Rap Battle of Anime Characters
* 1st battle *
“ART OF BALAGTASAN “
Writen by : Alab ng Apoy
* this is a fan made story and just for fun only NOT FOR FANDOMWAR *
.
.
.
Sa isang dambuhalang Arena na higit 50 thousands na anime characters ang nagtipon tipon para sa espesyal na kaganapan sa anime world , ito ang kauna unahang Anime Rap battle ng mga anime characters
Dinayo ito ng ibat ibang nilalang mula sa ibat ibang planeta ,demensyon at panahon .
Kahit na mga titan ,yokai ,hallow at iba pa ay tumigil muna sa gulo at digmaan para lang sa espesyal na araw na ito .
Napuno ito ng mga kilalang mga characters mag mula sa mga bida hangang sa mga kontra bida sa mga series at movie ng anime.
Nasa vip seats makikita ang mga hari ng ibat ibang kaharian , ilang mga dyos sa ibang mundo
at mga espesyal na tao mapa bida man o kontra bida .
Kasama na rito ang sampung Espada ng Bleach , lahat ng Kage ng Naruto , Admiral at Warlord of the sea ng Onepiece , mga Spirits ng Date a live pati si Sarah Ang munting princesa habang nagbabalat ng patatas .
Napuno ng mga espesyal na panauhin ang lugar , nakakabinging mga hiyawan at palakpakan ang bumalot sa lugar
Dahil sinimulan ang palabas sa isang live performance ng mga sikat na manananghal sa anime world na talagang kina aliwan at pinaghiyawan ng mga manunuod.
Isang bonggang fireworks display ang bumungad kasabay ang paglitaw ng Iconic diva na si Miku hatsune na siyang nagsimula ng pagkanta sa entablado .Ipinagpatuloy ang kantahan at indakan sa paglabas ng mga cast ng idol master, love live ,K-on at iba pa na lalong bumuhay ng gabi ng kasiyahan .
Ilang pagpagtatanghal pa ang lumipas ay ipinakilala na ang magiging host ng event
Sila ang pinagkatiwalaan para magsalita para sa malaking event na nangyayari .
Napatayo at nag iingay ang marami ng makita sa mga dambuhalang mga screen ng arena ang litrato ng tatlong nag gagandahang dilag na magiging Host .
Ilang saglit pa ay isa isang naglabasan ang mga ito mula sa back stage .
Walang tulak kabigin ang ganda na halos tilian ng marami nang makita ang paglabas ni Erza Scarlet ng Fairy tail suot ang pulang dress na bumagay sa nakalugay nyang pulang buhok .
Mala dyosa naman ang dating ng mandirigma na si Saber sa kanyang puting dress habang hawak ang kanyang espada .
Isang itim na usok naman ang biglang lumabas sa anino at dito ay unti unting lumalabas ang spirits na si Kurumi ng Date a Live suot ang mala gothic na itim na Dress.
Walang magkarinigan sa loob ng Stadium dahil narin sa inggay ng mga taga hanga ng mga ito lalo na ng isa isa na itong magsalita upang bumati at magpakilala .
Ilang minuto na ang lumipas at hindi mapatahimik ang mga tao upang makapag simula na sila. Sa sandaling yun ay itinaas ni saber ang kanyang espada at unting unti itong nagliwanag habang napapalibutan ng enerhiya .
Sa kanyang pag dilat ay Winasiwas nya ito at naglabas ng tila kidlat na liwanag na nagtungo sa kalangitan, dito ay sandaling napatunganga ang mga nanunuod at namamangha .
Sa pag abot ng liwanag sa itaas ay bigla itong nagsabog ng liwanag at kumalat ang mga bahagi nito na tila isang fireworks
.
" Ating nang simulan ang kauna unahang rap battle dito sa anime world , kaya naman tayo'y mag ingay !!! " Sigaw ni Saber.
" Wooooooahh!! " Sigawan ng lahat .
Ilang sandali pa ay humakbang pasulong si Erza sa stage at nagsalita .
