NO ONE'S POV

Nakapatay na ang aircon ngunit malamig pa rin ang atmosphere sa loob ng Student Council room ng SNGS. Nasa kanyang desk si Pristine habang nakaupo naman sa tapat niya sina Charlotte at Alona. Nanunuot sa buto ng dalawa ang lamig ngunit iba ata ang temperatura sa paligid ng presidente nila dahil mainit ang ulo nito. Sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lamang nila nasaksihan na ganito si Pristine. Wala ang ngiti sa kanyang labi at mga mata. Hindi alam ng dalawa ang gagawin kaya nagpaka-busy na lamang sila habang hinihintay ang pag-ring ng bell para sa morning ceremony.

Nakakabingi ang katahimikan sa silid hanggang sa mabulabog ito nang mag-slid ang pinto. Dumating ang vice president at mas lalong hindi napakali ang secretary at treasurer.

"Good morning," masiglang bati ni Eunice. Para bang dala niya ang araw sa liwanag ng ngiti niya. Tinignan naman siya ni Pristine saka binati siya - with a cold air. Lalo tuloy lumamig sa loob ng silid at sina Charlotte at Alona ang mas nakakaramdam noon. Dumiretso si Eunice sa tabi ni Charlotte at umupo. Muli ay nagbalik ang katahimikan ngunit mas lumala ito. Yung lamig ay nag-evolve sa pagiging tensyon at yung mga kaunting kaluskos ay naging nakakabinging ingay.

It is a cold war between the two and both Charlotte and Alona wish for the time to run fast so that they can finally escape this suffocating situation.

Suddenly, the Student Council door slid open again and this time it was Bianca who showed up. She greeted the members with a serious countenance before walking to their president. Kinausap ni Bianca si Pristine at habang pinagmamasdan sila ni Charlotte ay nakita nito kung paano mag-tight ang ekspresyon ng student council president nila. Soon ay tumayo si Pristine at idi-nismiss sila.

Naunang umalis si Bianca at Pristine.

🔶🔶🔶

"Eunice, why did you do that?" Charlotte asked calmly and concerned. Still, nakaupo sa kanyang pwesto.

Paalis na noon si Eunice ng mapatigil siya sa biglaang tanong, "Because that is the right thing to do," nakangiti at simpleng sagot niya pagkalingon kay Charlotte.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Charlotte at tumingala sa kausap, "Pero wala pang go-signal si Miss Pristine kaya dapat hindi mo 'yon ginawa," dahilan niya. Tinitigan siya ni Eunice.

Maliit lamang na babae si Charlotte. 5 flat ang kanyang height kumpara sa kausap niya na si Eunice na humahaba ng 5'6. Sa gilid ni Charlotte ay nakatayo rin si Alona na may tangkad na 5'4. Charlotte is considerable as cute girl. She is also a serious studious student. May brown siyang buhok na laging nakalugay at curly ang mga dulo. May fair skin complexion. Hindi malabo ang kanyang mga mata pero nagsasalamin siya kapag nakatapat sa gadgets. Madalas siyang bansagan na nerd and she doesn't mind it. Si Alona naman ay kilala sa kanyang pagiging jolly. May malago at maiksi siyang buhok, hanggang balikat, na nagiging kulay brown kapag nasisinagan ng araw. Araw-araw ay iba-ibang klase ng clip ang nagiging accessory niya. She originally has a fair skin pero dahil member din siya ng track at laging naaarawan ay medyo umitim siya. Her features is considered average but her personality and bright aura makes up for it. She is enjoyable to be with and comfortable also to talk to. Meanwhile, Eunice their vice president didn't earn her position just by being a beauty. She is smart, confident and also competitive. She has a white complexion, dark long hair and natural red lips. Considered as SNGS snow white beauty, she is also known for her unstable temperament.  She is a good person as long as her pride is not in concern. Eunice cares about others but her top priority is Natalie and Noreen's welfare. Natalie is the main reason why she run for the position because the latter doesn't want to. Eunice idolizes Natalie so much.

Sa SNGS ay tanging ang Presidente at Vice President lamang ang pinagbobotohan para sa Student Council position. Ang mananalo ang siyang mamimili ng kanilang magiging members. Hindi man magkasama sa isang faction si Pristine at Eunice ay pareho silang nagkasundo sa mga napili nilang kasama.

