko sa kung ano ang koneksyon ng sinasabi niya sa pinaguusapan namin.

"Arianne anak, may panalo at talong resulta sa bawat desisyon sa buhay ngunit alinman sa dalawang iyon ang kahihinatnan mo ay siguradong may-aral kang makukuha. Kapag hindi mo sinubukan ay hindi ka magmo-move forward. Hindi humihinto ang oras Arianne. Ayokong tumawag uli sayo at marinig na nagsisisi ka na hindi mo sinubukang kausapin sila."

And now I understand what she is saying. Napalingon ako sa bintana dahil may mga dumapong ibon. Isa, dalawa at tatlo. Humuhuni sila na para bang nag-uusap. Tinuka ng isa yung isa at mas lumakas ang huni nila. Sunod ay lumipad ang isa at sinundan siya ng dalawa. Para bang naghahabulan sila na magkakaibigan.

"Mama..."

"Yes?"

"I'm going to audition in SOMA this coming Monday," pagsingit ko.

"Oo nga, Roel told me. Hinihintay ko ngang sabihin mo e," narinig ko ang paghagikgik niya.

"I decided to do it out of a whim. Is that alright?"

Marius' hands moved and he's now hugging me.

"Sometimes, there are things that you don't need to think thoroughly before doing."

"Thank you Mama for calling. Thank you rin kay Papa. I will fight my doubts and I will try to stop my head from overthinking."

"It will always be my pleasure to assist my baby. Arianne anak, just always remember, Mama and Papa, are proud of you. You're bigger than your doubts and worries."

"Opo, I love the both of you too. Kakausapin ko na po sina Pristine at Bianca."

Nag-usap pa kami ni Mama tungkol kay Marius, kina Tita Cecil, sa pag-alis namin dito sa bahay at sa iba pang mga bagay. Actually ay hinihintay ko na mabanggit niya si Aldred o magtanong siya tungkol sa nangyayari sa amin pero hindi iyon nangyari. Nagising si Marius at siya naman ang kumausap kay Mama. Bumaba naman na kami ni Marius pagkatapos nang pag-uusap. Naabutan namin si Papa sa may sala at nanunuod ng tv. Lumapit ako sa kanya at muli ay humingi ng paumanhin. Niyakap niya ako saka si Marius bago yayain niya kaming mag-almusal. Nasa may kusina si Tita Cecil at nakiupo siya sa hapag habang kumakain kami.

🔶🔶🔶

Tanghali, kakatapos lamang naming kumain. Nanunuod kami nina Papa, Marius at ako ng isang noontime variety show sa sala nang mapansin namin si Tita Cecil na lalabas. Agad namang nagtanong si Papa kay Tita kung saan siya pupunta.

"Bibili lang ako ng gatas sa convenience store," tugon niya at tumayo ako pagkarinig noon.

"Huwag na po kayong umalis Tita, ako na lang po," sabi ko. Tatanggi sana siya pero ipinilit ko ang aking sarili. Ganitong mga bagay lamang kasi ang magagawa ko para makapagpasalamat sa pagpapatira at pag-aasikaso niya sa amin.

Lumabas ako ng bahay para bilhin ang mga kailangan ni Tita. Habang naglalakad ay napagtanto ko na isa ang pagtahak sa tahimik na street na ito ang mami-miss ko kapag nakaalis na kami. Dito dumadaan yung taho, binatog at fishball na mami-miss ko rin lalo na't siguradong walang mga ganon sa Central Estates. I rarely go outside pero yung memories with Aldred everytime pumapasok kami at umuuwi ay itong kalsada na ito rin ang laging nakakasaksi.

Tanghali pero hindi maalinsangan ang panahon. Nakarating ako kagad ng convenience store. Ito yung 7/11 papasok ng village. Kinuha ko isa-isa yung mga pinabili ni Tita. Tinapay, butter, mighty bond, toiletries at karton ng gatas. Nang kukunin ko na ang gatas sa may cooler ay saktong may kukuha rin sana nito. Napalingon ako sa kanya kasabay ang pagbanggit niya ng aking pangalan.

"Arianne?"

It's Charles, "Ah, Charles..."

Bigla ay tumawa siya.

"You sound so disappointed seeing me," nakangiti niyang sabi.

