" Leon ng Kabo " Part 2


Leo's PoV.

Madalas may mga bagay tayong hinihiling masama man o mabuti na bigla na lang dumarating saatin ng hindi natin inaasahan .
Minsan sa paraan pa na iba sa inaasahan ,uri at pinaniniwalaan.

Ang pag sumpa ko at pag hiling sa kamatayan ng mga nilalang na dulot ng aking depresyon at saloobin ay matapang kong iniisip sa utak ko tuwing nagagalit ako sa mundo pero hindi ko na isip ang kahandaan ko sa oras na dumating na ito .

Hindi ako naging handa sa naging resulta at sa totoo lang hindi ako kailanman magiging handa sa isang bagay na alam kong hindi ko makakayang pag daanan .

Hindi man ganap na nangyari ang mga hiniling kong pagkawasak sa mundo pero tila ba kasama ang pagkaubos ng aking ka tribo sa ninais kong mangyari .

Nakakahiyang isipin na napakatapang kong manumpa ng mga bagay bagay pero takot akong harapin ito at tila duwag na paslit na inunang mailigtas ang sarili sa kamatayan .

Siguro nga hindi ako ang may kasalanan , Hindi totoo na ang dahilan nito ay ang masamang kahilingan na nabuo sa isipan ko pero gayumpaman .

" Gayumpaman ... ipinakita ko na naging duwag ako sa kamatayan at napatunayan na mahina sa maraming bagay. "

Nakakahiya ... talagang nakakadismaya ang pagiging walang kwenta .

~

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng pangyayari sa tribo ng Kabo .
Nagising na lang ako ay nasa loob na ako ng bayan ng galiga at nagpapagaling sa isang maliit na pagamutan . Malinis na ang puting balahibo ko sa katawan na naligo ng pulang dugo ng mga Hube sa gitna ng digmaan . Dito ko nalaman ang naganap na paglusob ng higit sampung libong halimaw sa nayon namin . Totoong isang himala na nabuhay pa ang mahina at lampa na kagaya ko .

Milagro itinuturing ng marami ang pagkakaligtas ng kagaya ko kaya naman mabilis na pinag usapan ito sa boung Galiga. Tama, maswerte nga ako at buhay pa ako hanggang sa ngayon .

Pero sandali ? Himala ? Ano nga ba ang himala sa nangyari ? iniisip ko ba na biniyayaan ako ng langit ng isang milagro kaya ako nakaligtas ?
Ako na may kagustuhang magunaw ang mundo at wakasan ang buhay ng kapwa ko ?

Hindi ko maunawaan kung bakit buhay pa ako sa gitna ng mga masasamang pag iisip ko . Hindi ako nararapat sa milagrong ito ?
Bakit ako pa ang dapat maligtas ?

Sa gitna ng mala impyernong sitwasyon na iyon ay napakaraming humihiyaw ng saklolo , mga taong gustong mabuhay pa at mga taong karapatdapat na maligtas .

" Kaya bakit ako pa? "
Ano ang dahilan ?

Puno ako nang pagtataka sa mga bagay bagay na sinabayan ng pangungulila sa pagkawala ng pamilya ko at mga kaibigan sa tribo .

Isa parin akong tao kahit na may bahagi akong halimaw sa panlabas na anyo ko kaya tinataglay ko ang sari saring emosyon na ngayon nagpapalubog saakin sa matinding depresyon .

Lumipas pa ang ilang araw ay tuluyang gumaling ang mga pinsala ko at sa awa ng may ari ng pagamutan na si Doktor Gakan ay kinopkop nila ako sa kanilang pangangalaga sa gitna ng usap usapan na magiging banta ako sa kaligtasan ng mga pasyenteng naroon.

Marami ang humusga saakin dahil lang sa mabangis na anyo ko bilang taong leon pero gayumpaman may iilang tao ang nagpakita saakin ng magandang pakikitungo.

Naging mabait ang pamilya ng doktor saakin na halos ituring akong tunay na tao , binigyan ako ng damit, pagkain, matitirahan at higit sa lahat binigyan nila ako ng pangalan bilang si " Leo " pero dahil parin nga sa anyo kong isang halimaw na leon ay pinagbabawalan parin nila akong makisalamuha sa mga pasyente sa loob ng gusali . pinagsabihan rin nila ako na hindi ako maaaring lumabas sa gusaling kinalalagyan ko at magpakita sa Galiga .

