Chapter 10 


Sa pagpapatuloy ng pagsubaybay ni nathaniel ay hindi nya inaasahan na may mangyayaring engkwentro sa pagitan ni zhui  at ng eskapa.


Nagawa ng mga ito na matamaan si Zhui at mapuruhan upang mahuli.


Unti unting naglalaho ang usok sa paligid at ngayon nag aantay ang mga ito sa susunod na gagawin ni Zhui sa laban.


Mula sa itaas ay tumalon pababa si Nyabu papunta sa kinaroroonan ni Toto upang balaan ito sa labang magaganap.


" Maging alerto ka toto hindi biro na kalabanin ang katulad nyang soul eater." 


Tumayo ito habang pinapaalala sa kasama na ang kakayahan ng soul eater na kumain ng kaluluwa at magagawa nila ito dahil kaya nilang humawak ng kaluluwa kahit gamit lang ang pag hawak sa isang nilalang.


Dahil sa kanilang mga kakayahan ay lahat ng nilalang aa endoryo ay natatakot na makalaban o kahit makasalamuha ang mga soul eater kaya naman itinuturing silang salot.


Ilang saglit pa ay bumulusok palabas ng gusali si zhui, lumabas sya sa mismong butas na pinagpasukan nya.


Mabilis syang umaatake hawak ang espada nya habang sumisigaw.


" First burning teknik , flame burst!!" 

undefined


Hindi naman nagpatinag si Toto at sinabayan ang atake nito ng kanyang suntok.


" Secong burning sword teknik, flame dragon slash !! " 


Pagkatapos ng pag atake ay muli nya itong sinundan pa ng isa pang atake upang siguruhin na mapipinsalaan nya ang kalaban nya.


Gayumpaman laking gulat nya ng wala syang karamdamang pagbabago sa presensya ni Toto.


Dito nya nakita na hindi tinatablan ng kulay lila na apoy si Toto kahit na napapalibutan sya sa buong katawan nito.


Ang apoy ng rabaikasyu ay kayang sumunog ng enerhiya ng kalaban at isa na dito ang enerhiya ng proteksyon sa katawan pero hindi pangkaraniwan ang proteksyon na gamit ni Toto.


" Napaka tibay nya, halos hindi sya tinatablan ng apoy ng rabaikasyu." Bulong nito.


Habang nag iisip ay napansin nya naiisa lang ang kalabang nasa harap nya, napagtanto nya na hindi nya napansin ang pagkikos nito nung huling atake nya.


" Sandali nasaan ang isang kasamahan nya?" 


Laking gulat nya ng may magsalita sa likuran nya at maramdaman ang nakakatakot na presensya.


Nagawang makapunta ni Nyabu sa likuran nya at nakataas ang mga paa na naka amba ng pag atake kay zhui.


" Seventh katsuki teknik, migthy impact!" 


Isang malakas na pagbagsak ng mga paa nya ang pinakawalan ni Nyabu ngunit nagawa parin makatalon ni Zhui upang iwasan ito.


Gayumpaman, masyadong mabilis kumilos si Nyabu kaya naman nasundan nya agad ito upang hindi makatakas.


" Akala mo ba talaga makakatakas ka sa isang akatsuki na kagaya ko?" Sambit nito.


Ang katsuki ay tanyag na lahi ng mga wild cat sa great forest. May kakayahan ang bawat isa sa kanila na kumilos ng mabilis na kahit walang tulong mga crimson item.


Kagaya ng inaasahan ni Zhui ay hindi nya kayang sundan ang bilis ng pagkilos ni Nyabu gamit lang ang paningin.


Dahil sa napakabilis na pagkilos ni Nyabu ay nagawa nya agad umatake kay Zhui ng hindi pa ito nakakapag handa.


" Eight katsuki teknik, power kick ! " 


Sa sobrang lakas ng pagtama nito ay tumalsik paitaas si Zhui at nabitawan ang espada nya.


Hindi pa man nakakalapag mula sa ere ay sinundan na agad ito ni Nyabu upang hindi na makapaghanda at dito ay muling sumipa paibaba.

" Great damage!!" 


Bumulusok pababa si Zhui at humampas sa lapag at kahit nababalot sya ng matibay na balat ng ahas ay naramdaman nya parin ang pinsala nito sa katawan nya.


Namimilipit sya sa sakit pero alam nya na hindi nya pwedeng sayangin ang oras nya dahil maaari syang mahuli kung magpapabaya sya.


Agad syang umupo at pinilit na kumilos 

" Hindi maganda ito, masyadong malalakas ang atake nya para sa baluti ng first form ko." 


