Episode 5 part 2

Naging mahaba at nakakapagod ang naging gabi ko dahil sa pakikipaglaban sa mga halimaw sa hanganan.

Ang mga ito ay walang utak sa pakikipaglaban at ang tanging alam lang nila ay umatake ng sabay sabay lalo pa nag iisa lang ang kanilang kalaban. 

Bale wala saakin ang mga kagaya nilang mga ordinaryong halimaw pag dating sa pakikipag laban ngunit ang bawat kalmot at kagat na natatangap ko sa kanila ang lalong nag papa hirap sa sitwasyon ko kahit na nag anyo pa akong hube.

Ang beast mode ay isang teknik na kung saan nag babalik kami sa mga original na anyo namin bilang mga halimaw na tao. Lahat ng katangian namin bilang kalahating halimaw ay malaya namin nagagamit sa anyong ito.

Gayumpaman ayaw na ayaw ko ang anyong ito dahil sa ilang bagay. Hindi biro ang naging pag sasanay ko upang mapag aralan lang ang pagpapalit anyo ko bilang tao lalo pa ang kalahati lang ang pagiging tao ko at ang mga halimaw ay hindi kanyang mag cast ng spell.

Hindi sa kinahihiya ko ang sarili ko bilang halimaw dahil sa totoo lang dahil sa katangian kong ito ay mas malakas ako sa mga ordinaryong tao, angat ang abilidad ko sa Ibang nilalang gayumpaman, Ayoko ang pakiramdam na kinatatakotan ako ng mga sibilyan at minamata ng mga tao dahil sa iba ang lahing kinabibilangan ko.

Komplikado ang teknik kung saan nagagawang kong maalis ang anyo kong halimaw dahil hindi naman ako isang tunay na magic caster at siguro mga isang lingo pa ang lilipas bago ako makabalik sa dati kong itsura. 

Ilang oras ang lumipas ay tuluyan naubos ang malalaking halimaw na umaatake saakin at dahil ang karamihan sa mga halimaw ay mahihina at maliliit ay wala silang lakas ng loob para umatake sa mga kalaban.

" Sige lumapit ang gustong mamatay!" 

" Roar!!!" malakas na sigaw ko sa mga ito. 

Dahil sa takot ay nag madali ang mga ito na umalis at maglabasan ng bakod. Hindi ko na tinangka pang habulin sila para ubusin dahil kailangan kong panatilihin ang distansya ko sa babaeng natutulog sa damuhan ilang metro lang mula sa kinatatayuan ko.

Dahil nag aalisan na ang mga halimaw ay nakahinga na ako ng maluwag dahil alam ko na ligtas na kami sa araw na iyon.

Marami akong kasamahan na namatay ngayong gabi at kahit na nairaos namin ng buhay ang gabi na ito ay hindi parin maalis sa isip ko kung paano na kaming mga natitirang sundalo sa mga susunod na takip silim dito sa hanganan. 

" Malaki ang naging pinsala ng bakod, mukhang hindi na namin ito mapapakinabangan." 

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatanaw sa bakod na iniwang gutay gutay ng mga halimaw. 

Agad ko namang nilingon ang babaeng kasama ko na hanggang sa ngayon ay mahimbing na natutulog. 

Nagtataka ako kung paano sya nakakatulog ng mahimbing sa mga oras na umatake ang mga halimaw na para bang walang panganib sa paligid. 

" Hanggang ngayon tulog parin sya." 

Nilapitan ko ang babaeng ito at tinangkang hawakan upang gisingin. " hoy binibini, siguro naman pwede ka ng gumising dyan." 

" Kailangan natin makarating sa pangalawang bakod kaya gumising ka na dyan." 

Hinawakan ko ang braso nya at pilit ginigising ito dahil kahit na mas malakas ang pangangatawan ko ay hindi na kayang buhatin pa sya dahil sa pamamanhid ng braso ko dahil sa lason ng kagat ng ilang halimaw. 

