ARIANNE'S POV

"Sato?" Agad na reaksyon ko nang makita siyang nakatayo sa hallway. Nagulat ako na narito siya sa SOMA ngunit mas ikinagulat ko nang masilayan ko rin si Jerome.

"Hi," Jerome greeted.

Nag-usap kaming tatlo. Nagtataka ako kung bakit nandito sila hanggang sa i-explain ni Jerome sa akin ang dahilan. Agad akong nakadama ng pasasalamat. Hindi ko kasi in-expect na mag-aaksaya sila ng panahon para sadyaing puntahan ang audition at suportahan ako.

"Ikaw pa, alam mo namang malakas ka sa'kin," saad ni Sato. Abot tenga ang ngiti niya pero pansin ko ang paglibot ng paningin niya. Tumigil ito sa isang direksyon na susundan ko sana ngunit naagaw ng isang pagbati ang atensyon ko.

"Magandang hapon po Miss Arianne," bungad sa akin ng isang babae na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.  Napatitig ako sa kanya. Nakasuot siya ng asul na uniporme at may dalang malaking ngiti sa kanyang labi bukod sa malaking bag na hawak niya. Tumango ako, nagtaka kung sino siya at babati rin sana hanggang sa naputol ng paparating na si Amanda ang sasabihin ko.

"Hi Arianne," umangkla bigla si Amanda sa akin na agad kong ikinailang.

"Don't worry, Rita knows the drill," Amanda whispered in my ear. Napatingin ako sa babae, si Rita ayon kay Amanda. Mas lumaki ang ngiti niya sabay tango sa akin.

Napanganga ako bago napatango. I blew a breath in relief, "G-Good," I muttered.

Amanda stared at me for a moment before giggling, "Am I stressing you out?" A question I doubted came out of concern. Her smile is so wide, it makes me think she's just teasing me.

"Yeah," tugon ko at bigla siyang bumitaw. Naglungkot ang mukha niya at humingi kagad ng paumanhin.

"I'm sorry Arianne, promise naghihintay lang talaga ako ng tamang timing para kausapin si Dad," paliwanag ni Amanda. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kaya umiling ako.

"No, hindi iyon yung tinutukoy ko. What I mean is itong audition. Wala akong idea na professional ka na pala kaya mas lalo akong namroblema,"

Nag-korteng O ang bibig ni Amanda bago siya ngumiti at umangkla muli sa akin. Napatingin tuloy ako kina Jerome at Sato. Nakangiti lamang sila.

"Yep, I already did modeling gigs sa states but it doesn't matter. Yung karisma at attitude natin sa harap ng camera mamaya yung magde-decide kung sino yung mapipili. I have experience pero you are natural Arianne kaya hindi ako nagpaka...pakampante? Is my wording right?"

"Are you cheering me up?" nahihiya kong tanong.

"Of course," masiglang tugon ni Amanda bago muling itutok ang bibig niya sa tenga ko, " You are my future wife afterall," dagdag niya na nagpainit sa mukha ko. Nakarinig ako ng pagbagsak kaya napalingon ako kay Rita - yung helper ni Amanda. She is squealing silently like she's watching a telenovela but suppressing her kilig.

"Miss Amanda kung nandito lang si Manang at makilala niya si Miss Arianne siguradong matutuwa iyon." Amanda winked at Rita then chuckled. Sunod ay nabulabog na kami ng lumapit si Noreen kasunod si Bianca at Pristine.

"Yahoo, Amanda! Nice to see you."

"Oh," reaksyon ni Amanda, still nakaangkla sa akin. Pristine gave her action a look before she stared at me, "Hi Noreen, and Bianca and, Pristine," Amanda smiled. A smile so familiar to me like she's a mirror to a certain someone I know.

"Hi, Amanda, nice to see you. We met each other last time, but we didn't have a chance to talk that's why I'm glad we meet again," Pristine greeted smilingly. She is reflecting the aura Amanda has and that's what I exactly meant earlier.

Pansin ko ang pagluwag ng kapit sa akin ni Amanda. Tinignan ko siya at para bang napatulala siya bago nakapag-react.

"Yeah..." sambit niya bago muling humigpit ang kapit sa akin. Sunod ay binati naman siya ni Bianca.

🔶️🔶️🔶️

Madilim na nang magpalipas kami sa labas ng isang silid dito sa SOMA. Kanina ay nagkaroon ng briefing at ngayon ay naghihintay na kaming mag-start ang audition. Though wala namang pinangako si Natalie na sasamahan niya ako ay nagbakasakali ako na darating siya. Gayundin kay Aldred hanggang sa nagpag-alaman ko na ipinatawag pala sila sa SOEnt.

