Sa gitna ng aking pakikipag usap sa isang babaeng mandirigma na kasakasama ko sa hanganan ng kampo ay may natuklasan ako sa sarili ko.

Ang katotohanan na wala akong ganap na kaalaman para sagutin ang mga katanungan ng isang taong nag hahanap ng kasagutan tungkol sa bakit kami naririto sa mundong ito. dahil kahit ako ay kumakapit na lang sa  bulag na pananampalataya. 

Nalulungkot ako habang pinag mamasdan ang babaeng nasa harap ko na ngayon ay umiiyak. Nakaluhod ito at nag mamakaawa sa kalangitan na sagutin ang kanyang mga katanungan kong bakit nga ba kailangan naming mabuhay sa mundong hindi namin ninais.

Wala akong magawa kundi pakinggan ang kanyang mga hinanakit at daing. Gusto ko man syang tulungan o kahit paga-angin man lang ang nararamdaman nyang sakit ngunit hindi ko kayang sagutin ang kanyang mga tanong at mas pinili na manahimik habang nakatingala sa kalangitan.

Patuloy na umiihip ang malamig na hangin sa paligid habang nakatingala ako sa kalangitan upang pag masdan ang libo libong bituwin na ngayon ay malinaw ng nakalitaw sa kalangitan. 

Muli na naman na sumapit na ang dilim sa aming kinalalagyan at oras na naman upang lumaban sa mga halimaw. Kailangan naming maging matatag at ipagpatuloy ang laban upang mabuhay pa hanggang sa makakaya namin.

Pero habang nakatingala ako sa kalangitan ay bigla akong may naramdamang kaka Ibang presensya. Isang presensya na napakadalisay at saglit na nagpatulala saakin.

Sa paglingon ko sa babaeng kasama ko ay nakita ko ang mga gintong liwanag na unti unting pumapalibot sa kanya. 

"Teka anong klaseng presensya ito?"

" Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kadalisay na presensya, higit pa ito sa mga presensya ng babaylan sa Central." Bulong ko. 

Nagliwanag ang kapaligiran dahil sa mga nag lilitawang gintong enerhiya sa paligid ng babae. Para itong mga alitaptap na nag aangatan at sumasayaw sa paligid namin.

Kamangha mangha at sa sobrang pagkabigla ko sa pambihirang pangyayaring nasasaksihan ng mga mata ko ay hindi ko magawang mag salita pa. 

Ngunit kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin na halos magpapikit sa aking mga mata ay bigla itong naglaho sa paligid namin kasama ang misteryosong presensya na naramdaman ko.

Kasabay din ng pagkawala nito ay ang pag bagsak ng katawan ng babaeng kasama ko sa lupang niluluhuran nya. 

" Sandali binibini, anong nangyari sayo?"

Napahiga ito sa pagkakaluhod nya kaya naman nag alala akong baka may nangyari na dito na masama. Agad ko syang nilapitan at inalam ang kanyang lagayan. 

" Binibini anong nangyari sayo? Hoy! Ayos ka lang ba?"

Pinipilit ko syang gisingin ngunit tila talagang nawalan sya ng malay tao. Hiwakan ko ang gilid ng leeg nya upang pulsuhan  sya at sa tingin ko ay normal lang ang tibok ng puso nya.

"Mukhang nakatulog sya." 

Wala akong ideya sa mahiwagang nangyari sa mga Sandaling iyon halos napabuntong hininga na lang ako dahil naibsan ang pag aalala ko sa kanya.

Maya maya pa ay may narinig akong kalukos mula sa madilim na gubat ilang metro mula sa aming kinalalagyan.

" Naku naman, hindi ko gusto ang naririnig ko, palusob nanaman ang mga halimaw."

Isa akong Hube at hindi kagaya ng normal na tao ay matalas ang pandinig ko at alam ko na ang mga kalukos na nagmumula sa kagubatan ay mula sa mga tumatakbong mga halimaw palapit sa hanganan. 

