ALDRED'S POV

AlTheRed: The person(girl) I(boy) like is mad at me. What should I do?

Saglit lang matapos kong itipa yung tanong ko sa ANONCHAN - isang anonymous forum ay may sumagot na kaagad.

HanselBiskwit: First, what is the reason why she got mad at you?

Inikwento ko sa nagtatanong ang dahilan. Hindi katulad nang nauna ay segundo, minuto ang lumipas at wala pa akong natatanggap na tugon. Nag-surf tuloy muna ako sa internet ng mga babasahin. Kung dati ay tungkol sa octopus, aliens at mysteries ang mga binabasa ko, ngayon ay tungkol naman sa love at human emotions ang pinagkakaabalahan ko. Wala akong pakialam sa mga ganito dati. OA kasi, nakakairita and most of all, waste of time pero ngayon ay nagbago na ang pananaw ko tungkol dito at dahil iyon kay Arianne.

Dahil sa hindi ko pagpansin noon sa mga usaping pang-emosyon ay wala akong masyadong idea sa nararamdaman ng iba. Masyado kong minamaliit dati yung mga simpleng dahilan ng paghalakhak, pag-iyak at pagdamdam pero ngayon ay na-realize ko na kahit gaano pa katiting ang nararamdaman ng isang tao ay dapat pa rin itong bigyan ng importansya. Sabi nila matalino ako pero nang makilala ko si Arianne ay na-realized ko kung gaano ako kawalang-muwang sa kapaligiran. Gaano man kabilis mag-proseso ang pag-iisip ko ay para sa'n pa iyon kung hindi ko naman naiintindihan ang nararamdaman ng iba.

HanselBiskwit: Lie low talking to her for a while. Give her space then if you think her anger cooled down, talk to her, apologize and ask her politely what exactly is wrong.

That is the answer I got after an hour.

Kinaumagahan, katulad ng advice sa akin ay hindi muna ako nakipag-interact kay Arianne. Nang magkasalubong kami ay kahit na gaano ko kagustong batiin siya ng good morning ay hindi ko ginawa. Kahit na gaano ko kagustong hingiin sa kanya yung skinless longganisa niya ay pinigilan ko ang sarili ko. At kahit na gaano kagusto kong sabayan siya sa paglalakad ay lumayo ako para mabigyan siya ng space.

Binigyan ko siya ng space pero ngayon ito kami'y um-absent sa eskwela at magkasamang dalawa.

"Is there a problem?" tanong ko sa kanya nang biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakatigil kami. Nakatingin sa akin si Arianne. Yung maganda niyang mga mata ay may kakaibang kinang na ngayon ko lang nakita. Tinitigan ko yung mga mata niya, binasa at inintindi. Malalim katulad ng isang sining. I reached her heart and I saw a clear, brave and confident soul.

"Yep, I love you so much," tugon niya na agad nagnakaw ng hininga ko.

I stared at Arianne. She is smiling. The most beautiful smile I've ever seen. Parang musikang pumasok sa tenga ko yung sinabi niya. Panimula bago mag-beat ng matindi ang puso ko. Bigla ay nagkaroon ng tono yung mga pagpatak ng ulan at narinig ko yung humihihip na hangin. Bukod sa orange niyang umbrella ay nag-glow lahat ng kulay sa paligid kahit na makulimlim ang panahon.

Lagi kong sinasabi na mahal ko siya pero ngayon ay naramdaman ko na mas mahal niya ako.

Hindi ako nag-reply kay Arianne. Sa halip ay mas hinigpitan ko ang paghawak sa malambot niyang kamay. Malamig ang panahon ngunit uminit ang palad ko at sa tingin ko'y ganundin sa kanya. Pumihit ako at naglakad na hatak-hatak siya. I'm beat. As much as I want to say that I love her too, I think my words will not be enough.

Saglit, without both of us saying anything ay nakarating na kami sa Central Suites. Nagtatakang lumingon si Arianne sa akin. Kinuha ko naman ang aking cellphone saka tumawag ako kay Sir Roel. Kailangan kasi namin ng pampalit dahil school hours at hindi pinapapasok sa loob ng mall ang mga estudyante.