"Nat where are you? Nandito ako ngayon sa SOMA kasama si Arianne," Noreen called. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero biglang nag-worry ang mukha niya.

"So hindi kayo makakarating on time? Sayang naman, anyways nandito naman kami nina Miss Pristine and Bianca. Ako na bahala sa kanya hihihi," pahayag ni Noreen na nagpasingkit sa aking tingin. Habang nakikipag-usap pa siya ay naagaw ng pag-vibrate ng aking cellphone ang atensyon ko. Nag-text si Aldred at kagaya nga ng narinig ko sa usapan ni Natalie at Noreen ay hindi na sila makakaabot pa.

ALDRED: I'm sorry Arianne.

I imagined his pouty and sad face after reading his texts. Yes, nakakalungkot na hindi siya makakarating on time pero ramdam ko rin yung disappointment niya kaya wala akong karapatang magtampo. Hindi naman sa magtatampo talaga ako pero gusto ko lang na nandito sana siya sa isang milestone ng buhay ko.

ARIANNE: Okay lang, the good thing is that you are all alright.

ALDRED: Alright? Yes, physically pero emotionally hindi, :( I want to be by your side e.

Pagkabasa ko ng mensahe niyang iyon ay napa-face palm na lamang ako. Ramdam ko ang agarang pag-init ng aking pisngi at yung biglaang kakaiba ng pagtibok ng aking puso. Unti-unti ay gumuguhit sa natatabunan kong labi ang ngiti. Yung tension habang naghihintay ay napalitan ng kilig at yung pag-alala para sa mga susunod na mangyayari ay biglang naglaho.

ARIANNE: Wag ka na ma-sad, you are always in my heart so that means you are always by my side pa rin.

Masaya akong tumugon sa kanya bago may marinig akong pag-ubo-ubo sa aking tabi at makaramdam ako ng pagsiko sa aking braso. Nilingon ko si Bianca and she has this wide grin all over her face while giggling.

"Tawag na kayo uy,"

Tumingala ako at nakatayo na si Amanda. Nakatingin siya sa isang pinto kung saan nakasilip ang tumatawag sa aming babae. Iniwan ko sa aking mga kaibigan ang aking mga gamit. They bid me all the best bago ako sumunod kay Amanda na pumasok sa audition room.

NO ONE'S POV

Katulad ng sinabi ni Noreen ay ganoon nga ang pinaliwanag kina Arianne at Amanda ng staff ng SOMA. Sunod ay dinala sila sa silid na napupuno ng mga damit, in-assist sa pagsusuot bago dalhin sa studio. Pagdating sa studio ay isang pamilyar na mukha ang nakita ni Arianne, iyong babae na kasama ni Roel nang puntahan nila ito noong nakaraan sa cafe. Nginitian ng babae si Arianne bago nito kausapin ang ilang staff.

"It looks like she knows you," Amanda pointed out.

"A, really? Well, we already saw each other before but I-I don't know her... though maybe she knows me? I-I don't know."

Amanda giggled, "You're so adorable Arianne. I'm not really into you but maybe if our pretense gets longer baka hindi na kita pakawalan."

Nagulat si Arianne sa narinig. Napatitig tuloy siya kay Amanda at ang namumula niyang pisngi ang agad nasilayan nito, "Don't say something like that," nahihiya niyang sabi. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Amanda ng makita ang reaksyon niya.

Pinamili ang dalawa kung sino ang mauuna sa kanila. Agad namang nagprisinta si Amanda. Pinapunta siya sa gitna ng maliliwanag na ilaw at pagkatungtong niya sa spotlight ay agad nag-iba ang aura niya. Amanda always has this grace and confidence around her but when the camera began to point at her, Amanda's natural sophistication also started to overflow and drown everyone inside the studio. Ilang clicks at flash ng mamahaling camera ang tumunog at sa tuwing maririnig iyon ni Arianne ay mas tumitindi ang kanyang focus.

"So this is..."

Arianne looked at the dresser and at the stack of clothes at the side, then she looked at Amanda. She imagined how that pink blazer will look at her, how that baggy pants will show her curves and a lot of hows if Amanda will try all the clothes in the room. Arianne imagined a lot of stuff before she stared again at Amanda and realized that her photoshoot ended.

"Arianne what do you think?" agad na tanong ni Amanda pagkalapit niya kay Arianne.

Napatanga saglit si Arianne bago nakapagsalita, "You're overwhelming... the way you pose and react...saka kung paano mo dalhin yung mga damit. Gusto ko yung pagsuot mo ng red pants then nag red boots ka, wearing that same color made your legs more longer. Maganda yung blazer na sinuot mo pero mas maigi kung yung blazer na may waist definition yung gamit mo then dapat nag-add ka rin ng malaking bracelet kasi mahaba yung arms mo."

