CHAPTER 4 – Mouse Trap

ARIANNE'S POV

“Hey, Arianne... gising ka pa ba?”

Hmmp!

“Uy, ano? Tulog ka na ba?”

Tsk, ang kulit. Oo tulog na 'ko!

Past eleven na noong humiga kami ni Pristine para matulog and now 30 minutes before 1AM ay tinatanong niya kung gising pa 'ko. If she doesn't want to sleep yet then bahala siya pero ako gusto ko ng matulog kaya I think it will be good if I will not respond to her.

“Oh, so this is my Aya when she's in love. Ang cute.”

Tsk, what the hell? Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

“Nagdalaga rin ang Aya ko. Ganoon pala hanap mo a.”

Parang nanlaki ang tenga ko sa sinabi niya. Ilang beses pa siyang nagsalita ng kung anu-ano bago tuluyang mag-usok ang ilong ko. I had enough! Nagsabi lang naman ako ng totoo, walang malisya. Ba't ba naging big deal ‘yon?

“Gising ka pa pala? What's with the pillow? Do you want to sleep with m— ”

Gustong-gusto ko na matulog, gustong gusto ko na talaga but Pristine... I didn't respond to her so that I can get asleep but she keeps talking and nakakairita lahat ng pinagsasasabi niya.

Tumayo ako dala ang isang unan so that I can keep her mouth shut.

“Hey! Aria—Aya! Sto—STOP!”

Nakuha niya yung unan.

“Hey Aya! Hindi kaya ako makahinga!” she said between her breath.

“Huh, iyon nga ang gusto ko.”

Pristine snorted, “Do you want me to die?” bulalas niya na sinagot ko ng ngiti. She then pouted before masking her puppy eyes.

Disgustingly cute. Nakakainis sa paningin kaya bumalik na ako sa kama ko.

Bwiset, makatulog na nga.

♦♦♦

“Mukhang campus crush ata 'to a. Look o, artistahin yung dating and isang pic pa lang, thousands na yung likes.”

Huh,pasalamat siya walang "Hate this" option.

“Hhmm, hhmm, hhmm, ang gwapo niya Aya dito oh!” 

I rolled my eyes, “Hay, makatayo na nga muna. Mamaya na lang ako matutulog,” 

Maraming beses ng may mga nanligaw sa'kin at sa mga pagkakataong 'yon ay madalas kong kasama si Pristine. Kahit na nando'n siya o alam niya na may nanliligaw sa'kin ay walang beses na nangialam siya sa mga decisions ko pagdating sa pagkakaroon ng relationship. Kahit papaano tuloy ay na-curious ako sa Aldred na 'yon at dahil iyon kay Pristine. Ngayon lang kasi siya nangialam at nag-appreciate ng guy na nagpapapansin sa'kin.

Humila ako ng upuan at tumabi kay Pristine. She clicked then scrolled up then down and down.

“Iyan ba 'yon?” 

“Yup, ano? Anong masasabi mo?”

“Baka photogenic lang siya sa side na yan. Lipat mo pa kaya.”

We're both eating cookies while stalking at the pictures of that Aldred guy na naka-chat ko kanina. Oo, kagaya ng sabi ni Pristine ay may itsura naman yung Aldred. Hindi ko napansin dahil hindi ko naman tinignan ang profile niya. Ang tanging alam ko lang sa kaniya ay ang ka-weirdo-han niya.

I raised a brow when Pristine suddenly clicked the like option.

“Ni-Like mo?” I asked her while munching a cookie.

Pristine looked at me and smiled before emphasizing...

“NI-LIKE MO.”

“Eh?! Oy! I-unlike mo nga yan! Baka kung ano pa isipin niyan! Saka paano mo nabuksan yung account ko?”

“Ofcourse we're bestfriends eh kaya alam ko. Saka "Like" lang naman.” Ngumuso siya.

“Anong kinalaman ng pagiging mag-bestfriends natin eh hindi ko naman sinabi sayo yung password. I-unlike mo.”

Napakunot ako ng noo.

“Eto oh... Gwapo rin siya dito. I think sa lahat naman.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

“Oo na, gwapo na! Masaya ka na? Ba't di mo kaya i-add? Mas mukhang interesado ka pa,” naiinis kong sinabi. Mabilis naman akong nilingon ni Pristine.

“What Aya? No, no I can't. I'm just interested because I think he suits you,” she worriedly defended.

My face flattened after hearing what Pristine said. Pinanlisikan ko siya ng tingin at habang tumatagal ang titig ko sa kaniya ay humahaba naman ang nguso niya.

“Nah Aya! Nagseselos ka ba kasi interested ako sa kaniya? Ha? Curious lang naman ako. I'm loyal to you as always.”

Eek!

“Stop goofing around. Baliw,” saad ko.

“Boring. Sakyan mo naman minsan yung mga sinasabi ko.”

She continued to scroll down on Aldred's page when suddenly she stopped. Pristine then clicked a certain image that caught my attention.

“Aya... you pervy girl,” ngumisi si Pristine.

Blood rose to my face after I heard what she said.

“F-Fo-For what?!” I asked then turned my face away.

Nilapit naman ni Pristine ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

“Hey, your eyes were staring inside that wet shirt. Sexy right?” she asked. I darted my eyes to her, only to see her pulling a wide grin.

“N-No way! Siyempre sa sh—shirt ako titingin kasi ‘yon yung ine-emphasize!” I explained immediately.

“Oh, why not look at me in the eyes while justifying yourself?”

Nanggigil ako sa sinabi niya.

