NO ONE'S POV

"Uy, narinig mo ba kung sino yung nasa labas?"

"OMG! Of course! Si Sato Salvatore! Yay! Sino kaya yung hinihintay niya? Wala naman ngayon si Miss Arianne dito."

Kasalukuyang naglalakad at nag-uusap ang dalawang lower year student sa may club hallway. Uwian na pero hindi ibig sabihin ay wala ng tsismis. Parang apoy na ikinakalat ng hangin ang mga usap-usapan lalo pa't kung tungkol ito sa opposite gender.

Si Sato Salvatore ay kilala sa SNGS bilang isa sa mga manliligaw ni Arianne. Nang bastedin ni Arianne ang binata ay maraming estudyante ng SNGS ang nabuhayan ng loob. Sa kasamaang palad ay nangamatay lang kagad ang kanilang mga damdamin ng malaman ang consequence ng pag-turn down ni Arianne kay Sato.

"It's Arianne or God's gospel!" ang motto kasi ng binata.

"Baka naman may bago na siyang nililigawan?" Nasa kalagitnaan ng pagpapalagay ang dalawang estudyante nang mapatigil sila. Kasalubong kasi nila si Pristine at Bianca.

"Good afternoon Miss Pristine,"

Tumigil si Pristine sa paglalakad at ngumiti, "Good afternoon too," tugon niya.

Sunod nama'y itinuon ng dalawa ang atensyon sa katabi ng kanilang student council president. Nag-bow sila saglit kay Bianca bago tumuloy ng lakad.

"Did you heard that?" Reaksyon ni Pristine. Nilingon niya si Bianca at naabutan niya ang di maipintura nitong mukha.

"Tsk,"

"Ayaw mo talaga sa kanya eversince no?"

Tinignan ni Bianca si Pristine, "Ayaw is an understatement. I hate him so so much," reply niya na may kasamang irap saka naunang maglakad.

Humagikgik si Pristine saka sumunod, "Really? Akala ko ayaw mo lang sa kanya kasi pinupormahan niya si Arianne dati pero mukhang may iba pang dahilan. May hindi ba ako alam?"

Nakakunot na kilay ang unang itinugon ni Bianca sa kaibigan. Kahit na ganoon ang kanyang reaksyon ay hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Pristine. Napabuntong-hininga na lang tuloy si Bianca. Wala siyang balak sana na umimik pa pero nagulantang ang pag-iisip niya sa sumunod na sinabi ng kasama.

"Bagay kayong dalawa,"

"Gaga!"

Nakahugot ng halakhak kay Pristine ang reaksyon ng kaibigan.

"What the hell?!" Sunod na reaksyon ni Bianca. Hindi makapaniwala ang kanyang mukha. Sinamaan niya ng tingin ang ngayo'y humahagikgik na kaibigan.

"Gosh your reaction Bea, haha. "

"Of course, I will react like this! You're speaking nonsense e!"

Mas lalong natawa si Pristine.

"Yada yada yada!" Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Bianca, "Where did you get that kadiring idea? Nakakasuya! Yuck!" she said. Disgust is written all over her face.

"Hindi naman a," Ngumuso si Pristine. Sunod ay inilagay niya ang naka-check niyang kanang kamay sa ilalim ng kanyang baba at nag-isip. Makailan siyang tumango bago magsalita muli.

"Kilala naman natin si Sato. He looks like a sanggano but we know he is a good hearted individual. Saka he's dark, tall, manly and handsome. A lot of girls are into him. Hindi ka naman lugi kung maka-kadiri ka,"

Sumingkit pa ang natural ng singkit na mga mata ni Bianca, "So what? And good hearted? Lul," Masungit niyang sabi, "And wala siya kahit sa talampakan ng mga tipo ko," dagdag niya.

Dahil sa narinig ay naunang namilog ang mga mata ni Pristine. Sumabay ang kanyang bibig ngunit saglit lamang dahil gumuhit kagad ang ngisi sa kanyang labi. Maloko niyang tinitigan si Bianca kasabay ang pagtakip ng kanang kamay sa bibig.

"Paki-describe nga uli ng ideal man mo," saad ni Pristine. Para siyang isang pilyang kerubin kung makahagikgik. Walang anu-ano naman siyang tinugunan ni Bianca.

"Maputi, malinis tignan, gentle-looking, hindi barumbado, saka malawak yung pag-iisip. A total opposite of that Sato!"

Tumigil si Pristine sa paglalakad kaya napahinto rin si Bianca. Nagtaka si Bianca sa biglaang pagseryoso ng mukha ni Pristine.