Hindi lang si Amanda kundi lahat ng nasa loob ng silid ang napatitig kay Arianne ng sunod-sunod siyang magsalita.

Amanda chuckled before talking, " You sound like a fashion police."

Napatigil si Arianne at agad namula ang pisngi. Nakagalaw lamang siya ng tawagin na siya ng babaeng nag-aayos ng susuotin nila. One of Arianne's choices is a monochromatic outfit, then an outfit with flared pants and also an outfit consisting of a turtleneck top which is one of her comfort zones. The woman who knew Arianne is amazed at how she style and choose her outfit. She sees Arianne as someone who has high fashion sense but she also sees how her face stiffens in every pose. She is capable but after all she is still a newbie.

"First of all, I want to introduce myself, I'm Arlene Hidalgo. I'm the one in charge of the project you're auditioning for. You two both gave a very nice job, sadly we only need one auditionee to join our team" saad ni Arlene saka bumuntong hininga, "Miss Arianne, actually I really love your shoots. It's your first time right? Despite that you managed to produce already something like this. The only problem is that this photos are beautiful but it does not manifest confidence. Your face stiffens every time you change pose. Alam kong mahiyain ka pero bilang isang model, kaya tayo nagsusuot ng mga damit at nagpo-pose ay para ilabas ang confidence ng magsusuot nito. Dapat matutunan mo iyon."

"O-Opo," saad ni Arianne habang nakatitig ng maigi kay Arlene. From what she heard ay alam na niya kung sino ang natanggap. Of course she felt sad at unti-unti iyong nakikita sa mga mata niya.

"And for you Miss Amanda, congrats. Nang ipakita sa akin ni Roel yung picture mo nagulat ako. I know you are already a professional pero nakita ko na hindi ka nagpakakampante."

"Thanks Miss, yea I can't let myself be complacent because it's Arianne whom I pitting against. She's really notable despite being a newbie, right?" Amanda said smilingly before looking at Arianne.

"You two look like very good friends... Yes, Miss Arianne is really notable but she surprised me more in other ways that I should not really be surprised of haha. It looks like Mari's future will remain brighter."

🔶️🔶️🔶️

Kasalukuyang nag-aayos na ng kanilang sarili si Amanda at Arianne. Habang nagmi-make up ay pasimpleng sinisipat ni Amanda ang kasama at chini-check kung ayos lang ito. Ayon kasi sa mga narinig at mismong obserbasyon niya ay may pagka-fragile ito.

"Arianne, anong meron sa Mari?" Amanda break the silence.

Nagbubutones ng kanyang uniform si Arianne bago siya mapalingon at mapatitig kay Amanda, "Ahh... well, our family kinda owns Mari," nahihiyang sabi ni Arianne.

Napahinto si Amanda sa paglalagay ng lipstick dahil sa narinig, "For real?! In what kind of way? Wait, your name is Arianne Mari right? Sa'yo kinuha yung company name?" Sunod-sunod na tanong ni Amanda ng lapitan niya si Arianne.

Arianne chuckled awkwardly, "Yes," napahawak siya sa kanyang batok, "My Mom established it and she's currently Mari's CEO."

Hindi nakapagsalita kagad si Amanda dahil sa pagkamangha. Tinitigan niya ng maigi si Arianne bago siya tumango ng ilang ulit na ipinagtaka naman nito. A while ago, Arianne showed a natural fashion sense. Nagulat nga siya sa mga sinabi nito pero katulad nga ng sinabi ni Miss Arlene ay hindi nga ito kagulat-gulat ngayong nalaman na niya na anak pala ito ng isa sa malalaking pangalan ng fashion industry.

"I see, kaya pala. Well, I'm glad I won this audition. Mukhang dapat ko 'tong ika-proud for future purposes. Arianne, I hope to work with you in the future."

Nagtaka si Arianne sa mga binanggit ni Amanda pero yung thought na gusto siya nitong makatrabaho sa future ay agad nakapagpasaya sa kanya.

"Me too, congrats Amanda," Iniabot ni Arianne ang kanyang kamay. Amanda grabbed her hand and shake it before both of them happily leave the room to meet everyone who are waiting for them.

Kahit na hindi si Arianne ang napili ay masaya ang puso niya. Totoong kinabahan at may takot siya noong mga nakalipas na oras pero habang ongoing na ang shoot ay unti-unting nawala lahat ng ito. Nalaman niya ang kanyang kahinaan at natuto siya ng mga bagong bagay. Arianne who is always wearing black loose clothing thinks that she likes that clothes to hide herself but in reality that clothes is the reason why she can face others.