"Pristine may be the President but that doesn't mean she is always right. Kaya nandito tayo para punan 'yong pagkukulang niya," katwiran ni Eunice dahilang para hindi makaimik si Charlotte. Ngumisi siya at magpapatuloy na sana sa pag-alis ng muli ay matigil dahil naman kay Alona.

"I get what you mean but that doesn't mean that you can bypass us. You should have talk to us kung may gano'n ka palang plano. By the looks of it, hindi mo naman pinunan yung pagkukulang niya. You just want to satisfy yourself."

Unang sumingkit ang mga mata ni Eunice sa narinig, "Whatever. You are her blind followers so my point will never reach your heads," she smirked then flipped her air. Tinalikuran niya ang dalawa kaya di niya nakita kagad ang pagngitngit ni Alona. Nilingon niya lang muli ito ng magpintig ang pandinig niya.

"Ikaw yung bulag. We know why you're doing this. How about learning to move on first? Your bitterness is eating your brain. You were dumped and you can't accept it."

Nang marinig ni Eunice ang huling pangungusap ni Alona ay agad nag-init ang ulo niya. She bit her lower lip angrily and send Alona a death glare.

"You bitch!" Eunice walked fast directly to Alona. She was about to grab Alona's hair but Charlotte immediately went between them.

"Hah!" Nakatawang reaksyon ni Alona dahilan para mainis lalo si Eunice.

Mabuti na lamang ay tumunog na ang bell. Habang umaalingawngaw ito ay nanatiling nakatahimik ang tatlo. Eunice stood straight. She stretched her neck then said her words to Alona before leaving.

"Huwag mo subukan magpakita pa sa akin ngayong araw or else lalagasin ko 'yang buhok mo," banta niya. Her eyes totally dark along with her aura. Alona is trying her best to look tough. Her hands began to sweat. Nakakatakot kasi talaga si Eunice lalo na yung tingin nito. Nang umalis na si Eunice ay nakahinga na siya ng maluwag.

"She's scary," takot na sabi ni Alona pagkaupo.

"Sinabi mo pa, ba't mo pa kasi siya inaway?"

"Nakakainis kasi e,"

🔶🔶🔶

Dahil sa patuloy na pag-ulan ay napagkasunduan ng staff ng SNGS pati na rin ng NIA na i-move ang Linggo ng Wika next week. Salamat kay Pristine na pumayag na lumabas sa Sabado kasama si Natalie kahit na ang huli ay hindi naman din willing.

Umabot na ang tanghalian at umuulan pa rin. Dahil dito ay sa silid lamang nag-lunch si Natalie kasama ang dalawang matalik niyang kaibigan. Nakarating sa kanya ang hindi pagpasok ni Arianne at habang kumakain sila ay hindi maalis ang mata niya kay Eunice. Ilang subo pa ng baon nito ay na-conscious na ito.

"Nat, mali ba 'yong ginawa ko?" biglang tanong ni Eunice dahilan para matigil si Natalie at Noreen sa pagkain. Tinitigan siya ni Natalie bago ito umiling na ikinagulat ni Noreen.

"Sabi ko na nga ba maiintindihan mo ako," galak na sambit ni Eunice. Magana siyang kumain pagkatapos niyang magsalita.

Napabuntong-hininga si Noreen habang nakatingin sa masayang kumakain na si Eunice. Sunod ay inilipat niya ang tingin kay Natalie saka siya napailing.

Kung nagkaroon man ng pagkakamali si Eunice ay dahil iyon sa pagsuway sa nais ni Pristine. All in all kasi ay karapatan naman talaga ng mga estudyante na pag-usapan ang nakaraang event. Nagpatuloy si Noreen sa pagkain ng kanyang lunch ngunit habang nginunguya niya ito ay mas lalo lang itong tumatabang.  Gloomy ang panahon so is their lunchbreak. Magmukha man kasing normal ang akto ni Eunice ay alam ni Noreen na may mali dito. Her and Natalie already talked about that and they will address it to their friend later.

"Hey Nat, ikaw na bahala. Sa'yo lang siya makikinig e," sabi ni Noreen habang nasa CR sila ni Natalie. Kakatapos lang nilang mag-lunch.

