ARIANNE'S POV

Can the heart really remember? tanong ng isang kaklase ko noon sa SES. Hindi ko na maalala kung anong year level ako nang marinig ko iyon pero naaalala ko na may-discussion kami noon about sa connection ng heart and brain. Our teacher talked about the theory of cellular memories because of that question. According to what he said, cellular memories are memories stored not only in the brain but may also be stored in other organs like the heart. He brought up several examples about that study, like yung mga nata-transplant-an ng certain parts ng katawan. Kapag na-transplant sa kanila yung part na galing sa ibang tao ay "naaalala" ng part na 'yon yung kinagawian nito noong naroon pa ito sa original body niya.

After a long time ay ngayon na lang uli ako nakahawak at nakatugtog ng violin. Akala ko limot ko na pero gumana ang aking kamay at tenga ng kusa at ipinaalala ng aking puso ang pakiramdam. I don't know if I sound great, but I'm satisfied and my heart is contented after I finished. I looked around and noticed that I attracted a lot of attention. Suddenly, I felt fear. Takot na agad ding nabura ng tignan ko si Aldred at ang kumikinang niyang mga mata. He smiled at me and my fear melted away. Hindi ko alam kung ano yung nasa-isip ng mga nanuod o nakinig sa akin. Maganda o hindi, kung ano man ang mga 'yon ay wala akong pakialam dahil ang mahalaga ay ang reaksyon ng taong nagpalakas ng loob ko.

Tumakbo ako kay Aldred at inakap siya. Mahigpit, masaya at hindi makapaniwala.

"Wow, you're amazing," he sounded so so amazed. I felt his breath and it made me calmer. Nakalimutan ko na ngang marami palang nakatingin sa amin to the point that I wanted to stay like this forever.

"Really? Thanks," I replied while hugging him tightly. Ilang segundo na ba kaming magkayakap? Five seconds? Ten seconds? I don't know, pero natigil kami ng may isang misteryosong lalaki na lumitaw sa harapan ko at banggitin ang ngalan ni Mama.

"Nagkakamali po kayo, hindi po ako si Shan pero ako po--" paliwanag ko sana ngunit bigla ay hinawakan ni Aldred ng mahigpit ang wrist ko bago itago ako sa kanyang likuran.

"Sorry, pero hindi po namin kilala kung sino yung tinutukoy niyo," aniya. Napalingon ako kay Aldred kaya nakita ko ang masungit at seryoso niyang mukha habang mariing nakatingin sa lalaki.

Tinignan ko yung lalaki at wala na ang tuwa sa labi niya. Actually ay nawala lahat ng reaksyon sa mukha niya. Wala kang mababasa na kahit ano habang nakatitig siya kay Aldred at ilan segundo iyon nagtagal hanggang sa bumuka ang bibig niya.

"Okay," tanging sabi ng lalaki bago walang anu-ano'y pumihit patalikod. Ngunit bago pa siya makatalikod ng tuluyan ay dumaan ang tingin niya sa akin. Kung kanina ay hindi ko ito alintana, ngayon ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pag-aalala. Naiwang nakasunod ang tingin ko sa likod niya bago biglang hatakin ako ni Aldred at dalhin palayo. Tumigil kami sa tapat ng 9th Heaven.

"Baliw ka ba? Hindi ka dapat nagbibigay ng info mo kung kani-kanino," Aldred is scolding me. His face is tight at the same time worried. Napatitig ako sa kanya dahil sa gulat. Sunod ay naramdaman ko naman ang paglipat ng kamay niyang nasa pulso ko patungo sa palad ko. "I'm sorry if it sounds like I'm scolding you. Natakot kasi talaga ako kanina," bawi niya kaagad kasabay ang paglambot ng ekspresyon niya. Marahan naman akong tumango bago ko pisilin ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Naiintindihan ko," paga-assure ko sa kanya sabay ngiti para mawala ang alalahanin niya, "Pero kaya ko lang naman sinabi 'yon sa kanya kanina kasi kilala niya si Mama," paliwanag ko.

"Nabanggit niya pero marami naman talagang nakakakilala kay Tita Shan. Saka yung pagkakasabi ng lalaki... tss, weird. "

Inalala ko yung lalaki at may punto nga si Aldred. If he knew Mom personally then he should know that Mama is not a teenager anymore and he would not insist on it to me.

