Rap Battle Anime
( Art of Balagtasan ) Part 2
Writen by : Alab ng Apoy
* Again .. this is a fan made story only and not for fandomwar .. *
.
.
.
Habang nagsasalita ang mga host sa harapan ay Hindi naman matinag ang dalawang magkatungali na kapwa nakatitig sa isat isa .
Hindi sila umiimik at walang reaksyon ang mga mukha
pero sa mga isip nila eh binubulong nila ang pagbawi sa kanilang kalaban .
Makikita sa mga nag aapoy na mga mata nila ang determinasyon at kasabikan na ituloy ang laban .
Alam din nila sa sarili na sa oras na magpakita sila ng pagkairita ay makakaapekto ito sa score nila .
" Miss Erza bakit hindi mo sabihin sa kanila kung ano ba ang mangyayari sa pangalawa nilang bangaan ? " Sambit ni Kurumi.
" Oo nga ,.Ano ba pinagkaiba ng round na ito ? " Sabat ni Saber .
" Tama , sa susunod na round ng palaro ay kagaya nang nauna ay babato sila ng atake pero ang kagandahan ng round na ito ay pwede kang bumawi agad "
" Bumawi ? teka ibigsabihin pwede kang sumalag agad sa ibabatong atake ng kalaban ? " Sambit ni Saber .
" Tama , Para mas gumanda pa ang ating kasiyahan ay papayagan namin sumagot agad ang inaatake sa maikling segundo para bumawe agad at pwede nya itong gawin habang tumatakbo ang oras ng kalaban ,
tandaan nyo lang na maikling salita lang ang pwede nyong isagot . "
" Aba , kumbaga isang counter attack " Sambit ni Kurumi .
" Mukhang exciting yan miss Erza" Sabat ni Saber .
" Sinabi mo pa miss Saber kaya ano pang hinihintay natin , Magsimula na tayo . " Dagdag ni Erza .
" Pero bago yun eh sino ba sainyo ang gustong magsimula ? " Tanong ni Kurumi sa dalawa .
Dahil na rin sa pagiging determinado ng dalawa na bumawi sa kalaban ay hindi nila maiwasang mag init .
" Ako na " Sabay na sambit nila Emilia at Rem .
" Sandali , Sandali mukhang gaya natin eh excited ng bumawi ang bawat isa ."
*Nakapamewang si Emilia at tila nagmamaldita *
" Ok , Sige na , ok lang saakin na mahuli , pagbigyan na lang natin mauna si Rem baka sabihin ng iba abgrabyado nanaman ang dakilang martyr at biglang manalo dahil lang sa awa
*flip hair * " Sambit ni Emilia .
* Humikab si Rem at tila kinukumpas ang kamay na pataboy para ibigay ang round kay Emilia *
" Hindi na kailangan , sayo na yan ,
Kakatapos ko lang magsalita kaya nararapat lang na sya ang sumunod na magsalita ,
at isa pa baka biglang magtampo ang kalaban ko,
magdahilan at magreklamo kapag sya ay natalo .
tama ba? Emilia , "
Nagulat ang dalaga ng tawagin sya sa pangalan ni Rem na walang pag galang .
Naging matalim ang tinginan ng Dalawa sa bawat isa habang mahigpit na humahawak sa mga sandatang hawak nila .
Kahit na naiinis ay pinipilit nila ang ngumiti at ipakita na na hindi sila naaapektuhan sa mga sinasabi ng kalaban .
" Ha-haha tama nga naman , bale wala sayo na mauna ako
inaasahan ko na yun dahil sanay ka naman na maging pangalawa Lang " Sambit ni Emila .
* Napahakbang paatras at tila nagulat sa narinig si Rem ng mabanggit ni Emilia ang pagiging pangalawa , Bakas ang biglang pagkainis sa mukha nito pero imbis na magsalita eh bigla syang bumuntong hininga *
Dito ay unti unting humihinahon at ngumiti ulit ang dalagang si Rem bago simulan ang pagsasalita.
" Tsk , hindi ko gusto talaga ang mauna ka pero binibigyan lang kita ng pagkakataon na bumawi agad kahit na sa simula .
magiging boring ang balagtas
dahil kapag sinimulan ko ito nang matikas ,
tapos susundan mo ng mga basurang mga kwerdas
eh papanget ang ating palabas.
*Smirk*
"ang ibig kong ipalabas
na ako na ang magiging last
para matapos ito ng malakas
manuod ,matuto at tumuklas
kung paano dumurog ng ungas.
. " Sambit ni Rem .
" Anong sabi mo ? " Naka kunot ang noo na sambit ni emilia .
Hindi naiwasan ng dalagang mairita sa narinig kay Rem na tila binabastos sya sa harap ng marami .