Ang binabantayan naming hanganan ay may bakod na gawa sa kahoy at pinag patong patong na malalaking bato na sa kabuan na labing limang talampakan na taas .

Nagawa ito gamit ang pag tutulong tulong ng mga sundalo at mahika ng ilang magic caster sa hanay sa halos ilang lingo namin sa kagubatan na iyon. 

Ilang segundo lang ang lumipas ay pinatunog na ng mga kasama ko ang kampana upang balaan ang lahat sa pag atake ng mga halimaw. 

" Nagsimula na" 

Iilan na lang kaming nagbabatay sa itinayong harang at kailangan na namin mag balik sa kanya kanyang pwesto namin kaya naman pilit kong ginigising ang babaeng kasama ko.

" Hoy! Binibini alam ko masarap ang matulog pero hindi mo pwedeng gawin yan sa oras na kagaya nito." 

Kahit anong tapik ko sa babaeng ito ay hindi ito magising at sa bawat segundo na lumilipas ay lumalakas pa ang mga yabag ng mga paa na naririnig ko. 

Kung tatanyahin ko ay nasa isang libong halimaw ang papunta ngayon sa kinaroronan namin.

Kung makakatawid sila sa bakod ay hindi na namin sila mapipigilan na maka punta sa gitna ng base kung nasaan ang mga sibilyan.

" Ano bang gagawin ko sa isang ito."

Tungkulin ko na bantayan ang pwesto ko pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang isang ito dito habang walang malay.

 Walang bantay ang pwesto nya at tiyak ay makakapasok ang mga halimaw sa bakod at kapag iniwan ko sya ngayon dito ay tiyak na pagpipyestahan sya ng mga iyon para maging hapunan.

Sa isang banda hindi ko naman pwedeng hindi puntahan ang pwesto ko dahil baka doon pa makapasok ang mga halimaw.

" Malaking problema kapag nakapasok ang mga halimaw. Paki usap naman binibini gumising ka na dyan." 

Wala na akong ibang maisip na iba pang paraan dahil nauubusan na ako ng oras kundi buhatin sya at pumunta sa bakod para doon itago.

Kahit na hirap ay pinilit ko syang buhatin at agad na mag madali. " Pambihira naman, ako itong may mas maraming pinsala sa katawan sa ating dalawa. Ako dapat ang tinutulungan mo." 

Nakakatawang isipin na ako ang dapat ang humihingi ng proteksyon sa kanya pero bakit parang nabaliktad yata ang sitwasyon namin. 

" Ako ang nanghihingi ng proteksyon kanina mula sayo pero parang ako pa ang poprotekta sayo? "

" Dito ka lang binibini. Sisingilin kita mamaya pagkatapos nito.

" Yun kung makakabalik pa ako. " Bugtong hininga ko

Agad akong tumayo at tumalon para umakyat sa kahoy na bakod. Mula sa itaas ay natatanaw ko ang mga halimaw na tumatakbo palapit sa mga bakod. 

" Hindi maganda ang nakikita ko. Parang hindi sila nauubos sa araw araw na paglusob nila. "

Ilang metro lang mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko na kulang ang mga bantay na umakyat sa mga bakod para bantay an ang pwesto nila. Hindi ko alam kung tuluyan na silang nawala ng gana upang bantay an ang pwesto nila o baka dahil sa pinsala nila ay hindi na nila kayang umakyat pa at magtaboy ng mga halimaw.

Hindi matatalino ang mga halimaw na ito at karamihan sa kanila ay sumasabay lang sa mga malalakas at nakikinabang lang sa tapang ng Ibang halimaw.

Marami dito ay hindi kayang umakyat sa bakod at takot sa mga apoy sa mga sulo na nakasindi sa itaas ng bakod. Gayumpaman dahil ilan sa mga pwesto ay walang bantay ay marami sa mga sulo ang hindi nakasindi.

" Bakit walang nagsindi ng mga sulo?"

Agad Kong sinindihan ang kaldero na puno ng kahoy na nasaharap ko upang magsilbing siga. 

