NO ONE'S POV

Mahinahong hangin, banayad na sikat ng araw at tahimik na hapon. Tamang-tama na panahon para magbasa ng libro. Kasalukuyang nasa terrace at nakaupo si Cecil sa isang lumba-lumba. Mataimtim na binabasa ang librong hawak niya. Sa kanyang tapat ay ang bakurang napupuno ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Namumukadkad ang makukulay nitong talulop at mas lumalabas ang tunay na ganda kapag nasisinagan ng araw.

Napatitig saglit si Cecil sa kanyang mga halaman ng mabura ang ulap sa kalangitan. Hinahangaan ang ganda ng kanyang kapaligiran hanggang sa may maramdaman siyang nakakakiliting balahibo sa kanyang binti. Binigyan niya ng atensyon ang asong kumakawag-kawag ang buntot ngunit napakunot ang noo niya sa kung ano'ng nasa bibig nito. Kagat-kagat ni Cheeky ang isang magazine na kahit kailan ay hindi inasahan ni Cecil na makikita niya sa kanyang pamamahay. Pabiglang kinuha ni Cecil ang magazine at agad pumasok sa loob ng bahay.

"Aldred!" Nangangalit na tawag ng ina sa anak mula sa sala.

🔶🔶🔶

"Bea!"

"Nani?! Why Arianne is following me?!" Lumingon si Bianca sa kanyang likuran kaya nakita niya ang paunti-unting paglapit sa kanya ng pigura ni Arianne. "Ma-Matte! And why am I running away?!" Tanong naman ni Bianca sa sarili. Mas lalong bumilis ang takbo niya.

Arianne's height is 5'9 compared to Bianca who is just 5'6. Sa grupo nila ay si Bianca ang masasabing pinakamaliit dahil si Pristine naman ay humahaba ng 5'7 kaiba sa kanyang kakambal na kapatid na kasingtangkad ni Arianne. Mahahaba ang biyas ni Arianne pero natatalo ito ng liksi ng mga binti ng hinahabol niya. Tila nga naisa-character talaga ni Bianca ang kanyang kino-cosplay dahil para siyang anime character sa bilis niyang tumakbo.

"What the hell?! Why is she running? And, ba't ang bilis niya?!"

Arianne is starting to lose her breath. Malaki ang Central Shopping District at nasa 1/4 na ng lugar ang natatakbo nila kaya understable ang hingal niya. Athletic si Arianne pero simula ng tumira siya sa mga Cuzon ay hindi na siya nakakapag-ensayo o kahit jogging man lang. Samantala ay hinihingal na rin si Bianca. Hindi niya ugaling tumakbo to the point na kahit male-late na siya ay lakad namamasyal lang siya kaya ngayon ay sumusuko na rin ang mga binti niya.

Gusto ni Bianca na makita si Arianne para humingi ng tawad. Dumating ang kaibigan pero ewan niya't bakit piniling tumakbo ng kanyang mga binti imbes na salubungin ang direksyon ng kaibigan.

"Bianca, you idiot!" saad ni Bianca sa sarili sabay bilis pa ng takbo.

"Bea! Bwiset ka!" Arianne shouted.

"I know so stop following me!"

"Why?! Gusto kong mag-usap tayo."

Napapasunod lahat ng taong nadaraanan nila sa kanila. Yung iba ay kumukuha pa ng litrato o video dahil sa kasuotan ni Bianca.

"Gusto ko rin pero huwag ngayon!"

Bianca jumped off the fence. Ganoon din si Arianne pero ng lumingon sa kanya ang kaibigan ay nakahalik na ang tuhod niya sa lupa. Unfortunately, natanggal ang sintas ng sneakers ni Arianne at sumabit ito sa may fence.

"Aya!" Nag-aalalang sambit ni Bianca. Humakbang siya paabante pero ng makita ang nasasaktang ekspresyon ng kaibigan ay binawi niya ito at napaatras.

