Isang pangkaraniwang tao lamang si Vinz na nagmula sa Norte, ngunit hindi sa kaniyang pinanggalingan sa kaharian ng mga Bandusay. Isang Bandusay si Vinz na napadpad sa kamaynilaan dahil sa kaguluhan sa kanilang kaharian. Itinakas silang mag ina ng kanyang ama ngunit sa pagbalik sa kaharian ng kanyang ama ay napatay ito ng kanyang sariling kapatid na si Baruko. Nagdilim ang buong kaharian dahil sa pamumuno ni Baruko, simbulo ito na hindi sia ang karapat dapat sa trono. Dumating sa tamang edad si Vinz, at kinailangan na niyang magbalik sa kaharian. Isang sibat ang kanyang makakasama at magtuturo sa kanya kung paano bawiin ang trono na inagaw sa kanila ng kanyang tiyuhin na si Baruko.