" Mga kasama !! Nandito tayo ngayon para saksihan ang isang espesyal na kaganapan na tatatak sa ating kasaysayan , isang gabi ng labanan at digmaan ng mga salita sa pagitan ng dalawa nating mandirigma "
" Patindihan ng bigkas , pagalingang sa balagtas , Sa labanan na ito ay bawal ang umatras " Sambit ni Saber.
" Ang bawat salita ay sandata na sa kalaban ay ipapatama ,
Ang bawat letra dito ay instrumento na sa bawat isa ay ibabato ,
Salitang Tila bakal na ibabato sa isang plato.
*evil smile* Isang pagbato na babasag sa kanyang boung pagkatao , " Dagdag ni kurumi.
" Wag na natin patagalin pa ang lahat , Atin na alamin ang Rules at Regulation ng Ating palaro " Sambit ng Erza
" Ang Rap battle na mangyayari ay may Dalawang round , sa unang round ay hahayaan na magsalita ang magkatungali laban sa isat isa sa loob ng dalawang minuto " dagdag nito .
" Sa ikalawang Round ay may pagkakataon ulit ang bawat isa na magbitaw ng panibagong atake pero hindi kagaya ng nauna ay may pagkakataon na mag rebat ang inaatake . " Sambit ni Saber
" Simpleng simple , pero kung hindi nyo makuha eh hindi na namin problema yun " Sabat ni Erza .
" Kung malinaw na ang lahat ay tawagin na natin ang mga kalahok " Pagpapatuloy ni Saber.
Nagsimulang magmamatay ang ilang ilaw sa stage at Nabalot ng makapal na puting usok ang kanang bahagi nito na sinabayan pa ng mga nagbabagsakan na bulaklak at palamuti na nagmumula sa isang magic circle sa itaas .
Isa isang gumana ang mga pailaw sa paligid na nagsisincronize sa sounds effect na mala Royal parade .
" Ang unang kalahok , isang kagalang galang na dalaga , elegante at tila may kumikinang na dyamante na kagandahan ,
Isa sya sa kandidato para sa korona ng ika 42nd king of lugnica kingdom. "
" Ang half elf na si Emilia !! "
Kasabay nang paglabas ni emilia suot ang kanyang violet line dress ay ang dagundong nang hiyawan ng mga tao sa arena .
Napaka ingay na sigawan ang binungad ng mga naroon habang itinataas ang mga tarpulin at sigaw ang pangalan nito para ipakita ang suporta nila sa dalaga .
Panay naman kaway at ngiti ni Emilia sa lahat nang sumusuporta sa kanya habang naglalakad paakyat ng main stage .
" Maraming salamat sa suporta nyo , salamat , salamat "
Sa gitna ng Stage ay sinalubong sya ng mga host upang makipag kamay at batiin .
Ilang sandali pa pagkatapos magpakilala ng dalaga sa mga manunuod ay humakbang pasulong si kurumi sa harap ng stage , Dito ay biglang namatay ang mga ilaw sa stage at nagbukas ang isang spot light para sa kanya .
Nakapikit ito habang nakataas ang mga kamay , Kasabay nito ang pananahimik ng mga manunuod at mabigay ng atensyon .
" Hindi ko na kayo bibitinin pa sa kasiyahan natin ngayon gabi , nararamdaman ko ang inyong pananabik , Mga nag iinit na mga damdamin kaya naman hahayaan ko kayong ilabas ang inyong pinipigil " Sambit ni Kurumi habang may nang aakit na tinig
Naglitawan ang mga anino sa paligid na naglabas ng itim na usok na kasabay ng mga kadenang humahampas sa stage,
Sinabayan ito ng sound effect na mala horror ang tema .
" Maganda at makalinga , sa laban ay walang inaatrasan , kahit daan daang mabeast pa ang pumigil sa kanya ay hindi nya uurungan "
Malambing sa unang tingin pero napakabangis kung iyong sasalingin ,
Masasaksihan natin ngayong gabi ang kanyang angking galing , na sa mga bibig nya mang gagaling.
" Ang isa sa kambal na Maid ng roswaal mansion , Ang demonyitang si Rem ! "
Kasabay nang pag eko ng boses ni kurumi sa boung arena ay ang biglaang pagbagsak ng isang bagay mula sa itaas nila .