Hinayaan ako ng gobyerno na manatili sa loob ng bayan ng mga tao sa kondisyon na hindi ako maaaring makita ng mga ito sa labas upang hindi magdulot ng takot at pangamba.
Naglagay sila nang isang uri ng mahika na magkukulong saakin sa pagamotang iyon .

Hindi ko na ito inalmahan kahit na tila nabubuhay ako na pawang hayop na nakakulong sa hawla . Masaya na akong nabubuhay at kuntento na akong may iilang tao na tumanggap saakin sa kabila ng pagkaka iba ko sa kanila .

Tama, ganun na lang yun ..

Naging komportable ako sa lugar na iyon pero habang lumilipas ang mga araw , buwan at taon ay tila hindi ako nakukuntento sa maliit na lugar na kinalalagyan ko . Alam yun ng doktor kaya nagpasya itong alokin akong isama sa central upang doon mamuhay .

" Sa oras na makapunta ka sa central ay makakapag aral ka at makakamit mo ang anyo kawangis ng isang tunay na tao . " Sambit nito.

" Malaya kang makalalabas doon at maeenjoy ang buhay , malayong malayo sa kalagayan mo sa bayan na ito " Dagdag nito.

Ang central ay tumatangap ng mga hube at kung makakarating kami roon ay pwede akong mag aral at mamuhay na katulad ng mga normal na tao kagaya ng sabi ng doktor.

Gayumpaman ang pag punta sa Central ay hindi simpleng bagay at kahit na posible ay maliit lang ang tyansa na makarating ako roon ng ligtas. Ipinaliwanag saakin na pwede akong mamatay sa gitna ng daan kung sakaling magdesisyon akong pumayag sa alok ng doktor na umampon saakin .

" Gagastusan ko ang pagpapadala sayo doon at gagawin ang lahat upang magawa mo ito kaya magdesisyon ka mabuti sa gusto mong mangyari. " Wika ng doktor saakin .

Noong mga panahon na iyon ay wala akong ganap na dahilan upang gustuhin kong magtungo sa central , nasa labing anim na taon gulang lang ako at isa lang akong binata na nababagot sa buhay at naghahanap ng mas malayang pagkilos sa syudad ng mga tao .

Oo, Siguro nga gusto ko ng kalayaan pero hindi yun sapat na dahilan para sumugal ako sa hindi tiyak na pag lalakbay na maaari kong ikamatay .

Iba ang katapangan sa kahangalan , Hindi naman dahil sa ayoko lumisan dito eh ibigsabihin duwag na akong sumuong sa kamatayan , sadyang may pagpipilian lang akong mas madaling bagay .

Hindi rin naman masama siguro ang mamuhay sa pagamutan na ito , Hindi na rin masama ang magiging buhay ko basta ang mahalaga ay nabubuhay ako .

" Kailangan mo magdesisyon at maging matapang , Hindi habang buhay ay mananatili ka sa lugar na ito . " Sambit ng Doktor saakin .

Alam ko na nasabi yun ng doktor saakin hindi upang palayasin ako sa poder nya kundi upang maging handa ako sa posibilidad na mangyari . Tama , Sa panahon na iyon ay matatanda na ang mag asawang doktor na kumukopkop saakin kaya naman gusto nilang masiguro ang kinabukasan ko sa oras na lisanin nila ang mundo .

Kailangan kong mag desisyon at dapat akong maging matapang pero upang magawa iyon ay kailangan ko ng ganap na dahilan . Isang masidhing pagnanais na makamit ang isang bagay na magsisilbi kong lakas upang magpatuloy at mangarap .

Pero ano nga bang pwede kong pangarapin pa ? Ano pa bang bagay ang pwede kong gustohin gayung pakiramdam ko isinumpa ako ng langit ?

" Nawala ang mga katribo ko , kaibigan at boung pamilya . Nawala na ang lahat saakin kaya sa tingin ko kalokohan na lang ang paghahangad na may kahahantungan pa ang buhay ko " Bulong ko sa sarili .