Though he is Aldred's best friend, I always have a bad feeling about him. It is true that he has a beautiful smile but seeing it closely, I realized that his eyes were emitting the opposite.

"Ah hindi, ganito talaga ako, walang energy," depensa ko sa sinabi niya kahit na tama naman siya.

Charles and I are almost the same height. He wears a cap, a plain white shirt and a khaki shorts. I noticed how the ladies here in the convenience store are stealing glances at him. Hindi man siya kasing gwapo ni Aldred ay hindi naman maitatanggi na may karisma talaga siya. Karismang nararapat para sa titulo niyang "Playboy of the North" na hindi ko ikinatutuwa matapos kong mabasa ang isa sa mga latest thread sa SNGS site.

Tumawa si Charles, "Okay, but you don't need to lie to me. I know that you don't like me," nakangiti niyang sabi. Our first conversation and yet ganito.

Kumuha si Charles ng karton ng gatas at habang pinagmamasdan ko siya ay na-realized ko na dahil nandito siya ay hindi rin siya pumasok.

"Absent ka? May nangyari ba? Absent din si Aldred kahapon and for the first time in forever he didn't informed his bestfriend."

Kung tutuusin ay dahil hindi naman kami close ni Charles ay pwede ko na dapat siyang iwanan na para bang hindi ko siya nakita pero my respectful back of my mind says no.

"Tinamad lang akong pumasok,"

Namilog ang mga mata niya, "Oh, unexpected," Charles looked at me with disbelief.

"Why?" pagtataka ko dahil sa reaksyon niya.

"I thought you were a diligent girl,"

"I'm not," I clarified and he chuckled. Nagtinginan sa amin lahat ng nasa convenience store. " Anyway, Aldred went to school," I informed him.

Sabay kaming pumila sa counter. Nauna akong magbayad pero nang lumabas ako ay hinintay ko pa rin siya. Pagkalabas ni Charles ay nagtanong siya kung may iba pa ba akong pupuntahan at nang sinabi kong wala ay sabay na kaming naglakad pauwi.

Kagaya ng sabi ko ay pinakanagustuhan ko sa village na ito ay ang katahimikan pero ngayon ay humihiling ako na sana ay magkaroon ng cause ng ingay. May magbugbugan sa daan, may makawalang aso tapos habulin ito ng sambayanan, may pulis na maghahabol ng magnanakaw.... kahit anong dahilan basta mawala yung silent awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Ang awkward," saad ni Charles. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang ilang na ngiti. Kahit siya ay di na komportable sa katahimikan naming dalawa.

"Yeah," tanging nasambit ko habang nakadiretso ng tingin sa daan. May lumipad na dahon sa aking harapan at para bang narinig ko ang hanging nagtulak dito.

"I'm right to not pursue you afterall," saad niya dahilan para mapalingon ako sa kanya. Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Tumawa na naman siya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ba sinabi ni Aldred? I'm the one who introduced you to him?"

Namilog ang mga mata ko, "What do you mean?"

Umarko bigla ang mga kilay ni Charles kasabay ang gulat niyang mga mata, "Oh shit, I'm sorry. Nakalimutan ko na bawal nga palang mabigla yung mga alaala mo,"

"No it's fine, tell me. How Aldred and I first met?"

Biglang tumigil si Charles sa paglalakad. Iniwas niya ang tingin sa akin at saka ilang na ngumiti.

"Much better kung sa kanya manggagaling. Your "first" meeting with him kasi ay masasabi kong hindi normal haha. But I can tell you how he felt after he "first" saw you. It was love at "first" sight, after I showed him a photo of you," salaysay niya while quoting all the word first.

"Just a photo?"

"Yep, just a single pic and he knew that he already love you."

Nang marinig ko ang sinabi ni Charles ay agad nag-init ang mga pisngi ko. That Aldred, so idiot. How can he love someone by just looking at a photo. Nangingiti ako sa loob-loob ko. Tumuloy kami sa paglalakad.

"Isn't mysterious? The power of love? Pinaglayo kayong dalawa pero pinagtagpo uli," Charles said out of nowhere. He is a playboy so I didn't expect that he can say such things, that he believes in love.

"Coming from you, really?" Hindi ko napigilan ang aking sarili. Tumawa naman siya.

"I mean it, nakaka-amazed. Parang may red strings na nakatali sa mga puso niyo na unti-unting pinaglalapit ng panahon. Nakakainggit."