Biglang napapikit si Emilia at napabuntong hininga .
Sinusubukan ng dalawa na huminahon at hindi magbigay ng ibang maling reaksyon upang hindi sila pag halataan na naaapektuhan sa mga banat ng katungali.
Dumagundong ang sigawan at bulyawan ng mga suporters nila sa loob ng arena . Alam ng bawat naroon na mas gumaganda na ang laban dahil sa mga hindi inaasahang pagsusungit ng bawat isa sa kalahok .
Dahil doon ay pumagitna bigla si Erza upang masimulan ang laban ng balagtasan ayon sa palaro .
" Teka teka , Huminahon kayo , Hindi pa tayo nagsisimula eh nag iinit na kayo " Sambit ni Erza .
" Ang mabuti pa Magsimula tayo kay miss Rem tutal si miss Emilia ang nauna sa unang round ." Sambit ni Kurumi .
" Ok , Magandang ideya yan " Sambit ni Erza .
Dito ay pinatahimik ng mga host ang mga sigawan ng mga tao upang pakinggan ang pagsisimula ni Rem .
Ilan sandali pa ay humakbang pasulong si Rem patungo sa kinalalagyan ni Emilia .
Unti unting pumalibot ang asul na kuryente sa kanyang paligid at tila hangin na humahawi sa asul nitong buhok .
Lumitaw bigla ang kanyang nagliliwanag na sungay habang naka evil smile kasabay ang pag ikot ng nagwawalang mga kuryente na nagmumula sa kung saan .
Patuloy syang humahakbang na tila naninindak sa katunggali habang Hawak parin ang baril ni kurumi sa kanyang mga kamay .
.
.
.
Rem : Kung ganun ako na ang magsisimula
sa labanan natin ng mga salita .
Tama , Tuturuan na rin kita kung paano magbitaw ng mga salitang panimula
na kahit na sino ay mapapatulala .
Mga salita na tila na pang wakas
animo armas na aking ilalabas ,
Sa puso mo ay lalaslas
sa pagkatao mo ay pipintas .
Hindi naman sa ako'y nagmamataas
para maging mapamintas.
Gusto ko lang magmatigas
para sa iba ay mailabas
ang katotohanan tungkol dito sa ungas *Shout*
isang ungas na mapangahas
na nagpapangap na malakas .
.
.
Pero sandali , hindi naman ako nagmamadali.
Gusto ko lang sana bumawi
sa iyong mga pasubali.
Kaya aking babalikan
ang iyong mga sinabi.
Tungkol sa nakaraan ko na iyong dinadali.
Pinuna mo kanina ang aking nakaraan na aking pinagdaanan,
totoo naman na mula pagkabata
ang kakambal ko na ang kasama .
Masaya ako at pinagpala
sa pagkakaroon ng kapatid na maalaga ,
naingit man ako sa kanya noon
at kinatuwa ang pagputol sa sungay nya noon.
Pero ano nga ba ang big deal dun?
hindi naman ako ang may kasalanan nun ?
Normal ang maingit
at aaminin ko na ito'y masakit
pero ayoko lang maging pasakit
na sa kanya ay laging nakakapit .
Ang katotohanan na sya ang laging magaling
At ako ay isa lang alagain
Ginusto ko maging gaya nya
Yun lang naman at wala ng iba .
Oo at masaya ako sa mga nagyari
at totoo na isa akong makasarili
,
pero kasamaan man na masasabi
ito saamin ay makakabuti.
Bakit ?
Gusto ko lang sana maging kapantay
ang kapatid ko na mahusay
sa lahat ng bagay ,
Ano ang patunay na aking ibibigay ?
sige , sasabihin ko sayo babaeng maingay .
Sa kanya ako hindi nawalay
sa kahinaan nya ako ay umagapay
handang ibigay ang lahat ng bagay
Para iparamdam ang pagmamahal kong tunay
.
.
.
.
Emilia : Teka ,,teka saglit
ano nga ulit ?
Ang sinasabi mo ba ay legit ?
anong kasinungalingan yan kulit ,
bakit pag dadahilan iyong pinipilit ?
hindi ba ikaw ang dahilan kung bakit kapangyarihan ng kapatid ay nagkalimit .
Iniligtas ka nya sa mga kalaban
na sainyo ay gustong pumatay ,
dito ay naputol ang sungay
na kanyang tinataglay .
Kaya anong sinasabi mong hindi mo kasalanan ?
eh nangyari yun dahil sa iyong kahinaan ,
hindi ka maaasahan
na sarili ay tulungan
Kaya naman martyr na kapatid ay pilit kang tinulungan
upang ang buhay mo ay madugtungan .