" Hindi mo naman siguro iniisip na bubuhatin pa kita papunta doon? Masyado ka ng maraming utang na loob saakin." 

Ilang sandali pa ay hinahawi nya na ang mga kamay ko na tila ba ayaw magpa istorbo sa pag tulog nya. 

"Ano? Ayoko talagang guluhin ang pag tulog mo pero kailangan na natin umalis sa lugar na ito dahil baka magbalikan ang mga halimaw sa lugar na ito." 

Dahil sa pag pipilit ko sa pag gising dito ay wala na itong nagawa kundi maupo at bumangon sa pagkakahiga. 

Nag kusot ito ng mga mata at nag inat na para bang ang sarap ng patulog nito. "Mama, Pwede ba limang minuto pa inaantok pa ako." 

" Mama? Pasensya na binibini pero mahalaga ang oras natin." 

Sa pag bukas nya ng mga mata ay nagkatitigan kami. Halos ilang segundo rin syang nanahimik at walang imik ng makita ako sa harap nya. 

" huh? " Sambit nito. 

" Anong problema? OK ka lang ba? "

Hindi ko alam kong ano ang nangyari sa kanya at tila ba gulat na gulat syang makita ako at nang subukan ko syang hawakan ay bigla syang sumigaw ng malakas. 

" Ha-halimaw!!! Aahhh!!!!" 

Miski ako ay nagulat sa reaksyon nya at tinawag nya akong halimaw na para bang ngayon lang ito nakakita ng kagaya ko pero ang mas ginagulat ko ay ang paglitaw muli ng ginto ng awra sa katawan nya. 

Kumalat ang enerhiya na iyon sa paligid at gumawa ng isang ipo ipo ng enerhiya na bumalot sa boung paligid nya at ilang sandali pa ay nagpatalsik sa katawan ko palayo sa kanya. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko na nagawang umilag o salagin ang enerhiya na tumatama saakin siguro dahil nabibigla na rin ako sa kadahilanang hindi ko maiisip na aatakehin ako ng babaeng iniligtas ko O baka dahil ngayon ko lang naramdaman na tamaan ng napaka dalisay na enerhiya at madampian ng puting enerhiya ang katawan ko. 

"Sandali binibini, hoy! Ano ba!" 

Sa sobrang lakas nito ay napa-angat ang katawan ko sa lupa at tuluyang nilamon nang buo ng liwanag. 

Napakaliwanag nito at napakainit ngunit gayumpaman ay hindi kagaya ng enerhiya pang atake ay napakagaan nito sa kalooban. Hindi ako makaramdam ng sakit ng katawan o baka naman ganito ang pakiramdam kapag nilusaw ka ng enerhiya para maging abo. 

Ewan, hindi ko alam basta napaka sarap nito sa pakiramdam na tila ba naibsan ang lahat ng pagod ko.
Unti unting nawawala ang kirot at hapdi na kanina ko pa tinitiis. 

Tila ba nakalutang ako ngayon sa ulap at niyayakap ng mga Angel sa kalangitan na pumapanatag sa kaisipan ko dahil sa mga pangamba. 

Ilang saglit lang ang lumipas habang nanaginip ako ay may boses na paulit ulit na umeeko sa paligid ko at unti unting nag papa gising sa diwa ko. 

" Ginoo, gumising ka na, Ginoo." 

" Ginoo, buhay ka pa ba?" kailangan mo ng gumising. "

Dahil sa paulit ulit na tapik nya ay nahimasmasan ako at hindi nag tagal ay naidilat ko ang aking mga mata. 

Sa pagkakataon na iyon ay nakita ko sa harap ko ang babaeng mandirigma na gumigising saakin. 

" Salamat naman gumising ka na, Akala ko patay ka na." 

" Anong nangyari? Nasaan ako?." Tanong ko habang naguguluhan. 