"So this is what confidence can do..."

Gabi na, maliwanag ang mga ilaw. Natalo si Arianne ngunit hindi ibig sabihin ay isa itong madilim na pangyayari para sa kanya. Yung spotlight, makukulay na tela, kolorete, at accessories -- matagal ng nakapaligid sa kanya ngunit ngayon niya lang nabigyang pansin. Medyo, saglit, kakarampot na experience kung maituturing ngunit marami siyang natutunan.

"Pristine, Bianca, Noreen... I'm sorry, I lost."

Her friends smiled at her. A warm smile followed by a warm hug. Arianne felt their care and that softened her heart triggering her to cry. Of course, she's not crying because she's sad. She's crying because despite her lost her friends are still there for her.

"Confidence and a believing heart..."

ALDRED'S POV

Natalo si Arianne, iyon ang agad bumungad sa akin pagkadating ko at pagkakita ko sa kanya. Umiyak siya ng akapin ko siya pero hindi ako naawa. Naramdaman ko kasi ang init ng pumatak ang mga luha niya sa balat ko.

Ngayon ay patungo kami sa isang establisyimento dito sa Central sakay ng service van nina Pristine at sasakyan ni Sir Roel. Pinagmamasdan ko si Arianne and she has this beautiful smile all over. Parang walang nangyari? Mali, meron nangyari at isa iyong napakalaking bagay. Natalo si Arianne pero nandito kami para mag-celebrate. I-celebrate ang pagkapili kay Amanda, i-celebrate ang dumaang birthday ni Natalie at Pristine, at higit sa lahat ay i-celebrate ang pag-grow ng babaeng pinakamamahal ko.

"H-Huh? Bakit naman?"

Namula si Arianne ng banggitin namin na isa siya sa dahilan ng selebrasyon. Umikot ang tingin niya sa'ming lahat at lahat naman kami ay tumango. Alam kong hindi lamang ako ang  nakapansin. Sa tingin ko, kaya nagagawa ngayong ngumiti ni Arianne despite ng pagkatalo niya ay dahil nagsisimula na siyang matuto na magtiwala sa kanyang sarili pati na rin sa mga nakapaligid sa kanya.

"Thank you so much," nahihiyang saad ni Arianne bago siya ngumiti ng pagkaliwa-liwanag. Isang ngiti na kung maaari nga lamang ay mai-print ko ngunit dahil walang paraan ay isi-save ko ng maigi sa aking isipan.

Mula sa parking lot, pagkababa namin ng mga sasakyan ay naglakad na kami sa maliwanag at makulay na bahagi ng Central District. Madaming tao sa paligid at kahit alas otso imedya na ay marami pa ring kabataan na katulad namin sa daan. Nauunang maglakad yung mga babae habang narito naman kami ni Kuya Sato at Jerome nakasunod sa kanila. Saglit lang ay tumigil sina Pristine at Miss Irene.

"Ito na ba 'yon, Irene?" Tanong ni Pristine ng tumigil kami sa tapat ng isang Karaoke Club.

"Yes Miss, nakapag-reserved na rin ako ng kwarto," saad ni Irene bago siya lumingon sa akin, "Actually hindi allowed dito yung mga 15 years old and below pero nagawan ko na ng paraan."

Sumikip pero agad ding lumuwag ang paghinga ko ng mapakinggan ko ang sinabi ni Miss Irene. Kumikinang ang mga mata kong tinitigan siya para maiparating ko ang pasasalamat na naaalala niya ako.

Ako, si Arianne, si Nat, Pristine, si Ate Bianca, Amanda, Noreen, Jerome at Kuya Sato... habang pumapasok sila ay naiwan ako sa huli't iniisa-isa silang pagmasdan. Hindi ko akalaing ganito na sila karami, iyong mga masasabi kong kaibigan. Siguro hindi kami ganon ka-close pero ang ibig kong sabihin ay hindi katulad dati na kina Jerome at Carlo lang umiikot ang mundo ko, ngayon ay lumawak pa ito. Pinagmasdan ko si Arianne, ang anghel na pinadala sa akin para matutunan kong maintindihan ang mga bagay-bagay. Humahagikgik siya kasama ang mga kaibigan niya, ang ingay nila pero hindi masakit sa tenga. Tumama iyong makulay na ilaw sa mukha niya, nasilaw siya at napatakip ng mata. Kinuha ko ang baso ko ng juice. Uminom ako at habang lumalagok ay umiikot ang aking tingin sa paligid. Pinagmamasdan ko ang paligid, tinatandaan ko ang mga detalye pati na rin ang pakiramdam dahil first time kong maranasan ang mga ito.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng malalim ng biglang lumakas ang ingay ng karaoke dito sa silid. Napalingon ako sa may monitor at naroon si Pristine. Nilalakasan niya ang volume habang hawak-hawak ang isang mic. Tumayo si Natalie at nilapitan siya. Nagulat ako ng biglang sapukin ni Nat si Pristine sa ulo. Sunod ay naagaw ang atensyon ko ng may nag-doorbell. Napalipat sa pintuan ang aking tingin. Binuksan ni Ate Bianca ang pinto at samu't-saring pagkain ang pumasok. Namangha ako sa dami kaya't doon  na-magnet ang aking paningin hanggang sa magulat ako kung sino na ang nasa tabi ko.