"Come to think of it, so parang katulad ni Jerome yung tipo mo pala?"

Pumasok sa utak ni Bianca ang katanungan ni Pristine pero hindi ito nag-process kagad. Nagkatitigan sila hanggang sa may mag-click sa utak ni Bianca.

"Ay ewan Pristy! Ba't ba trip na trip mong mag-match make? Basta! I hate Sato and he hates me. We both hate each other so what you are saying does not apply to us."

Napatitig si Pristine sa kaibigan, "I didn't know that he hates you though,"

Muli ay nag short circuit ang utak ni Bianca. Napakurap siya ng ilang ulit. Napagtanto niyang ilang beses ng nadudulas ang dila niya. Sa pagkakaalam lang nina Pristine at Arianne ay ayaw ni Bianca kay Sato dahil sa hindi ito boto dito para kay Arianne. Nothing more nothing less. Nagkaroon ng tunog ang ihip ng hangin sa paligid ng dalawa. Napapatitig sa magkaibigan ang mga dumaraang kapwa estudyante. Saglit ay iniayos ni Bianca ang kanyang postura. Bumuntong hininga bago naunang magpatuloy sa paglalakad.

"Anyway, si Arianne... pupuntahan na lang ba natin siya?" pag-iiba ni Bianca sa usapan na ngayon ay hindi lang ang kuryosidad ni Pristine ang pinawala kundi pati na rin ang saya sa mukha niya. Nang makita ni Bianca ang reaksyon ng kaibigan ay nakadama siya ng agarang guilt dahil sa pag-open ng topic.

Yumuko ang malungkot na mukha ni Pristine, "Huwag muna," tanging sabi niya saka naunang maglakad. Malungkot na mga mata ang unang isinunod ni Bianca sa kaibigan bago ang mabibigat niyang yapak. Nagsisisi kung bakit sa lahat ng pwedeng ipang-divert ng usapan ay iyon pa ang naisipan niya.

🔶🔶🔶

Dahil sa laging may service si Pristine ay hindi niya pa nararanasan ang maglakad pauwi at makasabay kina Arianne at Bianca. Sa tuwing lumalabas naman sila ay may mga nakasunod sa kanya. Naiinis si Pristine sa kanyang sitwasyon pero wala siyang magagawa. Importanteng tao siya kaya iniingatan siya ng maigi. Wala man siyang takot para sa sariling kaligtasan ay takot ang mga nasa paligid niya na may mangyaring masama sa kanya.

Ngayon ay hindi pumasok si Arianne. Walang pinarating na dahilan kaya nag-aalala si Pristine. Ilang konklusyon ang pumasok sa isipan niya at nasisigurado niyang may kinalaman sa pag-absent ng kaibigan ang kagagawan ni Eunice. Hindi sumasagot si Arianne sa kanyang text at tawag kaya naiisip niya rin na may galit ito sa kanya. Gusto mang puntahan ni Pristine si Arianne kahit kasama pa lahat ng bodyguards niya ay siya itong natatakot sa matatanggap na reaksyon. Malungkot siyang nagpaalam kay Bianca na katulad niya ay nagpasyang ipagpabukas na lamang ang pakikipag-usap sa kaibigan.

"You should immediately clear your misunderstanding with her."

Tinignan ni Pristine si Natalie na nasa kanyang harapan. Kasalukyan silang nakasakay sa kanilang service van. Nakahinto ang van dahil sa traffic signal pero hindi ang pag-alaala sa natuklasan ni Pristine. Pumait ang mukha niya ng makita sa imahinasyon ang isang larawan. Agad ay kinalkal niya ang kanyang bag at kinuha ang kanyang wallet. Binuksan niya ito at inilabas ang litrato na agad nakilala ni Natalie.

"Why do you have that?!" galit na tanong ni Natalie.

"I'm sorry," tanging sagot ni Pristine saka iniabot ang larawan. Nakatalas ang tingin ni Natalie sa kanya nang kunin ito at dahil sa alam niya naman na may mali siya ay yumuko na lamang siya.

"Kailan ka pa natutong maging pakialamera?"

Imbes na sagot ay tanong din ang ibinalik ni Pristine.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Anong sasabihin ko sa'yo?"

"Na magkakilala na pala kayo ni Arianne!"

"So? Kailangan ba na malaman mo?"

Yumuko si Pristine at hindi sumagot. Humigpit ang hawak niya sa kanyang palda kung saan nakapatong ang kanyang mga kamay.