Sa tulong nito ay mababawasan ang bilang ng mga halimaw na magtatangkang umakyat sa bakod dahil sa mga apoy pag tapos nun ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na kumuha ng kahoy na may apoy upang puntahan ang ibang pwesto.

Itinakbo ko ang itaas ng bakod at isa isa kong sinilaban ang mga sigang walang mga apoy para lamang mabawasan ang mga halimaw na aakyat sa mga bakod.

Kasamaang palad ay nag simula na ang ilan sa mga halimaw sa pag akyat sa bakod at hindi ito maganda para saaming lahat. 

" Naloko na, Hoy kayo!! Puntahan nyo ang ibang siga para sindihan."

Wala akong sapat na oras para puntahan at sindihan lahat ng siga lalo na walang bantay sa ilan sa mga pwesto. Nagawa na rin maka akyat ng Ibang halimaw at atakehin ang mga nag babantay. 

" Wag kayo basta tumayo dyan. Maraming siga ang walang apoy. "

Sinubukan ko pang dumeretso sa pag takbo ngunit hinarangan na ako NG mga halimaw na nakaka akyat na sa bakod. 

Agad akong sinungaban ng isa na nasa harap ko pero madali ko lang itong na iwasan at nagawa ng tadyakan palayo upang ihulog muli pababa ng bakod.

Walang tigil ang mga ito sa pag atake at kahit mas malakas at mabilis ako sa kanila ay hindi ko kanyang umusad pa upang gawin ang trabaho kong sindihan ang mga siga. 

"Tulong!! Arhhh!!!!!" 

Kasabay ng kabiguan namin na masindihan ang lahat ng siga ay isa isa ng nagtatalo at kinakain ng mga halimaw ang mga kasama ko sa itaas ng bakod.

Hindi ko magawan tulungan ang marami sa kanila dahil na rin abala akong nakiki pag laban sa mga umaatakeng halimaw saakin. 

Dahil sa nahihirapan na rin kumilos ang katawan ko ay may mga halimaw na nagagawa akong makalmot at dahil doon kinakailangan kong tumakbo palayo sa kinaroroonan ko.

" Hindi maganda ito. Habang tumatagal ay lumalala ang sitwasyon ko."

Dahil sa unti unting pag kaubos ng mga kasama ko at pag dami pa lalo ng mga halimaw sa itaas ay unti unti na akong nawawalan ng pag asa. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko sa mga tagpo na iyon pero kung bababa ako sa itaas ng bakod ay mag sisimula ng mag babaan ang mga halimaw at kakalat sa lupa upang puntahan ang mga sibilyan. 

" Hindi ko gustong gawin ito pero mukhang wala na akong pag pipilian." 

Dahil nasa alanganing sitwasyon na ako ay naisipan kong tumakas at tumalon sa ibaba para I ligtas ang sarili. 

Simple lang kasi ang utak ng iba sa mga halimaw na ito at ang kanilang ginagawa sa paglusob sa tao. Dahil sa mahihina sila ay sama sama nilang aatakehin ang sino mang Inaatake ng mga kasamaan nila. 

Masyado silang marami at hindi na ako makagalaw ng maayos kung lahat sila ako ang nakikita pwedeng atakehin. 

Napapikit na lang ako sabay talon sa ibaba dahil alam ko na ang magiging resulta ng ginawa ko ay syang magdadala sa kamatayan sa mga kasama ko sa itaas. 

Nagawa kong makalapag ng maayos at makatakbo pa palayo dahil nabaling ang atensyon ng mga halimaw sa mga kasama ko. 

" Kailangan kong makalayo sa kanila." 

" kailangan kong makapunta sa pangalawang bakod, hindi na maganda ang sitwasyon namin." 

Dahil sa pangyayaring iyon ay napagtanto ko na hindi na maganda manatili pa sa hanganan at dahil tuluyan na naubos ang mga nagbabantay dito ay wala na akong magagawa kundi isuko sa mga halimaw ang hanganan. 

