Summer Nightmare



NAGKAROON ng reunion ang apat na magbabarkadang sina: Martin, Lex, Sid at Ted. Saktong summer nang buwang iyon, isang get together ang isinagawa nila sa lumang bahay bakasyunan nina Sid sa Laguna. 

Pagkarating palang doon ay agad inusisa ng magbabarkdada ang bahay. Sira-sira ang bakal na gate at tadtad na ito ng kalawang. Maraming ligaw na halaman at matataas na damo sa paligid ng lumang bahay. Dala ng kuryosisdad, sumilip sa likod-bahay si Ted, may maliit na bahay-kubo roon. Sa tabi nito ay may lumang balon, humakbang ang binata papalapit dito nang bigla siyang tawagin ni Sid. 

Dahil wala nang nakatira sa lumang bahay na iyon, sila-sila na lamang ang naglinis at nag-ayos ng ibang gamit. Bakas ang kalumaan dahil sa inaanay na mga poste at dingding ng bahay. Nahahati ang loob nito sa tatlong parte, ang salas, kusina at banyo sa ibaba. May kahoy na hagdan na may limang baitang ang taas. Maraming agiw sa apat na sulok ng kisame’t binabahayan na ito ng mga gagamba.

Matapos nilang magtanghalian nagkumpulan ang magkakaibigan sa loob ng kuwarto. May lumang TV doon at VHS player sa ibabaw ng mesa. Sinubukan ni Martin kung gumagana pa ang VHS, binuksan muna niya ang TV. Nakakita naman si Lex ng mga video tape sa loob ng lumang kabinet. 

Gawa sa kawayan ang malaki at mahabang papag ang inuupuan nila, amoy na amoy ang kulob sa loob ng kuwarto. Binuksan ni Lex ang bintana upang pumasok ang sariwang hangin habang hawak ang video tape sa isang kamay.

“Heto, may dala akong beer.” Inilapag ni Ted ang apat na bote ng beer na dala nila.

“Tamang-tama, masarap uminom habang nanunuod.” Kumuha ng pambukas si Sid, saka binuksan ang mga ito.

Sa paghahalungkat ng bala ng VHS napansin ni Lex ang isang video tape na walang pamagat. Ipinakita niya ito sa dalawa nagkatinginan si Martin at Sid, isinalang nila ang video tape sa VHS player para malaman kung ano ang nilalaman nito. 

Isang malakas na tunog ang nagpaingay sa loob ng kuwarto. Agad pinahinaan ni Lex ang volume ng TV. Magulo, nag-i-static at gumagawa ng nakakarinding ingay ang TV.

“Ayaw gumana ng VHS, sira na ata?” pagtatakang wika ni Lex.

“Baka ‘yung bala ang ayaw gumana!” sabat ni Ted.

Tatanggalin sana ni Martin ang video tape nang bigla itong umayos. Dumagundong ang nakakatakot na intro kaya hininaan ulit ni Martin ang volume. 

“Oh, maayos naman pala!” Turo ni Ted sa tapat ng TV.

Muling nagkatinginan sina Martin, Lex at Sid, nagkibit-balikat ang mga ito saka itinuon ang mga mata sa TV. Sinimulan nilang panuorin ang nilalaman ng video tape. Tahimik silang apat nang mag-umpisa ang palabas. Ipinakita ang bidang babae na isang estudyante. Mahaba ang buhok, payat, maputi at maganda. Litaw ang karakter nitong mahiyain at ilag sa mga tao. Tutok na tutok sa TV screen sina Ted, tila nahi-hypnotize sila sa kanilang pinapanuod hanggang sa mapahikab si Ted, maya’t maya ang pagpikit ng kanyang mga mata…

***

ISANG ingay ang nagpamulat sa mga mata ni Ted, galing ito sa pinapanuod nila. Napatingin sa kanya ang tatlo at nagtatawanan ito habang pinagmaamsdan ang mukha niya. Tumayo ito saka lumapit saglit sa salamin nang makita niya ang puro sulat na mukha, pinag-trip-an siya ng kanyang mga kaibigan habang nakaidlip.

“Mga baliw talaga kayo! Lakas ng trip n’yo!” inis na sabi ni Ted sa mga kaibigan.

Halos nasa kalagitnaan na pala sila ng pinapanuod ng pindutin ni Ted ang pause botton. Nagpaalam siya na iihi lang sandali. Lumabas ng kuwarto ang binata saka bumaba ng hagdan. Nagtungo siya sa banyo at umihi. Pagkalabas niya sa banyo matapos umihi dito niya napansin ang pinto patungo sa likod-bahay.