"I-I'm sorry Arianne," sabi ni Bianca sabay takbo paalis. Sinubukan siyang habulin muli ni Arianne pero hindi na niya nagawa dahil sa kirot ng tuhod.

🔶🔶🔶

Iyak ng iyak si Bianca habang lumalayo kay Arianne. Sa muling pagkakataon ay nakagawa nanaman siya ng mali at si Arianne nanaman ang nasaktan. Nang maramdaman niyang nakalayo na siya sa kaibigan ay unti-unting bumagal ang galaw ng mga binti niya. Tumigil siya sa tapat ng isang boutique. Tinignan ang sarili sa salamin kaya't nakita niya ang burado at kalat-kalat na make up sa kanyang mukha. Para bang ini-expose ang tunay niyang sarili na matapang man ang panlabas na anyo ay sobrang duwag naman ng kanyang damdamin.

Muli ay may lumabas na luha sa mga mata ni Bianca pero hindi niya ito hinayaang tumulo. Agad niya itong pinunasan. Pagkabaling niya muli ng tingin sa boutique ay sa isang gown napunta ang atensyon niya. Doon ay naalala ni Bianca ang kasuotang ginawa niya para kay Arianne. Tapos na ito pero parang mauuwi sa wala dahil na rin sa kagagawan niya.

"Bwiset," sambit ni Bianca na may inis para sa sarili. Mapait siyang napakagat sa kanyang labi pero agad nagbago ang reaksyon niya nang makarinig siya ng isang tinig.

"Hey,"

That gentle voice. Hindi maaaring magkamali si Bianca. Sa isang iglap ay sumigla ang puso niya pero sa isang iglap din ay lumagapak ito nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari boses.

"Sato?! Anong--" Bianca stopped. She eyed the trail of sweats on Sato's forehead. He is also breathing deeply like he came from a marathon.

"Anong klaseng binti 'yan? Ang liit mo pero ang bilis mong tumakbo."

Normally ay maiirita si Bianca sa presensya ni Sato pero siguro dahil sa pagod o sa lalim ng iniisip ay napatitig lang siya sa binata. Nagtaka si Sato. Sinalubong niya ng tingin ang nakatingala sa kanya na si Bianca. Ilang segundo pa ang lumipas at nailang na siya.

"Hey, you're creeping me out," napakamot si Sato sa kanyang batok.

"You looked tired,"

"Of course! I followed you!"

"Why?"

"Why?" napaisip din si Sato, "Uh--" he struggled before Bianca's words interrupted him.

"Bakit ikaw sinusundan mo ako pero si Jerome hindi?"

Parang nag-freeze ang oras sa pwesto ng dalawa. Maingay at masaya ang paligid nila pero ito sila't kulong sa katahimikan at kalungkutan. Sa tuwing makikita ni Sato si Bianca ay parang maha-highblood siya. Walang palya dahil ngayon, nang mapatitig siya sa dalaga ay ito ang naramdaman niya.

Yung mahinang tinig, lugmok na mga mata at overall na malungkot na reaksyon ni Bianca ay pinasikip bigla ang dibdib niya. Iniangat ni Sato ang kanyang kanang palad. Planong ipatong ito sa bunbunan ng babaeng kasalukuyang nagpapasakit sa kanya sa di niya mawaring dahilan ngunit ng makita niyang biglang may tumulong luha mula sa mga mata nito ay napatigil siya. Mas pinili ng kamay ni Sato dumukot ng panyo sa bulsa ng kanyang pantalon at ipunas ito sa mukha ni Bianca.

"Yung eyeliner mo," he said softly. Bianca didn't stop him.

"I'm awful right?"

"Ha?"

"To runaway from Arianne and leave her like that,"

Napatitig si Sato saglit bago siya tumugon, "Ah... yes. That's bad. You're bad."

"I bet your followers are condemning me right now for what I did. Ano nga ba yung bansag niyo sa akin? Bad apple? Bakit?"