Gayumpaman hindi pa naman huli ang lahat para saaming mga nasa kampong ito dahil may pangalawang bakod ang naitayo ang mga tao sa lugar na iyon sa lumipas na isang buwan na pagbabantay namin sa mga hanganan. 

Hindi ko alam kung ilang sundalo ang nagbabantay sa pangalawang bakod dahil hindi ko pa iyon nakikita pero siguro naman kaya nitong pigilan ang mga halimaw kahit ngayong gabi lang. 

Tumakbo ako paalis upang iligtas ang sarili ko at habang ginagawa ko iyon ay umaagos ang dugo sa katawan ko dahil sa kalmot na natanggap ko sa mga halimaw.

Napakahapdi at napakasakit na ng katawan ko. Napapagod na rin ako sa ginawa kong pakikipag laban. Kung sana naging sapat ang paghinga ko nitong mga nakaraan araw ay naka bawi sana ako ng lakas at hindi ko dadanasin ang kahihiyan na umatras laban sa mga mahihinang halimaw na ito. 

" Pagtatawanan ako ng guro ko kapag nalaman nyang tinakbuhan ko ang mga mahihinang halimaw na ito pero hindi na maganda ang kalagayan ko."

Ilang segundo lang habang tumatakbo ay bigla akong napahinto sa pag takbo.

" Sandali oo nga pala yung babae."

Nilingon ko ang pwesto na pinagtaguan ko sa kanya at maswerteng wala pang halimaw ang bumababa sa kinaroroonan nya.

Ilang metro lang iyon mula sa kinatatayuan ko at maaari kong marating ito sa loob lang ng isang minuto gayumpaman ay nag alangan akong sumugal na bumalik dahil malaking oras ang masasayang saakin kapag binalikan ko sya para sagipin.

" Pambihira,  nagkakagulo na pero hindi nya man lang nagawa ng gumising."

Hindi ko alam kung bakit nagawa kong balikan ang babae iyon para tulungan gayong iniwan ko ang mga kasamaan ko sa itaas ng bakod para iligtas ang buhay ko. Tama, naging masama akong nilalang nung mga oras na  gamitin kong pain ang mga kasama ko pero heto ako at babalik sa lugar na iyon. 

Napaka tanga ko pero hindi ko na mapigilan ang mga paa ko na tumakbo papunta sa kinaroroonan nya. Hindi ako sigurado kung magagawa ko syang protektahan pa kung sakaling atakehin ako ng mga halimaw ulit pero ano itong nararamdaman ko? 

Hinasa akong makipag laban at mag isip ng matalinong pasya sa gitna ng mga ganitong sitwasyon at alam ko sa sarili ko na kahit saang banda ay isang katanga han ang ginagawa ko. 

Hindi sya ganun ka importante para saakin at walang ano mang halaga. Ano naman ang mapapala ko sa isang pangkaraniwang mandirigma? 

" Ano bang ginagawa ko? Nasisiraan na yata ako." 

Nag patuloy ako sa pag takbo at habang lumalapit ako sa pwesto ng babae ay nakikita ko ang pag dami ng mga halimaw na tumatalon pagbaba ng bakod. 

Napakahangal ko. Alam ko na maaari na mag babaan ang mga halimaw ilang segundo lang pag tapos kong tumakas at sa oras na mapalibutan ako ng mga halimaw ay katapusan ko na. 

Wala na akong Ibang pagkakataon pa para makatakas sa mga sunod sunod na pag atake nila. Gayumpaman. Bakit ganito? 

Bakit tila ayaw huminto ng mga binti ko sa pag takbo? Alam ko sa sarili ko na kahangalan ang ginagawa ko pero hindi sumasang ayon ang katawan  kong ito sa dapat na gawin ko. 

Malinaw sa isip ko na dapat na kailangan kong umatras at iwan ang babaeng iyon para iligtas ang sariling buhay ko pero iba ang ginagawa ko sa iniisip ko. Siguro dahil isa akong bayani at misyon ko na pangalagaan ang mga tulad nya o baka naman dahil sa naging interesado ako sa kanya? 