"I doubt that she will listen to me but yeah, I still need to talk things to her," saktong pagkapihit ni Natalie ay dumating si Pristine at Bianca. Huminto ang apat at nagkatinginan bago magsalita si Noreen.

"I heard my babe is absent, is she sick? Maulan pa naman kahapon," Noreen said worriedly, breaking the ice. Pristine just darted her a look and it was Bianca who answered her.

"Hindi namin alam kung bakit siya absent," seryosong sagot ni Bianca bago siya mapalingon kay Natalie nang magsalita ito.

"Nag-usap na ba kayo?" Natalie asked directly at Pristine.

"Hindi pa," tanging sagot ni Pristine kasabay ang paglungkot ng mga mata.

Natalie blew a breath bago magsimula maglakad paalis. Sumunod si Noreen sa kanya kaya't naiwan sa loob ng CR ang dalawa.

"Tsk, kung kasama lang nila yung bruha. Walang pasabi-sabi sinabunutan ko na 'yon," inis na pahayag ni Bianca.

"You don't know how much I want to punch her face kanina sa Student Council room," sabi naman ni Pristine, "Anyway, nag-reply na ba sa'yo si Aldred? Hindi niya pa kasi nasi-seen yung message ko."

"Di pa rin siya nagre-reply sakin. Tinawagan ko, hindi rin ako sinagot," tugon ni Bianca habang naghuhugas siya ng kamay.

"How about si Jerome na lang tawagan mo para makausap natin si Aldred?"

Bigla ay napatigil si Bianca. Ingay ng tubig mula sa gripo ang sumakop sa paligid. Saglit ay pinihit na ni Bianca ang faucet at umalingawngaw sa buong CR ang nakakangilo nitong tunog. Tinignan niya si Pristine at saka tumango.

"I'll try," tanging sabi niya saka pekeng ngumiti.

Suddenly, the two heard a roar of thunder. Pero hindi lang iyon ang narinig nila kundi pati na rin ang tili sa loob ng isang cubicle. Napalingon sa specific na cubicle ang dalawa at saglit lang ay lumabas na ang tao roon. Si Doreen at ang malaki niyang ngiti.

"Good afternoon Miss Bianca and Miss Pristine," bati ni Doreen na hindi kaagad natugunan ng mga nakatingin sa kanya.

"Good afternoon din," si Bianca ang sumagot. Gulat at nagtataka. Namimilog ang mga mata nilang dalawa ni Pristine na sumunod sa paalis na pigura ni Doreen.

"That freshman, she is Noreen's younger sister right?" sambit ni Pristine.

Tumango si Bianca.

🔶🔶🔶

"Charles, you called," masayang banggit ni Eunice. Kasalukuyan siyang nasa isang madilim at bakanteng classroom. Animo'y sumasagot ng isang confidential na tawag.

"Oo, di ba pupunta ka sa debut ni Pristine?" diretsahang balik sa kanya ni Charles na agad niyang ikina-down dahil sa narinig na pangalan.

"I don't know," Eunice replied curtly.

"Pupunta ako and I want you to be my date that's why I called," pahayag ni Charles na agad nagpabalik ng ngiti ni Eunice. Eunice thought about her answer twice but the idea that she will be together again with Charles won not just her heart but also her mind. Without asking Charles' reason, she agreed ecstatically.

"Sure!" tugon ni Eunice na hindi man lang nag-isip at nagtanong. She doesn't need his reason anyway. Ang mahalaga ay pinili siya nitong makasama at makakasama niya muli ito.

"Okay, Make sure you wear your best. I'm going to fetch you."

"Of course Charles, I'll wear my best for you,"

"Iti-text na lang kita, bye."

"Bye, I love you," saad ni Eunice na pinakinggan ni Charles bago nito ibaba ang tawag ng hindi tumutugon. Despite that ay masaya at nakangiti na ibinaba ni Eunice ang kanyang cellphone. A lot of beautiful things started to pop up in her mind at isa roon ay i-boast kay Pristine na siya ang kasama ni Charles. Na siya ang pinili nito. Nakangiti siyang pumihit but it was cut short ng madatnan niya si Natalie na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Is that Charles?" malamig na tanong ni Natalie.

"Yup," masayang tugon ni Eunice kasabay ang pagtango.

Natalie blew a breath sharply. Umalis siya sa pagkakasandal at humakbang ng ilang pulgada palapit kay Eunice.