Nalalaman ni zhui na hindi sasapat ang tibay ng baluti nya at kailangan nyang mas taasan pa ang binibigay na energya para sa pang depensa ngunit isa sa problema ni zhui ang kakulangan nya ng sapat na enerhiya sa katawan.


Habang nag iisip si zhui ay hindi naman nya namalayan na muling aatake mula sa likod si Toto. Hindi nila ito binigyan ng pagkakataon na makapaghanda.


" hindi ko  naramadaman ang paglapit nya " bulong nilto.


Pag harap nya ay sumalubong ang malaking kamay ni Toto at dinakot ang mukha nya, walang pag alinlangan na inihampas sya nito sa kalsada.


" Power slam " sigaw nito.


Pag katapos ihampas sa sahig ay hindi nito binitiwan ang ulo ni zhui at ibinato ito.


Dumaosdos si Zhui at bakas ang pang hihina ng katawan dahil sa tinamong atake.


Alam ni Zhui na hindi nya masasabayan sa bilis si Nyabu at hindi nya kayang basagin ang depensa ng kalasag ni Toto kaya wala syang kalaban laban sa dalawa.


" Kailangan kong makatakas sa lugar na ito." Bulong nya.


Nanginginig man at nanghihina ay pinilit nyang makakilos at bumangon pero hindi yun hinayaan ng dalawa.


Habang nakaluhod si Zhui ay biglang bumulusok si Nyabu at sinipa ito sa likod dahilan para mapahiga ulit ito.


Sa pagkakataon na iyon ay hinawakan na ni nyabu ang braso ni zhui kasabay ang pagtapak sa mukha habang ito nakahiga.


" Sa akala mo ba talaga hahayaan namin makatakas ang isang salot na katulad mo?" Sambit nito.


Nakakaramdam na ng panghihina si Zhui at bumababa na rin ang enerhiya nya sa katawan , hindi na ito sasapat upang makagawa pa ng pag atake para matalo ang mga ito pero alam nya na kailangan nyang makatakas sa lugar na ito.


Lalong naging mahirap sa kanya ang pagkilos ng hawakan ni Nyabu ang mga braso nito .

Alam nya na maaaring nasa limitasyon na sya at wala na syang takas sa mga eskapa pero hindi nya inaasahan ang mga susunod na mangyayari.


Sa gitna ng kanyang kawalan ng pag asa ay biglang dumating si Nathaniel at itinulak si nyabu palayo sa kanya.


Nagawa nyang mapaatras si Nyabu at makawala si Zhui sa pagkahawak nito.


Matapang syang humarang dito at pinigilan si nyabu sa ginagawa nya sa dalaga.


" Bitawan mo sya." Sigaw ni nathaniel.


Maging si nyabu ay nabigla sa matapang na ginawa ni nathaniel.

 " Anong ginagawa mo? 


"Lubayan nyo sya, hindi ako makakapayag na saktan nyo ang kaibigan ko." Sagot nito.


Maging si Nathaniel ay nagulat sa ginawa nya pero kahit na natatakot ay kailangan nyang gawin iyon upang pigilan mahuli si Zhui ng eskapa.


Ang pagkahuli kay Zhui ay isa sa mga dahilan kung bakit mas lalala ang lahat ng bagay sa storya ng komiks nya at inaalala nya na maganap ito.


Hindi rin makapaniwala si Zhui sa aksyon ni nathaniel lalo pa alam nya na isa lang itong ordinaryong tao na maaaring mapahamak ano mang sandali kapag naki elam ito.


" Ano bang ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Tanong nito habang umuupo mula sa pagkakahiga.


Matapang na sinabi ni Nathaniel na hindi sya aalis sa lugar na iyon hanggat hindi pinapakawalan ng eskapa ai zhui.


Kinainis naman ito ni Nyabu at tinawag na kalokohan ang pag tatangol ni Nathaniel sa soul eater.


" Wala akong oras makipaglokohan sa tulad mo kaya pwede ba wag kang humarang dyan." Sambit ni nyabu.


Alam ni nathaniel na hindi kagaya ng mga kalaban ni Zhui ay may sinusunod parin na batas ang eskapa, wala silang pwedeng gawin sa mga nilalang na wala naman kasalanan sa batas.


" Wala naman ginagawang masama si suwi kaya bakit nyo sya hinuhuli?" Pagtatanong ng binata.


Sa pagkakataon na iyon ay nagiba ang tono ng pagsasalita ni Nyabu at sinabi sa binata na nalilinlang sya ng soul eater na kasama nya.


" Wala ka bang alam sa mga soul eater? O baka naman nalinlang ka na ng mga salita nya? " 


Dito pinaliwanag nya kay Nathaniel na napupuno ng dark energy ang isang soul eater at ang bagay na iyon ay nagtutulak sa mga nilalang na gumagamit ng enerhiya na iyon na gumawa ng masama.