"Tama ka, okay. I won't talk to strangers anymore," sabi ko sabay ngiti. Napatitig siya sa'kin saglit bago bumuga ng hininga.

"I don't like that I sounded like a possessive boyfriend. Parang nire-restrain kita base sa pagkakasabi mo."

Napabilog ang bibig ko ng marinig ko ang alalahanin niya. Nangingiti ko tuloy siyang tinugunan, "Don't worry, hindi naman. You are not even my boyfriend to begin with kaya okay lang," biro ko na ikinahaba bigla ng nguso niya.

"Ang mean mo,"

Natawa ako.

"Ikaw kasi e, hindi mo pa ba ako aayaing maging girlfriend mo?"

Bukod sa mas humaba ang nguso niya dahil sa tanong ko ay nanlaki rin ang mga mata niya.

"Hala! Uy! Hi-Hindi pa, ano! Ba-Base kasi sa nabasa ko kailangan ko munang makipag-date sa'yo ng sampung beses bago kita tanungin. Saka not here, I will prepare somewhere special kapag dumating na tayo sa point na 'yon,"

Napahagikgik ako. Pinagmasdan ko ng maigi kung nagbibiro ba siya pero seryoso siya sa rason niya. Gusto ko tuloy mapakamot ng ulo. Saan niya ba nabasa yung rule na 'yon?

"Ganon? You're so by the book... Ten dates for real? Ang tagal. Baka mainip ako sige ka," I teased him.

"Kakasabi mo lang kaya kanina na mahal mo ako. Tapos you love me so much pa nga kaya sigurado hindi ka maiinip at ilu-look forward mo lagi yung mga magiging dates natin," he smiled so widely showing his perfect whites knowing that yeah, he is right.

Tumawa kaming dalawa bago inilagay ni Aldred ang naka-check niyang kamay sa ilalim ng kanyang baba. Nag-abang ako kung ano ang sasabihin niya pero hindi boses niya ang una kong narinig kundi tunog ng sikmura niya.

"I'm not hungry," agad niyang depensa gamit ang mataas na intonation. Siningkitan ko siya ng tingin and of course, hindi ako naniwala and I immediately dragged him inside.

Kung tutuusin ay kakakain lamang namin ng tanghalian pero naiintindihan ko kung bakit biglang kumulo ang sikmura ni Aldred. Hindi ko napansin kanina pero ngayon ay sumuot na sa ilong ko yung amoy ng mga baked at bini-bake pa lang na pastries. Napakabango at nakakagutom talaga.

Hila-hila ko si Aldred ng umupo kami sa isang table. May lumapit kagad sa aming isang waitress at inabutan kami ng menu saka ito umalis.

"Let me pay for this," agad niyang sabi. His eyes are eager. Though I know that he has the means, I don't like the idea of him spending his money on me.

"You don't need to," sabi ko habang tumitingin sa menu.

"Pero ikaw na yung gumastos sa'kin kanina,"

Sinipat ko si Aldred.

"Kung gusto mo na talaga akong gastusan then make me your girlfriend right here, right now."

Kita ko ang biglaang pagkagulat sa mga mata ni Aldred pagkasabi ko noon. He was taken aback at unti-unting nagtago ang mukha niya sa menu.

"Hu-Huwag muna," mahina niyang sabi. Sinilip ko siya at nakahaba nanaman ang nguso niya. Napangisi na lamang ako.

"Okay, that's settled. Don't pay for me," I smiled at him and his nostrils released an air of defeat.

Saglit lang ay binalikan kami ng kaninang waitress at kinuha na ang order namin.

Aldred ordered only a single slice of blueberry cheesecake. Medyo nagtaka ako dahil alam kong may big appetite siya pero iyon lang ang kinuha niya. Sunod ay kinuha naman ng waitress ang order ko.

