Sa isang mundo na puro multo, maraming kakaibang bagay ang posibleng mangyari. Katulad na lamang ng mga multong kumakain ng chichirya, nagmamaneho ng mga sasakyan, pumapasok sa paaralan, at marami pang iba na katulad na lamang sa mundo ng mga nabubuhay. Subalit walang mas kakaiba sa pagkakaibigan ng dalawang batang multo na sila Blue at Kahel.