CHAPTER 2 – Cotton Candy

ALDRED'S POV

Dapit-hapon at nagiilumina na sa daan ang natitirang liwanag ng kulay kahel na mga ulap. Nakatingala ako at nakatingin sa buwan. Unti-unti itong umuukit sa kalangitan. Napakalayo ng buwan pero habang naglalakad ako papauwi ay mas malayo pa rito ang nasa isipan ko. Hindi ko kasi maabot isipin kung ano ba talaga ang kinaiinisan ko.

“Bwiset!”

Suminghot ako.

Malayo pero mababaw. Ang babaw! Nabababawan ako sa aking sarili. Siguro nga't naapektuhan ako ngayon sa pangaasar ni Carlo pero kung tutuusin ay napakababaw lamang na dahilan noon upang mainis ako ng ganito.

“Shit.”

Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina. Huminga ako ng malalim. Posible ba 'yon? Posible bang may bumabang anghel sa lupa at ang larawang iyon ba ang ebidensya? 

Bilang isang modelo ay marami akong kasabayan na magagandang babae. Matatangkad, makikinis, mga mukhang artista. Naa-appreciate ko ang aesthetics nila pero masasabi ko na walang-wala sila sa babaeng pinakita ni Carlo. Hindi siya nakangiti sa picture at tila stolen shot nga lang iyon. Chestnut-colored hair, pinkish-white complexion, cat eyes and fine pinkish lips... Nakaka-in...

Umiling ako.

“Love at first sight mo mukha mo. Love? Gago, di ko nga alam kung paano 'yon tapos ganoon sasabihin mo?”

Huminto ako sandali nang may magdaang nagtitinda ng binatog. Sa panahon ngayon ay madalang na lamang ang nagtitinda nito sa daan. Masarap at hilig ko ito noong bata ako. Inaabangan ko nga ito sa daan tuwing merienda dahil paano ba naman na ang manong na nagtitinda ay dinaig pa ang mga nagkakarerahan sa bilis niyang magbisikleta.

Asukal o asin? Both ang akin.

Nitignan ko kung nasaan na si Mang Binatog at as usual, malayo na ito. Hindi ko na matanaw. Okay lang, wala naman akong balak bumili. Nagpatuloy akong maglakad.

“Pero a, sexy saka may boobs daw? Ano nga ba? Pwede na rin siguro... Kung may physical form yung love, soft siguro 'yun tapos maputi, malaman, sexy hehehe…” 

Bigla ay napatigil ako.

ANAK NG PATOLA! 

Sinabunutan ko ang aking sarili. Kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa isipan ko simula nang malaman ko na may nage-exist pala na tulad niya.

“Kasalanan 'to ni Carlo!” Sinipa ko ang isang lata ng juice na nakakalat sa daan.

“Nakakainis, bakit ang ganda niya?” tanong ko sa aking sarili saka tumingala sa kalangitan. Hinayaan kong malukob ako ng aking paghanga. Mukha akong tanga sa paghihintay na may lupon ng mga kaibigan niyang totorotot at magkakantahan ng sagot sa dahilan ng kagandahan niya. 

Heaven… Ganito ba kapag nakahithit ng droga? Hindi ko makayanang matanggal sa aking isip ang mukha niya.

“May boyfriend na kaya siya? Sana wala pa...” Napa-amen ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingala. Pakiramdam ko'y nagha-hallucinate na nga ako dahil mukha niya na ang nakikita ko sa kalangitan. Napakasarap tignan nito hanggang sa umagaw sa eksena ang kumakalam kong sikmura. Ito ang tumunog imbes na yung mga torotot na hinihintay ko kanina. Kumurap ako saglit at napalitan na ng mga naglalakihang cotton candy ang mukha niya.

undefined

Tipo ko siya pero yung love at first sight? Imposible naman 'yon. Love nga ang abstract na kaya paano pa 'yon? Hay, pero gusto ko siyang makita. Parang gusto ko magpagawa ng poster niya tapos ihahanay ko roon sa poster ng A2C.

“Yung kuya o!”

Nabalik ako sa aking ulirat nang may marinig akong mga nagtatawanan. Napakunot ang kilay ko sa aking nakita.

“Cotton candy?” reaksyon ko pagkakita sa cotton candy na hawak-hawak ng isang batang babae. Nasa harapan ko siya kasama ang ilang lupon pa ng mga paslit. Nagtatawanan sila habang nakatingin sa akin. Nagtataka ako hanggang sa may basa akong naramdaman sa aking baba. 

TUMUTULO ANG LAWAY KO! 

Agad ko iyong pinunasan sabay takbo.

Bwiset!

Nilingon ko ng masama ang mga bata at mas nagtawanan sila.