"1 slice of citrus cake po, then 1 slice of strawberry short cake, 1 slice of chocolate cake saka 1 slice of sansrival din," nakangiti kong sabi. Nang ilipat ko ang mata ko kay Aldred ay naabutan ko ang pagkamangha niya. Napahagikgik ako sa loob-loob ko. Aldred is really handsome, pino kumilos at may finesse maliban na lamang kung pagkain ang pag-uusapan. Mas napanganga nga lang siya ng sabihin ng waitress ang total ng lahat ng inorder namin.

"That is P120 for all,"

"Huh? E yung price lang 'yon ng 1 slice of blueberry cheesecake ko a,"

Natawa ako sa gulat niyang reaksyon.

"Kaya nga sabi ko di ba you don't have to pay for me."

"What do you mean?" lito niyang tanong.

"I'm free here kasi,"

Hindi nakaimik si Aldred.

"Miss Arianne, boyfriend mo po ba siya?" tanong ng waitress.

"Hindi pa, pero he claimed na that in the future he will be."

"Oh..." The waitress react in amusement before eyeing at Aldred. "Model ka di ba? Alam mo ba ito yung unang pagkakataon na nagdala si Miss Arianne ng guy dito. Galingan mo a," sabi ng waitress saka yumuko at umaktong pabulong kay Aldred, "Fave niya yung citrus cake," dagdag niya na narinig ko.

Pagkatapos noon ay masayang umalis si Ate Wendy, ang waitress na nag-serve sa amin.

"Paano ka naging libre dito? And by libre, you mean lahat ng gusto mong kainin?" manghang tanong ni Aldred.

Tumango ako, "My mom and the owner of this cafe knew each other. Kahit na ipinipilit ko yung bayad ko di naman nila tinatanggap."

Saglit lang ay dumating na lahat ng in-order namin at agad kaming napaligiran ng matamis na amoy ng mga cakes. Bukod doon ay may nadagdag pa na ipinagtaka ko na agad namang ipinaliwanag ni Ate Wendy.

"Congratulatory message from the boss," tanging sabi niya sabay kindat at alis. Nakaramdam tuloy ako ng hiya at pag-init ng pisngi.

Nagsimula kaming kumain na dalawa. Habang ngumunguya si Aldred ay kita ko ang saya sa mga mata niya kaya napapangiti na lang din ako. Itinulak ko patungo sa kanya yung mga in-order ko. In-order ko naman kasi talaga lahat ng iyon para sa kanya. Gusto kong magtanong kay Aldred ng mga bagay-bagay lalo na yung childhood namin... kung naaalala niya ba ito? Kung naaalala niya ba yung pangako niya?

"May dumi ba ako sa mukha?" biglang tanong ni Aldred. Ngumiti ako bago umiling sa kanya, "Ang layo ng iniisip mo..." sunod niyang sabi. Naisip ko tuloy na paraan niya lang yung unang tanong niya para mag-open ng usapan. Napangiti ako.

"I already remembered that we are childhood friends... alam mo ba?"

Bumagal ang pagnguya ni Aldred. Lumunok siya saka inilapag ang hawak niyang tinidor bago kunin ang baso niya ng tubig. Kumuha si Aldred ng tissue saka mahigpit itong nilukob sa kanyang kamay bago siya tumingin sa akin.

"Actually," he stopped for a while, "Kakaalam ko lang nitong nakaraan," dugtong niya na ipinagtaka ko.

"Kakaalam?"

"Yup, sorry. Sabi ni mama pumunta kami sa states na hindi na nakapagpaalam sa inyo para sana sa pag-aaral ko pero naaksidente ako. Nakalimutan ko yung mga alaala ko noong five years old ako pababa and sadly isa doon yung mga alaala ko sa'yo," malungkot niyang kwento.

Sa totoo ay nakaramdam ako ng lungkot nang sinabi niya na nakalimutan niya ako pero mas lumamang ang pag-aalala ko dahil sa dahilan nito.

"Paano ka naaksidente? I asked worriedly. Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at itinuon ng matindi ang aking atensyon sa kanya. Noong una ay nakatitig pa siya sa akin pero bigla ay umiwas siya ng tingin. Hindi siya sumagot kaagad at nagpalinga-linga sa paligid. Nag-alala ako sa kanya pero parang ewan yung reaksyon niya.

"Hey," I called his attention. Tumingin na siya sa akin ng nakanguso.