"He is sick in the head," saad ni Natalie na ikinakunot ng kilay ni Eunice.

"What do you mean Nat?"

"Stay away from him. He will only bring trouble and suffering to you."

Namilog ang mga mata ni Eunice sa narinig. Akala ni Natalie ay dahil sa naiintindihan nito ang ibig sabihin niya pero bigla ay tumawa ito.

"Suffering? That is a big word Nat. You don't know how much I'm happy right now. Are you worried about me? Don't worry, I'm fine," nakangiting sabi ni Eunice bago siya ngumisi na natapos sa pagdilim ng mukha dahil sa sumunod niyang sinabi, "But I know you are worried about her the most. Si Pristine. You want me to avoid Charles so that she can have her right? Even if you don't say it, for the past years, I realized how much you care for her. Hindi ko alam Nat kung anong nangyari sa inyo ni Charles pero wala na iyon sa akin dahil sabi mo hindi mo na siya gusto at naniniwala ako doon. Ngayon, hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa ni Pristine pero alam ko na marami kang tinatago sa amin. I like you so much Nat and I always thought that you understand me. You still do understand me right? I love Charles, please do not get in my way."

Sa labas ay agad naramdaman ng nakikinig lang na si Noreen ang biglaang tensyon sa loob ng madilim na silid. For the first time, ay ngayon lang umakto ng ganito si Eunice kay Natalie. At ngayon niya lang napatunayan na hindi lang si Charles ang may sira sa tuktok kundi maging ang kaibigan nila.

"I understand that's why I'm here. I'm your friend, I care for you too. I've been with Charles and I know who he really is that is why I'm warning you," kalmadong giit ni Natalie. Ngumiti naman si Eunice bago humakbang at maglakad hanggang tumigil sa gilid ni Natalie.

"Thank you for the concern Nat but please let me be or I'm the one who will give you a warning," saad ni Eunice na biglang nagpagulat sa mata ni Natalie maging kay Noreen na nasa labas, "I know one of your secrets, at na-realized ko lang iyon noong nakaraan. Hindi nagsisinungaling yung mata Nat right? At alam ko kung paano ka tumingin kay Fernandez. I am inlove so are you. Ayokong mawala sa'kin si Charles at siguradong ganoon ka rin kay Arianne. That is quite a shock when I discovered it but do not worry, I am your friend. I already accepted you for who you are."

Agad nanigas si Natalie sa kanyang kinatatayuan. Nagpawis ang kanyang mga kamay at kabadong tumibok ang kanyang puso. Malamig ang panahon ngunit ngayon niya lang ito naramdaman ng tuluyan. Hindi na siya nakapagsalita pa hanggang sa umalis si Eunice. Pagkalabas ni Eunice ay nakita niya sa may gilid ang gulat na si Noreen. Mapait niyang tinignan ang kaibigan bago siya tumakbo paalis. Sinundan siya ng tingin ni Noreen bago pumasok sa loob. Nakita niya ang stunned na si Natalie. Lumingon sa kanya ang kaibigan at nakita niya ang takot sa mga mata nito.

"You-You heard it."

Natalie's lips are quivering.

Noreen put her right hand on her nape. Scratched it a little before looking at Natalie with tender eyes. She then smiled at her tenderly before replying.

"Yes."

Nang marinig ni Natalie ang tugon ni Noreen ay agad nawala ang kulay sa mukha niya.

"Hindi mo ba ako tatanungin?" she asked afraid and worried at the same time.

"Sinubukan ko dati pero naisip ko huwag na lang," ngumisi si Noreen na ikinalito muna ni Natalie bago ma-realized ang ibig nitong sabihin.

"So matagal mo nang alam?" Natalie asked her eyebrows pulled together.

"Oo Nat. Matagal na. Mas nauna pa sa pagtanggap mo sa true feelings mo," pagsisiwalat ni Noreen. After that ay nag-loose ang mga balikat ni Natalie. Kanina ay nahihiya siya, nalilito, nag-aalala at natatakot sa magiging tingin ni Noreen sa kanya pero dahil sa mga sinabi nito ay naglaho ang ilang alalahanin niya. Nawala sa isipan ni Natalie ang ilang mga negatibong bagay lalo na ng tapik-tapikin ni Noreen ang balikat niya. Maliit na aksyon pero napakalaking bagay ang naidulot sa kalooban niya.