"Aldred,"

"A-Arianne!" Gulat kong reaksyon at humagikgik siya.

"Tahimik ka?"

She is asking.

"First time kong maraming kasama na lumabas," tugon ko.

"Ako rin," ngumiti si Arianne, "Masaya ka ba?"

Hindi ako sumagot kagad at pinagmasdan lang siya. Yung kibot ng kilay niya, glow sa mata niya, yung mahinhing ngiti niya at pagkapula ng pisngi niya. Matapos kong ipalibot ang aking paningin sa kanya ay ngumiti ako at tumango.

"Masaya, masayang-masaya."

Humagikgik si Arianne saka isinandal ang likod sa sofa. Ginaya ko siya at pareho kaming nanahimik. Magkatabing umiinom ng juice habang pinagmamasdan ang paligid.

Nito lang, simula ng pagtagpuin muli ang landas namin ni Arianne ay naitanong ko at naghanap ako ng kasagutan sa kung paano masasabi na tunay ang pag-ibig. Siguro dahil sa bata pa nga ako kaya naghanap ako ng mga kasagutan. Marami akong depinisyong nabasa, mga personal experiences na napakinggan at nasaksihan. I dive deeply to the point that I went to complex parts when in fact all this time ay simple lamang talaga ang sagot at kailangan ko lang bumalik sa umpisa.

"Arianne, masaya ako kasi nandito ka," nakangiti kong sabi na nagpatulala I think sa kanya sa akin. Pansin ko ang biglang pamumula ng pisngi niya. Kinuha niya ang kanyang baso ng juice at sinimot ito. Bigla siyang tumayo, lumapit kay Pristine at Natalie at bigla na lamang tumugtog ang intro ng Lakas Tama ng Siakol.

"What-the-hell?" Napatulala ako ng mag-head bang si Pristine. Sunod ay kumanta na siya at kasabay ng pagwawala niya ay ang hindi naman mapigilang paghalakhak ni Ate Bianca at Noreen.

"To think that she has vocal lessons," napalingon ako sa parang lupaypay ng si Natalie. Pagod niyang itinapon ang sarili sa sofa.

"Hahahahah, this is what her vocal lessons are for Nat! Pakinggan mo o, ang taas! Go Miss Pristine! Ilakas mo pa!" tawa ng tawa na saad ni Noreen saka agad tumungo sa harap at sunod-sunod kumuha ng mga litrato. Sumunod si Ate Bianca sa kanya saka tinabihan nito ang dalawa niyang kaibigan. Nag-akbayan silang tatlo at sabay-sabay nag-head bang.

"Pero infairness kabisado niya," manghang sabi ni Kuya Sato habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig. Pansin ko ang pagpigil niya ng tawa.

"Yup, and that's really amazing," mangha ring sambit ni Jerome pero hindi katulad kay Kuya Sato ay seryoso siya at napapa-head bang na rin.

I heard Natalie groaned, "Well, that kind of songs is her genre," ang pakla ng mukha niya. Nakakunot ang kilay pero pansin ko ang pag-ngisi niya bago siya kumuha ng juice at uminom.

"You sound like she annoys you but the truth is you're enjoying what she's doing e?"

Tumabi ng upo si Amanda kay Natalie. Nasurpresa ako kung paano niya ito kausapin. Pinagmasdan ko si Natalie at nakita ko ang pagkairita niya at pag-irap niya kay Amanda. Tumawa lang si Amanda. Siraulo sa isip-isip ko hanggang sa may mapansin akong isang bagay. Actually hindi bagay kundi isang pamilyar na pakiramdam.

Patuloy na kinukulit ni Amanda si Natalie which is kinda suspicious for me dahil hindi ko alam na magkakilala sila, "Hey, at least congratulate me," ngumuso siya.

"Asa,"

"Asa?"