Binangit nya pa ang pag kauhaw sa ispirit energy ng mga soul eater kaya naman nagagawa nilang kumain ng mga kaluluwa ng mabibiktima nila.


Tinawag nya itong mga salot na kailangan maglaho sa endoryo upang maging posible ang kaligtasan ng lahat.


Alam ni Nathaniel ang sinasabi nito pero agad nyang ipinagtangol si Zhui laban sa panghuhusga nito dito.


" Nagkakamali ka! Ibang iba si suwi sa ibang kalahi nya." Sagot nito.


Napangiwi na lang si Nyabu sa narinig nya at napakamot ng ulo dahil mismong tao na paboritong biktima ng mga soul eater ang nag tatanggol dito.


" Mukhang wala ka na sa tamang pag iisip para sabihin na naiiba sya sa kanyang mga kauri." 


"Paano ba ito? "

"Tungkulin namin na  burahin ang banta sa kaligtasan ng lahat pero heto ka at ginugulo kami." Dagdag nito.


undefined

Naramdaman ni Zhui ang paglalabas ng awra ni Nyabu sa mga kamay nito kaya naman hindi ito nag dalawang isip na kumilos para protektahan si Nathaniel.


" Ganito na lang pareho ko na lang kayong tatapusin." Sambit ni Nyabu habang paatake.


Naging alerto si Zhui sa mga sandaling iyon, nagawa nyang mahawakan agad ang damit ni Nathaniel at ibato ito palayo.


" Tumabi ka dyan !"


Nagkaroom ito ng pagkakataon na mahawakan ang dalawang mga braso ni Nyabu para masalag ang binabalak na pag atake.


Makipag bunod si Zhui dito upang pigikan ang pagkalmot  ng mga kuko sa kanya nito pero biglang umupo si Nyabu at nahatak si Zhui.


Sa pagkakataon na iyon ay nagawang bumwelo ni Nyabu ng pagtalon at tinuhod ang baba ni Zhui kaya naman dahil doon nabitawan nya ito.


Dahil narin sa bilis ng pagkilos ni Nyabu ay nagawa nya ulit bumwelo at inatake ulit sa likod si Zhui.


" Katsuki claw strike !!" 


Tinamaan nito si zhui at muling bumagsak sa lupa. Kahit na gusto nitong muling makabangon ay napapabagsak na lang ulit sya sa lupa dahil sa panghihina.


Habang sinusubukan ni Zhui na makabangon ay naglakad palapit naman ulit si Nyabu sa kanya.


Dito binangit nya na dahil sa mga soul eater ay ilang milyong nilalang ang naglaho at kinain ng mga ito.


" Wala akong personal na galit sayo pero mas magiging posible ang kapayapaan sa endoryo kapag maglaho ang mga soul eater na kagaya mo." 


Habang nagaganap iyon ay nakahiga parin si Nathaniel at namimilit parinsa sakit ng gumulong ito sa lupa.


"Aray ko." 


Pinilit nya bumangon dahil napagtanto nya na dumating ang mga sundalo ng eskapa at kagaya ng alam nya ay isa ito sa mga gustong hulihin si Zhui.


" Bakit naman kasi nandito ang mga sundalo ng eskapa? Masama ito." bulong nya


undefined

Alam nya na hindi pwedeng huli si zhui ng mga ito dahil maaaaring patayin agad ito ng mga may galit sa soul eater lalo pa hindi ito kasama sa orihinal na kwento kung saan ang pwersa ng ika pitong espada na si Yuki ang nakahuli rito kung saan kasapi si Xxv.


Bumangon si Nathaniel at nilingon ang dalawa pero kahit alam nya ang kailangan gawin ay nag aalangan sya dahil pakiramdam nya hindi masasaktam sya kapag naki elam sya bigla.


Dito nakita nyang sinisipa sipa ni Nyabu si zhui kahit na ito ay wala ng malay.


" Kailangan kong gumawa ng paraan pero paano ko naman pipigilan ang isang ito sa ginagawa nya kay suwi? " 


Patuloy ang pag sipa ni Nyabu sa likod ni Zhui habang sinasabi dito ang naidulot na trahedya ng mga nilalang sa endoryo na tila ba sinisisi nya ito kay Zhui.


" Dahil sa inyo napakaraming nawalan at naulila." Galit na sambit nito.


Kahit na kinakabahan ay hindi napigilan ni nathaniel na pigilan ito at sigawan dahil sa pag kaawa sa sitwasyon ni Zhui.

" Itigil mo yang ginagawa mo! "

undefined

Alabngapoy Creator

Episode 10 part 1