Umupo ako sa kinahihigaan ko at kinukusot ang mga mata. Saglit kong nakalimutan ang mga nangyari at pilit na inaalala habang hawak ko ang aking ulo. 

Tumingin ako sa paligid ko at napailing dahil sa pagkasilaw sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. 
" Umaga na pala. Ilang oras ako nakatulog." 

" Huh? Ewan pero halos limang oras na akong nag babantay dito habang tulog ka. Pero hindi na yun mahalaga dahil sabi nung Ibang mandirigma na umalis na kailangan na nating umalis sa lugar na ito." 

"Umalis?" 

Doon ko naalala na nasa hanganan pa kami at tama sya dahil sa wasak na ang mga tarangkahan ng bakod ay madali na para sa mga halimaw ang maglabas pasok sa kampo. 

"Nawasak na ang mga tarangkahan. Hindi natin yan magagawa ng isang araw lang kung iilan lang tayo." Sambit ko.

Napahikab ako at tumayo upang makakilos na umalis ng lugar pero habang tumatayo ako ay may itinanong saakin ang babae na labis kong ipinag taka. 

" Teka mister, Pwede bang malaman kung nasaan tayo ngayon at bakit tayo nandito? " Tanong nito. 

" Huh?"

Saglit akong natulala sa pagtataka at biglang napatawa. 
" Teka miss, seryoso ka ba sa tinatanong mo? nabagok ba ang ulo mo sa pag bagsak mo kagabi?" 

Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya pero hindi sya umimik sa sinabi ko at ang reaksyon ng mukha nya ay tila ba napakainosente. 

" Huh?" Sagot nya habang nakatitig lang saakin. 

"Anong Huh, wag mong sabihin nagka amnesya ka?" 

Napabuntong hininga ako at napakamot na lang ng ulo dahil kung totoong wala syang maaalala ay mukhang problema na naman ito. 

" Ewan, hindi ko alam kung tama ba na sabihin na nag ka amnesya ako  pero sabihin na lang natin na pwedeng ganun na nga. " Sambit nito. 

" Huh? "Ano bang sinasabi mo dyan?"
 Nalito ako sa mga sinasabi nito saakin na para bang wala sya sa tamang pag iisip kaya naman napahawak na lang ako sa mukha ko. 

" Paano ko ba sasabihin? Masyado kasing komplikado pero kailangan kong malaman kung ano ang sitwasyon na kinahaharap ko ngayon." Pagpapatuloy nya. 

" Alam mo miss hindi ito oras para mag biro may mas malaki pa tayong problema." 

"Hindi naman ako nag bibiro at siguro naman pwede mo naman sagutin ang tanong ko. Sabihin na natin na may kunti akong hindi maalala sa mga nangyari ay Mali.
Sa maraming bagay kagaya ng lugar, kaganapan at sitwasyon natin ngayon." 

Hindi ko na masyadong ma gets ang gusto nyang mangyari dahil mukha naman malakas sya pero ano naman ang mapapala nya kung magbibiro sya sa alanganing sitwasyon na ito. 

" Wag kang mag alala may naaalala naman ako kahit konti pero mas makakatulong kung ipapaalala mo saakin ang ibang detalye." 

Masyado na akong na wewerdohan sa kinikilos at tinatanong nya lalo pa nagiging ma tanong sya at ang tono ng pananalita nya ay masyadong magiliw. 

Napakalayo nito sa ikinikilos nya kagabi na masyadong mapag mataas at halos ayaw akong kausapin. 

" OK miss, siguro naman natatandaan mo na nasa gitna tayo ng gubat na tirahan mismo ng mga halimaw at tayo ang nagbabantay sa hanganan." 

" Oh... Ganun pala. Tagapagbantay pala tayo ng bakod na yun. "

" Oo at dahil nasira na yun ay kailangan na natin makapunta sa pangalawang bakod ng kampo para humingi ng tulong. "

Ipinaliwanag ko ang sitwasyon namin bilang mga bayani na may tungkulin na pang alagaan ang mga natitirang sibilyan na nasa gitna ngayon ng kampo at sa reaksyon nya ay tila nagegets naman nya ang mga sinabi ko. 

Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa mga kinikilos nya lalo na nung hilahin nya ako para tanungin muli tungkol sa pagiging bayani nya at kasalukuyang estado nya sa lipunan. 

Kailangan namin ng mga mandirigma na kaya pang lumaban sa mga halimaw kaya hindi maganda kung may mangyayaring hindi Inaasahan sa pag iisip nya. 

" Kung ganun isa akong mandirigma na lumalaban sa mga halimaw. ang galling naman. Mukhang mag enjoy ako nito."

" Teka pwede bang malaman kung isa akong malakas na mandirigma o kaya kilala ba akong tao?" Tanong nito saakin. 

"Huh?"

Hindi ako makapaniwala sa naitanong nya at samahan mo pa ng werdong pag kilos nya habang winawasiwas ang kanyang sariling espada, tuluyan na ba syang nawala sa katinuan?
hindi ko na naman kayang sagutin ang mga tanong nya gayung hindi ko naman sya kilala pero baka mas magkaproblema kung malalaman nya na wala syang koneksyon saakin bilang isa akong lagalag at hindi orihinal na sundalo sa bayan.

magkaiba kami ng pinang galingang bayan at sa dinami dami ko ng nakasalamuha na tulad nya ay alam ko na ayaw nila na makasama ang hindi nila kilala sa takot na maisahan at mapahamak.

Napabuntong hininga ako at agad na kinausap ito tungkol sa delikadong sitwasyon namin dahil wala kaming oras para magkwentuhan dahil hindi namin hawak ang oras namin at maaaring may umatakeng halimaw ano mang oras mula ngayon sa oras na makita nilang nasira ang bakod. 

" Sampung minuto lang na pagtakbo ay mararating na natin ang pangalawang bakod at doon pwede mo ng ituloy ang kalokohan na yan." 

Naiwan na kami ng mga kasamaan namin na nauna ng umalis at walang tutulong saamin kung sakaling dagsain kami ng mga halimaw sa lugar na ito pero imbis na sumunod na lang ay agad nya akong binara at tila sinisisi kung bakit naubusan kami ng oras. 

" Ikaw naman may kasalanan kung bakit nila tayo iniwan. Kung hindi ka na tulog dyan eh hindi dapat nakaalis na tayo sa lugar na ito.
Dapat nga magpasalamat ka dahil binantayan kita."

Napangiwi na lang ako sa narinig kong panunumbat sa kanya at bigla syang nilingon at ipaalala sa kanya na sya ang unang natulog sa gitna ng laban at ako ang naperwisyo sa pag ba bantay sa kanya.

" Halos itaya ko ang buhay ko para balikan ka at iligtas sa mga halimaw kagabi tapos ako pa ang sasabihan mo na pabigat." Sambit ko dito. 

"Oh.. Talaga? Pinotektahan mo ako?"

"Oo at nakikita mo ba ang mga pinsala ko? Ikaw ang may kasalanan ng mga ito."

Napagtaasan ko sya ng boses at nagalit  dito dahil na rin sa pagbabaliktad nya sa tunay na nangyari at para bang wala syang utang na loob sa mga ginawa kong kabutihan sa kanya na halos mabaliw ako sa pag iisip at mamatay.

Pero napatigil ako bigla sa pag mamaktol ko ng bigla itong yumuko sa harap ko at humingi ng tawad. 

"Patawad, hindi ko alam ang nangyari pero kung totoo nga yun ay nag papa salamat ako sa ginawa mo." Sambit nya. 

"Ah sandali, ito may ginto ako dito, sayo na lang bilang ka bayaran." Sambit nya habang iniaabot saakin ang pitaka nya. 

" Ano? Teka bakit mo ako binibigyan ng pera?" 