“Tigilan mo nga ako.” I looked at her.

The picture is obviously a product of a photoshoot. That guy modeled for Mari, a famous clothing brand, and the scene was taken in a garden while raining. The rainfall gave a story to the scene but the guy who was drenched with water dominated the picture with his appeal and looks. His top, a white shirt made of a thin but high-quality material seems like didn't exist because it’s supposed purpose was never attained.

undefined

His body was visible thanks to the rain.

“Ang dami niyang fangirls oh,” Pristine pointed while checking the comments about that pic.

Tinignan ko uli yung pic at syempre without PERVY THOUGHTS di kagaya ng sinasabi ng katabi ko.

Compliments. Praises.

“Pasikat.”

“Nah, don't say that. Gwapo naman talaga siya ah.”

Meh. My face went sour. Pinapasok ko lang sa kanang tenga at pinalabas sa kaliwa ang sinabi ni Pristine. Inilagay ko ang kanang kamay ko sa cookie box pero nadismaya ako, wala na kasing laman. Nagpaikot-ikot na lamang ako sa swivel chair habang busy naman siya sa pagbabasa ng comments.

Suddenly I felt a lump building up in my throat. Napahinto ako. Hindi ko maiwasang mapalunok ng bigla na lamang nag pop-out sa isip ko yung image na iyon. Mabuti na lang ay nakatalikod ako kay Pristine kung hindi ay aasarin niya ako dahil nag-init ang mukha ko at sigurado akong namumula ito.

“Kasi ba't ba nagpo-post sila ng mga gan'ong klaseng pic sa net?! Hindi ba nila alam na may mga sensitive na tao saka...”

I'm trying to get rid of that image in my mind. I shook my head and then gulped again.

“I'm not denying that he's handsome saka ano... that pic, he is really sexy in it,” I whispered to myself.

“Kyaah!”

I jumped off my seat when I felt a sudden poke of a finger on my hips. Shocked by what Pristine did, I face her to only see her broad smile.

“Pu-Pusang gala! A-Ano ka ba ha?” I asked her while hiding myself in my arms.

“Masyado ka naman kasing seryoso dyan,” Pristine giggled. “Di mo ba alam naririnig ko yung mga lunok mo pati na rin yung...”

My eyes widened because of what she said. Again, she clicked the like option.

“WHAT? Ni-like mo na naman? Hey, Pristine stop it! I-unlike mo yan!” utos ko.

“Ooopsie, Ooopsie. Okay lang ‘yan, sinabi mo na naman din na gwapo siya eh. Parang ibig sabihin noon ni-like mo na rin yung pic.”

“E! Kahit na! Magkaiba 'yon! Basta i-unlike mo na yan,”

“AYAW,” matigas niyang sabi saka ini-snob ako. Sa iba nakaharap ang mukha niya pero nakita ko ang mata niya na nakasulyap sa akin. “Pero sige na nga,” ngumuso siya, “Basta sabihin mo muna uli yung sinabi mo tungkol sa kaniya kanina...” Pristine demanded.

Kainis! 

Nakakahiya na ulitin pa yung sinabi ko kanina pero alam ko na kailangan ko talagang gawin 'yon para lang mapasunod si Pristine.

Humanda ka sa’kin sa susunod.

Huminga ako ng malalim bago yumuko habang sinasabi yung dine-demand niya.

“OO NA GWAPO NA SIYA and Se-sexy siya sa pic na yan.” Inangat ko ang mukha ko at naabutan ko ang pagbungisngis ni Pristine. Lalo akong nairita.

“Iyan na! Masaya ka na? I-unlike mo na ‘yan!”

“OK then, I'm genie for you Aya!” She giggled.

Hell! Genie for me eh ikaw yung dahilan kung bakit 'to nangyari.

Conspiracy. That mouse was a traitor. Kung kanina pa lamang ay gumana na 'yon ng maayos e di sana wala ako sa sitwasyon na ‘yon. PASAWAY. Parehas ng amo niya.

Iki-clicked na sana ni Pristine yung "Unlike" button nang may biglang lumitaw na chatbox.

Aldred : Uhmm... Arianne salamat sa pag-like ng pics ko ah. :)

Eh?!

“Pristine look! Iyan tuloy! Sabi ko sa'yo eh! Mamaya kung ano na iniisip niyan.”

Aldred : Ah... Salamat din sa comment. Hindi ko naisip na gusto mo pala ng mga ganoong concept ng pics. Sige ah good night sweet dreams sana mataon uli na kapag OL ako OL ka rin basta 'wag mo lang ako iba-block.

Napahampas ako sa lamesa.

“Tignan mo tignan mo! Feelingero pa naman 'tong lalaking 'to. Oy Pristine!”

Bigla na lamang tumayo sa upuan at umalis si Pristine sa tapat ng laptop. Nagtaka ako bago pumasok sa isip ko ang sinabi ng Aldred na ‘yon.

COMMENT?

I scrolled down all the comments on that picture and to my surprise is...

SEXY~♥

What the?!

"Grrr! Pi-ris-tine!"

My comment... No, Pristine's comment with the use of my account was "LIKED" by a lot of netizens.

[TYPING FASTER]

Arianne : Hoy! Engot! That's just a misunderstanding!!! Hindi ako yung nag-like at nag-comment.

[ENTER]

Aldred Cuzon is offline.

♦♦♦

ADVANCE CHAPTERS AVAILABLE AT WEBNOVEL :)

Erururu Creator

CHAPTER 4 – Mouse Trap