Hahaha * Laugh *
Walang silbing kapatid noon
Walang pinagbago hangang ngayon .
.
.
.
.
Rem : Tsk , Walang silbi ?
Tama ba ang iyong Sinabi ?
Sa pag kakaalala ko sayo dapat iyon sinasabi .
Ano nga ba ang iyong ginawa
noong umaatake ang mga witch cult?
Nakatunganga
nakahinga
Naghihintay ng Awa
Sino ba ang buwis buhay na gumawa ng paraan ?
para ang gaya mo ay tulungan .
Si mister subaru lang naman
ang nagtyaga para buhay mo pa ay magtagal ,
lihim ka nyang tinulungan
sa mga kalaban ay pinoprotektahan
Pero habang iyon ang nangyayare
Sa mansion ikaw nag iinarte
nakaupo na parang walang pake
habang kami ay inaatake
Sino saatin ang walang silbe ?
Ako ba na palaging gulpe
o ikaw na laging pabebe ?
Kaya wag kang mag mamayabang
tungkol sa pagiging matapang
Na akala mo ay kapakipakinabang ,
dahil ako ay may naitulong
habang ika'y sa mansion ay nagkukulong .
hahahaha *Laugh *
isa pang nakakatuwa
at talaga naman pambihira
Wala ka naman ginawa
pero marami ang sayo ay humanga .
Api apihan ang peg
naging best girl na ?
Nagpacute lang sandali
naging Best girl na?
Nag rest lang biglang naging the best of the rest ?
ano yan bes ?
Sinong pumili sa babaeng nakaline dress
Maging alamat kahit na effortless.
kaya kung ako sayo maupo ka na lang dyan dahil doon ka naman magaling ,
maghintay ka na lang ng may iba na sayo'y mahumaling .
Para tulungan ka ulit sa mga hindi mo magawa ,
Kagaya nang dati ay manatiling paawa .
Gaya ni mister subaru
na sa alidog mo ay nabihag ,
kaya nga kahit delikado't
agrabyado eh pumapayag ,
Pero bago ko ito tapusin
saiyo ay may sasabihin .
*Point finger *
Tigilan mo na ang magpanggap na bayani ,
na akala mo kayang magliligtas ng marami .
* Humakbang pa nang bahagya si rem hanggang sa magkaharap na sila na nagbabangayan *
* Evil smile *
Tandaan mo na sa simula at huli
ikay ginawa na salot sa marami
diba ang tindi ?
hindi ko mawari
anong gusto mong mangyari
Nagliligtas ka pa kunwari
tapos sa huli ikaw rin ang yayari .
.
.
.
* Biglang Hinawakan ni Emilia ang Kwelyo ni Rem at inilapit sa kanyang mukha .
Bakas ang pagkainis at pagkaasar
sa mga sinabi sa kanya ni Rem dahil sa pinapalabas nitong kasamaan na tinatago nya
pero alam nya sa sarili na hindi nya pwedeng saktan si Rem sa harap ng marami kahit na sinisira nito ang imahe nya sa lahat. *
* Tumahimik nang sandali ang lugar at pareho silang walang nasabi sa harap ng isat isa dahil na rin sa gulat ng aksyon na ginawa ni Emilia ng hawakan nito ang kwelyo ni Rem na kasalukuyang nagsasalita *
* Sa pag kakataon na iyon ay napangiti si Rem na tila nang aasar pa sa dalaga, Hinawi nya nang pahampas ang mga kamay ni Emilia dahilan na mapabitaw ito sa kanya *
.
.
.
.
Rem : Ito ang huli kong banat
na saiyo ihahampas ,
para mag iwan sayo ng sakit na hindi kukupas .
* Shout *
Mga katagang magpapalambot sa iyong tigas ,
at magpapaiyak sa iyo ng wagas .
Maaalala mo parin hangang bukas
mga salita kong malakas na binibigkas .
Akin nang isisigaw
Upang iyong maintindihan
na ang laban na ito ay hindi pagandahan kundi patindihan ,
walang silbi ang iyong katayuan
bilang kandidato sa ating kaharian .
Balikan man natin ang iyong mga sinabi ay wala parin naman mangyayari ,
gawin mo na lang ang makakabuti
umupo at tumabi ng maigi
* itinaas nito ang mga kamay habang nakangiti *
Itong ang mga sandali,
na malalaman mo ang pakiramdam nang masawi
dahil pilit ka man bumawi
sa huli ako parin ang uuwing wagi .
Time .
.
.
.
Kasabay ng pagtaas ng kamay ni Rem ang pag angatan ng mga fireworks sa kalangitan
at sabay sabay na sumabog at sumaboy sa madilim na langit.