Napatitig ako kay Charles. Nakangiti siya pero katulad ng bitterness sa huling salita na sinabi niya ay ganundin ang ekspresyon ng mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa bigla.

"Maybe as long as you believe in love something good will come?" Nasabi ko to lift him up. May lungkot siyang ngumiti.

"I believe, I always did but it betrayed me."

Kanina ay hinihiling ko na mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Nawala nga pero hindi ko ini-expect na sa ganitong paraan. Nag-uusap na kami pero hindi ko inakala na sa kabila ng malokong appearance at mapaglarong reputasyon ni Charles ay ganito siya makipagkwentuhan. You can't really judge a person until you talk to them. I understand now why Eunice is madly inlove with him.

"Betrayed?" I dig in.

Tumango siya, "Two person can believe they are in love but what if the world dictates they can't? What if everyone does not believe? What if many are against? May magagawa ba yung dalawang taong 'yon?" tanong niya at napagtanto ko na mukhang malalim ang pinaghuhugutan niya. I'm not the kind to dig in other people's lives but he made me curious. Lalo na't ngayong nalaman ko na si Pristine ang pinupormahan niya.

Is this the reason why he became a playboy?

"Ano naman kung hindi naniniwala yung iba? Kailangan ba ng opinyon nila para sa dalawang puso na nagmamahalan?" I asked out of nowhere.

Bigla ay ngumiti si Charles. Na-realized ko tuloy yung sinabi ko. Opinions of others... noong hindi ko pa nakikilala si Aldred ay madali akong maapektuhan ng mga sinasabi ng iba pero ngayon ay hindi ko na iyon alintana. May kakayahan na akong sabihin na hindi mahalaga ang opinyon ng iba para mapatakbo ang sariling buhay. Aldred made me realized that and it was one of the good things that his love taught me.

"You're right. That's why I'm working hard on it. Kahit pa putulin ng iba yung mga strings na para sa aming dalawa. Ipagdudugtong at ipagdudugtong ko uli iyon sa kahit anong paraan, " saad niya saka maliwanag na ngumiti.

His aura became immediately bright but I don't know if it's good or not especially after realizing the last words he said. Sa kahit anong paraan? Sa anong circumstances ang ibig niyang sabihin? It's like I pushed him into something that he should not do.

"Charles is it true that you are pursuing Pristine?" diretso ko ng tanong sa kanya.

"Yes," agad niya namang tugon. Seryoso akong napatitig sa kanya.

"Alam mo naman siguro yung sitwasyon niya?" Tanong ko.

Charles looked at me but this time with his deep as a blackhole eyeballs, "Of course, that's why I'm working hard,"

Napadiretso ako ng tingin sa kanya, "Huh?"

"Didn't Pristine tell you? The two of us are in love ever since. She's mine and will always be. Kaya kahit na anong gawin nila, kahit ipaglayo nila kami, their opinions don't matter. As I said, I will find a way, no matter how it takes."

"What? Are you serious?"

I stopped walking. Charles stopped too and stared at me.

"I am," mabigat niyang sabi.

Inlove ever since? Naalala ko yung panahon na pumunta kami ni Pristine ng NIA. Naramdaman ko na may kakaiba sa kanilang dalawa. I asked Pristine but her answer is vague. She doesn't tell things about him like it is a secret so I don't know how their relationship came to this. The only thing I know right now is his eyes says danger. Yeah danger, and he didn't hide it from me.

"Pristine told me that you and her fight,"

Did she tell him? I looked at Charles but didn't answer.

"She's hurt and sad. I don't want to see her like that so make up with her or else..."

Napasingkit ako ng tingin, "Or else?" pagtataka ko dahil parang nagbabanta siya.

"I am the only one who is allowed to hurt Pristine so get a grip of yourself and do what you need to do. Wala akong pake kung may gusto sayo si Aldred. I will make it sure that I'll teach you a lesson if you hurt her further," sabi niya. Seryoso siyang nakatitig sa akin at kita ko sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro. Pareho kaming nakatigil hanggang sa biglang ngumiti siya.

"Dito na pala ako, mag-ingat ka pauwi. Aldred will get worried so much kapag may nangyari sa'yong masama," he said cheerfully as if he is saying what will happened if I didn't make up with Pristine.