"Iyan ba yung rason kung bakit bigla mo na lang siyang inaway?"

Hindi pa rin tumugon si Pristine.

"You idiot!"

Iniangat ni Pristine ang kanyang mukha at ngayo'y naiiyak na tinignan ang kapatid, "Charles said that you broke up with him because of me! Is that the truth?!"

Nagulat si Natalie sa narinig pero hindi niya ito ipinahalata, "Bakit biglang napasok si Charles sa usapan?" kalmado niyang tanong habang mariing nakatitig sa kapatid.

"Sagutin mo na lang ako!"

Napangisi si Natalie.

"Wow, pagkatapos kong magbato ng mga tanong na hindi mo sinagot, ngayon dini-demand mo na sagutin kita?"

Natameme si Pristine. Para siyang makahiya na tumiklop at umiwas ng tingin kay Natalie. Ibinaba niya ang kanyang mata at mas humigpit ng kapit sa kanyang palda.

Samantala, si Irene at Robert na kanina pa napapakinggan ang usapan ng dalawang magkapatid ay may kanya-kanyang reaksyon. Napabuga na lamang ng hininga si Irene. Nangingiti naman si Robert habang nagmamaneho. Eversince mga bata pa ang dalawa ay ang nakatatandang kambal ang madalas manalo sa argumento. Kung hindi man manalo si Pristine ay dadaanin niya ito sa matinding pang-aasar kung saan napipikon naman kagad ang kanyang ate.

"Ganoon ka ba ka-guilty sa pag-iwan mo sa'kin ng obligasyon na 'to? You are sacrifing everything for me? Si Charles and si Arianne. You gave them away for my sake?" Mga tanong ni Pristine habang nananatiling nakababa ang tingin.

Una'y seryoso ang titig ni Natalie sa kapatid hanggang sa humalukipkip siya at mapangisi. She clicked her tongue. Alam niya na kung ano ang pinaghuhugutan ni Pristine at tama ito pero at the same time mali.

"Who said? You're an idiot. Sa tingin mo ba hindi sila nag-iisip? I didn't give them up. They chose you. Charles can still pursue me but he chose you up til now. We both gave Arianne a choice and she picked you over me. Isn't that enough? Why are you making an issue out of it?"

Hindi sumagot si Pristine. Bumuntong hininga naman si Natalie.

"Stop this nonsense. You're making me feel miserable."

"That-That's it!" sigaw ni Pristine. Nagulat si Natalie sa malakas na reaksyon pero mas nagulat siya ng mapansin ang pagtulo ng mga likido sa sahig ng sasakyan, "That's because I can't stop thinking that I hurt Charles! That I hurt Arianne! And mostly that I hurt you so much!"

Ilang pagbusina ang nag-ingay bago ma-realize ni Robert na nagkulay berde na ang traffic signal. Gulat niyang naapakan ang clutch. Agad ay umandar ang van pero tila nakatigil ang oras sa loob nito.

🔶🔶🔶

"Oy, Bianca!" tawag ni Sato kasabay ang paghawak sa braso ni Bianca para pigilan ito. Masamang tingin naman ang itinugon sa kanya ng dalaga.

"What?" Masungit na tanong ni Bianca saka inilipat ang atensyon sa kamay na nakahawak sa kanya. Agad naman ay bumitaw si Sato.

Sato stands 6'3 while Bianca is just 5'6. Dahil hanggang balikat lang ng binata si Bianca ay nakatingala ito sa kanya. Kasalukuyan silang nasa entrance ng gate 1 ng SNGS . Katulad ng usap-usapan ay narito nga si Sato ngunit hindi lang siya dahil ng iikot ni Bianca ang mata sa paligid ay nandito rin ang alipores ng pinakakinaiinisan niyang tao. Hindi kaagad kumibo si Sato kaya ibang bibig ang narinig ni Bianca. Bawat dumadaan sa kanilang estudyante ay bumubulong daig pa ang mga bubuyog. Mas lalo tuloy siyang nairita.

"Anong problema mo?" nagkunot ang noo ni Bianca. Humakbang siya para tumuloy na sana ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi lang siya hinawakan sa braso ni Sato kundi hinila pa siya.

"Ouch!"

"Ba't ba ang sungit mo?"

"Tinatanong mo pa? Bitiwan mo nga ako."

Humigpit ang hawak ni Sato,"Tsk! You bad apple. Kaya hindi ako makapaniwala."

Napatigil ang mga nasa paligid at napatingin sa dalawa.