Dito ay unti unting nahawi ang usok at nasilayan ang nakakatakot na ngiti ni rem habang nagliliwanag ang kanyang sungay sa ulo .
" Wahhh !!! Simulan na natin ang laban " Sigaw ni rem na gumawa ng soundwave na gumulat sa lahat .
Nagtayuan at nagwawala ang mga manunuod para sumuporta sa dalaga ,
Ilang sandali pa ay nawala ang sungay ni Rem na tila hangin at lumapit sa harapan , Dito ay bigla syang yumuko sa harap ng libo libong manunuod .
" Ma-maraming salamat , gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para mapasaya kayo ngayong gabi , *Wink* kaya dyan lang kayo ,ok ? " Sambit ni Rem.
Ilan sandali pa ay nilapitan sya ng mga host upang batiin at yakapin .
Inalalayan sya ni Saber para dalhin sa gitna ng stage at itabi kay Emilia , Dito ay nagbeso beso ang dalawa at nagbatian bago mag umpisa ang kanilang laban .
" Ngayon ay napakilala na natin ang dalawa nating kalahok ay maaari na natin kumpletuhin ang gabi " Sambit ni Erza .
" Alam natin na hindi naman sila mortal na magkalaban at walang alitan sa mundong pinagmulan nila "
" Masasabi nating mabubuting nilalang ang ating mga kalahok at Marahil wala kayong makikitang rason para ngayon sila ay mag away " Sambit ni Saber .
" Hindi natin sigurado yan " Sabat ni Kurumi.
" Anong ibig mong sabihin miss Kurumi " Tanong ni Erza .
" Ayun sa mga bali-balita eh ang dalawa nating kalahok ay may love interes sa iisang tao " Sagot nito .
" Aba , mukhang exciting ang magaganap ngayong gabi dahil may pang huhugutan silang dalawa para mag away " Sambit ni Erza .
" Sa-sandali , Hi-hindi totoo yan , Hindi ako narito para awayin si Rem dahil lang kay Subaru " Pag singit ni Emilia .
" Matalik na kaibigan ko lang si Mr. Subaru " Pag apela ni Rem .
" At ang sabi nyo isa lang itong laro kaya nga pumayag akong lumahok dito " Dagdag ng dalaga.
" Tama , Isa lang itong munting paligsahan ng balagtasan para ientertained ang ating mga manunuod , Wag kayong mag alala " Sambit ni Saber .
" Hindi namin kayo pinipilit na nag away dito dahil gusto namin maging sport tayo , Magkalaban kayo para lang sa gabing ito pero pinagbabawal ang ano mang karahasan o gulo sa loob ng arena " Sambit ni Erza .
" Buti naman , Ang totoo natatakot ako baka magalit saakin si Rem pagkatapos nitong paligsahan " Sambit ni Emilia.
" Hindi ko po iintindihin ang mga masasabi nyo at mangyayari sa laban natin ngayong gabi miss Emilia , Mataas ang respeto ko sainyo at hindi yun magbabago " Sagot bigla ni Rem .
" Maraming salamat Rem, Ganun din ako kaya sana ituring lang natin itong masayang laro " Ani ng Dalaga .
" Kung tapos na kayong magplastikan ay simulan na natin ang laban !! " Sabat ni Erza .
Bigla lumapit si Kurumi kay Rem at inabutan ito ng gintong baril na pag mamay ari nya.
" Teka , miss kurumi para saan po ito ? " Tanong ni Rem habang nagtataka sa inabot sa kanyang baril.
"Just in case lang na may mangyari, wag mong intindihin yan masyado. " Sagot ni Kurumi.
Pilit na ibinabalik ni Rem ito pero hindi ito tinatangap ni Kurumi.
Dahil doon ay hindi nanahimik si Saber at agad na ipinahiram ang espada nya kay Emilia kasabay ang paghawak sa braso upang bulungan.
" Wag kang magpipigil ,ok? " Bulong nito sa dalaga .