Ano pa man itong bumabagabag saakin ay kailangan ko ng mag madali dahil lalong dumadami na ang mga halimaw sa paligid at nagawa na rin ng mga ito na makababa sa bakod kung nasaan ang babaeng iyon. 

" Naloko na, hindi ako aabot." 


- End of POV. - 

Habang patuloy ang pagpasok ng mga halimaw at pagtawid nito sa bakod ay sinisira naman ng iba ang mga tarangkahan ng bakod dahilan upang makapasok ang mas marami pang halimaw. 

Isa sa mga nasirang tarangkahan ay ang bakod na binabantayan ng mandirigmang si Daniella na ngayon ay kasalukuyang natutulog. 

Sa pag pasok ng mga ito ay agad na napansin ng mga halimaw si Daniella at walang pagdadalawang isip na umatake sa nakahigang dalaga. 

Sinungapan nila ito at tinalunan subalit bago pa man nila magawang masaling ang dalaga ay may malakidlat na sipa ang sumalpok sa mga ito. 

" yaahh!!!" 

Nagawang umabot sa oras ni Leo at nasagip si Daniella sa tiyak na kapahamakan.  " Binibini, Binibini ayos ka lang?" 

Agad nyang nilapitan ito at pinipilit na gisingin pero mahimbing parin itong natutulog. " pambihira natutulog ka parin ? " 

"Gumising ka na Binibini kundi habang buhay ka ng matutulog dyan." 

Wala ng nagawa si Leo kundi buhatin si Daniella at kahit na may nararamdamang pinsala sa katawan ay tiniis nya itong akayin para lang makaalis sila ng ligtas sa kinaroroonan. 

Gayumpaman hindi sila ganun ka swerte dahil nagkalat na ang mga halimaw sa paligid nila at dahil sa pag takbo nila ay nakuha nito ang atensyon ng mga halimaw. 

Napatigil sa pag takbo si Leo dahil sa pag harang sa kanila ng higit na sampung halimaw. Lumingon si Leo upang humanap ng matatakbuhan ngunit sa bawat dereksyon nila ay wala syang Ibang nakikita kundi ang daan daang halimaw na tumatakbo at palusob sa kanilang dalawa. 

" Hindi maganda ito. Mukhang magiging mahaba at masakit ang gabi ko." 

Nagsimulang sungaban sila ng mga ito mula sa ibat Ibang dereksyon ngunit bago pa sila tuluyan na masakmal ay may kumalat na enerhiya sa paligid nila na syang nagpatalsik sa mga halimaw. 

Isang hiyaw ang nagpakawala ng napakalakas na pwersang nagpatalsik sa mga lumalapit na halimaw mula sa kinaroroonan nila at syang humawi sa malaipo ipong enerhiya na bumalot sa paligid. 

Kumalat ang mga parte ng katawan ng mga halimaw na tinamaan nito at nag atrasan ang ilang halimaw habang patuloy na kumakalat ang nakakatakot na enerhiya sa paligid na tila usok.

Sa mga sandaling ito ay unti unting napapalibutan ng kulay kahel na enerhiya si Leo habang buhat buhat si daniella at kasabay nito ay ang pagbabago ng anyo ng ilang parte ng katawan ng binata bilang hube. 

" Pinagbawalan akong gamitin ito sa simpleng laban pero mukhang hindi ko na maiiwasan na itago pa." Sambit nya habang unti unting lumalabas ang mga pangil nito.

Naging halimaw ang mga binti nya at braso. Humaba rin bahagya ang kanyang buhok at unti unting nagiging halimaw na Leon ang itsura ng mukha nito. 

" Kung gusto nyo talagang kainin ang babaeng ito ay kailangan nyo munang dumaan sa ibabaw ng bangkay ko. "

Tuluyang napalitan ng isang nakakatakot na anyo ng hube na malayong malayo sa maamong mukha nito. 


End of part 1 of episode 

undefined

Alabngapoy Creator

episode part 1