"Um-absent kayong dalawa?" manghang tanong ni Sir Roel pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng unit niya.

Tumango kaming dalawa ni Arianne saka tumuloy sa loob.

Matagal na akong nakapasok dito sa unit ni Sir Roel. Malaki ito, simple at maluwag. Fan kasi si Sir ng KonMari at in-apply niya ito sa buhay niya. May malaking chandelier kang makikita pagpasok na pagpasok mo at iyon lang ang tanging ilaw sa reception room niya. Hindi naman na kasi kailangan ng marami pa dahil bahagi ng silid ay floor to ceiling ang bintana kaya maliwanag na.

"Ikaw Aldred, B.I. ka kay Arianne. Anong meron at hindi kayo pumasok a? Gusto mo bang isumbong kita sa Mama niya."

Hindi ako nakaimik hanggang sa marinig ko ang pagtikhim ni Arianne sa likod ko.

"Actually ako po yung ayaw pumasok. Nadamay lang po siya kasi ayaw niya akong pabayaan mag-isa."

Napatitig si Sir Roel kay Arianne at hindi kaagad nakapagsalita. Saglit lang ay humalakhak siya at napakamot sa kanyang batok.

"Really?" He asked between his laughs, "Like mother like daughter talaga. Lumalaki ka ng katulad ni Shan," dagdag niya.

Tumuloy kami sa loob at ni-welcome na nga kami ng malaking chandelier, mamahaling tv at eleganteng pulang sofa.

"Upo muna kayo. Kukuha lang ako ng mga pamalit."

Katulad ng sabi niya ay umupo kami ni Arianne sa sofa. Malambot yung sofa. Kasama ako ni Sir ng bilhin namin ito at halos malula noon ang mga mata ko dahil sa presyo. Ilang gundam figures na ang pwede kong bilhin kung may ganoon ako karaming pera. All in all ay mahilig talaga si Sir Roel sa mamahaling bagay. Lahat ng kagamitan dito sa unit niya ay may presyong tumataginting. Mula sa malalaking kagamitan hanggang sa pinakamaliit pero ayon kay Sir, kung nabibili nga lang ang pag-ibig ay doon niya uubusin lahat ng pera niya.

"He's so luxurious," sambit ni Arianne.

Tumango lang ako. Habang naghihintay kay Sir ay iniikot ko ang aking tingin sa paligid. Tumingin ako sa labas. Maulan pa rin. Napalingon ako sa side table. May wine glass at empty wine bottle. Tumingala ako at napaisip kung magkano kaya ang halaga ng chandelier.

"May pambabae ba siyang damit?"

Napalingon ako sa tabi ko. Sa pinanggalingan ng matamis na tinig. Yung bilugan niyang mga mata. Yung mahaba niyang pilik, matangos na ilong at pink na labi.

"Siguro?" sambit ko saka diretso ng tingin.

Lumunok ako. Kailangan. Bigla na naman kasing bumilis yung tibok ng puso ko. Kanina ko pa sinusubukang ibaling sa iba ang aking atensyon pero sa isang saglit lang na tignan ko siya ay nabalewala ang effort ko. Ito yung pakiramdam noong una akong makainom ng kape. Worst, ito yung pakiramdam noong makainom ako ng Kopiko 78. Para bang kailangan kong magbanyo.

Minuto pa lang ang lumipas na wala si Sir Roel pero parang antagal na niya sa loob. Naka-diretso ako ng tingin sa pinto ng silid niya hanggang sa mapansin ko ang pagngiti ni Arianne. Involuntary akong napalingon sa kanya. Nagkatinginan kami at humagikgik siya. Bigla ay uminit ang pisngi ko. Yung sakit ng tiyan ko ay tinunaw ng mga butterfly na biglang sumulpot sa stomach ko. Iniwas niya ang tingin sa akin. Humilig ang ulo niya saka nakangiti siyang nag-bop sa saliw ng isang ritmo. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang ganito pero mas na-surpresa ako ng mag-hum siya. Nakita ko na sa imagination ko yung mga anghel na may trumpets at ngayon naman, ay narito sa harapan ko yung main vocalist nila.