Naglaho ang lahat saakin at ngayon nakakulong sa gusaling ito , Pakiramdam ko ay inalisan ako ng langit ng karapatan mabuhay ng maayos at masaya .

Alam ko na kinatatakutan ako ng mga tao at hindi nila ako kayang tanggapin dahil sa itsura ko . Alam ko rin na ano mang oras ay pwede nila akong pagkaisahan at patayin .

Kaawa awa ang naghihintay na kapalaran saakin pero siguro parusa ito ng langit . Tama, Hindi ito nagkataon lang kundi sinadya .

Siguro narinig ng diyos ang napakasama kong pag paghahangad ng masamang bagay kaya pinarurusahan nya ako . Tinatanggap ko ngayon ang bunga ng negatibong pag iisip ko noon.

Hindi isang milagro ng langit ang natanggap ko noong maligtas ako sa kamatayan kundi isang sumpa .
Hinayaan ng diyos na mabuhay ako at maligtas sa trahedya upang dumanas ng kaawa awang buhay .

Kasalanan ko ito . Wala akong dapat sisihin sa mga naganap kundi ang sarili ko at wala akong dapat na gawin kundi manatili sa lugar na ito upang tanggapin ang buhay na ito . hindi dahil gusto ko ito kundi dahil ito ang nais saakin ng kalangitan .

Lumulubog ako sa sarili kong kadiliman at gawa gawang pagdadahilan na nabubuo sa magulo kong isipan .

Noong mga oras na iyon habang nalulokmok ako sa kadiliman at nababalutan ng mga negatibong pananaw sa tunay na naganap ay may biglang sumagi sa aking isipan .

Sumagi sa isip ko ang larawan ng isang mandirigmang babae . Ang matapang na dalagang dinaig ako sa maraming bagay . Muli kong napagtanto na maaaring magkasing edad lang kami noong mga panahon na iyon pero iba sa akin ay nagpakita ito ng tapang, husay at higit sa lahat ay pag asa sa gitna ng kadiliman ng buhay.

Dito ko muling naalala ang mga nasabi nito saakin .

" Kasalanan ang maging mahina sa mundong ito at bilang isa sa mahihina ay kailangan mong tumanggap ng parusa. "

" Sa ngayon wala kang ibang gagawin kundi mabuhay para sa mga namatay ."

Nabigyan ako ng liwanag ng pag asa nang muli kong maalala ang mga winika nya .
Hindi ko alam kung bakit pero napatayo ako bigla sa kinauupuan ko ng mga oras na iyon na tila ba nasasabik ako . Ewan , siguro dahil iniisip kong mapupunan nito ang wala saakin .

Magkakaroon ako ng isang dahilan upang magpatuloy sa buhay , Takasan ang pagiging walang kwenta at mahina .

" Kailangan kong maging malakas , kung magiging malakas ako hindi ko kailangan dumanas ng ganito ."

Matagal na panahon akong naging mahina at dahil doon wala akong nagawa , wala akong naprotektahan . Dahil sa isa ako sa mahina ay nawala ang lahat saakin at tumatanggap ngayon ng kaparusahan ng mundo .

Sa mga sandaling iyon ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dali daling tumakbo papunta sa opisina ng doktor.

Nadatnan ko ito na may kausap na mga pasyenteng nakapila sa lamesa nya pero binale wala ko ito at walang galang na pumagitna sa usapan nila para lang makuha ang atensyon ng doktor .

" Doktor , Hindi ko alam kong natatandaan nyo sya pero kilala nyo ba ang taong nagligtas saakin dito nung araw na dinala ako dito ? " Malakas na sambit ko .

" Huh ? D'yos miyo kang bata ka tinatakot mo ang mga pasyente ko . " Sambit nito habang pinapatabi ako .

Bakas sa mga taong naroon ang pangamba at takot dahil sa ikinilos ko . Hindi ako masagot ng doktor ng deretso at patuloy na pinapahinahon ako at pinapapasok sa isang kwarto .

" Paki usap doktor sabihin nyo kung kilala nyo sya . Nais ko syang makita . "

" Ay naku Leo , pwede ba huminahon ka at pumasok ka muna sa loob . " Sambit nito saakin.