Tapos na si Sato na punasan ang mata at mukha ni Bianca pero hindi niya inialis ang panyo sa mukha ng dalaga.

"Hindi ko sila kasama ngayon. Bad apple kasi ikaw yung prutas na nagligaw kay Jerome sa landas niya."

Bianca sniffed.

"You should go to Arianne instead of me. She is badly hurt."

Bigla ay parang may nag-struck kay Sato. Marahan niyang ibinaba ang kanyang kamay. Naalis ang panyo sa mukha ni Bianca at may kakaibang reaksyon na naidulot ito sa mga pisngi ni Sato. Dahil nawala na ang eyeliner sa mga mata ni Bianca ay bumalik sa pagiging natural na singkit ang mata niya. Yung pisngi niyang pinamumula ng make up ay natural na namumula na ngayon dahil sa pagod. At yung labi niya, ilang beses ng nagkita si Sato at Bianca ngunit ngayon lang napansin ng binata kung gaano ito natural na mapula.

Nasaksihan ni Sato ang buong cat and mouse chase ni Arianne at Bianca. Nakita niya rin kung paanong naaksidente si Arianne pero mas binigyan niya ng atensyon ang naging reaksyon ni Bianca. Arianne is hurt physically pero si Bianca, alam niyang nasaktan din ito -- emotionally at mentally.

Yung kaninang balak ni Sato na paglagay ng kamay sa ulo ni Bianca ay itinuloy na niya,

"You're hurt too," sabi ni Sato kasabay ang matinding pagkabog ng kanyang dibdib.

🔶🔶🔶

Isang hindi inaasahang nakakapagod na araw para kay Arianne ang nagdaan. Pagod at paika-ika siyang umuwi pagkatapos nilang kumain ni Nicholai. Nicholai insisted to accompany her but she declined. Sinabi ni Arianne na kaya niya naman maglakad pero lingid sa kaalaman niya ay iba ang dahilan ni Nicholai kung bakit gusto siya nitong samahan.

Umaga nang mapansin ni Nicholai ang isang kahina-hinalang lalaki. Noong una ay hindi niya ito pinansin dahil baka hindi naman sila ang pakay nito pero makailang libot at lakad pa nila ay nagtaka na siya kung bakit ito laging nasa paligid nila. Madaming ideya ang pumasok sa isip niya. Business paparazzi? Insider? Private Investigator? For whom? Para kay Arianne or para sa kanya na ipinadala ng Dad niya? Napapaisip si Nicholai pero hindi niya sinabi kay Arianne dahil ayaw niyang mag-alala ito. Palihim niyang binabantayan ang lalaki na may edad na sa tingin niya. Naka-black leather jacket ito, white na inner shirt, maong na pants at naka-shades. Ilang matyag pa ni Nicholai at nasagot ng bahagya ang mga katanungan niya. Right after habulin ni Arianne si Bianca ay tumakbo rin ang lalaki sunod sa direksyon ng kaibigan. Answering her question that it was not her but it was Arianne that he's after.

Imbes na pumunta sa ramen house ay sinundan ni Nicholai si Arianne. Tumakbo siya ng mabilis, isa sa mga bagay na pinakainaayawan niyang gawin.

"Arianne, be careful," bilin ni Nicholai sa kaibigan bago ito bumaba ng taxi. Arianne did declined her first attempt to insist but she insisted again which is not normal. Nagtaka si Arianne kaya sinabi na ni Nicholai ang dahilan.

Pagkatapos ikwento ni Nicholai ang napansin niya ay malalim na napaisip si Arianne. Maraming pwedeng sagot sa kung sino iyon. Ngayong magbabalik na sila sa Central Estates ay kalat na na siya ang heir ng dating pinakamayaman na clan sa General City kaya yung probability na isa itong business paparazzi ay malaki. Marami ring gustong malaman ang naging buhay niya kaya maaari ring insider ito o private investigator. Regardless kung sino ito ay hindi pa rin iyon maganda kaya nagpumilit si Nicholai na ihatid siya kahit na magkasaliwa sila ng daan na inuuwian.