"Oo na! I know! So ano bang kailangan mo? Wala si Arianne dito, hindi siya pumasok. Ba't ako yung iniistorbo mo?" pahayag ni Bianca habang pinipilit na alisin ang malaking kamay ni Sato na nakaikot sa braso niya.

"I'm not here for Arianne, I'm here for you,"

Napatigil si Bianca, "Para saan?" pagtataka niya.

Iniikot ni Sato ang kanyang tingin sa paligid. Sa paningin niya ay napapaligiran siya ng magagandang rosas. Bulaklak na hindi kailanman makikita sa paaralan nila. SNGS is the home of angels para sa mga taga-WES pero para kay Sato, sa dami ng naggagandahang rosas ay meron at meron pa ring isang matinik katulad ng babaeng kausap niya.

Pinaglaruan ni Sato ang toothpick sa kanyang bibig bago nagsalita, "I just want to say sorry for what I said last weekend," sabi ni Sato.

Hindi umimik s Bianca pero saglit lang ay tumawa siya dahilan para magkunot ang mga kilay ni Sato.

"Marunong ka palang mag-sorry?"

Nairita si Sato sa narinig, "Anong tingin mo sa'kin?" gigil na tanong ng binata.

Bianca huffed, "Hindi ka na dapat nag-abala. Like I care sa mga opinyon mo."

"Bitch!"

Bianca was about to turn her back but Sato grabbed her arm again and this time anger is written all over his face. Nagulat lahat ng nakasaksi habang yung mga alipores ni Sato ay agad lumapit sa boss nila para pakalmahin ito. Napakahigpit ng hawak ni Sato kay Bianca at ramdam na ramdam ng dalaga ang sakit na hatid nito pero hindi niya iyon ipinahalata.

"So this is your resort? Ano bang gusto mong sabihin ko? Thank you, I understand? O sige, okay. Now get out of my sight! Alam ko naman na pareho nating ayaw sa isa't-isa kaya stop playing that belittling me affected you!"

Sato removed his hold but not his eyes. Idinura niya ang toothpick na kanina pang nasabibig niya.

"Mayabang ka pa. Hah! I bet Jerome didn't told you yet no?"

Nagtaka si Bianca sa narinig, "What are you saying?"

Ngumisi si Sato. Hindi niya sinagot si Bianca sa halip ay siya na ngayon ang humakbang paalis. Pumihit si Bianca para sundan siya ng tingin. Doon lang din natauhan ang mga kasamahan ni Sato kaya patakbo silang sumunod sa kanilang leader. Katulad ni Bianca ay wala rin silang alam kaya napuno sila ng katanungan. Nanatiling nakatayo si Bianca sa kanyang kinatatayuan hanggang sa umugong ang mga makina ng mga motor na pagmamay-ari ng mga estudyante ng WES.

Habang nakasampa sa kanyang motor, sa huling pagkakataon ay nilingon uli ni Sato si Bianca. Nagtama ang tingin nila at nakita niyang magngitngit ang labi ng dalaga. Tuluyang inalis ni Bianca ang kanyang atensyon at kasabay noon ay ang pag-alis na rin niya. Sinunod ni Sato ang kanyang tingin sa lumalayong pigura hanggang sa mapabuntong hininga na lang siya bago suotin ang kanyang helmet.

ALDRED'S POV

"I am a runaway," iyon ang sinabi ng walang hiya habang nakaupo kami nina Arianne at Sir Roel sa pulang sofa ng unit niya. Malambot ang sofa at gawa sa mamahaling materyales. Tsk, she's a runaway yet she can afford this kind of luxury.

Pagkatapos niyang halikan si Arianne right in front of my face ay inaya niya kami sa tinutuluyan niya. One of Central Suite's luxury unit and second to Sir Roel's penthouse when it comes to price. Nakanganga akong naglilibot ng tingin hanggang sa makarating kami dito sa living room katapat ang mamahaling muebles sa ilalim ng chandelier at malapad na smart tv na nakadikit sa may pader.

Saglit ay bumalik si Amanda dala-dala ang tray na naglalaman ng mga baso ng tubig. Inilapag niya ito sa lamesa sa gitna namin saka siya umupo sa nag-iisang solo sofa sit. Kumuha si Arianne at agad na uminom. Napatitig ako sa kanya. Tila ba uhaw na uhaw siya. Gumapang ang mata ko at narating nito yung labi niya. Doon ay bigla kong naalala ng malinaw ang ginawa ni Amanda sa kanya.