Nagtilian ang mga manunuod at nagwawala para ipakita ang suporta sa dalaga .
.
.
Dito ay napatayo sa upuan ang taltong host at pinapalakpakan ang pagtatanghal ni Rem.
" Wow , Hindi ko alam ang sasabihin pero talagang matindi ang isang yun " Ani ni Erza .
" Solid na banat ang pinakawalan nya at sa tingin ko baka pagtapos ng gabi na ito eh hindi na sya galangin ng mga tao " Sambit ni Kurumi .
" Tunay na matindi hindi ko maimagin ang nararamdaman ngayon ni miss Emilia tungkol sa narinig nya. " Sambit ni Erza "
" Syempre naman , si Rem yan eh " Pagmamalaki ni Kurumi.
" Kahanga hanga nga sya pero tandaan natin hindi pa tapos ang laban , alam ko na Hindi papayag si miss Emilia na hindi bumawi " Sambit ni Saber .
Dito ay muling nagsagutan sila Saber at Kurumi at parehong itinataas ang mga kalahok na bias nilang sinusuportahan.
" Hahaha , Malaki talaga ang tiwala mo sa bata mo , Sirang sira na ang pagkatao nya sa lahat kaya ano pang kaya nyang ibigay para makabawi " Sabat ni kurumi
" Hindi naman laitan lang ang laban na ito , balanse dapat ang mga atake mo sa kalaban kaya sa tingin ko hindi pa natin masisiguro na panalo na si miss Rem."
" Hahaha , Sinasabi mo yan dahil sa pride mo kahit na alam mo kung paano matatapos ang laban na ito " Pang aasar ni Kurumi.
" Tsk , Alam mo mahirap magsalita ng tapos kaya bakit hindi na lang natin hintayin ang mangyayari " Sambit ni Saber
" Aba nagsisimula ka na bang kabahan miss Saber ? " Sambit ni Kurumi
" kabahan ? nagpapatawa ka ba? hindi ikaw ang magpapasya kung sino ang magwawagi kaya wala akong dapat ikatakot "
* Biglang pumagitna si Erza sa dalawa *
" Pwede ba tigilan nyo na yan , Hindi kayo ang naglalaban, Mabuti pa ipagpatuloy na natin ito " Sabat ni Erza .
" Itutuloy pa ba ? sa tingin ko eh tapos na ito " Sabat ni Kurumi .
" Uwian na tayo !! " Sigaw ni Kurumi na sinabayan naman ng mga tao .
Dumagong ang sigawan ng mga suporters ni Rem
" Uwian na ! Uwian na !! Uwian na !!! " Sigaw ng mga ito
" Sandali mga kasama , Tumahimik muna kayo , alam kong hype kayo pero hindi pa tapos ang gabi " Sambit ni Erza habang pinatatahimik ang boung arena .
" Wag kang makinig sa pagyayabang nya miss Erza , Tama , para matapos na eh simulan na natin ang huling banat ni miss Emilia . " Sambit ni Saber .
" Mabuti pa nga , Mga mahal namin manunuod , Atin nang ipagpatuloy ang ating kasiyahan ." Sigaw ni Erza .
" Narinig natin ang matinding mga pyesa na pinakawalan ni miss Rem para sa huling banat nya sa 2nd round , Kaya atin naman pakingan ang isasagot ni Miss Emilia ." sambit ni Erza
" Hayaan natin na ..."
Hindi pa man tapos sa pag sasalita si Erza ay biglang nabalot sa Nagyeyelong Cristal ang lapag na inaapakan nila Rem na pumatay sa mga apoy sa paligid .
Nag angatan ang mga nagyeyelong cristal tower sa paligid nila at nakaramdam nang matinding tensyon sa pananahimik ng dalaga .
Sa sandaling yun ay napatahimik sila at hinihintay ang susunod na aksyon ng nakayukong dalaga . Tila ba may labanan na magaganap sa gabing iyon kaya naman lahat sila ay nagtyatyagang maghintay pagkatapos gumamit ng mahika ang dalaga .
Dito ay bumuntong hininga si Emilia at dahan dahan dumilat nang may mahinahon na boses.
.
.
.
Emilia : Patawad sa aking ginawa
gusto ko lang mawala ang init sa paligid na sa apoy ay nagmula .
Hindi ko alam kong talagang pinag isipan .
maiinit na apoy sa stage ay nilagyan ,
Sa tingin ko hindi na kinakailangan
*point finger *
parang ang isang ito na hindi na kailangan .
Aaminin ko na ang pyesa mo ay matindi ,
Talagang pinag isipan mo mabuti.
Ang atake mo ay solido
Mga banat mo ay pulido
kaya nga marami ang sumaludo
na tila ba ikaw na ang panalo .