"You sound beautiful," mangha kong nasambit.

Arianne smiled,"Really? Thanks," masaya niyang sabi at mas lalo pa siyang gumanda. Oo lalo pa. Arianne is always beautiful but this time she radiated a different aura. An aura of confidence to be exact.

Napangiti ako sa kanya at natawa sa aking sarili. Ang engot ko. Nag-confess siya sa akin with all her heart tapos ito ako't nag-chicken out. Matapos niyang ipahayag ang damdamin niya sa akin ay nakita ko sa mga mata niya ang intensity nito. Na-overwhelm ako. Ganundin ba ako sa tuwing ipinapahayag ko sa kanya na mahal ko siya? Sa tuwing sinasabi ko yung salitang 'I love you'? Is my love weigh the same as what her eyes showed?

Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko at lahat ng iyon ay hinanapan ko ng kasagutan. Nahirapan ako but somehow I managed. I found answers based on my reasoning but now I realized that all of that is shit. There is only one answer. Arianne became able to express her love like that because she knew that I love her that much too.

Without saying a thing ay kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa sofa. She didn't let go instead she hold on my hand too. I squeezed it and she blushed. I giggled at her reaction. My inside me is screaming. Parang tanga lang kasi, kinikilig ako. Pero okay lang maging mukhang tanga kung ganito. Magsasalita na sana ako ng biglang may mauna sa akin.

"Wow, naglalandian na kayo?"

Biglang nag-gray yung makulay kong paligid. Nabulabog yung mga paro-paro sa loob ko. Singkit mata akong napalingon kay Sir Roel. The heck is that word. Binitawan ko ang kamay ni Arianne at tumayo ako para kunin ang hawak-hawak ni Sir na mga damit.

"Huwag ka pong istorbo sir, baka maudlot," pabulong kong sabi sa kanya.

Stunned by my action, Sir Roel nod slowly like he is comprehending what I said. Pumihit ako paharap kay Arianne pero bago pa ako makapaglakad patungo sa kanya ay hinatak ako ni Sir Roel pabalik saka diretsong bumulong sa tenga ko.

"Lakas mo talaga bata," maloko niyang sabi. Naramdaman ko yung suporta niya kaya hindi na ako nahiya at bumulong din ako sa kanya.

"Opo sir, kaya pautang naman po. Hindi ko kasi in-expect na maglalakwatsa kami kaya P200 lang po laman ng wallet ko," sabi ko at bigla na lamang humalakhak si Sir. Sa sobrang tawa niya ay kinaldagan niya pa ako sa likod. Masakit at nakakaasar pero pilit akong ngumiti sa ngalan ng pera.

"Sure!" masaya niyang sabi saka bumaling kay Arianne. "Arianne, luckily may-gift na mga damit sa akin yung client kahapon. Sexy ka naman kaya sure na fit 'yan sayo. Then ano pala size ng paa mo?"

Napapakislot ang tenga ko sa klase ng pakikipag-usap ni Sir kay Arianne. Sinamaan ko siya ng tingin at nang tignan niya ako ay ngumiti siya ng malaki sabay akbay sa balikat ko.

"Size 9 po," tugon ni Arianne. Bagong kaalaman ko tungkol sa kanya.

Inalog-alog ako ni Sir, "Great! Mabuti na lang binasted ako ng babaeng nililigawan ko. Wait kukunin ko lang sa kwarto ah," agad ay pumunta siya sa kanyang silid at pakanta-kanta pa nga ang loko. Lumapit ako sa nakaupo pa ring si Arianne.

"Pagpasensyahan mo na si Sir, may pagkabastos talaga yung dila niya," paliwanag ko sa kanya.

"Okay lang. Sanay na ako," she smirked, "Anyway, can I get the clothes? Para makapagpalit na ako."

Napa-jolt ako kaya iniabot ko kagad sa kanya ang mga damit, "Sige ito o--," sabi ko pa na agad ko ring binawi, "We-Wait!"