♦♦♦

Walang tao sa bahay noong oras na ako'y nakauwi. Dahil sa ako lang mag-isa ay isinabay ko na sa pagkain ng hapunan ang paggawa ng mga homework. Homework, studies, pagle-level up sa paborito ko na OL game, dapat ay magawa ko na ang mga iyon habang walang pasok.

Nakikinig ako ng kanta sa cellphone. Sumasabay sa saliw ng kantang Breathless ng The Corrs. Nihihimay ko ang ilang lyrics at inire-relate ito sa nadarama ko. 

Tumigil ako saglit para isubo sana ang aking kinakain ng marinig ko na may nag-text. Nitignan ko kung sino at si Carlo lang pala.

“Hey Bro, nakita mo na ba?!” Iyon ang nakasaad sa mensahe niya. 

Bumuga ako ng hininga, “Tsk, gago talaga.”

Pinatong ko ang cp sa mesa at nagpatuloy muli sa pagkain patuloy din ang pagtugtog ng magandang mga kanta.

“Grabe, nakakahiya. Nagmukha akong tanga sa daan tapos andami pang nakakita sa’kin. Pati batang may cotton candy hindi na-miss yung pagmumukha kong 'yon.”

Inalala ko iyong mga pangyayari bago ako makauwi sa bahay. Para sa'kin ay napakahaba ng araw na 'to. Simula kay Carlo, sa mga kalokohan niya tapos yung bata na may dalang cotton candy… Cotton candy? Bigla ay parang may nagliwanag sa isang parte ng utak ko.

Yung bata saka yung cotton candy... YUNG COTTON CANDY!

Napatayo ako sa aking kinauupuan. Pinatay ko ang tugtugin sa cellphone at dali-dali na niiligpit ang aking pinagkainan.

“Teka, tinapon mo ba? Yung papel... NASAAN NA YUNG PAPEL?!” Napadukot ako sa aking bulsa, “A, eto lang pala hehe.” 

Napahinga ako ng maluwag.

Agad kong kinuha ang mga notebook sa mesa. Umakyat ako sa kwarto't mas mabilis pa sa iglap na pumwesto sa tapat ng PC. Pagkatapos kong mag-log in sa aking FB ay agad ko siyang hinanap. Malayo sa inaasahan ko ang meron sa account niya.

“Wow! Nice! Chicorita!” nasambit ko na lang noong makita ko ang DP niya.

Chicorita?

Wala pang minuto noong i-add ko siya ay na-accept na ang friend request ko. Gusto ko sana magulat pero naalala ko na si ALDRED ARAUN CUZON nga pala ako.

H at I

Online siya at sa dalawang letrang iyon ko sinugal ang aking pagkakataon. Tumingin ako sa orasan pero hindi pa rin siya nagre-reply. Kung ano-ano na nga ang aking ginagawa dahil sa pagkainip. Nakita ko ang time chart ko ngayong araw at ang mga gawain na dapat ay tapos ko na sa mga oras na ito ngunit naisip ko na ipagpaliban na munang gawin ang mga iyon.

“May bukas pa naman, bukas ko na lang gagawin.”

Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair. Tumayo at nag inat-inat tapos ay umupo muli at nagpaikot-ikot. Tinapatan ko ang PC ngunit wala pa rin ang aking hinihintay. 

“Hoy! Sumagot ka nga.”

Private ang ilang photo album niya at kung meron mang public ay tanging yung mga anime, pop idol... si Cassyddy saka Agrias! Mga pics na naka-tag sa kaniya kung saan wala naman siya roon. Kahit nga yung pic na pinakita ni Carlo ay wala rin doon.

Naka SES uniform siya sa pic na pinakita ni Carlo pero SNGS yung school na nakalagay sa profile niya? Baka naman hindi siya to?!

Napadalawang isip ako.

“Lokong Carlo 'to ah...'Pag nalaman kong pinagti-trip-an niya lang ako pakamatay na siya. Syete siya!”

Sino nga ba naman kasing magandang babae ang hindi maglalagay ng pic sa account niya... KAHIT ISA!

Napasingkit ako ng tingin habang nakatingin sa screen ng pc. Nagsimula na akong magduda lalo pa't nakita ko ang bilang ng friends niya. Gusto ko na sana mag-log out dahil sa tingin ko ay nagoyo lang ako pero napansin ko na OL pa rin siya.

“Wala naman mawawala kung makikipagusap ako para makasigurado lang.”

Kinumbinsi ko ang aking sarili at nagsimulang itipa muli ang "Hi". Medyo nawalan ako ng gana pero naisip ko na ang duwag ko naman kung susuko na ko agad.

Arianne : O?! Problem?! 'Pag wala baka gusto mong 'wag na mag-reply pagkabasa mo nito.

♦♦♦

Erururu Creator

CHAPTER 2 – Cotton Candy