Nagulat ako at hindi na makapag salita dahil sa tagal ko na sa trabahong ito ay ngayon lang ako binigyan ng kapwa ko mandirigma ng pera dahil lang sa tulong ko sa kanya. 

" Oh.. Kung kulang pa yan sayo na lang din ito." 

Inabot nya saakin ang isang bag ng pera at napangiwi na lang ako dahil agad kong na kilala ang marka sa pitakana inabot nya.
"Salamat pero paanong napunta sayo ang wallet ko?" 

" Oh.. Sayo ba yan? Nakita ko lang yan kanina sa lapag. Nakita ko may mga ginto kaya sayang naman kung di ko itatago." Mabilis na sagot nya. 

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at itinanging magnanakaw sya at nag alok ng kanyang serbisyo para lang pasalamatan ako. 

" Wag kang mag isip ng masama tungkol saakin at pangako na gagawin ko lahat para maka bawi sayo bilang pasa salamat sa pag liligtas mo." Dagdag nya. 

Napaka inosente ng mukha nya at wala akong nagawa kundi mapailing dahil hindi ako sanay na may taong nag papa salamat saakin ng ganun.

" Pero teka, kung totoo ang sinasabi mo na nag buwis ka ng buhay para protektahan ako ay bakit parang wala ka namang pinsala o kahit sugat sa katawan? " Sambit nito.

Nagulat ako sa nasambit nya at unti unting pinakiramdaman ang katawan. Tama sya sa nasabi nya na wala akong pinsala o kahit markha ng sugat sa katawan.

Paanong nangyari ito? Bakit nawala ang mga kalmot at kagat ng mga halimaw saakin?.

Dahil sa masyado akong naging abala sa pakikipag usap sa kanya ay hindi ko na naaalala ang tungkol sa mga sugat ko. Pero ang mas ikinagulat ko pa nung unti unti kong inalala ang mga naganap kagabi ay ang pabalik ng anyong tao ko.

Hindi pa ito nangyayari saakin at walang ibang paraan upang bumalik ako sa pagiging tao kundi dumaan sa isang high level spell.

" hoy mister, ano bang nangyari sayo? Natulala ka na dyan. Ayos ka lang ba?"

Masyadong nakakagulat ang mga nangyari saakin at kung iisipin ko ang mga naganap ay malaki ang tyansa na may kinalaman ang gintong enerhiya na nag mula sa babaeng ito.

" Anong ginawa mo saakin? Paano mo ako naibalik sa pagiging tao? "

" Huh? Ano bang sinasabi mo " Sagot nya saakin.

Sa reaksyon nya ay tila wala syang nalalaman sa mga nangyaring milagro at kahit na Ipinaliwanag ko ang tungkol sa pagiging hube ko ay hindi sya nagbigay ng maayos na kasagutan saakin.

" Huh? Kung ganun kalahating halimaw ka pala, ikaw nga yung halimaw na nakita ko kagabi. " tanong nya saakin. 

Hindi nya sinagot ang tanong ko sa anong klaseng mahika ang ginamit nya saakin kagabi upang mag balik ako sa pagiging tao ng ganun kabilis at pag galling ng mga pinsala ko. 

Imbis na ako ang nag hahanap ng kasagutan mula sa kanya ay sya ang patuloy na nag tatanong saakin tungkol sa pagiging hube ko. 

" Teka marami ba ang gaya mo? malalakas ba kayo? gusto ko malaman. " 

Hinawakan ko ang braso nya at p\ilit Ibinabalik ang tanong sa kanya.
 " Sabihin mo muna anong mahika ang ginamit mo para pagalingin ang pinsala ko at ibalik ako sa pagiging tao "

" Huh? Teka wala akong alam sa sinasabi mo. Sandali mister nasasaktan mo na ako. "

Sa higit isang sampung libong tao ay iilan lang ang kayang mag cast ng ganung kataas na uri ng mahika at ngayon lang ako nakakita na magic caster ng hindi gumagamit ng orasyon at engkantasyon. 