Biglang lumamig ang paligid sumusuot sa uwang ng pinto ang hamog papasok sa kinatatayuan niya. Binuksan niya ang pinto muli niyang natanaw ang balon inihakban niya ang isang paa palabas nang mapansin ang nakahelerang kumpol ng buhok sa lupa.

Pinulot niya iyon mahaba at kulay itim ang buhok. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa makarating sa tapat ng balon. Nag-iba ang panahon natakpan ng makapal at itim na ulap ang langit lalong lumamig ang paligid.

Napalunok-laway si Ted habang dahan-dahang iniyuyuko ang ulo upang silipin ang kailaliman ng balon. Nangangatal ang katawan niya namumuo ang malamig na pawis niya sa balat. Huminga nang malalim saka inilapat ang dalawang kamay sa bunganga ng balon. Nang bigla siyang makarinig ng sigaw.

“Maawa kayo! Tama na!”

Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga katagang iyon sa tainga ni Ted. Domoble ang takot ng binata, hindi ito makaalis sa kinatatayuan niya. Nangangatog ang dalawang tuhod at palingon-lingon sa paligid, hinahanap ang pinanggalingan ng tinig.

Tumigas ang katawan ng binata nang maramdaman ang malamig na bagay na pumatong sa mga kamay niya. Parang bloke ng yelo sa sobrang lamig. Dahan-dahan ipinihit ang ulo upang tingnan ang malamig na bagay na iyon. Nakahawak ang mga kamay niya sa bunganga ng balon.

Halos lumuwa ang mga mata ni Ted, napasigaw ito nang malakas nang makita ang isang nakakatakot na babae sa balon. Nakahawak ito sa mga kamay niya, sobrang lamig nito. Tila bangkay ang hitsura ng babae. Nakasuot ng punit-punit na school uniform at may bahid ng tuyong dugo sa damit. Natatakpan nang mahabang bangs nito ang mga mata ng babae. 

Napaupo sa sobrang takot si Ted, pasadsad na umatras ang binata upang makalayo sa nakakatakot na babae. Kitang-kita ng mga mata niya kung paano lumabas ang babae sa balon. Mula sa bunganga ng balon Itinaas nito ang dalawang paa. Parang gagamba na gumapang ang babae papalapit sa kanya. Puno nang pagtataka ang isip ni Ted kung paano nagawang paikutin ng babae ang leeg nito sa isang kisapmata. Kinuskos ni Ted ang mga mata, mabilis na sumambulat ang mukha ng babae sa mukha ni Ted.

“Waaahhh!” bulalas na sigaw ng lalaki. Halos magdikit ang mukha nila ng babaeng bangkay. 

Napahawak siya sa kanyang bibig, gusto nang bumigay ng sikmura ng binata dahil sa nabubulok na katawan, umaalingasaw at nakakasukang amoy ng babae. Umiling-iling ang babae hinawakan nito ang pisngi ni Ted, damang-dama ng binata ang lamig ng kamay nito. Sunod na hinimas ng babae ang katawan ni Ted, dahan-dahan na tila inaakit siya nito. Hinawi ng isang kamay ng babae ang buhok niyang nakalaylay. Gumulantang sa mukha ni Ted ang maraming uuod sa magkabilang mata at ilong ng babae.

Tumindig ang babae, nakatagilid ang ulo. Itinaas nito ang isang kamay na parang may itinuturo. Napatingin siya si Ted sa dereksyong iyon, nandoon ang kuwarto nila. Nang tingnan niya muli ang babae bigla itong naglaho.

Mabilis na tumayo si Ted, pasigaw siyang tumakbo papasok sa bahay. Sa hagdan pa lang napansin na niya ang bakas ng tubig sa sahig patungo ito sa kuwarto kung saan naroon ang tatlo. Kinabahan ang binata, lalong tumaas ang pangamba at takot na nararamdaman niya.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa harap ni Ted ang nag-i-static na TV. Wala ang tatlong barkada. Tinawag niya ang mga ito ngunit, walang sumasagot. Napansin ni Ted ang amoy lumot na tubig sa sahig. Nagkaroon ng hinala si Ted na may humatak sa mga kaibigan niya dahil sa naiwang bakas. Pumasok sa isip niya ang babae sa balon. Maaaring ito ang tumangay sa mga kaibigan niya. Naglakas-loob siyang hanapin ang mga kaibigan. Lalabas sana siya ng kuwarto nang biglang sumara nang kusa ang pinto.