"Nadapa ako," pabulong siyang nagsalita na para bang nahihiya. Narinig ko naman yung words pero hindi kagad tinanggap ng sistema ko.

"Huh?"

Mas lalong humaba ang nguso niya bago parang bata siya na mag-react, "Nadapa ako sa bato tas gumulong-gulong kaya nakalimot ako," paliwanag niya.

Totoong nag-alala ako sa kanya pero hindi ko napigilang matawa dahil sa reaksyon niya. Na-imagine ko tuloy in a comedic way yung nangyari dahil sa paraan ng pagkwento niya.

"Oo na lampa na ako... pero dati 'yon," nakanguso niyang giit ngunit ngayon ay nakakunot na ang makapal niyang mga kilay.

"Well, that's unfortunate..." Muli ay kinuha ko ang tinidor na hawak ko kanina saka tinusok ito sa cake na nasa aking harapan. Nanatili ang paningin ko sa pagkain bago muling magsalita, "Ibig sabihin blangko pala yung memorya mo tungkol sa childhood natin," ngayon ay ako naman ang pabulong na nagsalita. Idiniretso ko ang paghati sa cake hanggang sa tumama ang stainless na tinidor sa platito. Ito yung citrus cake na paborito ko pero nawalan na ako ng gana nang malaman ko na wala palang maalala si Aldred sa childhood namin. I'm disappointed and sad thinking about this, I'm sure ito rin yung nararamdaman niya sa tuwing malilimutan ko siya.

"Blangko? Who said?" reaksyon niya kaya napatitig ako sa kanya, "Yung memorya? Baka, pero yung pakiramdam hindi. Kaya siguro noong una kitang makita, kahit sa picture lang, alam ko na na ikaw yung babaeng mahal ko," he said then smiled widely. Magre-react sana ako sa kanya pero para bang wala siyang balak pagsalitain ako dahil sa sumunod na sinabi niya.

"We are going to marry each other right? Saksi yung mga langgam sa mansion niyo."

Agad nag-init yung mga pisngi ko dahil sa narinig ko. Agad kong naalala yung exact scene noong mga bata pa kami. Bumalik yung panlasa ko, umasim itong citrus cake pero bigla na lamang tumamis. Anong meron sa kanya't bigla na lamang niya ako inaya at anong meron sa akin na umoo naman sa kanya?

"Marry each other? Hindi mo pa nga ako girlfriend," maloko kong sabi. Nanglaki ang mga mata niya na parang gulat bago mapakamot sa batok niya.

"After 10 dates, okay?"

Natawa ako, "Okay, so bukas uli?"

"Huh?" pagtataka niya.

"Gusto ko kasing matapos na ka'gad 'yang rule mo para maging girlfriend mo na ako," I smiled at him. Nakatitig lang siya sa akin noong una hanggang sa unti-unting namula ang pisngi niya at magkulay kamatis ang mukha niya. Iniwas niya ang tingin sa akin at itinakip ang kaliwang kamao niya sa bibig niya.

"Nakakatakot ka Arianne," saad niya.

Mas natawa tuloy ako.

Isang oras na kaming nananatili dito sa cafe at namangha ako na nagawang ubusin ni Aldred lahat ng cake. Ngumiti pa siya na parang bata (although bata pa naman talaga siya) pagkatapos niyang isubo yung last na tinidor niya. Nagpaalam siyang pupunta ng comfort room kaya noong umalis siya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na buksan ang aking cellphone. Tinanggal ko yung sounds nito at vibration kaya ngayon ko lamang nalaman na tumawag pala si Pristine at Bianca. Nag-text din sila at nagtanong kung bakit hindi ako pumasok. At nag-text din sila na gusto nila akong makausap.

Katulad ng nabanggit ni Aldred na akala niya ay okay na ako, ganoon din ang akala ko. Nagalit sa akin si Pristine, coincidentally ay nag-open yung thread about sa JFEvent na siya lang ang may kakayahan na ipa-go. Kilala ko si Pristine at alam kong wala iyon sa ugali niya pero hindi lang maiwasang tumakbo ng utak ko na baka may kinalaman ang galit niya kaya biglang lumitaw ang thread na iyon.