" Teka ,teka , P-pa-para saan ito ? Akala ko ba bawal ang karahasan at gulo sa loob ng arena? "
" Oo nga , Bawal nga at ayun yun sa batas kaya naman hindi namin sinasabing mag away kayo at maglaban, Walang nag pro-provoke sainyo na maglaban . " Ani ni Erza .
" Tama , Wag kayong mag lalaban kahit na anong galit ang maramdaman nyo sa isat isa , maliwanag " Sagot ni saber habang nagpapatunog ng mga kamao.
" Pe-pe-pero hindi ba parang binibigyan nyo kami ng pagkakataon na magkasakitan sa pagbibigay saamin ng sandata ? "
" Isa lang yan palamuti para mas maganda tignan , Tama , ganun lang yan " Sambit ni Kurumi .
" Isang goodluck charm , Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap ." Sabat ni Saber .
" Sa tingin ko parang hindi ganun ito " Sabat ni Rem habang blangko ang mukha .
" At isipin nyo sa oras na lumabag kayo sa Batas ng Arena na ito ay papatawan kayo ng parusa , tiyak pagsisisihan ng sino man. " Sambit ni Erza .
" Tama , Kahit sino saatin walang gusto ang maparusan kaya wag kayong mag sisimula ng gulo. "
Dugtong ni Saber
" Teka miss Erza ano po bang parusa sa oras na lumabag ang isang kalahok ? Pwede po bang malaban para maiwasan na rin namin ang mag away "
" huh? Ah eh .. Napakabigat nito , ang sinumang mapapatunayan na magsimula ng gulo ay makakatangap nang kaukulang parusa na makulong ng Tatlong hangang Limang linggo sa Eden Wonderland kasama ang inyong pamilya at kaibigan "
" Lahat sila ay madadamay at tatangap ng parusa dahil sa inyong maling aksyon at hindi katangap tangap na pag uugali "Dagdag nito .
" Eden wonderland ? " Sabay na tanong ng mga dalawa .
" Isa yung boung isla na may mga 10 star amusement park, hotel,beach at iba pa " Sambit ni Saber .
" Sa-san-sandali , parang may mali " Nagulat na reaksyon ni Emila .
Biglang sumabat si Erza na tila hindi pinansin ang sinasabi ni Emilia .
" Simulan na natin ang kasiyahan !! " Biglang sigaw ni Erza
Nag labasan ang mga apoy sa paligid at mga fireworks kasabay ng pagbabago ng set up ng stage nila .
Naiwan sa gitna ang dalawa habang unti unting gumagalaw ang stage at nagbabago ng anyo gamit ang makina sa ibaba nito .
Napalibutan ng mga apoy ang paligid nila at nag angatan ang mga bakal na harang na tila nagkulong sa dalawa sa gitna .
Nakahilera sa mga gilid nito ang ibat ibang uri ng mga sandata .
Mala deathmatch ang setting ng stage na kanilang kinalalagyan para sa kanilang paglalaban .
" Ah .. Eh .. Haha-haha Parang nagdududa na ako sa intensyon ng palarong ito " Sambit ni Emilia habang pilit na tumatawa
" Hm... Mukhang ito ang paraan nila para maentertain ang mga manunuod na dumayo pa rito " Sagot ni Rem .
" Ganun ba ? Hmm.. Mukhang wala na tayong magagawa , Gawin na lang natin ang lahat nang makakaya natin ngayong gabi "
" Opo miss Emilia , Hangad ko po na magtapos ang event na ito ng masaya at walang nangyayaring masama sa sino man " Nakangiting Sagot ni Rem .
Ilan sandali pa ay pumesto na ang dalawa sa kanya kanyang lugar nila sa stage upang magsimula na ang palaro.
" Para simulan ang exciting na labanan ng princesa at katulong , Hayaan natin pangunahan ito ng matitinding banat ni miss Emilia para sa unang yugto. "
Pumikit si Emilia at bumuntong hininga upang mawala ang nebyos nya .
Dito ay biglang nanahimik ang mga manunuod sa lugar at nag aabang sa mga sasabihin ng dalaga
.
Emila : magandang araw sa inyo mga kasama at sa libo libong dumalo ,
hindi ko alam kung kaya ko bang tumula para saakin kayo'y mapahanga.