"I will," tugon ni Arianne. Palabas na siya pero biglang hinawakan ni Nicholai ang braso niya kaya napatigil siya.

"Stalker? Do you have any idea?" puno ng pag-aalalang tanong ng kaibigan. Napatigil si Arianne at napatahimik. Bigla ay nag-struck sa alaala niya yung weirdo na lalaki na kumausap sa kaniya noong nag-cutting sila ni Aldred.

"I don't have a stalker," nakangiti niyang tugon. Sinabi niya iyon kahit na biglang kumabog sa kaba ang kanyang dibdib. Ayaw niyang mag-alala pa ng tuluyan si Nicholai at sa isip-isip niya ay imposible naman iyon kaya agad niyang iniwaksi ang ideya sa utak niya.

Palubog na ang araw ng pumasok si Arianne sa gate ng mga Cuzon. Wala ang sasakyan ni Alex kaya naisip niyang wala pa ang ama sa bahay. Nasa tapat siya ng pinto ng bahay ng magpakawala siya ng malalim na hininga. Nag-aalala siya sa sinabi ni Nicholai pero mas nag-aalala siya sa ikinilos ni Bianca. Pabukas na siya ng pinto ng biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone at ito na nga ang tao na nasa isipan niya.

Bianca: I'm sorry Arianne. I'm dumb. So dumb for running away from you. I really wanted to talk to you but my guts suddenly shrinked when I saw you. I'm really sorry. I'm sorry for everything I said and done. There is nothing wrong with you. It's me. From the very start it's me. Bukas na yung debut ni Pristy. Natapos ko na yung gown. Ipapa-deliver ko early in the morning. I hope na suotin mo pa rin iyon despite ng mga ginawa ko.

Tears slowly run down through Arianne's eyes while reading Bea's message. Despite that reaction, she noticed that she is also smiling. Habang binabasa niya ang mensahe ay naririnig ng utak ni Arianne ang pagbigkas ni Bianca.

"Bianca you are unfair. Your gown is too attention grabbing and I already protested to you a lot of times that I don't want to wear something like that pero paano ko ngayon 'yon hindi susuotin? If you're hoping that I will then I can't break that right?"

Arianne: Idiot :P

Yung pagod ni Arianne ay biglang naglaho. Unti-unting gumuhit pa ang ngiti sa kanyang labi.

"I underestimated the power of modern technology. Yes it is indeed great to talk and settle things in person but it wouldn't hurt to communicate via technology especially that you know who you are talking to personally. Pristine, Bianca and I are not just friends. We are sisters. We may have our own personal space but we still know each other's personalities. Hindi man kami magkita harap-harapan ay alam namin kung gaano kami ka-sincere sa isa't-isa," Arianne said to herself.

Bianca: Thank you ;'D

Masayang binuksan ni Arianne ang pinto at ang una niyang nasilayan ay si Aldred na nakaluhod sa sala.

ALDRED'S POV

Siesta ng simulan kong basahin ang magazine na nirekomenda sa akin ni na Kuya Gabo at Kuya Emil. Tunay ngang pang 18+ ito dahil sa mga lamang larawan. Parang bawat pahina kasi ay may mga sexy na babae na bubungad sa mambabasa.

Wala akong pinapalampas na basahin at tama nga sila kuya na may matututunan ako though mostly yung iba ay di ko maintindihan (siguro kasi ay wala pa ako sa tamang edad).