Nakatitig ako sa text message ni Pristine ng mapalipat ang atensyon ko sa katapat na table. Nagulat ako. Naroon at nakatayo yung lalaki kanina dala-dala ang mga bawas na cakes at coffee. Umupo siya at inayos ang pagkakalagay ng mga dalahin niya sa table bago intentionally ay tumingin sa akin at ngumiti. Kung kanina ay hindi maipaliwanag ang pangamba ko, ngayon ay naiintindihan ko na ito. At mas lumala pa ito ng may lumapit sa kanyang waiter galing sa kabilang table.

"Sir, naiwan niyo po ito," rinig ko at doon ko na-realize na kanina pa siya nandito sa cafe.

"Ah sorry, thank you," tugon ng lalaki sa waiter bago ibalik, hindi sa kanyang mga gamit ang tingin kundi sa akin. Tumalon sa nerbyos ang puso ko.

"Arianne are you okay?" tanong ni Aldred nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Hindi ko siya sinagot at tumayo ako sabay hatak sa kanya paalis ng cafe. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Ate Wendy at sa iba pa.

Pagkalabas ay hinila ko si Aldred sa malayo.

"Anong problema?" nag-aalala niyang tanong. Bakas na bakas sa mukha niya ang alalahanin at ayoko no'n. Isa pa ay baka nago-over think lang ako buhat ng kakaisip sa problema namin nila Pristine kaya naisip ko na sinusundan ako ng lalaki. Umayos ako at tumindig saka inalis ang kung ano mang alalahanin na nasa utak ko.

Humugot ako ng tawa at tinignan si Aldred, "Wala, na-trip-an ko lang na pagmadaliin ka."

Sumingkit ang mga mata niya at lumipas ang saglit bago siya magsalita.

"Don't do that. Akala ko kung anong nangyari, nag-alala tuloy ako," nakakunot niyang reaksyon. Tama lang na hindi ko sinabi sa kanya ang nasa isip ko na baka mali naman.

"Sorry," Hinawakan ko siya sa braso at pansin ko ang agarang paglambot ng ekspresyon niya.

"Pero hindi nga? Ano talagang meron?" Balik niya sa akin gamit ang seryoso at nag-aalala pa ring mga mata. Dahil sa ekspresyon niya, kahit na ayoko pa iyong dagdagan ay ayoko namang magsinungaling sa kanya ng nararamdaman ko. Ibinaba ko ang kamay kong nakahawak sa kanya bago tumugon.

"Yung lalaki kasi kanina, nandoon din pala siya sa cafe. Kung ano-ano tuloy yung tumakbo sa utak ko na baka sinusundan niya ako kaya ninerbyos ako at hinila kita," pag-amin ko.

Bigla ay hinawakan ni Aldred ang kamay ko at ako naman ang hinila niya. Naging mabilis ang paglakad ko para makasabay ako sa pace ni Aldred. Naramdaman ko rin na habang naglalakad kami ay mas humihigpit ang hawak niya sa akin. Nakita ko ang reaksyon niya at sobrang seryoso ng mukha niya.

"A-Aldred, what's wrong?"

Bigla kaming tumigil dito sa kakabukas pa lamang na parte ng mall.

"Umuwi na tayo,"

"Bakit?"

"I have a bad feeling that that man is a creep,"

"Pero... baka coincidence lang," sabi ko kahit na sa likod ng utak ko ay pareho kami ng nasa isipan ni Aldred.

Sinipat niya ako ng masama.

"Basta umuwi na tayo."

Hapon pa lamang at wala pa si Sir Roel sa unit niya kaya hindi pa kami pwedeng bumalik sa condo. Naglalakad kami ng hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ni Aldred. At habang tumatagal ay mas humihigpit ang hawak niya sa akin. This day came out so sudden and I wanted to end this sana with a good one pero ito kami't nabulabog ng nerbyos. Bumalik kami ni Aldred sa loob ng mall hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang kulay pink at violet na establisyimento - Dewdrops Cafe. Pumasok kami at ang unang narinig ko sa loob ay tunog ng piano. Umikot ang aking paningin sa paligid at may biglang sense of familiarity na pumasok sa utak ko. Dinala ako ni Aldred sa tago at pinakasulok na bahagi ng cafe at natagpuan namin si Sir Roel doon kausap ang isang babae.