Ako ay nagtataka at kinakabahan * Smile *
Dahil paano nga naman mga espesyal ang mga nilalang na dumayo at nag sadya ,
Espesyal na araw na tatatak sa kasaysayan , Mahalagang tagpo ng kasiyahan.
Espesyal ang lahat ,
Bongga at sobra sa sapat .
Ang hindi ko lang lubos maisip
Eh kung sino ang taong nakaisip,
Maganda na ang lahat
Pero bakit ang tulad nya lang ang saakin pinangtatapat ?
Sa tingin ko hindi ito dapat
Dahil ang gaya nya ay hindi pa sapat ,
pag ang mga letra ko ay nagsimula ng lumapat .
Ang totoo hindi ako magaling sa balagtasan
pero kung si Rem lang ang katalastasan ,
huh ! *flip hair * hindi ako pagpapawisan kahit na minsan ..
.
.
.
Magandang araw sa charming maid ng roswaal mansion *bow* ,
Tunay nga ikaw ay maganda na sa karamihan ay humahalina,
Sa unang tingin ikaw ay mukhang malambing ngunit hindi nila alam na ikaw ay balimbing.
Kung saan humahanap ng bagong kakampi at didikit sa pwedeng malandi .
Mabait at maasahan pero ang katotohanan , eh nasaan ?
Martyr na tunay kung ituring ng marami
pero ang totoo ay isang tunay na makasarili ,
Tutal tayo ay nagsisimula kaya bakit hindi natin simulan mula sa iyong pagka bata ..
Pamag asam ng atensyon ng iba
Kaya sa kapatid mo ikaw ay ibang iba ,
Mula pagkabata kayo ay magkasama ,
isang kambal ng mga demonyita ..
Sa munting tribo kayo ay nagmula , kasama ang ama't ina kayo ay tuwang tuwa.
Isinilang kayo bilang kambal na sa tribo ay gumimbal
Kambal kayo at halata sa itsura Pero sa katangian ay may deperensya ..
Sa kapatid mo ikaw ay nakadepende ,alagang alaga hanggang mag gabi ,
Kambal kayong siyang tunay
kaya nga lahat ng kailangan mo ay kanyang ibinibigay .
Tunay nga na ikaw ay maganda pero pag wala ang iyong kakambal
eh paano ka na ? .. .. huh? !
Talento mo sa gawaing bahay ay tunay na mahusay
Pero ano bang saysay kung ating isasalaysay ang mga patunay
na ika'y talagang mahusay.
Kung ang katotohanan naman
Ang abilidad mo ay awa at huwad sa tunay .
Hindi mo makuha ?
sige at akin nang ipapa unawa,
Ito ay Awa lamang ng talentadong kakambal , Tama , Hindi ba?
Hindi sa hindi sya mahusay sa gawaing bahay ,
Sadya lang nagpapakabobo sya para sa buhay ikaw ay magkasaysay .
Sa kahusayan ng kapatid mula pa noon ika'y naiingit
pero sa kanya ikaw palaging nakadikit.
Minahal ka at inaruga ng iyong kapatid
pero ang kapal ng mukha’t ikaw pa ang may lihim na galit .
Ang kawawang si Rem , Ang alagain na si Rem ,
ha - ha - ha *slow clap*
Tapos sa balagtasan
Pilit na lumalaban saakin?
Inaasahan mo ba Kaawaan ka parin?
na sa gabing ito ika' y papalarin.
Paano mo matitiyak na manalo saakin
Kung lahat sila ay pumapalakpak na saakin !
Time .
Itinaas ni Emilia ang kamay nya at
nagsaboy bigla ng cristal dust gamit ang mahika na sya namang nagpaganda sa kanyang pag tatanghal .
Nagniningning sa itaas ng dalaga ang mga cristal habang eleganteng nag bow sa harap ng mga manunuod .
Dumagundong ang sigawan at pagsuporta dahil sa pag hanga ng mga manunuod sa mga banat ni Emilia.
Hindi matapos ang mga palakpakan at hiyawan habang isinisigaw ang pangalan ng dalaga .