Agad kong napansin na nag aalisan ang mga pasyente sa loob ng kwarto dahil na rin sa takot . Kahit na matagal ko ng tanggap ay masakit sa loob ang katotohanan na nilalayuan ako dahil sa itsura ko .

Hindi na ako nagpumilit pa at sumunod sa utos ng doktor na mag hintay na matapos ang trabaho nya upang maka usap ako ng maayos .

Halos hindi ko nagawang umupo sa loob ng kwartong pinasukan ko at matyagang tumayo sa harap ng pinto upang mag hintay sa pagpasok ng doktor . Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kasabikan na makilala ang babaeng mandirigma na nagligtas saakin .

Wala akong ideya sa ano ang ginagawa ko basta kailangan ko syang makita , Sa loob ng kwarto na iyon ay unti unting nabuo sa isipan ko ang mga posibleng bagay na kailangan ko upang mag asam pa ng mas higit na buhay ko .

" Kailangan ko syang makita at mapasalamatan sa ginawa nya. " Bulong ko .

Unti unti kong naalala na ibinuwis ng babaeng iyon ang buhay nya upang maligtas ako sa libo libong halimaw . hinarap nya ng walang takot ang mga kalaban para lang isalba ang buhay ng kagaya ko .

Isa syang tao na iba sa uri nya kaya bakit nya ako iniligtas ? Bakit ako pa ang naisipan nyang pangalagaan ng mga oras na iyon kahit na marami ang humihingi ng tulong sa paligid nya .

Nais ko yun malaman , Gusto kong marinig mula sa kanya ang katotohanan at mangyayari lang iyon kung makakaharap ko sya .

Makaharap sya ? pero posible ba iyon ? Dahil sa pagka sabik ko ay nakalimutan ko na may barrier ang gusaling ito na pumipigil sa tulad kong Hube na lumabas .

Kahit na may katawan akong bilang halimaw na leon ay wala akong kakayahan na sirain ang isang mahika upang makalabas . Kahit na malaman ko sa doktor ang pagkakilanlan nya ay bale wala rin dahil nakakulong ako sa gusaling ito na mistulang hawla ko .

" Tama, Imposible nga na mahanap at makaharap ko sya . " Bulong ko sa sarili .

" Pero may paraan pa , May nag iisang paraan pa upang makita ko sya at makausap ."

Sa sandaling iyon ay nabubuo ang desisyon na babago sa buhay ko . Hindi ako sigurado at puno ng pangamba sa sarili pero gusto kong maging matapang para sa iisang bagay .

Sa mga sandaling iyon ay unti unting nag bubukas ang pinto ng kwarto at hindi na ako nag dalawang isip, agad kong na sinalubong ang pagpasok ng doktor at kausapin ito .

Bago pa maka pagsalita ang doktor upang batiin ako ay sinalubong ko na ito ng matatapang na tingin ng mga mata na may determinasyon at punong puno ng kagustuhan .

" Doktor , Pumapayag na ako . Tulungan nyo akong magtungo sa Central upang makapag aral . " Matapang na sambit ko

~ ~

Sampung taon ang lumipas mula noong nagdesisyon akong lisanin ang Galiga ay muli akong nagbalik bilang isa sa mga bayani na pinadala ng central .

Sa isang pansamantalang base kung saan nagtatago ang higit sampung libong tao ng galiga na tumakas sa nagaganap na pagsakop ng mga halimaw .

Dahil na rin sa pinsala ko sa digmaan ay itinuring ako ng commander ng grupo na isang walang silbing sundalo kaya naman inilagay nya ako sa frontline upang magbantay at magreport sa kalagayan ng mga hangganan .

Hindi yun patas dahil isa akong 4 bar Hero na dapat ay isa sa mga nagpapahinga ngayon para sa malalaking laban . pero dahil nalaman nito na isa akong Hube ay mas minabuti nya na ilagay ako sa mga hangganan upang mamatay .

Hindi na iyon bago para sa tulad ko dahil palaging sinasabak ang katulad ko sa panganib bilang pain . Sinanay kami sa central sa paraan na iniisip nilang bagay sa lahi namin .