"Do you know how much I am trying so hard to hide it? That Eunice, I never thought that she will use it against me," Natalie said while her hands are now hiding her face.

"Actually doon ako nagulat. Ang lakas ng loob niya to do you dirty. Ang pag-ibig nga naman, pero I doubt that she mean it. She's on the verge of tears  when she left us."

 Natalie pushed her hands onto hair her brushing her bangs upward. One of her habits everytime she's stressed out, "She and Pristine are the same. Both never listens and will only learn once they got hurt or minsan twice and thrice pa. Ang sakit sa bangs. Ayoko na. Bahala na sila," Natalie sighed problematically. Sinabi niya iyon kahit na ang tumatakbo pa rin sa isip niya ay kung paano mapapagsabihan naman si Charles.

Natatawa at natutuwa naman si Noreen habang pinagmamasdan ang kaibigan. Hindi talaga nagsisinungaling ang mga mata dahil kita pa rin niya ang pag-aalala nito, "Anyway Nat, hindi naman kita na-impluwensyahan ano?" biglaang tanong niya.

"Impluwensyahan saan?" pagtataka ni Natalie na ngayo'y annoyed na sa nagdaang pangyayari.

"Sa pagiging lesbian?"

Bigla ay naubo si Natalie. Sumingkit ang mga mata niya at naging iritable ang tingin sa nakatawang si Noreen. Nang luminis ang kanyang lalamunan ay saka siya tumugon.

"No," saad ni Natalie sabay iwas ng tingin."I already love her kahit na hindi pa tayo magkakilala," she admitted while her are cheeks are blushing. Ito ang unang pagkakataon na ibinahagi niya ng maliwanag sa iba ang matagal na niyang nararamdaman.

"And I believe that she will be the only girl that I will love," Natalie smiled. A beautiful smile na ngayon lang din nakita ni Noreen. Para bang napakagaan ng ngiti ni Natalie kahit na kakatapos lang nito makipag-argumento kay Eunice. Siguro kasi dahil may napagsabihan na siya ng tunay na nararamdaman niya. At kahit na hindi niya man iyon sinabi dati ay naiintindihan pala siya  ng mga kaibigan niya.

"Naku, nagising na yung isang kalaban ko kay Arianne," nakangiti na umiling-iling si Noreen.

ARIANNE'S POV

"I love you so much,"  Mga salitang lumabas sa aking bibig na hindi ko akalain na sobrang makapangyarihan. Isang spell na nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Para bang nasa kamay ko ang mundo at kaya kong gawin ang lahat.

Marami na akong nabasa na libro. Ilang beses na akong nakabasa ng mga description kung paano ma-inlove,magmahal at ang pakiramdam na epekto nito ngunit sa bawat paglipat ko ng pahina ay agad ko rin itong nalilimutan. Hindi ko pa kasi ma-imagine ang sarili ko noon na may kasamang iba. Hindi ko na-imagine kahit kailan na mai-inlove ako. Ngayon ay unti-unting nagbabalik sa akin ang lahat ng nabasa ko. Yung euphoria, yung connection, yung pagtitiwala at yung sinasabi nila na unexplainable feeling. Unexplainable feeling na ngayon ko lang naintindihan ngunit mahirap pa rin i-specify kung ano.

Habang naglalakad kami ni Aldred sa ilalim ng payong, paligid ng ulan at lamig ng panahon ay ramdam ko ang warmth na matagal na niyang nais ipadama sa akin. Hindi man maalala ng utak ko yung ilang bagay ay yung puso ko naman ang nagsasabi na matagal na niya akong hinihintay. Hinintay niya ako despite my condition at inaabangan niya muli ako sa tuwing makakalimutan ko uli siya. That is exhausting. I don't know how much he endured but Aldred is young. He could have easily abandon his feelings for me and focus on other girls but he didn't. If that isn't love then I don't know what it is.

"I'm sorry kung lagi kitang nakakalimutan," sabi ko pagkasilong namin sa may entrance ng Central Mall. Tumigil kami saglit bago pinatay niya ang payong. Pinagpagan ni Aldred ang balikat ko bago siya tumugon.

"Okay lang," ngumiti siya. Alam kong ayaw niya akong pag-alalahanin pero alam ko rin na mahirap para sa part niya na paulit-ulit na lang na ganoon.