Napatingin ako sa likod niya at ito na nga ang bahay nila. A duplex white house with a brown gate. Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang sila ng mama niya ang nakatira dito. Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Alam kaya ng mama ni Charles ang ginagawa niya?

Anyway, a sudden relief enveloped my chest dahil malalayo na ako sa kanya.

"Okay, bye," sabi ko lang. He also bid me a bye but he didn't retract the things that he said.

Palayo na ako at sa totoo nga lang ay gustong-gusto ko ng tumakbo para makauwi kagad. Tatakbo na nga sana ako kaya lang ay napatigil ako nang marinig ko ang sigaw ni Charles.

"Oh, I forgot! It's 0922!" he said.

Nakakunot akong lumingon sa kanya, "What do you mean?!"

"Yung password ng phone mo! Haha, so sneaky."

"Huh?"

"Aldred brought your phone to me before. Sabi ko hindi ko nabuksan pero ang totoo nabuksan ko. Huwag mo sasabihin sa kanya o sa kahit sino yung pinag-usapan natin a!"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit naman hindi?!"

What we're talking about is supposed to be a secret like what he wanted it to be but here we are shouting.

"Kasi nabuksan ko na yung phone mo and meron ako ng mga laman non," sabi ni Charles in a now normal speaking voice.

Napatigil ako at napatitig sa kanya. He smiled slyly. Nanggigil ako. Napahigpit ang yakap ko sa paperbag na buhat-buhat ko. Totoong hindi mo talaga makikilala ang isang tao just by their appearance. You need to talk to them to know them better kaya salamat sa pagkakataon na ito na makita at makausap si Charles.

I hate Charles before and I hate him now even more.

ALDRED'S POV

"Amanda, tell me, ano ng gagawin mo?"

Lunchbreak. Hindi ako makapaniwalang hindi papasok sina Jerome at Charles. Now I'm stuck with Amanda and here we are at the Tree Garden. Nakasandal siya sa puno na lagi kong nipe-pwestuhan. Her face on her phone and she is smiling widely. Not minding that I am here, the soon to be boyfriend of the girl she kissed yesterday.

"What do you mean?" Amanda asked not looking at me. Nairita tuloy ako lalo.

"Sa issue niyo ng Papa mo."

Tumingin lang siya saglit sa akin. Napahalukipkip na lang ako at walang gana na napatitig sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?" Curious kong tanong dahil kanina pa siya nakangiti.

"I am watching your play."

"My play?"

"Your play together with Natalie. I didn't know that you have a hidden talent in acting."

Napatayo ako at agad lumapit sa kanya.

"Patingin nga," Kinuha ko ang phone at oo nga. Hindi ko alam na may video pala yung play. Pinanuod ko yung video and I am amazed at myself and how really handsome I am there.

"Give me that," Amanda snatched her phone back. Binigay ko sa kanya pero tinulak ko siya at ngayon ay ako na ang nakasandal sa puno. Sinamaan niya ako ng tingin dahil iyon na lang naman ang magagawa niya.

Isinalampak niya ang likod niya sa mga damo at humiga, "Hey, are you not going to states to study?" Biglaang tanong ni Amanda.

"Why will I need to go to the states to study?"

Pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa.

"You're right. I don't even know what you wanted to be so why I am asking..."

Tinignan ko si Amanda. Nasa cellphone ang mata niya pero halatang malayo ang nasa isip niya.

"If you wanted to know what I want right now, isa lang, si Arianne, is it bad?" Tanong ko habang nakatingala ako sa mga dahon ng puno na aking sinasandalan. Malago ito pero nakakalusot ang sikat ng araw sa bawat puwang ng mga berdeng kulay. Napapapikit tuloy ako sa tuwing madidirekta ang liwanag sa mga mata ko.

"Well, it's not but we can't always avoid thinking about the future. There is now but there will always be tomorrow. Tomorrow is always the future. Aldy you are good at acting, you're a model, I bet someone already offered you to become an actor."

Napaisip ako sa sinabi ni Amanda. Ginaya ko siya at humiga ako sa damo.

"Meron na. A lot of times, pero hindi ko naman nakikita yung sarili ko sa ganoong posisyon. Being admired by a lot of people, having fans, seeing my handsome face everywhere. I never dreamt of it. The only dream I really have right now is to be with Arianne."