Pero wag masyadong lumaki ang ulo
sa palakpakan na ngayon'y natamo
dahil hindi ka pa tunay na sigurado ,
na sa gabing ito ay iuuwi ang kampyonado .
Akin lang pupunahin ang iyong mga nasambit ,
ang mga sinasabi mo ba tungkol saakin ay legit ?
O kasinungalingan lang na iyong binabangit ,
para sa gabing ito ay may masambit ?
Ang sinabi mo ay nilikha ako ng mangkukulam para sa hinaharap ay magamit
Magdadala nang panganib na sa lahat ay mananakit .
Pero anong katibayan mo na ito'y talagang mangyayari ,
kung sa palabas ay hindi pa nangyayari
Ang sinasabi mo ay parang isa lang kwento sa kanto ,
na pag tsinismis eh akala mo totoong totoo.
Salot man ang turing saakin
Kinatatakutan at iniiwasan ,
kapag ako ay nagdadaan saatin
lahat sila ay kinakabahan saakin .
Sisidlan ng mangkukulam
diba iyon ang kanilang alam?
Isang sabi sabi at agam agam
ng mga taong walang tunay na alam .
Wag mo akong batuhin ng mga pyesang na sa katotohanan ay palihis ,
Ito ay panira lang na binuo at isang pa lamang tsismis .
Naging Cast ka ba ng Re: Creator,
para makausap ang ating Author?
Oh isa ka lang demonyitang pabibo
na nagmamagaling na bobo?
Hahaha * Laugh* kwentong walang kwenta
Na sa marami ay bumenta
Kasinungalingan mo ay pilit ipinipresinta
Dito sa balagtasan pa naisip ipakita .
* Evil Smile*
Hindi ba nakakainis ?
parang pagkain agad na napanis ,
Ang atake mo ay biglang nag miss
Mga banat mo ay nagmimintis .
Hoy miss !!
paki explain naman please .
Pero hindi na natin dapat intindihin ang agam agam na iyon ,
ang mahalaga ay kung ano ako ngayon ,
Gaya mo noon , Tama ba iyon ?
* Napahakbang si Rem ng lakad at walang imik na tila nag iisip ng mga sasabihin *
* Sa sandaling iyon ay napansin ni Emikia na umeepekto kay Rem ang mga sinasabi nya kaya naman hindi sya natakot na lumapit pa dito at maglakad paikot sa dalagang si Rem . *
.
.
.
Emilia : Isa pa sa aking pupunahin ang sinasabi mong alindog ko na minamahal ng marami .
Diba nakakatuwa isipin
na iyon ay pinangbabara mo saakin?
Kasalanan ko ba na maging maganda ?
Maging maalindog na sa kanila ay humahalina .
Hindi ko sinabi sa kanila na saakin ay magkagusto
upang protektahan ako at tulungan nang husto ,
Sadya lang iyon ang kanilang paraan
para pag ibig nila saakin ay patunayan .
* Itinuro ng dalaga ang mga taong sumusuporta sa kanya sa loob ng arena *
Totoo nga na sa pagkatao ko
ay wala silang paki
sa kabila ng paninira ng marami,
Tunay na nakakatakot ang nabuong mga tsismis
pero ang hayaan ako ay hindi nila matitiis .
Pero ganun naman talaga pag nagmamahal
minsan ay nagpapakahangal
gagawin lahat para na minamahal.
parang ang iyong kakambal
na minsan na naging hangal
nang iniligtas ang tulad mong sagabal .
pero ano ba ang iyong alam sa pakiramdam ng may nagmamahal ,
eh diba nga hindi ka naman minahal
ng lalaking iyong minamahal ?
na pagkatapos mo magpakahangal na kahit buhay ay iyong sinusugal
Sa huli Nganga lang na umaatungal
hahaha , oh diba?
sarap mag patiwakal .
ilusyon mo ay hindi nagtagal
nang sabihin nya na ako ang kanyang mahal
maghihintay sya kahit matagal
para lang sa hinaharap saakin ay ikasal
Aray , siguradong Masakit
Kaya nga saakin alam kong ika'y may galit ,
Saating dalawa ako ang pinili nyang makamit
diba ang ka'y pait ? para ka lang ginamit .
.
.
.
.
Rem : Sandali , puputulin ko lang ang iyong mga atake
siguro nga totoo na ikaw ang pinili kesa saakin
pero hindi yun malaking problema saakin
Tanggap ko ang mga bagay tungkol doon
Pagkakaibigan namin walang nagbago kagaya noon .