"Gagawin ko lahat para hindi na 'yon mangyari uli,"

Aldred sighed. She stared at me before smiling again,"Actually oo, nalulungkot talaga ako sa tuwing nakakalimutan mo yung mga bagay na tungkol sa ating dalawa. Ang hirap lalo na noong una pero ng umulit pa may na-realized ako na ilang bagay. No matter how many times you forgot me, you still choose me again naman. Iyon yung dahilan kaya hindi ako napapagod kasi alam ko na naaalala ako ng puso mo," he grinned.

Napatitig ako kay Aldred saglit bago matawa. Tumingin ako sa paligid bago ibalik sa kanya ang aking mata.

"Thank you," taos-puso kong pahayag.

Tumango siya at kinuha ang aking kaliwang kamay saka pinisil ito. Aldred didn't say a word but his eyes radiated what he wants to tell. He genuinely smiled making my heart beat fast and my cheeks flamed. Inalis ko ang aking tingin sa kanya dahil baka abutin kami ng maghapon sa entrance pa lang. I can look at his face kasi everyday without getting tired.

Nagsimula kaming maglibot ni Aldred. Una kaming nanuod ng sine at pinili niyang manuod ng Spongebob sa pagitan ng horror, romantic at psychological films. Nahiya pa siya noong una pero kilala ko siya kaya pinilit kong bilhan siya ng full combo snacks. Habang tumatakbo ang palabas ay imbes na doon ako mag-focus ay sa mukha ako ni Aldred nakatingin. Yung bawat reaksyon ng mukha niya, pagtawa, pagkagulat at pagnguso etc. ay nakaimprenta na sa utak ko.

Habang nakatingin ako sa kanya ay may biglang nag-pop out na memorya sa utak ko. I am with him and with Nat? Nagtalsikan ang mga popcorn sa paligid namin at hindi namin natapos yung pelikula dahil sa takot nila. Nangiti ako ng maalala ko iyon. Ibig sabihin ay lumabas na pala kaming tatlo ng magkakasama. Ibig sabihin ay okay kami sa isa't-isa.

Pagkatapos manuod ng sine ay tanghalian na kaya inaya ko na siyang kumain. I suggested restos to him na madalas namin kainan nina Pristine pero mas pinili niyang kumain sa fastfood na may libreng laruan. Nahiya nanaman siya noong una pero ng ipilit ko sa kanya yung pinakamalaking combo meal ng isang beses ay mabilis naman siyang umoo. Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan ang magana at masaya niyang pagkain.

Tahimik kaming kumakain ng bigla na lang siyang maglagay ng balat ng fried chicken sa plato ko. Nagtaka ako pero agad naman siyang nagbigay ng dahilan.

"May meme sa fb about sa balat ng fried chicken. Yung point is kapag mahal mo raw yung syota mo bibigay mo raw yung balat sa kanya kahit na gaano mo kagusto kainin 'yon. I'm giving that to you because I love you," seryoso niyang sabi habang nginangata yung buto ng manok. Mamantika na yung kamay niya pati na rin yung paligid ng bibig niya. Natatawa tuloy ako sa loob-loob ko. Tinanggal ko rin ang balat ng manok na kinakain ko at ibinigay iyon sa kanya kasama yung binigay niya sa akin.

"You can have it all," sabi ko sa kanya na aalmahan niya dapat pero naunang mamula ang pisngi niya. Binaba niya ang halos maubos ng buto ng manok saka uminom ng softdrinks.

"You love me so much, I get it," sabi niya ng ma-realize ang ibig kong sabihin. Natawa na lang ako.

Sunod ay naglibot-libot muli kami at habang naglalakad ay may mga vague na alaalang biglang sumusulpot sa isipan ko. Medyo masakit sa ulo pero hindi ko iyon pinapahalata kay Aldred dahil paglumilinaw naman ay gumagaan ang pakiramdam ko. Lahat kasi ng naaalala ko ay iyong mga pagkakataon na kasama ko siya.