" hinaharas mo na ako. Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pang momolesya sa dalagang tulad ko, wala ka bang delikadesa at ganyan ka makitungo sa isang babae. " Sambit nito. 

" Huh? Hindi ko sinasadya. Pero teka hinahawakan lang naman kita at hindi minomolesya. " 

Agad ko syang binitawan at humingi ng tawad pero agad akong nagtaka sa ikinilos nya at tinatakot na kasuhan ako gayong isa syang mandirigma at hindi akma ang mga sinasabi nya na kakasuhan ako dahil lang sa hinawakan ko sya. 
ang ibig kong sabihin kayang protektahan ng mga tulad nya ang sarili a hindi na nila kailangan na umasa pa sa batas at kung kanino man.

Gusto ko man makipag usap at muling tanungin sya pero biglang may narinig akong kaka ibang tunog sa paligid. Isang tunog na nagmumula sa kagubatan. 

" Hindi maganda ito. May mga halimaw na papalapit sa atin."

Hindi na ako nag aksaya ng oras at humakbang na palayo para makaalis agad. Hindi ko tiyak ang kalagayan ng pag iisip ng kasama ko at mahirap makipaglaban sa daan daang kalaban ng may pinapangalagaan ka. 

" Kailangan na natin mag madali."

Inaasahan ko na sasabayan nya ako paalis sa lugar pero habang tumatakbo ako palayo ay nagulat na lang ako dahil wala sa tabi ko ang babae upang tumakas sa hanganan .

Agad ako huminto at lumingon sa likod ko at nakita ko na napaka bagal nitong tumakbo na tila ba hindi nag aalala sa sitwasyon namin. 

" Hoy! Ano bang ginagawa mo, kapag hindi tayo nag madali ay maaabutan nila tayo."

" Sinusubukan ko ang magagawa ko. Nakikita mo naman na tumatakbo na ako."

" Huh?" Seryoso ka ba? Napaka bagal mo. " sigaw ko. 

" Hindi ako mabagal. Masyado ka lang mabilis. "

Hindi ko alam kung bakit kailangan namin magtalo pero hindi ko nakikita ang kagustuhan nyang makaalis sa lugar na iyon dahil hindi sya gumagamit ng enerhiya para lumiksi at normal na tumatakbo lang kagaya ng isang sibilyan. 

Pinuna ko ang hindi nya pag gamit ng enhancer spell pero tulad ng nauna nyang reaksyon ay hindi nya itinangi na hindi nya alam iyon at itinatanong kung para saan ito. 

"Enhancer? Ano naman ang bagay na iyon?" 

Lahat ng tao ay gumagamit ng mahika o spell para magkaroon ng dagdag lakas, tatag at bilis. Kaya nilang gamitin ang enerhiya nila para magamit sa pakikipag laban at sa totoo lang kahit mga baguhang mandirigma ay alam ang bagay na yun. 

"Talaga marunong ako nun?" Pagtataka nya. 

"Teka ano pa ba ang kaya kong gawin?sabihin mo kaya ko bang lumipad? " magiliw nyang tanong. 

Nagpatuloy syang tumatakbo at ilang saglit lang ay napatigil ito sa pag abante at nag hahabol ng hininga.

" hoy miss bakit ka tumigil, talaga bang gusto mong makain ng mga halimaw at mamatay."

"Sandali lang naman. Nakakapagod ang tumakbo. Feeling ko mas mauuna akong mamatay sa pagod kesa sa makain ng halimaw." 

Napangiwi ako sa narinig ko dahil halos isang minuto palang syang tumatakbo at ni hindi pa sya nakaka abot saakin kahit binabagalan ko ng tumakbo.

Hindi pa natapos ang katigasan ng ulo nya dahil bigla syang tumalikod at humarap sa bakod habang hawak ang espada nya. 