Masakit man kung iisipin
pero iyon ay sapat na saakin
atleast ako may nagawa para sa aking mahal ,
Hindi gaya mo nag aantay lang na mahalal
pero alam ko at hindi magtatagal
sya ay magigising sa pagpapakahangal
maisip na mali ang babaeng kanyang minamahal.
Ang gaya nya na nagmamahal nang tapat
Na gagawin ang lahat sa babaeng minamahal nang sobra sa sapat.
Kaya naman masakit isipin na sya ay magtatapat
At babagsak lang sa taong hindi karapatdapat
.
.
.
.
Emilia : Aba , Ang porma !
talagang umaasa pa ang shunga,
nakakaloka ! *shout*
hindi ka ba nagsasawa maging santa santita,
assumera!!
tapos sa huli ikaw ay nganga, Tanga !! *shout*
Isa lang palang pagpapanggap
ang sinasabi mo na iyong tanggap
na hindi ka pinili at hinahanap
ng iyong lalaking pinapangarap.
* Smirk*
*Tinuro bigla ni Emila ng kanyang hintuturo ang noo ni Rem para asarin pa ito *
Sasabihin ko sayo kung bakit
pero wag ka sanang magagalit ,
Katotohanan na talagang kay sakit
kung bakit sya ay sayo'y hindi naaakit.
Iyon ay dahil para kang yung kwento ng isang paslit ,
Alam mo kung bakit ?
na kahit hindi naman pangit
eh hindi naman nakakaakit ?
Gusto nyong ikwento ko?
Naku , Sa tingin ko walang may interesado
gaya ni subaru sa isang ito .
Hindi sya interesado sayo
Dahil lang may dibdib kang nakalobo.
Ngayon alam mo na kung bakit ?
kaya ganun ang iyong sinapit ,
Isa ka lang katulong na pwedeng magamit
para ako ay kanyang makamit.
Diba ang lupit ?
tila sobrang pait
Mapaglarong Kapalaran ay humagupit
Tunay na kay sakit .
Pero ano ang iyong inaasahan
sa ating kwento isa kalang utusan
hindi singsing kundi basahan
ang bagay sa iyong kagandahan
para iyong malaman at matandaan
ako ang 1st girl na pinapakasalan
at ikaw ang 2nd girl na kinakaawaan
oh diba ? ang saya ?
kahit ikaw pa ang mahal ng masa .
ako parin ang higit na mas mahalaga
kasi ako ang totoong bida
at ikaw ay isa lang munting extra.
kaya wag ka nang magtaka
kung bakit ang role mo ay magparaya ,
mabuti pa ay magsaya
at kumanta na lang mag isa.
May bagong silang kanta
sa mga taong nagmukhang tanga,
bakit hindi mo itry
baka sayo ay bumagay ,
baka biglang mapalagay
ang damdamin mong nalulumbay.
kakantahin ko tapos isayaw mo na lang ,
tapos dance step ay kahit ano na lang .
Sige lang !!
Enjoy lang !!
* Biglang Sumayaw si Emilia habang kinakanta ang pang aasar sa dalagang si Rem *
Kalimutan mo na yan
Sige sige mag libang
Problema mo itawa lang
Ang problema sa .....
* Habang kinakanta at ipinagpapatuloy ni Emila ang mga pang aasar nito ay biglang umalingawngaw ang putok ng baril na mula sa gintong baril na hawak ni rem*
* Tumama ito sa lapag na bumasag sa nagyeyelong sahig na inaapakan ni Rem *
Hingal na hingal si Rem at bakas ang pagpipigil ng galit dahil sa mga narinig na pang iinsulto sa kanyang sinapit sa buhay pag ibig nito .
Gigil na gigil ang mga ngipin nya at Nanginginig ang mga kamay sa galit .
Pero ganun pa man ay hindi nya kayang gumawa ng kaguluhan lalo na laban sa kaanib ng kanyang amo at malinaw ito sa isip nya ngayon kahit na napupuno sya ng pagkatuliro sa gagawin upang mapahinahon ang sarili *
* Sandaling napatunganga si Emilia sa nangyari at biglang ngumiti dahil nakikita nya na malapit nang umabot sa hangganan ang pasensya ni Rem na pwedeng mauwi sa pagkatalo nito sa laban . *
.
.
.
* Humakbang pa lalo palapit pa si Emilia kay Rem *
Emilia : Teka sandali , Anong problema ?
sa huling atake ko hindi ka makaporma ,
Kanina lang ay nakangiti ka
na akala mo ay panalo na
*shout * Pabida !
Nasaan na ?!
nasaakin na naman ba ?
parang si subaru lang ha !
pero Wag kang magtampo
pagkatalo ay tangapin mo
Ang hirap kasi sayo
nag assume ka nang todo .
pinakilig ka na nga
gusto mo mahalin ka pa?
ano ka ? aba, sumusobra ka
lokaloka !! *shout*
Ikaw na ang nagsabi
na sa balagtasan ay hindi
Dinadaan sa pagka elegante
kundi pagalingan ng atake, paangasan sa pagdale .