Pinihit nang pinihit ni Ted ang hawakan ng pinto pero ayaw nitong bumukas. Parang may bagay na nakaharang sa kabilang panig nito. Lumukso ang puso ni Ted nang mag-play kusa ang video.

“Maawa kayo! Tama na, pakiusap!” 

Nakuha nito ang atensyon ni Ted. Pinanuod niya nang mabuti ang palabas. Hindi na ito ang pelikulang pinapanuod nila kanina. Tinakpan ang orihinal na pelikula ng isang recorded video. 

Nanginig ang buong katawan ni Ted nang mapanuod ang tunay na nilalaman ng video na ito. Pinagsamantalahan ng tatlong lalaki ang isang dalagita. Lango sa alak at wala sa mga sariling pag-iisip. Sigaw nang sigaw ang dalaga. Nagmamakaawa ito sa tatlo. 

“Tama na! maawa kayo! Pakawalan n’yo na ako!”

“Tumahimik ka! Hindi pa kami tapos! Ted, ikaw na!” sigaw ng pamilyar na mukha sa video, walang iba kundi si Sid.

Umalingawngaw ang sariling pangalan sa utak ni Ted, nandoon siya kasama siya sa panggagahasa sa dalagita. Siya ang may hawak ng video camera habang pinagsasamantalahan ng tatlo ang babae. Pagkatapos ni Sid, tinawag siya nito para siya naman ang gumalaw sa babae.

Bumalik ang lahat sa gunita ni Ted, kilala niya ang babaeng iyon. Napaluhod siya sa sahig habang pinapanuod ang sarili sa video. Ginagawa ang kahalayan sa inosenteng babae. Si Sid na ang kumukuha ng video. Itinapat nito ang video camera sa mukha ng kaawaawang babae. Lupaypay at halos hindi na makapagsalita sa sinapit nitong paghihirap.

“Say,hi! Jessa!” Tinig ni Sid.

****

Napaiyak si Ted nang maalala ang mga sandaling iyon. Nakatingin sa kanya si Jessa, nagmamakaawa. Tinatawag nito ang pangalan niya nang paulit-ulit. 

Si Jessa ay girlfriend ni Ted. Maganda, maputi, may mahaba at itim na buhok. Isinama ni Ted si Jessa sa bahay bakasyunan nina Sid, ang hindi niya alam may nakahanda na palang alak doon. Wala siyang kaalam-alam na may ganoong plano ang tatlo. Matagal na ring gusto ng tatlo si Jessa, nagkataon lang na si Ted ang pinili ng babae. Hindi nagawang ipagtanggol ni Ted ang kasintahan. Pinagbantaan siya ng mga kaibigan na damay-damay sila kapag nagtraydor ang isa.

Matapos pagsamantalahan, nakita niya sa video kung paano pinukpok sa ulo ni Martin si Jessa ng martilyo. Makailang ulit ito hanggang sa mawalan ito ng hininga. Nagkalat ang dugo sa sahig maging sa buong katawan ng dalaga. Kinaladkad nila ang katawan ng babae saka inihulog sa balon. Halos mapasuka si Ted sa napanuod niya.

Dito na natapos ang video muling nag-i-static ang screen ng TV. Napayakap si Ted sa sarili alam niya ang kasunod na nangyari, alam niyang inihulog din nila ang video tape sa balon. Binuhusan ng simento saka ito tinakpan. Umuwi sila na parang walang nangyari. Iyon ang huli nilang pagkikitang apat.

Nanlumo si Ted, sising-sisi sa sarili. Walang tigil sa pag-iyak, hindi niya lubos maisip na nagawa niya ang bagay na iyon sa sariling kasintahan. Ngayon, naghihiganti si Jessa batid niya na siya na ang isusunod nitong isama sa balon.

Napasandal si Ted sa dingding nang mapansin niya ang hamog na nanunuot sa uwang ng pintuan. Gumagapang ito sa ilalim papasok sa loob. Hindi na pumalag si Ted, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Nang biglang bumukas nang malakas ang pinto—napamulat siyang muli sa gulat!

Sigurado na si Ted na ang multong ito ay si Jessa. Ang naghihiganting kasintahan na nakatayo sa harap niya. Sumasayad sa sahig ang mahaba nitong buhok. Umupo ang multo sa harap ni Ted, naningas na parang bato ang binata. Pinagpapawisan nang malamig, nangangatog ang katawan at umiiyak sa sobrang takot. Pinilit niyang magsalita kahit pautal.