Nakahawak na si Arianne sa mga damit hanggang sa may mapansin ako. Agad kong binawi ang mga ito na ipinagtaka niya. Inisa-isa ko yung mga ibinigay ni Sir. Fitted long sleeve crop top, tank top, camisole, mini skirt, at high waist shorts! Anak ng! Anong klaseng mga damit 'to?! Like hell I will let Arianne wear this kind of clothes. Tinignan ko siya, she's waiting. Inabot ko yung short saka yung sweater na akin dapat.

"Sayo dapat 'to di ba? Akin na yung crop top."

"No," may pagkamatigas kong naitugon.

"Bakit?"

"This is too sexy," nakanguso kong katwiran.

Pumagitna ang saglit na katahimikan sa amin bago humagikgik si Arianne.

"You know I don't want attention right? But today is different. I feel so confident. Siguro dahil nandyan ka. Maybe I can try new things."

Inintindi ko yung sinabi niya and shit! How can I say no to that? Half-heartedly kong binigay sa kanya yung crop top then tinuro ko yung CR. Habang nagpapalit si Arianne ay lumabas na si Sir Roel dala-dala ang isang high heeled na sandals.

"Nagpapalit na siya?"

"Opo. Iyon lang po ba yung mga damit pambabae mo dyan sir?"

"Meron pang iba. May tshirt doon saka sweater. Bakit?"

Hindi ako makapaniwalang napalingon kay Sir, "Eh?! Ba't di na lang po 'yon yung nilabas mo po? Medyo provocative yung mga dinala mo sir e."

Humalakhak si Sir Roel saka hinawakan ako sa balikat, "Ikaw naman yung inisip ko doon bata. Syempre parang magdi-date kayo di ba? Kaya special na mga suotin yung binigay ko."

Masaya ako sa natatanggap kong suporta mula kay Sir pero hindi ko maiwasang sumimangot, "Hindi naman na po kailangan ni Arianne ng mga ganong damit e. Mamaya po pagtinginan lang siya ng mga manyak," sabi ko bago malipat ang tingin ko sa daan papuntang CR. Nakatayo kami ni Sir dito sa reception ng biglang sumulpot sa paningin namin si Arianne. Para akong nakakita ng artista. Mas higit pa siya sa mga model ng SOMA at pwedeng ikumpara kay Ate Candice.

Suot-suot niya na ang mga damit na ipinahiram ni Sir. Palagi siyang naka-long sleeve at ito ang unang pagkakataon na makita ko siya wearing womanly clothes. Nagpusod din siya ng buhok kaya bare yung slender niyang leeg at emphasize yung maliit at maganda niyang mukha. My eyes move. Yung dibdib niya, yung waist line saka yung legs... She's so gorgeous, what more if she wear dresses, gowns and wedding gown! I need to see her wearing that white trahe de boda in front of me.

"Wow," nasambit ko dahil sa pagkamangha. I'm sure hahabol lahat ng tingin sa kanya ng mga taong makakakita sa kanya.

"Mukhang sayo dapat ako mag-alala a. Baka ikaw yung mang manyak e," narinig kong sabi ni Sir. Agad ko siyang nilingon ng masama.

"Okay lang ba?"nahihiyang tanong ni Arianne na mabilis kong tinanguan.

"Yes, actually you're stunning pero komportable ka ba?"

Kumurap ang mga mata niya, "Hindi pero siguro dahil ngayon lang ako nag-suot ng gan'to."

Tumango ako, "Baka nga, pero pwede ka naman magpalit. Sabi ni sir meron naman daw siyang t-shirt and sweater na pambabae. Baka mas okay ka doon."

Umiling si Arianne. Lumapit siya sa amin at tumapat sa akin. "No, you already said I look stunning so why will I change?" Ngumiti siya and shit kailangan kong lumunok dahil parang natuyo ang lalamunan ko. She is like Freyja of Norse mythology. Goddess of beauty, love and death. She's too sumptuous up close I can die in peace!

"Huh? Hehe but you're always stunning naman. Extra stunning ka lang this time." My eyes involuntarily looked at her from head to toe. "Hey, kung saan ka comfortable okay?" dagdag ko dahil parang ako ang hindi magiging komportable sa suot niya.

Tumango si Arianne saka lumapit sa akin.

"Magja-jacket na lang ako.