Ilan sa mga natutunan ko ay:

1. Tamang grooming (mga bagong pabango, sabon at lotion na pampa-manly), 2. New fashion (that will make me more manly in Arianne's eyes) 3. Finance and investment (para sa future namin ni Arianne) 4. Music (slow rnb's daw for mood. Hindi ko maintindihan kung para saang mood dahil inantok lang ako ng pakinggan ko yung mga ni-recommend. Anyway, I will ask Arianne later if she enjoys this kind of music dahil sabi sa mag ay preferred din daw ito ng mga ladies. ) 5.Relationship (which is the article who help me a lot. Nakakuha kasi ako ng mga tips kung paano manligaw, mapatagal yung relasyon at mapasaya yung partner. Though may hindi ako masyadong maintindihan sa part ng pagpapasaya ng partner.)

Actually ay anim ang bagong kaalaman na natutunan ko kaya lang ay pilit ko ngayon iyon na ibinabaon sa limot.

"How about a peak?" Pasaway na tinanong ko sa aking sarili pagkasara ko ng magazine. "Sa school ay ini-encourage yung advance reading kaya okay lang siguro di ba? Baka nga mas matuwa pa si Mama kapag ni-discuss niya iyon sa akin at marami na akong alam," me justifying myself.

"Lamang ang may alam!" Naalala kong sabi ni Kuya Gabo.

Dati ay na-curious ako sa sex kaya nitanong ko si Mama. Pansin ko ang pagkagulat niya noon sa akin pero bigla ay nangiti siya. Nisabi niya na kapag nakatungtong na ako ng 18 ay saka niya iyon ipapaliwanag sa akin. Naguluhan ako. Hindi ko maintindihan kasi kung bakit may specific time pa para matutunan ang isang bagay.

Sinunod ko noon si Mama sa sinabi niya pero ngayon ay sinunod ko ang kapusukan ng aking sarili at agad ko iyong pinagsisisihan habang nakaluhod ako ngayon dito sa sala.

Minsan ay may mga bagay na nakalaan para matutunan sa tamang panahon at may mga kaalaman sa mundo na isinisilid sa isang box para sadyang itago at hindi ipaalam. Regardless kung ano sa dalawa ang dahilan ay para sa ikabubuti ang layunin ng hindi agad pagbigay ng kaalaman. Matigas ang ulo ko sa hindi pagsunod sa sinabi ni Mama. Inaral ko ang hindi muna dapat kaya parang nakabukas ako ng Pandora's box. Naglalaman ng isang lethal na kaalaman na hindi pa panahon para matuklasan ko. Kung maibabalik nga lang ang oras ay iuuntog ko ang aking ulo sa kung anong matigas na bagay para maibalik ang aking kamuwangan.

What I have in my mind after learning those things are pure embarassment. Hindi ko naintindihan ang lahat pero yung thought ay nag-process sa utak ko. I imagined dangerous things to the point that I needed to sleep to get rid that out of mind. But it didn't.

"Aldred, look."

My vision searched for that sweet voice.

"Hey," she said when I couldn't find her. Nakapagtataka dahil malapit lang yung tinig pero hindi ko siya makita.

"Aldred?"

Yung boses... it sounded worried, needy and sexy! Bigla akong nakaramdam ng hininga sa aking tenga. Nilingon ko kung saan nanggaling only to find Arianne's lips na nakatutok na rin sa labi ko. She didn't flinch kahit na halos magtama na ang labi namin. Tinignan ko yung mga mata niya at bigla akong kinilabutan. Her reaction says that she wanted me to kiss her! I stop, this is not right! Nag-promise na ako sa aking sarili na igagapang ko yung relationship namin in a right way! Ibig sabihin no kiss hangga't hindi pa kami!

Umatras ako pero agad din akong napatigil. Something soft is or I mean are bumping my back. Pamilyar yung pakiramdam. Yung panahon na nasa cotton candy ako ng may pumalo sa ulo ko. Yung panahon na nagkasakit ako at kumandong sa akin si Arianne.

Wait, is this boobs?

Bigla ay nag-quack sa alaala ko yung mga bibe sa pajama ni Arianne.

Indeed it's boobs!

"No Arianne! Not your boobs! Don't seduce me!" sigaw ko kasabay ang pagmulat ng aking mga mata kaya nakita ko ang horrified na mukha ni Mama hawak-hawak ang isang pamilyar na adult magazine.