"I'm open for questions,"

Masama kong nilingon ang naka-crossed legs na si Amanda.

"Hindi ka pumasok?" tanong ko.

Tumawa siya, "Oo," aniya.

"Bakit?"

"Secret," nakangiting tugon ni Amanda na ikinainis ko, "Pero since nandito kayo at hindi pa time ng uwian ibig sabihin hindi rin kayo pumasok?" balik niya.

"Oo, bakit may problema?" tugon ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman,"

"Susungit talaga ako kasi naman kailangan ba talagang halikan mo si Arianne?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nakita ng peripheral vision ko kung paano nasamid si Arianne at natawa si Sir Roel pero kay Amanda ko pa rin itinuon ang aking tingin.

"I have no choice. I'm really sorry," paliwanag niya sa akin sabay lingon kay Arianne.

Tinitigan ko siya ng matagal yung tipong tatagos sa bungo niya sabay irap, "Hmmp!"

Narinig ko na lang ang paghagikgik niya. Kumuha ako ng tubig at bago ko ito mahawakan ay nagkatinginan kami ni Arianne. Ngumiti siya sa akin at nawala bigla ang uhaw ko pero kahit ganoon ay kinuha ko pa rin ang inumin.

"E di yung mga lalaki kanina?" Napalingon ako kay Sir Roel.

"I bet Dad paid them to search for me," tugon ni Amanda

"Those guys?" gulat na reaksyon ni Sir, "Parang mga hindi basta-bastang tao 'yon base sa built nila a. Amanda, what are you really? Why did you run away in the first place,"

Amanda hehe'd at us before answering, "Familiar with the typical Chinese drama Sir? That's it, my Dad wants me to get married without my consent."

Nakikinig lang kaming dalawa ni Arianne sa usapan ni Sir Roel at Amanda. Wala naman na kasi akong pakialam dahil ang concern ko lang ay ang ginawa niyang paghalik kay Arianne. Nagtanong si Sir Roel ng mga bagay-bagay sa kanya hanggang sa mapagusapan ang gagawin niyang pag-audition sa lunes sa SOMA kung saan mago-audition din si Arianne.

"You're hiding, right? Will it not be a problem in case, in case lang na ikaw ang makuha namin? You'll get exposed and it will be easy for your Dad to find you."

"Don't worry about it Sir, kahit saan naman ako magtago madali niya lang akong mahahanap. See, yung kanina. Hiding isn't what I need. What I need is to convince him to stop arranging me with someone."

"And then you decided to go here?" biglaang tanong ni Arianne na ikinagulat ko. Even si Sir Roel at Amanda ay napatigil at napalingon sa kanya.

Ngumiti si Amanda saka nag-click ng mga daliri, "You got me there, Arianne," reaksyon niya bago sabay sila ni Arianne na parehong tumingin sa akin. Nagtaka ako at napasingkit ng tingin. Narinig kong tumawa si Sir Roel at na-realized ko na ako lang ang hindi nakakaintindi sa ibig sabihin ng dalawa.

"Don't worry Arianne, I abandoned that plan already. Maghahanap na lang ako ng iba," saad ni Amanda.

Pagkatapos nilang malinawan (sila kasi ako hindi sa ibang part ng usapan) ay nagpaalam na kami kay Amanda para umakyat sa unit ni Sir Roel. Hinatid kami ni Amanda sa may elevator at bago kami sumakay ay meron siyang hinabol na sinabi.

"How about ikaw na lang po Sir Roel yung magpanggap na boyfriend ko?"

Muntik na akong mabilaukan dahil sa narinig ko. Natatawa kong nilingon si Sir Roel at ngayon ko lang nakitang pumakla ang mukha niya sa harap ng mga babae, "You're beautiful Amanda but I'm not into kids. Maawa ka sa reputasyon ko," saad niya.

Humalakhak si Amanda habang nakita ko naman ang pigil ding pagtawa ni Arianne.

***

Pagkabalik sa unit ni Sir Roel ay nagbihis kami kagad ni Arianne. Nag-taxi kami pauwi at hindi na nga namin pinatigil sa harap ng bahay yung driver para hindi kami mahalata. Saktong yung tipikal na oras ng pag-uwi namin kami nakarating kaya akala ko ay makakalusot kami pero pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ay tumambad sa akin ang masamang aura ni Tito Alex. Tinitigan niya lamang ako nang pumapasok ako pero nang sumunod na si Arianne sa akin ay humamog na ang paligid kahit wala pa namang ala-sais.