"Crazy," natatawang saad ni Amanda.

"I really am,"

Amanda continue to laugh. Mga ilang seconds din bago siya tumigil then pareho kaming di nagsalita at nakatingin lang sa kalangitan.

"I am happy that you went back here and lived fully as a teenager," saad ni Amanda. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagod niyang mga mata. Simula nang dumating siya ay ngayon ko lang nakita ang ekspresyon niyang ito. Maybe she's really that exhausted by the pressure and expectations from her family and the people around her.

I don't much remember my childhood at that gifted school but Amanda, she's exceptional. Her parents are proud of her and who wouldn't? She is talented and intelligent.

"What do you want to become in the future?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

Amanda lift her left hand and stared at it.

"Actually, I don't know too..." tugon niya at ngumiti ako.

"Congrats, now you are a fully pledge teenager," nakangiti kong sabi. Amanda looked at me and laughed.

"You're right haha. I am still a teenager. The same as you. Inlove and hoping,"

Natuwa ako at napagaan ko ang kalooban niya hanggang sa ma-realized ko ang sinabi niya.

"Inlove? With whom?"

"Do you really need to know?" She asked. I noticed that the exhaustion in her eyes disappeared and is now replaced with a bright expression. Katulad ng mga mata ni Arianne ng sabihin niyang mahal niya ako.

"Well, kung ayaw mo namang sabihin hindi kita pipilitin. Pero iyon ba ang rason kung bakit ayaw mong makipag-arranged marriage?"

"Not really, but she strengthens my decision to oppose my dad."

"Oh..." Tumango ako bago ko mapagtanto ng buo ang sinabi niya, "Wait, she?" Napabalikwas ako.

Amanda laughed, "Surprise? Yes, a she,"

Hindi ko maiwasan na hindi makapaniwalang titigan siya.

"You're kidding right?"

Amanda answered me, "The truth is I am a lesbian and that's the reason why I don't like to be arranged with someone," she explained.

I really didn't expect Amanda's revelation. Nakatingin ako sa kanya. Naiintindihan ko yung sinabi niya pero walang mabuo sa utak ko na mga bagay na dapat kong sabihin sa kanya pabalik. Nakatingin sa akin si Amanda na para bang naghihintay na bumuka ang bibig ko. Nang hindi ako magsalita ay napansin kong biglang naglungkot ang mukha niya bago niya takpan ng kanyang kaliwang braso ang mga mata niya.

"I'm outrageous isn't? Ridiculous and crazy," nakangiti ang mga labi niya habang binibigkas ang mga salitang iyon pero yung tono at boses niya ay parang mamahaling pigura na malapit ng mag-crack.

"Huh? No, why are you saying that?" balik ko kay Amanda dahil para sa akin ay hindi naman totoo ang sinasabi niya.

"Because that is what Mom and Dad told me after they discovered my sexuality."

NO ONE'S POV

"Whoa! This is a huge scoop!" Napalingon sina Natalie at Bianca kay Noreen dahil sa narinig na reaksyon. Nakita nila ang mga mata nitong nakatutok sa cellphone kaya nagtaka sila. Sumilip si Bianca kung ano ang nasa screen at maging siya ay nagulat.

Aldred and Amanda lying under a tree. Natalie snatched Noreen's phone and saw it. Nagulat siya pero isang idea ang kagad pumasok sa isip niya.

"WAAAH! Why did you delete it, Nat?!"

"I know what you're planning to do with it," saad ni Natalie saka naglakad. Kakatapos lang nilang magtanghalian at pabalik na sila sa Academic Building. Natawa si Bianca habang tinitignan ang miserableng reaksyon ni Noreen.

"You're crazy Nat. Kapag pinost ko 'yon e di pwedeng magkatampuhan si Arianne and Aldred tapos may chance ka na, tsk. I am doing this for you no," nakangusong reaksyon ni Noreen.

"Idiot," sabi ni Natalie. Nauna siyang maglakad sa dalawa.

"She might be crazy but she's not that bad," natatawang sabi naman ni Bianca.

Napabuntong hininga si Noreen, "Kaya natatalo minsan yung ibang tao kasi sobrang bait nila," balik naman ni Noreen bago pareho na sila ni Bianca na sumunod kay Natalie.

Erururu Creator