Hindi naman maitago nito ang tuwa sa kanyang nakikitang suporta ng mga tao sa kanya kaya naman panay ang kaway nito sa harapan at pasasalamat.
Habang nagpalakpakan naman ang tatlong host sa kanilang pwesto sa gilid ng stage habang pinupuri ang dalaga sa kanyang balagtas.
" Wala akong masabi , Ano uwian na ? " Sambit ni Saber .
Erza : Wow, Matinding panimula yun , Kahanga hanga ang mga atake ni miss Emilia , Anong masasabi nyo ? "
" Ewan, basta ang alam ko eh nagsisimula pa lang ang lahat at sa mga sinabi ni miss Emilia eh natitiyak ko na may igaganteng atake ang kalaban nya " Sambit ni Kurumi .
" Nasasabik na akong malaman kung magiging madugo ba ang gabi na ito " Sabat ni Saber .
" Hindi lang ikaw ang umaasa sa bagay na yan " Sagot ni Kurumi.
" Ok , Para sa pag papatuloy , Hayaan natin na simulan na ni miss Rem ang kanyang mga banat para sa unang round ." Sambit ni Erza .
" Tignan natin kung may pambawi sya sa mga atake ng kalaban " Dagdag nito.
Biglang itinutok ni Rem ang baril na hawak nya sa itaas at kinalabit ang gatilyo .
Dito ay umalingawngaw ang putok ng baril sa arena na nagpatahimik sa mga nagsisigawan sa pangalan ni Emilia. Hindi nila inaasahan na biglang magpapaputok ng baril ang dalagang si Rem na kanina lang ay napakamahinahon.
Humawak sa mukha si Rem at tila ginigising ang sarili , Nagsimula syang huminga ng malalim upang mapahinahon ang sarili kasabay ang pagpikit .
Sandali namang nanahimik ang mga naroon sa lugar sa ginawa na yun ni Rem at ngayon nag aantay ng susunod nitong gagawin .
Tuluyang napahinahon nito ang sarili at muling idinilat nito ang mga mata kasabay ang pagngiti bigla sa mga manunuod .
Rem : Bago ang lahat , luma ang iba ay nais ko rin magpasalamat sa libo libong nilalang na nagtyaga at dumayo para mapanuod ang aming laban ngayon gabi * Bow *
Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na inyong binigay saakin upang maging bahagi ng isang makasaysayang kaganapan na gaya nito .
Pagkakataon na mapasaya kayo sa laban namin ngayon,
Pagkakataon malampaso itong kalat saaming mansyon .
.
.
Si Miss Emilia ay isang kagalang galang
Sa kagandahan sya ay angat sa ibang nilalang ,
Kilala sya ng karamihan
Kandidato maging hari ng kaharian .
Pero tila ba may problema
Sa trono ay hindi sya naaakma ,
Kagiliw giliw ang ganda ng iyong mukha
Pero ang pag iral mo eh gusto nilang mawala .
Ano nga ba ang dahilan?
Ang galit ba nila ay may pinagmulan ?
Totoo nga na hamak na katulong lang ako
Kumpara sa isang princesa ay bale wala ako .
Pero Aanhin mo ang maladiwatang kagandahan
katanyagan at kayamanan
Kung ang boung pagkatao mo.
Ay kanilang Inaapakan .
*Evil smile * Ang sabi mo ang suporta ng lahat saakin ay awa lang
dinamay mo pa ang kapatid kong walang kamuwang muwang,
Pero magka ganoon man saakin ay ok lang
Mabuti na ang ganito ,
Kesa naman sa suporta na iyong natatamo
Wala silang paki sa pagkatao mo,
dahil mahal ka nila dahil lang sa alindog mo .
Isang pambihira
Kung bakit sila sayo ay humahanga
Siguro sila ay mga walang alam
Sa mundo na ating pinagmulan
Pagkakatao mo ay hindi nila totoong alam ,
Na ikaw ay sisidlan ng itim na mangkukulam .
Mapanganib at kasuklam suklam
Kaya ikaw saatin ay kinatatakutan .
Hindi ba ganun nga ?