"Go-Good idea," tumango ako. Much better sa isip-isip ko. Tinignan ko si Sir and he was grinning all over.

Nag-stick na si Arianne sa suot niya. Sabay naman kami ni Sir Roel na tumungo sa kwarto niya. Doon kasi ako magpapalit. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat.

"What was that?!" Pinantay niya ang kanyang mga seryosong mata sa akin.

"Huh?"

"Yung klase ng usapan niyo? Ba't ganon? OP na OP ako! Damang-dama ko yung pagiging single e! Kayo na ba?"

Natatawa akong umiiling habang iniisa-isang tanggalin ang butones ng polo ko.

"Hindi po,"

"E ba't daig niyo pa magsyota sa pagpalitan ng salita a?"

Hinubad ko ang polo saka sinuot ang pulang sweater na pahiram ni sir, "Hindi pa kami sir pero nag-aminan na kaming dalawa. Kaya 'wag ka po magulo a." Nang masuot ko na ang damit pang-itaas ay ako naman ang humawak sa magkaibang balikat ni Sir.

"Please 'wag mo po muna sasabihin kahit kanino. Kahit kay Tita Shan. Baka kasi makarating sa Papa ni Arianne."

"Hindi ba kayo okay ni Alex?"

Bumitaw ako kay Sir at ibinaba ang aking mga kamay, "Well, Tito Alex is the typical father to his princess po."

"Ah sabagay but thinking about it. You and Alex are quite the same. Sa totoo nga nakikita ko sa inyong dalawa ni Arianne yung kabataan ng mama at papa niya. So lovey-dovey. Nakakainis."

Natawa ako habang hinuhubad ko ang aking school pants.

"O sige na nga, ito pala yung P1000. Huwag kayong bibiglang liko a."

Nagtataka ko siyang tinanong, "Biglang liko po?"

"Oo, manyak na manyak ka kasi base sa tingin mo sa kanya kanina e."

Half-way akong napatigil sa pagtaas ng maong pants na pinahiram ni Sir. Binitawan ko ito at dumiretso ng tayo, "Baliw ka po sir, wala akong balak na masama sa kanya."

"Wews, nagsalita yung batang nanghahalik ng basta-basta. Huwag mong papatayuin 'yan a."

"That's the immature me. Nagbago na po ako ngayon," I claimed, "Saka anong ibig mo pong sabihin?" pagtataka ko saka tinignan ang direksyon kung saan nakaturo ang kamay ni Sir. Agad kong tinakpan yung boxers ko.

"Gagi!"

Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na kagad ako ng silid ni Sir Roel. Naabutan ko si Arianne na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kanyang cellphone. Nang makita niya ako ay parang nagulat siya pero agad din siyang ngumiti. Her smile was forced that moment. Marahil ay binabasa na naman niya yung thread na nagbibigay alalahanin sa kanya.

"Anyway, Arianne. I see you're gaining confidence. Maigi 'yan para tulong na rin sa audition mo sa monday," saad ni Sir Roel saka umupo siya sa sofa sa tapat ni Arianne.

Arianne looked at me. Akala niya siguro hindi ko alam yung gagawin nilang pag-audition ni Amanda sa SOMA.

"HIndi mo ba sinabi kay Aldred?"

Umiling si Arianne. Umupo ako sa tabi ni Sir Roel.

"She doesn't need to tell me. Pero sinabi sa akin ni Amanda kaya nalaman ko," I smiled at Arianne.

"Nakaka-excite nga. Paniguradong mahihirapan sa pagpili ng isa sa kanilang dalawa yung management. Both girls have a charisma of their own baka magkatalo na lang sa kung ano ang kailangan."

After that ay umalis na kami. Mag-aayos na rin kasi si Sir Roel ng sarili niya para sa pagpasok sa trabaho. Pinahiram niya ako ng P1000 na satingin ko'y sapat naman. Iniwan muna namin ang mga bag namin sa unit niya at babalikan na lang namin ng gabi. Habang nasa elevator ay napalingon ako kay Arianne. Nakatingin kasi siya sa akin at para bang may nais siyang sabihin.

"Bagay sa'yo 'yang sandals," I started a conversation.