"O!" gulat na reaksyon ni Sir.

"Kailangan na po naming umuwi," sabi ni Aldred.

"Ang aga pa a,"

"May siraulo po kasing sumusunod kay Arianne,"

Napalingon ako kay Aldred dahil sa pagkakasabi niya. Habang napatayo naman si Sir Roel sa kanyang kinauupuan.

"For real? Dapat tinawagan mo na lang ako para dumiretso na kayo doon at ako na ang pumunta."

"Iniwan ko po kasi sa bag yung phone ko," sagot naman ni Aldred na medyo ikinabigla ko.

"Loko kang bata ka, hindi mo dapat iniiwan 'yong cellphone mo. FYI, isa na ang cellphone sa mga essential na bagay ngayon. Aish! Halika na nga," aya ni Sir Roel sabay lingon sa kausap niya, "Pasensya na babe a, may emergency 'tong alaga ko,"

"Maka-babe ka dyan. Sampalin ko 'yang bibig mo Roel," matalas na sabi ng babae saka lumingon sa akin, "Pero wait, Arianne? As in Arianne Mari Fernandez?" gulat at may pagtataka niyang reaksyon.

"Oh shit!" Bigla namang reaksyon ni Sir Roel, "Nalintikan na Aldred, kailangan niyo na talagang umuwi," dagdag niya ng hindi pinapansin ang tanong ng babae.

"Hala oo nga, kamukha niya si Shan. Hey, Roel bwiset ka, hindi ka man lang nagsasalita! Huwag mong sabihin na may balak kang i-handle siya?!" Tumayo rin ang babae.

"Baliw, wala. Bawal kaya. O siya, Arlene, aalis na kami. Narinig mo naman di ba? Bye," bigla ay hinila ni Sir Roel si Aldred na hila-hila naman ako kaya agaw pansin kaming lumabas ng cafe na tatlo. Hindi na rin kami naglakad papunta sa condo dahil sumakay na kami sa sasakyan ni Sir Roel.

Habang nasa byahe ay tinatanong kami ni Sir Roel. Yung kung paano namin nasabi na sinusundan ako? Anong itsura ng lalaki? Kung first time ko bang may sumunod sa akin o may previous stalkers ba ako? At kung may kilala ba akong lalaki na may masamang intensyon sa akin? Lumingon si Sir sa tabi ko.

"What?" masungit na tanong ni Aldred.

Natawa kami pareho ni Sir kaya medyo nag-lighten ang mood sa loob ng sasakyan.

"This is not a joking matter," may pagka-irita na sabi ni Aldred kasabay ang pag-squeeze sa palad ko. Ngayon ko lang na-realize na hindi niya pa ako binibitawan simula kanina. Sobra siguro talaga ang pag-aalala niya.

"I know, pinapa-lighten up ko lang yung mood. Sayang naman kasi yung mood na nagawa niyo kaninang umaga kung matatakpan ng alalahanin niyo ngayon. We are safe now, okay?"

Napansin ko ang paggalaw ng mga balikat ni Aldred. Bumuga siya ng hininga.

Saglit lamang ay nakabalik na kami sa condo na tinitirhan ni Sir Roel. Pasara na ang elevator na sinasakyan namin nang biglang pumasok ang isang lalaki. Pumindot siya sa 32nd floor kaya mas mauuna siyang lumabas kesa sa amin. Naka-loose black jacket siya at loose black pants. Naka-black baseball cap din siya na halos nakatakip sa 1/3 ng mukha niya.

Akala ko ay wala ng sasakay pa sa elevator pero biglang may sumunod na lima pang mala bouncer na lalaki kaya medyo na-cramped kami. Napabitaw sa akin si Aldred at nasingitan ang pagitan namin ng isang pasahero. Hindi sila pumindot ng floor kaya nagtaka ako. Pinakiramdaman ko tuloy yung mga lalaki at para bang may sinisenyas sila sa isa't-isa. Kinabahan ako pero napalitan ito ng gulat ng biglang hawakan ng katabi ko (Yung naka-itim na lalaki) ang palad ko at i-*kabedon (Japanese term I learned from Bianca kung saan kinukulong ng tao sa pagitan ng pader at arms niya ang isa pang tao) ako.

