Napagkasunduan ng magkakaibigang sina Tana, Meg, at Kai na mag-joyride, gamit ang bagong staff ni Meg.
Itinuro ni Kai ang Mayan Volcano, gusto daw nya makita ang ibabaw nito dahil sa rumor online, kaya naman mabilis na pinatakbo ni Meg ang kanyang staff.
Subalit, sa paglusot nila sa kumpol ng mga ulap, nakita nila, sa kanilang harap, ang isang student witch, na nasa tuktok ng Mayan.
Sa bilis ng takbo nila, hindi na makontrol ni Meg ang kanyang staff!
Sa di kalayuan, makikita ang isang fairy na nakatanaw sa kanila…