"Tss," Natalie stared at Amanda for a moment, "I will if you stop being annoying,"

"Really? Then magbe-behave na ako." Umayos ng upo si Amanda saka tumahimik pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya nakakairita (based on my POV) dahil parang nang-aasar ang mga tingin niya kay Natalie. I noticed how Natalie tried hard to ignore her but she failed.

"Ano bang problema mo? Okay, congrats so stop staring at me!"

Bigla ay nag-clap si Amanda. Ngumiti siya kasabay ang pagngiti ng mga mata niya, "Thank you, that made me really happy," And that's it, the familiar feeling I'm talking about. The happiness I always felt every time I'm with Arianne. The glow in Amanda's eyes, her radiance and aura shows how much she's happy.

Could it be?

I was about to analyze what Amanda revealed to me last time and compare it to what is happening right now but before I reach my conclusion, a voice suddenly void all what I have in mind and fill every corner of my system. Lahat kami ay napatingin sa gitna, sa tapat ng monitor. Arianne is scratching her nape while her other hand is holding the mic. Her face looks unsure but her voice undoubtedly occupied my whole being.

"My gee, she's a package," narinig kong sambit ni Amanda na agad kong tinugunan ng pagtango.

This is the first time I heard her sing. Her voice is sweet and matured at the same time. Parang isang rosas na kaka-bloom lang. I'm a big fan of Stray Catz  at isa sa dahilan ay dahil sa boses ng main vocalist nila pero I can say that Arianne can rival her. The softness is there but when she needed to sound powerful Arianne manages it easily while maintaining her voice relax. Ang sarap pakinggan yung tipong kaya kong ma-imagine ang future na magmamadali akong umuwi galing sa work para mapakinggan ko kagad ang tinig niya pagkauwi.

"Yes she is," napakinggan kong sabi ni Natalie. Napalingon ako sa kanya at naabutan ko siyang nakapikit at nakangiti. Para bang dinadama niya ang sandali.

Pagkatapos kumanta ni Arianne ay umikot na  ang mikropono sa lahat (pero mostly kay Pristine). Dahil sa paglabas naming ito ay nalaman kong mahilig si Pristine sa Alternative rock, kumakanta si Ate Bianca ng japanese song sa karaoke, tumutula si Jerome (though alam ko na dati pa), naghahanap si Sato ng evangelical songs, pang-opera ang boses ni Amanda at sintunado si Natalie!

"N-Nat," sambit ni Noreen habang nagpipigil ng tawa.

"What? Tss, sabi na kasing ayoko,"

Humalakhak bigla si Pristine, "Curse! Iyan yung kahit ilang vocal lessons pa yung pasukan ay hindi na mapi-fixed hahaha!" saad niya bago lumipad and isang chicken pop sa mukha niya.

"Gusto mo i-fixed ko yang pagmumukha mo sa sahig?" Masungit na reaksyon ni Natalie na binalikan ni Pristine ng pagdila.

"Hindi naman ganoon kasagwa Nat, maganda pa rin yung boses mo kahit wala ka sa tono," nakangiting saad ni Arianne at biglang humalakhak si Ate Bianca at Noreen. Pansin ko ang pagpigil ni Jerome at Kuya Sato ng tawa nila habang nananatiling nakatahimik si Amanda na tila ba na-trauma sa napakinggang kanta.

"Hindi naman 'ganoon' kasagwa, I see..." Natalie eyed Arianne then smirked, "Ibig sabihin masagwa nga,"

Tumawa ng malakas si Pristine, iyong tipong nangaasar.

"Uh-uh that is not what I mean..." pansin ko ang biglaang pag-aalala ni Arianne kaya tumayo ako.

"Oks, oks, ako naman pakinggan niyo akong maigi a,"sabi ko para maiba ang usapan. Tumungo ako sa gitna, sa harap ng monitor saka nagpasok ng mga numero. Mahilig ako sa music at kumakanta naman pero ngayon lang ako kakanta sa karaoke at sa harap ng maraming tao. Wala naman dapat akong balak kumanta ngayong gabi sa totoo lang pero kailangan ko kasing i-divert ang usapan para kay Arianne.

Would you dance, if I asked you to dance?

Would you run, and never look back?

Siguro dahil sa galak ko ngayong araw kaya hindi ko napansing na-enjoy ko ang pagkanta sa harap ng aking mga kaibigan. Na-awkward-an na lamang ako ng pagkatapos ko ay nakatahimik silang lahat at nakatingin lamang sa akin. Nahihiya kong nilingon si Arianne hanggang sa ngumiti siya. Nakarinig ako ng palakpak galing kay Ate Bianca at lumakas pa ito ng sumunod na ring pumalakpak silang lahat.

