Si Kanashimi at Ryu ang tinguriang Polaris sa mundo ng mga chimera. Sila ay kambal na ipinanganak sa gitna ng dilim, sa ilalim ng pinakamaliwanag na bituin. Tinagurian silang Polaris hindi dahil kung saan sila pinanganak kundi dahil sa liwanag na taglay ng dalawa– ang liwanag na papatay sa buong angkan ng mga chimera.
Dahil doon ay walang ni isang lumalapit sa kanila sa takot na baka mamatay sila. Iyon ang ikinagagalit ng kambal lalo na si Kanashimi. Gusto nyang magkaroon ng maraming kaibigan ngunit dahil sa history nila ay wala syang naging kaibigan. Ayaw nyang maniwala ngunit iyon ang totoo dahil pagkapanganak nila at may nagtangkang patayin sila. Doon nagsimulang mawala ang mga chimera sa lugar na iyon. Hanggang sa dumaan ang bagong henerasyon at nakilala sila ng lahat. Walang kamatayan ang mga chimera at silang kambal lang ang maaaring makapatay sa mga ito. Hanggang ngayon ay may nagtatangka pa rin sa kanila kahit na alam ng marami na maaari nila itong ikapahamak.
Iba si Ryu kay Kanashimi dahil mahilig itong makipag-away. Nagiging maingat naman sya sa mga kilos nya kahit na palaaway ito dahil ayaw parin naman nyang mapahamak ang kapwa nya chimera.
Hanggang sa dumating ang panahon na nagkaroon sila ng mga kaibigan na babago sa paniniwala ng lahat.