"Pwede mo ba akong samahan sa audition sa monday?" Iyon ang ibinalik niya na ikinagulat ko. Napatitig ako sa kanya saglit bago tumugon.

"O-Of course," masaya kong naitugon ng una pero ng maalala ko ang mga kaibigan niya ay nag-alala ako. "Sina Pristine at Bianca ba? Sasama rin?"

Humilig ang ulo ni Arianne at mapait na nagreact ang mukha niya, "I don't know."

"Akala ko noong umalis ka sa kwarto ko okay na. Na-decided ka ng makipag-usap sa kanila at ayusin yung misunderstanding niyo. Birthday na ni Pristine sa Linggo. Dapat magbati na kayo."

"Gusto ko naman, hindi ko lang alam kung gusto niya ring makipagbati."

I stared at her, "What do you mean?" tanong ko na hindi na nasagot dahil may sumakay ng ibang tao. Nang makarating na kami sa baba ay hindi ko na muna siya nipwersang sumagot. Baka kasi mawala siya sa mood at masira itong "date" namin. Umuulan pa rin pero mahina na hindi katulad ng kanina. Yung payong niya lang na orange yung dala namin dahil malaki ito, tamang-tama sa aming dalawa.

Binuksan ko ang payong pagkalabas ng lobby at umapak ako sa basang semento. I reached Arianne's hand and she willingly took it. I glanced at the people at her back and all their eyes were at her. Paano ba naman kasing hindi e para siyang anghel na nag-descend galing sa langit.

"They are all staring at me," saad niya pero hindi katulad ng dati na may kasamang pag-aalala.

"It's because you're so beautiful."

She smirked, "Masyadong mabulaklak 'yang dila mo."

I smiled, "Para sa'yo lang and wala naman ng ibang rason para tignan ka nila. Why? Do you feel uncomfortable?"

"I should but no, I feel okay."

"Good, I'm glad. Hmm, do I make you feel comfortable?" Maloko kong tanong.

Arianne giggled, "Yes, so much," she answered.

Muli ay napangiti nanaman ako at may kahalo itong ibang pakiramdam. Ang saya pero ibang saya. Higit pa sa nakabili ako ng bagong laruan o game, higit pa sa saya na may na-defeat akong mahirap na boss at higit pa sa saya na dulot ng pagkain ko ng paborito kong leche flan. Saya na ibang klase. Saya na hindi maikukumpara. Realizing it, this is the difference of love. The kind of happiness that it brings. So euphoric.

"Then from now on don't bother minding what others think about you. They can say and think a lot of things but that doesn't matter. A lot of people love you, Arianne. Believe in them because they believe in you."

Saglit na napatitig sa akin si Arianne bago siya naunang maglakad. Sumunod ako kagad para hindi siya mabasa ng ulan. Humigpit ang hawak niya sa akin. Tumingala siya at ngumiti.

"I wonder where did you get that quote?"

Natawa ako, "Oh it's from Arianne and Aldred's lovestory volume 2 chapter 1 titled I love Arianne so much I believe in her."

"Baliw,"

Tumawa kaming dalawa.

Wala masyadong tao sa kapaligiran at kung meron man kaming nakakasalubong ay hindi ko sila napapansin. Habang kasama ko si Arianne na maglakad ay para bang naglalakad kami sa sarili naming mundo. Sabi sa nabasa ko, kapag inlove ka lahat ng bagay ay makikitaan mo ng positive side. Katulad ng ulan, kung hindi dahil dito ay hindi kami magkasama ni Arianne sa isang payong, kung hindi malamig ang panahon ay hindi ko mararamdaman ng maigi ang warmth ng kamay niya at kung hindi siya nagkakaproblema ay hindi niya malalaman na may magki-care sa kanya.

"Ano kayang sasabihin ni Papa at Tita Cecil kapag nalaman nila na um-absent tayo?" Out of nowhere niyang nitanong dahilan para mapa-isip din ako.

"I'm sure Mama will be cool about it. Ewan ko lang sa Papa mo. Baka lutuan niya ako ng maraming bellpepper kapag nalaman niya at ipaubos niya iyon sa akin sa isang upuan."

