Ito ang kwento ng buhay ng isang 15-year-old na binata na si Maynard Dela Cruz kung saan siya ay nagkaroon ng isang kakaibang panaginip na tila ba nangyayari din sa totoong buhay. Ang mga sumunod na mga pangyayari ay isang magkahalong misteryo at trahedya na magbabago sa takbo ng buhay niya at ng mundong kinagagalawan niya.