The last time I've seen Tito Alex mad made chills run down through my spine but this time ay hindi lang sa spine kundi buong pagkatao ko ang agarang nanlamig. He darted a look at me and signaled me to move away. Sa takot ay agad namang sumunod ang mga binti ko pero ng ma-realize ko na maiiwan ko si Arianne ay bumalik ako.

"Tito it's not Arianne's fault ako po yung nag-aya sa kanyang maglakwatsa," agad kong paliwanag dahil sa reaksyon pa lang ng Papa ni Arianne ay alam ko ng alam na niya ang ginawa namin.

"Hindi ko kailangan ng eksplanasyon mo kaya umalis ka sa paningin ko," malamig na sabi ni Tito. Agad nangatog ang mga binti ko sa mga sinabi niya pero kahit ganon ay hindi ko hahayaang si Arianne ang mapagalitan. Kokontrahin ko sana siya pero tinawag ako ni Mama.

"But-!"

"Aldred," pinapapasok ako ni Mama ng bahay. Nasa may pinto siya katabi sina Monique, Maru at Cheeky na nakausli ang mga ulo sa may hamba.

Bago ako tumuloy ay tinignan ko muna si Arianne at nagulat ako nang makita ko ang takot niya sa Papa niya. I've seen her anxious and afraid a lot of times but never because of her father whom I know that is a gentle person especially to his daughter.

"Arianne anong ginawa mo?" narinig kong tanong ni Tito. Sobrang lamig ng boses niya na parang hinugot pa sa ilalim ng lupa.

Tumigil ako sa paghakbang at muli sanang ipagtatanggol si Arianne pero ng sipatin ako ng tingin ni Tito ay hindi lang nabahag ang buntot ko kundi parang tinaga pa nga at pinutol. Patakbo tuloy ako na pumasok ng bahay.

"I'm sorry Arianne," nagi-guilty kong sabi sa loob-loob ko dahil wala akong magawa para idepensa siya. Lumapit ako kay Mama para kausapin siya na pigilan na si Tito Alex sa pagpapagalit kay Arianne.

"Let him be. It's a father and his beloved daughter's issue. Saka hindi naman niya papagalitan ng sobra si Arianne. Minsan kasi kayong mga bata kayo porke't hindi napagsasabihan ay akala ninyo okay lang," saad ni Mama.

"Pero minsan lang naman po kami sumuway a," katwiran ko dahilan para mauna pa ako kay Arianne na mapalo ng pamaypay.

"Ang mali ay mali kahit na isang beses mo lang iyon gawin. Kumbaga sa korte, iikli lang yung sentensya sa'yo pero makukulong ka pa rin," balik na katwiran naman ni Mama. Sa sinabi niya ay sigurado akong may sinusubaybayan siyang crime drama o nobelang crime ang genre. Napanguso na lang ako. Tama rin naman kasi talaga si Mama.

"Papa," narinig kong sambit ni Arianne. Nanginginig ang boses niya. Naaawa tuloy ako habang tinitignan siya.

"Anong ginawa mo? Sagutin mo ako dali," atas ni Tito Alex habang ipinapalo niya sa kaliwang palad niya ang itinuping dyaryo.

"Hi-Hindi po ako pumasok," Arianne cowered.

"Nang hindi nagpapaalam?"

"O-Opo,"

"Mahirap ba ha? Di ba pinapayagan ka namang gawin lahat ng gusto mo? Mahirap bang magpaalam? Paano kung may mangyari sa'yo tas wala akong kamalay-malay? Anong sasabihin ko sa Mommy mo?"

Hindi sumagot si Arianne pero pansin ko ang paggalaw ng mga balikat niya. Sunod ay pumunas siya sa mga mata niya gamit ang kanyang mga palad. Lumuluha na pala siya at humihikbi pa.

"I'm so-sorry po Papa,"

"Sorry?" patanong na sabi ni Tito kasabay ang paghambalos ng dyaryo sa palad niya, "Tsk, pumasok ka nga sa loob. Bilisan mong magbihis at bumaba ka. Huwag mo akong matulug-tulugan at kakain ka pa. Subukan mo pang umulit Arianne. Alam mo kung anong kaya kong gawin. Ipababalik kita sa States,"

Nang marinig ko yung huling pangungusap ni Tito ay nagulantang yung sistema ko. Lilipat pa nga lang si Arianne sa Central Estates ay pinu-problema ko na. Paano pa kaya kung nasa ibang bansa na siya?

🔶️🔶️🔶️

Erururu Creator