" Mas gugustuhin ko pa mapagod sa pakikipag laban kesa sa pag takbo kaya sige mga halimaw lumusob kayo para makita ko kong ano ang kanyang gawin ng katawan na ito." Sigaw nito. 

Wala akong ideya kung hanggang saang level ang sapak nya sa ulo at kahit na hindi ko naman sya ka ano ano ay pakiramdam ko responsibilidad ko sya. 

Nagdududa ako kung kaya nya bang lumaban sa estado nya eh halos hindi ko maramdaman na gumagamit sya ng enerhiya bilang proteksyon sa katawan. 

Hindi rin tama ang paghawak nya sa espada nya habang winawasiwas ito na parang bata. Mapapabuntong hininga ka na lang talaga sa katigasan ng ulo nya. 

Binalikan ko sya at agad na binuhat para lang makaalis na kami sa lugar na iyon
" Sinabi ng wala tayong oras sa kalokohan. Hali ka nga dito." 
" woa- woah, sandali anong ginagawa mo ?

" Inililigtas ka sa kabaliwan mo dahil sa tingin ko hindi mo kayang gawin yun sa sarili mo ."

Hindi na ako nag aksaya ng oras at gumamit na ng enerhiya para mabilis in ang pag takbo ko.
Tumalon ako ng napakataas at habang ginagawa ko yun ay sya naman sigaw ng babae na halos magpabasag sa eardrum ko. 

" ahh!!! Hoy! Sandali. Bitawan mo ako gusto kong makipag laban." 

" Wag kang malikot, kundi ilalaglag kita. "

Nag patuloy itong nagsasalita habang buhat buhat ko at para syang sutil na bata na nagmamaktol pero kahit na ganun ay hindi ko sya pinag bigyan sa gusto nya dahil kung may mangyari sa kanya ay mawawalan ng saysay ang ginawa kong pag sasakripisyo kagabi. 

" Ano ka ba? tyansa ko na para makaranas ng totoong pakikipag laban. Sinisira mo ang mga pangarap ko sa buhay." Sigaw nito habang winawasiwas ang hawak nyang espada. 

" Tumigil ka na, kailan pa naging pangarap ang pagpapakamatay ?" Tanong ko dito.
" Hindi mo ako naiintindihan, isa akong mandirigma dapat lumalaban ako para sa hinaharap. "

Ano bang sinasabi ng isang ito ? hindi ko alam kong pinag titripan nya ako o hindi. nalalaman nya ba na kapag iniwan ko sya dito ay wala na syang hinaharap na aantayin.
kung busalan ko na lang kaya ang bibig nya para lang tumigil sya kakasalita ?

" Gusto kong makipag laban. Hayaan mo akong makipag laban. " Pagmamaktol nito. 

Patuloy syang nagpupumiglas pero dahil sa pinapakita nya ay nakaka siguro ako na wala sya sa tamang pag iisip para lumaban. 

Wala akong ideya sa sino ang babaeng buhat buhat ko ngayon at sa totoo lang hindi ko ugali ang maki elam sa buhay ng iba at magdikta lalo na isa rin syang mandirigma kagaya ko na malayang gawin ang gusto nila. 

Unang beses kong makaranas na kinakailangan ko pang pilitin ang isang tao na Iligtas ang sarili nya pero wala sa isip ko kong magalit man sya saakin dahil sa ginagawa ko.
Basta ang alam ko ay kailangan maisama ko sya at kasamang makaligtas dahil ibang iba ang nararamdaman ko sa isang ito.

Pakiramdam ko mahalaga sya saakin at hindi ako mapapanatag kung hahayaan ko syang mag isa at manganib.

Dahil siguro kailangan kong malaman ang pambihirang pangyayari na naganap kagabi sa katawan ko o baka masyado lang akong nagiging interesado sa kanya.
anot ano pa man ang dahilan ay siguro dapat ko munang sanayin ang sarili kong pag tiisan ang kadaldalan nya.

.

End of chapter 5.

undefined

Alabngapoy Creator

episode 5 part 2