Nagawa kong matutunan ang pag kontrol sa pagiging halimaw ko at dahil doon ay tuluyan nagbago ang itsura ko mula sa dating halimaw na leon ay kawangis na ako ng isang normal na tao .

Totoo na naging normal na tao ako sa central at malayang nakakagalaw sa bayan na iyon na hindi kinatatakutan ng mga taong nasasalubong ko . Magkagayumpaman ay hindi maaalis ang ilang diskriminasyon sa mga katulad ko .

Sa ika limang araw ko sa Frontline , Nagising ako mula sa pagkakaiglip ko at hindi ko namalayan na hapon na pala alanganing oras na at malapit nanaman ang pag sapit ng dilim .

Bumangon ako mula sa kahoy na ginawa kong higaan at nag inat ng katawan . Napabuntong hininga ako dahil alam ko na malapit nanaman akong lumaban at magpagod dahil sa pag lusob ng mga halimaw tuwing gabi .

" Pambihira , Hindi ko na kinatutuwa na makipag laro sa mga nightcrawler, nakakasawa ito . " Bulong ko habang nag iinat ng katawan .

Higit na malakas ang katulad ko sa normal na tao at kahit nabali ang mga braso at binti ko ngayon dahil sa laban ay bale wala saakin ang makipag laban sa mahihinang halimaw gaya ng nightcrawler .

Sa sandaling iyon ay tuluyan akong nabagot sa lugar kaya naisipan kong mag libot sandali bago tuluyang magdilim . Hindi naman iyon siguro aabot ng isang oras .

Pinagbabawal man na lisanin ang mga pwesto namin ay wala naman pwedeng manita saamin dahil abala sa pag upo ang commander namin doon sa gitna ng kampo . Tsk , Nag tataka ako kung anong ginagawa nya sa loob ng limang araw sa gitna ng base habang kami sa frontline ay nagpapakamatay para sa makatulog sya ng maayos .

Sinuot ko ang plate armor ko at kinuha ang sibat ko upang magamit na maka alalay sa paglalakad ko at nagsimulang umalis sa pwesto ko .

Sa pag lilibot ko ay makikita ko ang ibang pwesto na binabantayan ng mga kasamahan ko sa frontline . Naaamoy ng kagaya ko ang mga dugo nila at alam ko na mga normal na tao lang sila . Ang masama nito ay ilan sa kanika ay mga kagaya ko na halos paralisado na maituturing dahil sa pinsala pero hindi maaaring umalis sa pwesto nila dahil sa utos ng commander ng grupo .

Sa ilang minuto kong paglalakad at hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay napansin ko ang isang tao .
Isa itong babaeng mandirigma na nakapwesto sa frontline.

Mayroon itong itim na mahabang buhok at kayumanging balat at sa kasuotan nito ay isa syang manunubos o hindi kaya isang mangangaso .

" Huh ? ayos ah , Isang babaeng mandirigma ? bihira makakita ng katulad nya . " Sambit ko habang nakangiting humahanga .

Hindi ako madalas makakita ng isang mandirigmang babae sa panahon na iyon dahil pinagbabawal ito ayon sa ilang tradisyon ng mga pamilya . Maliban kung isa kang HUBE na may pambihirang kapangyarihan dahil para sa mga katulad nilang tao ay mahihina ang mga babae at wala silang ibang kayang gawin kundi ang gawaing bahay o mga gawaing hindi nangangailangan ng malakas na pangangatawan .

Sa mga oras na iyon ay nagkaroon ako ng kagustuhan makilala ito . Wala akong planong makipagkwentuhan sa iba dahil alam ko na limitado ang oras ng pag lilibot ko pero iba ang naramdaman ko noong makita ko ang babaeng iyon.

Tila ba may kung anong bagay ang pumasok sa isip ko at nagkainteres na makausap ito. Sa sandaling iyon ay hindi na ako nag aksaya ng oras pa at hinakbang ang mga paa palapit sa pwesto nito.



undefined


~~~ > { Auhors note } < ~~~

( Dont Forget to share this chapter to support this series )


 

Alabngapoy Creator

PART 2 OF CHAPTER 4