Namilog ang mga mata ni Arianne bago siya tumawa, "May nangyari ng ganon?" Hindi siya makapaniwala.

"Not exactly. Nagluto lang naman siya ng caldereta tapos yung itinira niya sa akin ay puro bellpepper na lang ata ang sahog," kwento ko. Sa tuwing naaalala ko 'yon ay bumabalik yung lasa ng bellpepper sa dila ko. Yuck! Napapakla tuloy ako ng mukha at hinagikgikan iyon ni Arianne.

"Pasensya ka na kay Papa, overprotective kasi talaga siya."

"Okay lang, naiintindihan ko naman. Kapag nagka-anak naman tayong dalawa ganundin gagawin ko."

Bigla ay napaubo ng matindi si Arianne kaya napatigil kami sa paglalakad. Hinaplos ko ang likod niya. Tumingin siya sa akin kaya nakita ko ang maluha-luha niyang mata at masamang tingin.

"Siraulo," sambit niya saka dumiretso ng tayo at nagpatuloy sa paglalakad. Agad akong sumunod.

"So-Sorry. Did you find what I said creepy?"

"Oo," she glared at me,"Pero may naalala ako. You like twins right?"

Agad akong tumango.

"Wala kaming ganon na lahi e,"

"Sabi mo meron,"

Nilingon ako ni Arianne at saglit siyang di umimik. Sunod ay dumiretso siya ng tingin bago magsalita, "Talaga? So I'm that honest with you pala." Tumango siya na ikinatawa ko.

Kaunting lakad na lang ay parating na kami sa Central Mall. Hindi ko alam kung ano yung original plan ni Arianne na gagawin. Kung sa akin kasi ay Amusement, cinema at pagkain lang ang inaatupag ko kapag tumutungo ako ng mall.

"Anong gagawin natin?" Si Arianne ang nagtanong.

"Ikaw? Ano ba yung original plan mo dapat na gagawin?" balik ko sa kanya.

Umiling si Arianne, "Hindi ko alam. Wala pa akong nasa isip kanina kundi huwag lang pumasok." Nang marinig ko ang sabi niya ay hindi ako makapaniwala.

"Ngayon ano bang gusto mo?"

Nag-isip siya.

"Manuod tayo ng sine." suhestyon niya na nagpatango sa akin noong una bago ako mapangiwi. P180 kasi yung regular price ng sine pero regular pa lang iyon. Sa P220/ticket ko siya gusto dalhin pero times 2 ay P440 kagad ang magagastos ko P1200 budget ko less P440 ay P760 na lang tapos syempre kailangan ko bumili ng snacks na approximately P250 kaya ang matitira na lang sa budget ko ay P510. P510 na pagkakasyahin ko sa lunch at merienda?! No, I need to spend wisely without the cost of disappointing her.

"Don't worry. I'll pay," narinig kong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya.

"No! Ako magbabayad," giit ko.

"Wala ka namang pera," walang kagatol-gatol niyang sabi. My face went flat and my ego got knocked out. Patayo pa lang ang pride ko ng magsimula siyang humagikgik.

"If you're really bothered by it then let's have a proper date sa Saturday? Pero ayoko na gastusin mo sa'kin yung pera mo. Kanya-kanya tayo sa weekend,okay? Ngayon ako yung gagastos kasi ako naman may pakana nito. Treat is a suhol na lang sa pagsama mo sa'kin."

"Magdi-date tayo sa Saturday?" Excited, gulat at mangha kong balik sa kanya. Kung ibibilang sa plano kong 10 date rule before relationship na nabasa ko sa isang article ay iyon ang magiging unang date namin.

"Yep, a date, a proper one."

"Ngayon pa lang looking forward na ako sa weekend."

"Ako rin," nakangiting tugon niya sa akin bago siya dumiretso ng tingin. Saglit lang at biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Lumungkot ito. Weekend ay birthday na ni Pristine at ngayon ay hindi sila ayos. I don't know what exactly is their problem but Pristine is important to Arianne. Her friends are important to her so I'll make it a goal this day to help Arianne fix her misunderstanding with her friends.

Erururu Creator