Kaya nga walang silbi
Ang simpatya ng tao sayo na grabe
Dahil sa balagtasan ngayong gabi
Papatayin kita gamit ang mga salita kong sinasabi .
mga letrang pinagkakabit kabit
mga salitang napakalupit .
hangang sa maging pyesang hahagupit ,
sa kalaban ay magdudulot ng matinding hinanakit .
Sagad hanggang buto ang sakit
kapag ako na ang nanglait .
Ako ang nagsimula ng ating munting laban ,
hindi ko na pahahabain ang ating usapan
upang hindi ka na mapahiya ng harap harapan .
At makauwi ka na at hindi na mahirapan.
Akin na tatapusin ang digmaan
ihahatid ka sa ang iyong huling hahantungan
dahil ngayon gabi uuwi kang luhaan ,
na sa kaisipan ay walang kapayapaan .
Isa, dalawa, tatlo ,
nangangamoy ang iyong pagkatalo
hindi ba dapat ayawan na ito?
ewan ko ba kung bakit pinayagan ito ,
eh mula sa simula hanggang sa dulo
ako na ang halatang panalo .
* Bahagya nyang itinulak si rem para asarin pa *
Hindi ka naman pwedeng kumontra
dahil isa ka lang namang extra
na sa kwentong ako ang bida
oh diba ? bida-bida ?
basura !! *Shout *
* Kasabay ng pag wasiwas ng kamay ni Emilia ay ang pag angat ng mga yelo na tatama sana kay Rem *
Time .
Sa sandaling yun ay nagawang makatalon ni Rem palayo dito at tuluyang nakaiwas .
Pero imbis na magsorry ay tila nang aasar pa ang mga ngiti ni Emilia sa ginawa nyang pang aasar .
Nagsigawan ang mga manunuod at patuloy na isinisigaw ng mga suporter nya ang pangalan nya .
Matinding tensyon ang nananatili sa magkatunggali at hindi maalis ang kanilang matatalim na tingin na tila nag aantay parin na kumilos nang mali ang isa sa kanila .
Alam ni Rem na sinusubukan syang pikunin ni Emilia upang umatake at sa oras na gawin nya iyon ay parang pinakita nya sa mga ito na napikon sya at natalo sa labanan ng mga salita at balagtas .
* Bumuntong hininga si Rem at pinapakalma ang sarili , Ilan sandali pa ay ngumiti ito at kumaway na lang sa mga taong manunuod *
Nabalot ng ingay ang arena ng mga hiyawan ng mga suporters ng dalawa .
.
.
.
Dito ay nagtayuan muli ang mga host at pinalakpakan ang pagtatanghal ni Emilia.
" Wow , hindi ko alam ang sasabihin ko sa isang iyon " Sambit ni Erza .
" Solidong pambawi ang binigay nya , ganun ang tunay na pyesa na kayang sumira sa atake ng kalaban " Sambit ni Saber .
" Tsk , Pwede na , wala namang espesyal sa nasabi nya at isa pa mahaba masyado iyon kaya nakakabagot. "
" Mukhang mahina na ang iyong tenga dahil halata naman na binasura ni miss Emilia ang mga atake kanina ni miss Rem. "
" Hindi ganun ang nakikita , Isa lang yan opinyon miss Saber " Sagot ni Kurumi "
" Oh bakit miss Kurumi ? Tila ba ikaw na ngayon ang kinakabahan " Sabat ni Saber
" Walang dahilan para ako ay kabahan dahil para saakin nakuha ni Rem ang unang round " Sambit ni Kurumi .
* Muling pumagitna si Erza at humarang sa nag babangayan na dalawa . *
Dahil muling nag babangayan ang dalawang host ay agad na pumagitna si Erza upang hindi pagsimulan ng gulo .
" Sandali lang pwede bang tigilan nyo na ang bangayan ,
kung talagang gusto nyo maLaman kung sino ang panalo eh simulan na natin ang pagbilang ng boto .
" Tama , gusto ko na agad malaman "
" Dahil ang mga Audience ang syang magbibigay ng hatol
kung sino ba ang panalo ." Dagdag ni Erza .
Lumapit si Meteora at nag cast ng Spell . Si meteora ay may kakayahan malaman ang saloobin ng bawat tao sa kanilang napanuod gamit ang mahika kaya mapapadali ang pag alam ng mga ito sa kung sino ang mas kinaaliwan at pinanigan ng mga manunuod .