"Hush~" his lips that is just an each away from mine moved. Nanigas ang katawan ko. Sumulyap ako kay Aldred at nakita ko ang nanlalaki niyang mga mata.

"Babe sabi ko naman sa'yo di ba? I-message mo ako kapag nakarating ka na," saad ng lalaki sa akin. Hindi ko maintindihan pero ng medyo gumana ang utak ko ay may napansin ako. His voice sound deep pero may hint na hindi ito normal. Napakunot ako ng kilay saka ko napansin ang pasimpleng sulyap ng mga lalaki na huling sumakay sa direksyon namin. Pumiglas ako sa lalaking humahawak sa akin pero hindi niya ako binitawan hanggang sa itaas niya ng kaunti ang sumbrero niya at kumindat. Nagulat ako pero may mas ikakagulat pa pala ako sa sunod niyang ginawa.

"I missed you," he, no, she said before putting her lips on mine! It's so soft and taste like mint. My eyes immediately searched for Aldred and found him in a shock state. Even si Sir Roel ay kita ko ang panlalaki ng mga mata dahil sa gulat. I tried to break away from the kiss but Amanda, yeah it's Amanda! She doesn't let me! Saglit ay tumunog na ang 32nd floor at bigla niya akong hinila kasama niya palabas. Sumunod naman si Aldred at Sir Roel habang parang naiwang dumbfounded yung mga lalaki at iba pang pasahero sa loob dahil sa nasaksihan nila.

"Puta mamatay ka na! Gago ka!" rinig kong galit na reaksyon ni Aldred. Paamba na siya ng suntok. Mabuti na lamang at inalis ni Amanda ang cap niya kaya bumagsak ang maitim at mahaba niyang buhok.

"Amanda?!" napatigil si Aldred.

"My god! You're so scary!" reaksyon naman ni Amanda. Bumitaw na siya sa akin.

"Anong-- Anong kalokohan mo?! Why did you kissed Arianne?!" hindi makapaniwalang reaksyon ni Aldred. Magkahalo ang iba't-ibang emosyon sa mukha niya.

Tumawa si Amanda,"Good afternoon Sir Roel," nakangiting bati niya sa seryoso ngayong si Sir Roel. Tumango lamang ito. Sunod ay nilipat sa akin ni Amanda ang atensyon niya, "Sorry Arianne for kissing you. I just need to," paliwanag niya na hindi ko gets kung bakit.

Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya, "O-Okay," nasambit ko na lang.

"Need to?!" Aldred reacted still in disbelief.

Saglit ang lumipas bago tumugon si Amanda, "Pansin niyo ba yung limang lalaki? They are after me, so I need to hide my identity to escape."

"And you used Arianne?" matalas na tanong ni Aldred.

"Yup," tugon ni Amanda sabay lingon uli sa akin, "I'm really sorry Arianne for using you. Ano na lang, I'll do a favor from you as a way to payback. Anything pero isa lang a,"

"The audacity," Aldred sneered, "Alam mo bang kung hindi mo kagad pinakita 'yang mukha mo e mababasag ko 'yan,"

Tumawa lang si Amanda habang ako naman ay hindi na napigilang magtanong sa kung bakit siya hinahabol ng mga lalaki.

"You don't need to pay me back, pero pwede bang malaman kung bakit ka hinahabol ng mga 'yon?"

Nagsalita na rin si Sir Roel, "Oo nga, sa itsura ng mga humahabol sa'yo, kahit na naka-civillian sila obvious na hindi sila putsu-putsu," seryoso niyang sabi.

Ngumiti si Amanda pero hindi dahil sa tuwa. Sunod ay bumuga siya ng hininga, "Well... How about we talk about it inside my unit? Anyway," saad niya bago tumingin sa akin, "I like how your lips taste like," dagdag ni Amanda sabay kindat. Hindi na ako nakapag-react pero si Aldred... kitang-kita ang gigil sa mukha niya. Sa isip-isip ko ay mabuti na rin na ako ang hinalikan ni Amanda dahil kung si Aldred ay baka hindi kayanin ng puso ko.

Erururu Creator