"Panalo!" Sigaw ni Kuya Sato kaya medyo nakaramdam ako ng hiya at kamo't batok na napabalik sa aking pwesto.

"Akalain mo may boses pala si Baby Boy," manghang sabi ni Ate Bianca na medyo ikinahiya ko.

"Ah right, this is not the first time that I heard your singing voice," napalingon ako kay Arianne, "Noong Joint Foundation Event, sa SNGS... While we we're watching, I was mesmerized," nakangiting sabi niya sa akin at ewan pero hindi iyon normal na ngiti lang. Iba ang dating, iyong tipong proud siya sa akin kaya halos tumalon palabas ng aking dibdib ang puso ko.

Nagpatuloy pa sila sa kantahan pero hindi na ako sumali dahil kailangan ko ng mabigyan ng panahon ang mga pagkaing nakalatag sa aking harapan. Habang diretso ako sa pagnguya ay nasa tabi ko lamang si Arianne at nangingiti. Inalok ko siyang kumain ngunit umiling lamang siya at itinaas ang baso ng orange juice niya.

"Arianne, nialok ako ng SOEnt ng contract kanina, actually hindi lang ako pati si Nat din," kwento ko kay Arianne sabay lingon kay Natalie.

"Contract about what?" Namilog ang magaganda niyang mata.

"About becoming their exclusive artist. Hindi naman sa maga-artista na ako, yung main point ng contract is para hindi kami maagaw ng ibang agency. Ang epic nga kasi hindi ko alam kung bakit nipipilit, pero hindi naman verbally ako nipilit a pero kasi the contract has a huge amount involved so that means they already looking forward that I will join them in the future. What I mean is I know I'm handsome  but that is not the only basis of what an artist is like di ba?"

Seryoso akong nagkwento kay Arianne pero hagikgik ang una niyang isinagot sa akin. Napanguso tuloy ako sabay kagat na lang sa aking chicken.

"Did you sign the contract?" tanong niya na hesitant kong nisagot pero dahil nagkwento ako sa kanya dahil sa tingin ko ay kailangan niyang malaman ang nangyayari sa akin ay syempre kailangan ko ring maging totoo sa kanya.

"Of course," tugon ko, "Ang laki kaya ng makukuha kong pera," pabulong kong dagdag na nitawanan niya.

"Companies doesn't risk money especially if you said a huge amount without thinking where it will go. They won't risk it to someone who does not have potential. If they are willing to spend a huge amount just for you to stay then that means they see a lot of potential in you," Arianne explained. Hindi ako nakapagsalita ka agad at napaisip lang.

"Hindi ka pa rin ba makapaniwala? Hmmm, isipin mo na lang gan'to, I am willing to spend all my life with you because I believe in your potential as my future husband?"

Saktong tumama sa aking mukha ang makulay na liwanag dito sa karaoke room pero nasilaw man ako ay alam kong hindi iyon ang dahilan para makita ko ng maigi ang liwanag. Arianne is getting good in making my heart race. Sure ako na nasa mataas na part na noon si Pristine ng kantang Bring Me To Life ng Evanescence nang magsalita si Arianne pero kasabay ng paglaglag ng chicken pop mula sa aking bibig ay nanahimik sa pandinig ko ang paligid at tanging yung huling pangungusap ni Arianne ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Humagikgik siya at bigla kong naintindihan ang sinabi niya.

"You really scare me Arianne..." Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib. Ramdam ko kasi ang pagkabog ng aking puso, " In a good way, a very good way."

Humalakhak siya. Isa sa mga pinakamagandang tawa na narinig ko.

"Like you said, you are handsome, you can act, and can sing plus matalino ka. Oh, do you dance? Baka hindi ko pa nakikita."

"Secret, baka kapag nakita mong sumayaw ako sabihin mo ang perfect ko na,"

Biglang humalakhak muli si Arianne, "Hindi rin, hindi ka kaya marunong mag-drawing,"

Nagkwentuhan pa kami ni Arianne ng mga bagay-bagay na para bang kami lang ang nasa karaoke room. Kung saan-saan kaming usapang napunta, sa lunch ko, sa lasa ng sapin-sapin sa school nila, nikwento niya rin yung ilang entry ng tula na nabasa niya para sa patimpalak sa Buwan ng Wika at nikwento ko naman na halos magkandaligaw-ligaw ako papunta sa SOEnt.

"Dapat kasi sinama mo ako," sabi niya na agad kong niilingan.