"Iyon din yung binabasa ko a...Nagbabasa rin ng ganon si Mama?" tanong ko sa aking sarili bago sa isang saglit ay humambalos sa mukha ko yung boobs ng model na babae sa cover.

🔶🔶🔶

"Tita, ano pong nangyari?" tanong ni Arianne pagkapasok niya ng bahay at pagkakita niya sa akin.

Nagmamakaawa kong nilingon si Mama na ngayon lang naagaw ang atensyon mula sa panunuod ng tv and thank God she didn't elaborate the truth to Arianne.

"Meron kasing ginalaw si Aldred na sinabi kong huwag na huwag niyang gagalawin," simpleng sagot ni Mama.

Nakita kong nag "Ah" si Arianne pero may tanong pa rin sa kanyang mga mata. Tinignan niya ako at nang magkatitigan kami ay biglang uminit ang pakiramdam ko. Iniwas ko kagad ang aking mga mata pero ewan ko ba't sa lahat ng malalapagan nito ay sa dibdb niya pa.

Arianne is wearing her not usual black hoody. Ngayon ay naka pink polo shirt siya na naka tuck-in sa isang black skinny jeans.

"Cute," I blurted and noticed Mama flinch.

Mabuti na lang at niagaw ni Mama ang atensyon ko dahil nagsisimula na naman gumana ang utak ko in a very wrong way. Despite being shy, Arianne maintained her good posture and what I mean by good posture is that her perfect size (not too big, not too small asset) stood out. Maraming halos hubad na na babae doon sa mag pero they are nothing compared to my Arianne who is just standing there and wearing modest clothes.

"So beautiful," I muttered at biglang dumaplis sa tenga ko yung remote ng tv. Nilingon ko si Mama at ang dilim ng mukha niya. Bigla ay nangatog ako sa takot. Tinignan ko si Arianne at parang nagulat din siya. She then excused herself pero habang paakyat siya ay napansin ko ang lakad niya.

"Arianne are you okay?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at tumugon, "Nadapa lang ako kanina,". Napatayo tuloy ako kahit na wala pang pahintulot ni Mama. Nilapitan ko si Arianne.

"You looked hurt. Lagyan mo ng betadine kagad kung may gasgas para hindi maimpeksyon."

Pansin ko ang pagpula ng mga pisngi ni Arianne bago gumalaw ang mga mata niya patungo sa direksyon ni Mama. Nilingon ko si Mama, she still has this annoyed look but she didn't demand me to comeback.

"Okay, ako na bahala. Thank you. Ikaw... you look hurt too. Ano bang ginawa mo kaya ka naparuhasan? Huwag mong pa-problemahin si Tita, okay?" Arianne's voice sounded worried and sweet. Nag-init uli ang pakiramdam ko pero hindi katulad ng kanina. What I'm feeling right now is the warmth of feeling loved and it is so good. A lot better feeling than those wild thoughts I imagined.

"Nakahanap ka ba ng reconciliation gift?"

Arianne smiled, "Yep and more than that pa,"

"I see. You sound so happy a?"

"So so happy."

"Okay, I'm glad. Sige na magpahinga ka na. Tell me what happened later if it's fine?"

"I will. Kaya lang maaga ako magki-kwento. We need to get ready for Pristine's debut e,"

"Wow, so okay na kayo?" That's good to hear. Sige-sige."

Umakyat si Arianne. Nakangiti ako habang nakasunod sa kanya ng tingin. Nang pumasok na siya sa kanyang silid ay saka ko ibinalik kay Mama ang aking atensyon.

"Mama," I pouted.

"Huwag mo ako daanin sa paawa effect mo. Huwag ka magkakamali Aldred. Ako mismo hahambalos sa'yo kapag may ginawa ka."

"O-Opo," tugon ko bago nagmamadaling umakyat.

🔶🔶🔶

Erururu Creator