Isang malahiwagang akdang piksyon na isinabuhay nina Armanda Tesorero, Dexielyn Yaranon at Zhanrey Carandang. Umiikot ang istorya sa Pilipinas noong hindi pa ito nasakop ng mga Espanyol. Nakapaloob dito ang tatlong kaharian sa Luzon na naging parte ng mayabong na kasaysayan ng bansa. Sa alamat na ito matatagpuan ang isang babaeng dugong bughaw na kung saan siya ay napaibig sa isang lakan ng karatig bayan, ngunit may mga hadlang sa kanilang ugnayan.