Hindi ba tunay nga?
Princesa ka sa kanilang paningin
Pero Salot kang Maituturing .
Ang pagiging kandidato mo sa korona ay talagang nakakabahala
Kaligtasan ng lahat ay para bang Isinambahala .
*point finger* Pagmasdan mo ang mga sumusuporta sayo ngayong gabi dahil akin itong pupunahin .
Ang alindog mo higit sa karamihan ,
mga ngiti mo ay kanilang inaabangan.
Kaya nga’t tuwang tuwa ka sa mga kapurihan
na ngayong gabi ay pinagsisigawan .
Pero Ano nga bang tunay na halaga ng kanilang mga suporta ?,
Dahil nga Kung dito ay isa kang dyosa,
Saating mundo eh isang salot na princesa .
Para sa kanila ang ganda mo ay walang kapantay ,
Pero sa mga Mabeast ikaw ay maihahanay .
Sabi ng iba ang laban na ito ay sa pagitan ng princesa at katulong sa mansion ,
Pero bakit parang may mali sa ating sitwasyon .
*Smirk* Katulong man akong masasabi
Pero tunay naman na minamahal ng marami .
Dahil Buong pagkatao ko ay tangap ng mga tao
Isa akong mabangis na nilalang na pwedeng maging maamo .
iyon ang pinagkaiba ko sayo
at sa iba pang mga taong narito .
Maamong anyo ng isang princesa
Na sa karamihan ay iyong pinapakita .
Kasamaan sa pagkatao mo
Ay nakatagong kusa,
Na sa hinaharap ay aming makikita .
Totoo nga na ikaw ay kinagigiliwan
At kanina ay pinapalakpakan
Pero totoo naman na kahanga hanga
At kahit ako ay napatunganga .
*shout* Akalain mo tila himala
at sobrang pambihira .
Ang mga mabeast ay gawa ng mga mangkukulam
Mga walang na utak na nilalang .
Pero heto ang isa
nasa anyo ng isang mistisa
diba pambihirang elitista ?
Ang mga gaya nila ay nakakapagsalita na ,
ngayon ay nakikipagbalagtasan pa .
saan ka pa ? oh diba ?
upgraded na ang mga loka !!
Time .* bow *
Dumagundong ang ingay ng palakpakan sa boung arena at malakas na isinisigaw ang pangalan ni Rem .
Yumuko ang dalaga sa harap ng mga manunuod at nagsimulang kumaway sa mga ito .
Pero kinagulat ng lahat ay nang humarap sya bigla sa katungali at ngumiwi ng tila nagmamalaki habang nakapamewang .
" Wow , matitindi ang mga banat na binigay ng ating kalahok " Sambit ni Erza .
" Sinabi ko naman sayo eh nagsisimula pa lang ang laban " Sambit ni Kurumi .
"Tsk , Pwede na " Sagot ni Saber habang tila nag susungit kay kurumi .
" Ganun ang mga banat na dapat tinutularan. " Sabat ni Kurumi .
" Totoo nga na matindi ang mga binitiwan nya pero tingin ko mas powerful at kumokunekta ang unang atake ni miss emilia . " Sabat ni Saber .
" Sandali bakit parang may pinapaboran ka miss Saber " Tanong ni Kurumi .
" Hindi sa ganun miss Kurumi , nagbigay lang ako ng opinyon sa mga nangyari " Sagot nito .
" Pero yun ang nakikita ko at sa palagay kong nangyayari. "
Nag simulang magtalo ang dalawa at nagsagutan sa pagkampi ng bawat isa sa kanila sa mga kalahok .
" Sandali lang at bago pa kayo magsimulang mag bangayan ay ipagpatuloy na natin ang ating kasiyahan " Pagpipigil ni Erza sa dalawa .
" Tama , alam ko na mas kapanapanabik pa ang susunod na round dahil nagbigayan na ng atake ang bawat isa . " Sabat ni Saber
" Tahimik ang dalawa nating kalahok at bakas sa kanila na wala silang balak magpatalo " Sambit ni Kurumi .
.
.
.
Next part 2 of Rap battle Anime edition ( Emilia vs Rem )