"Ayoko, baka kunin ka rin nilang artista tas i-love team ka tas maagaw ka sa akin,"

"Baliw," natatawang reaksyon niya hanggang sa mapatigil siya at sumunod ang tingin sa isang direksyon. Sinundan ko ang tingin ni Arianne at ang papalabas ng kwarto na si Natalie ang naabutan ko. Pagkabalik ko ng aking tingin sa kanya ay naglungkot na ang mukha niya.

Natapos ang oras sa loob ng Karaoke Room ng hindi bumalik si Natalie. Palabas na kami ng establisyimento pero wala pa rin siya at pansin ko ang paga-alala pa rin ni Arianne. Nitanong ko si Miss Irene at nisabi niya na tumungo si Natalie sa isang vending machine. Ako ang nagprisenta na sunduin siya dahil gusto ko siyang makausap. Gusto kong magkalinawan na kami para hindi na rin masaktan si Arianne para sa kaniya.

🔶️🔶️🔶️

"Nat," tawag ko, naabutan ko si Natalie na nasa tapat nga ng isang vending machine habang may kausap sa kaniyang cellphone. Sakto naman na ibinaba na niya ang tawag pagkadating ko.

"Uwian na ba?" Bungad niya sa akin.

Tumango ako. Natalie stared at me for a moment but it felt like an hour. Her eyes wants to convey something but I can feel her doubts.

"Nat,"

Wala masyadong tao sa kinapi-pwestuhan namin kaya rinig ang tunog ng iba't-ibang insekto. Umihip ang hangin at narinig ko ang boses nito dahil sa katahimikan naming dalawa.

"Yes?"

Humugot ako ng hininga.

"Gusto kong mag-sorry sa lahat. For hurting your feelings before and sa kung paano ako makitungo sa'yo. Dati akala ko okay lang lahat kasi sarili ko lang yung iniisip ko pero ng makilala ko si Arianne, natuto akong pahalagahan yung damdamin ng mga nasa paligid ko. Ikaw yung isa sa mga taong nagki-care sa akin pero  puro kasungitan lang yung isinukli ko sa iyo."

Ilang segundo kaming nanahimik at nagtitigan.

"Are you doing this for Arianne?" tanong niya na agad ko namang tinanguan.

"For Arianne and also for myself. I learned a lot of things because of her and I want to apply it. Gusto kong maging maayos ang pakikitungo ko sa lahat."

"I see..." Tumago-tango siya, "Okay, apology accepted," tugon niya kasabay ang isang ngiti.

"Thank you Nat though alam ko naman na  hindi iyon ganun-ganon lang."

"No, I'm serious don't be hard on yourself," saad niya na dapat ay ikagaan ng loob ko pero hindi. Napatitig ako sa kanya. Ilang segundo, saglit, bago ako muling magsalita.

"Belated happy birthday,"

Ngumisi si Natalie pero hindi sa aking sinabi natuon ang tugon niya.

"Arianne is amazing right?"

Nagulat ako sa naging tanong niya, "Yes, she is."

"You really love her right?"

Tumango ako at nagsabi ng totoo hoping that she'll stop  liking me after this.

"Me too,"

Mag-aalas dyis na ng gabi, kasabay ng papatay-patay na post lamp sa tabi ay hindi lang ang malamig na hangin kundi pati ang malamig na pakiramdam ang biglang dumapo sa aking balat at nagpatayo sa aking balahibo. Matagal ko ng kasama si Nat pero hindi ibig sabihin ay kilala ko na siya. Sa isang iglap nitong nakaraan ay yung babaeng makakapit sa akin na parang dikya ay halos hindi ako hawakan.

"Nang malaman ko na magkaibigan pala kayo ni Arianne nag-worry ako na baka mag-away kayo. Thank you kasi kahit na alam mo na, hindi pa rin nagbago yung pakikitungo mo sa kanya. Sana maging magkaibigan pa rin kayo kahit na sumalungat yung mga feelings natin sa isa't-isa."

Pansin ko ang pagngisi ni Natalie.

"Aldred, hindi mo gets yung sinabi ko no?"

"Huh?"

"I don't want to be friends with Arianne," nakangiti niyang saad na ikinalito ko.

"Pero kakasabi mo lang--"

"I love her,"

"Right, kakasabi mo lang so bakit-"

"No, no, no. Romantically I mean. I love her the same way as you do,"

Napatitig ako kay Natalie. Alam kong gulat ako pero hindi ko mahinuha. Siguro so shocked to the point that my mind, body and soul stopped to process? What the hell? Anak ng! How can -! In front of me is the girl who confessed to me a lot of times that she likes me. I declined her the same amount of times she professed her love to me and ngayon ay nakikipag-usap ako sa kanya to clear things out pero mas nagulo ata lahat in a way I never imagined.

VOLUME IV END

Erururu Creator