" Para alamin at pulsuhan ang mga palagay ng mga manunuod eh hihingi tayo ng tulong mula sa ating kaibigan "
"Gamit ang mahika ni miss Meteora eh malalaman natin kung ano ang hatol ng mga tao "
" Sino ang pinusuan at pinaburan ng mga manunuod natin , Sino ang mas tanggap nila na magwagi ngayong gabi " Dagdag ni Erza .
Habang hinihintay ang result at nagbalik ang stage sa dating itsura nito . Nawala ang tila death match na porma na pinagkulungan ng dalawa.
Ilang sandali pa ay nilapitan na sila ng mga host at niyakap upang batiin sa tagumpay at mahusay na laban
Dito ay nagpasalamat sila sa isat isa .
Sa sandaling yun ay yumuko si Emilia sa harap ni Rem at humingi ng pasensya .
" Pasensya na Rem sa mga nasabi ko , Mukhang nasobrahan ako sa isang yun ."
" Huh ? ah .. eh ... hindi po , Ganun din naman ako , Nadala ako ng balagtasan natin kaya humihingi rin ako ng tawad. " Sagot ni Rem.
" Alam mo medyo ang hard natin kanina pero kailangan natin gawin yun dahil sa rules ng paligsahan " Sambit ni Emilia.
" Opo kagaya po nang nasabi ko eh hindi ko po dadamdamin ang mga masasabi at mangyayari ngayong gabi , Miss emilia " Sagot ni Rem.
Nakipag shake hand sya at niyakap si Rem .
Dahil doon ay dumagundong ang Hiyawan ng mga manunuod na binabati ang dalawa at patuloy na sumusuporta .
" Alam nyo nadismaya ako dahil walang napikon sainyo pero talagang mahuhusay kayo sa balagtasan " Sambit ni Erza .
" Tama , Inaasahan ko pa naman lalaslasin mo ang leeg ng kalaban mo at tadtarin ang maputlang mukha nito " Sambit ni Saber .
" hahaha ah eh .. hindi nyo dapat sinasabi yan miss Saber . Sagot ni Emilia .
Binalik ng dalawa ang mga sandata na pinahirap sa kanila .
" Masyado kang mabait miss Rem kung ako yun pinasabugan ko na ang bibig nya ng bala habang nagsasalita kanina " Sambit si Kurumi .
" huh ? s-sa-sandali , hindi ko yata kaya yun miss kurumi " Sagot ni Rem.
" Ano na ? Wala na ba talagang pag asa ? " Sambit ni Erza
" Huh ? Ano po yun miss Erza? "
" May ilang segundo pa , baka gusto nyo pang ilabas ang galit nyo sa isat isa sa marahas na paraan naman " Dagdag ni Erza .
" Ha-haha - hahaha hi-hindi na po " Sagot ng dalawa.
" Kayong bahala , Sayang ang chance na maparusahan ng malupit na bakasyon
"
" hahaha te-teka ba-bakit pala parang pang grand prize ang parusa ? "
Humakbang si Erza pasulong
at sumigaw sa mga manunuod .
" Mga kasama !!! "
" Alamin na natin ang resulta ng nang palaro !! Handa na ba kayo ?!! " Sigaw ni Erza
Inihatid nila saber ang dalawa palapit sa harapan kasama ni Erza .
Dito ay magkahawak kamay sila Emilia at Rem na nag aabang ng announcement .
bakas ang kaba at excitement sa mga mukha nilang dalawa .
Nagsigawan ang mga manunuod
kasabay ang pag ilaw ng big screen ng arena . Dito ay ipapakita ang litrato ng mananalo sa rap battle na naganap
* Drum rolls *
" Ang digmaan ng mga letra at labanan ng mga salita na sa balagtasan ay idinadaan
hindi ito puro laitan lamang
kundi pagaling sa pag atake sa kalaban at pagkonekta ng mga salita
ipinakita ng dalawa nating kalahok ang kanilang husay
sa balagtasan
nasira man ang kanilang pagkatao sa panlalait na natamo
eh dapat parin natin sila irespeto
dahil sa kanilang talento
na makipagbalagtasan sa entablado
pero sa gabi na ito eh iisa lang ang uuwing panalo .
at sino ito ?
tapusin na natin toh !!
ang magkakapit ng unang panalo sa makasaysayang kaganapan sa anime world .
" Ang ating unang champion sa rap battle anime edition ay walang iba kundi si !!! " Sigaw ng Tatlong host
.
.
.
.
writers note :
Hindi ko na pinakita ang nanalo para walang mareact .. hehe ^^
isipin nyo na lang
kung sa tingin nyo ang nanalo ..
ty sa pagbabasa ..
hangang sa uulitin ..