Habang naglalakad patungo sa bookstore ay napadaan kami sa isang music shop kung saan may tumutugtog ng violin. Napatigil ako at pinanuod ang manunugtog. Inilagay ng lalaki ang violin sa kanyang balikat at ipinatong ang kanyang chin dito. Sunod ay inilapat niya ang bow sa mga strings at nagsimulang i-drag ito. Tumunog ang unang chord ng Amazing Grace. Beginner's song at pamilyar sa akin dahil iyon ang madalas na ipatugtog noon ng mga matatanda sa mansyon. Unti-unti ay may mga alaala ng kabataan ko ang naglitawan habang nakikinig. Nabulabog lang ito ng biglang ako naman ang i-drag ni Aldred patungo sa shop.

"Arianne, try playing," sabi ni Aldred na ikinagulat ko.

"Huh? I don't--"

"Sige na please," he plead gamit ang nagniningning na mga mata. Para siyang bata kung makahiling. Hindi ko alam ang gagawin pero bigla ay itinulak niya ako sa lalaking may hawak ng violin. Irita ko siyang sinipat at naabutan ko ang malaki niyang ngiti. Nakakainis pero saglit lang ay iniba ng reaksyon niya ang pakiramdam ko. That is a reaction of someone who believes. A reaction of someone who supports dearly.

Iniabot sa akin ng lalaki ang violin. Alangan ko itong kinuha dahil sa totoo ay hindi ko na maalala kung kailan ako huling humawak nito. Wala na akong maalala tungkol sa pagtugtog nito ngunit sa isang iglap ay naging pamilyar ang instrumento pagkakuha ko. Kusa akong pumostura at hinanap ng buong katawan ko ang tamang pwesto ng violin sa aking balikat at ilalim ng baba. Yung kanang mga daliri ko ay nag-curl sa bow habang yung kaliwa naman ay kumulit na para bang nage-exercise bago pisilin ang mga strings. NIlingon ko si Aldred and his eyes move to encourage. Walang ano-ano'y hinila ko ang bow at nagkatunog ang unang musika na pumasok sa isipan ko, ang Romance from Albumblatt na madalas kong tinutugtog sa tuwing may dinner date noon sina Mama at Papa.

I close my eyes and let my hand move. Katulad ng pag-ibig ko para kay Aldred na kinalimutan ng aking utak ay ang puso ko ang nagpaalala sa akin ng nakaraan. Yung flow ng musika ay dinama ng sistema ko at ng dumilat ako ay hindi ko maiwasang mapangiti lalo na ng makita ko ang manghang reaksyon ni Aldred. Natapos ako sa pagtugtog na marami ng tao sa aming paligid. They are all looking at me, amazed and smiling. Noong una ay nakaramdam ako ng pagkatakot ngunit ng makita ko ang reaksyon nila ay nawala iyon. I look again at Aldred and he is right. I just need to believe.

Binalik ko sa lalaki ang violin at pinuri niya ako. Nginitian ko naman siya bago ako bumalik kay Aldred. "What the -- Arianne, ang galing," manghang-mangha na reaksyon niya. Kahit ako ay natuwa rin kaya't hindi ko na na-control ang aking sarili't niyakap siya ng mahigpit.

Siguro ganoon nga talaga. Lahat tayo ay may mga doubts sa sarili natin. Nakakatakot na subukin pero hindi ka maggo-grow kapag hindi ka umalis sa comfort zone mo. Kapag hindi natin kayang mag-isa ay nandyan ang mga taong nagtitiwala sa atin. Yung mga taong 'yon ang magpu-push sa atin na gawin ang mga bagay na takot tayo dahil alam nilang kaya natin iyong gawin o lagpasan.

"Shan?"

Suddenly, while I'm hugging Aldred, a man stood in front of me asking the name of my mom. Nagulat ako kaya't marahan kong binitawan si Aldred ng hindi inaalis ang aking tingin sa lalaki. He has a messy dark hair, trimmed facial hair and is wearing a dark shades. Naka black coat din siya na nilolooban ng black na turtle neck long sleeve. Nakasuot siya ng rugged blue maong jeans at brown boots.

"I'm sorry pero sa nagkakamali po kayo," paliwanag ko. Ngayon ay pumihit na rin si Aldred para harapin ang lalaki na sa tingin ko'y nasa early 40's.

Tinanggal ng lalaki ang kanyang shades sabay ngiti ng malaki, "No, hindi ako pwedeng magkamali. Tama nga yung nabalitaan ko. It's really you Shan," giit niya.

Erururu Creator