“J-Jessa, p-patawad—patawad!” 

Isinigaw niya nang malakas ang paghingi ng tawad sa dating kasintahan. Nagulat ang binata nang bigla siyang halikan nito sa labi. Napahiga si Ted sa sahig hanggang sa pumaibabaw ang multo sa katawan niya.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam hindi na niya magawang tumayo. Inilihis niya ang ulo para makaalis sa pagkakahalik ng babae. Nang maramdaman ni Ted ang malamig nitong kamay na sumasakal sa leeg niya. Pahigpit nang pahigpit at halos ramdam na niyang malalagutan na siya nang hininga. Nangisay ang katawan ng binata at bago siya tuluyang bawian ng buhay…

***

“TED!” 

Isang malakas na sigaw ang yumanig sa buong katawan ni Ted, niyugyog siya nang niyugyog hanggang sa tuluyan na siyang magising. Habol ang hininga habang nakasakal ang dalawang kamay niya sa sariling kanyang leeg. Napalunok-laway ang binata, tagaktak ang pawis na tumutulo sa noo niya patungo sa pisngi.

“Ayos ka lang ba? Binangungot ka!” nag-aalalang sabi ni Martin.

Nanginginig ang katawan ni Ted nang isa-isa niyang lingunin ang mga kaibigan. Hinawakan niya ito sa bawat balikat at siniguradong buhay nga ang mga ito. Naibsan ang pag-aalala ni Ted ng malaman na buhay ang mga barkada niya. 

Nagkatinginan silang apat, hindi lang si Ted ang nakaranas ng bangungot na iyon. Maging sina Martin, Lex at Sid ay binangungot din nang araw ding iyon. Kaagad nagsindi sila ng kandila sa tapat ng balon, nanalangin at muling inalala ang kanilang pangako.

“Anuman ang mangyari walang kakanta sa ating apat, sama-sama nating ibabaon ang lihim ng kahapon!” mariing saad ni Sid.

Napalunok laway si Ted, alam niyang hindi sila patatahimikin ni Jessa, kahit sa panaginip minumulto sila nito. Ilang taon na ang nakalipas mula nang gawin nila ang krimen nahuli ang apat at dinala pansamantala sa boys town dahil minor de edad pa sila noon. Nang dumating sa hustong gulang nilitis sila at nakulong sa salang panggagahasa at pagpatay subalit nabayaran ang husgado at nakalaya sila. Hindi na muling nakapag-file ng kaso ang mga magulang ni Jessa. Masakit man sa loob nila na hindi nakamit ang hustisya sa anak.

Magkagano’n man, inuusig pa rin sila ng kaluluwa ng babaeng ginahasa, pinatay at itinapon sa balon. Tumalikod ang lahat at handa nang lisanin ang bahay na iyon nang mapalingon muli sa balon si Ted. Nanlaki ang mga mata niya’t nanindig ang balahibo nang makita ang babaeng nakatayo sa gilid ng balon hawak ang video tape.

May itinuturo si Jessa sa gilid ni Ted. Nang makita ni Ted ang nakasandal na martilyo sa pader ng lumang bahay ay kinuha niya ito. Muli niyang tiningan ang multo ni Jessa na nakatayo’t tila may inaabangang gawin ni Ted.

“Hoy! Ano ba—”

Hindi pa man tapos sa pagsasalita si Sid nang bigla siyang hambalusin sa mukha ni Ted. Hinataw nang hinataw ni Ted ang ulo ni Sid hanggang sa mapuno ng dugo ang madamong lupa. Hindi makapaniwala sina Martin at Lex sa ginawa ni Ted. 

“Baliw ka!” Sumugod si Martin na tanging kamao lamang ang panlaban. 

Umihip ang malakas na hangin kasabay nito ang pagsalpok ng martilyo sa kamao ni Martin. Sinundan pa ng paghataw ni Ted sa balikat, likod at ulo ni Martin. Bumulagta ang katawan ni Martin katabi ng walang buhay na katawan ni Sid. 

Nanginig sa takot si Lex. “A-Ano bang pumasok sa isip mo, Ted?” nangangatog na tanong ni Lex. “S-Sinapian ka na niya!” sigaw pa niya. Nang maaninag ni Lex ang multo ni Jessa na nasa likod ni Ted. Nakangisi ito at nakayapos sa magkabilang braso ni Ted. 

Kitang-kita ni Lex ang tila demonyong mga mata ni Ted na nanlilisik at gustong pumaslang. Tatakbo na sana si Lex nang mabilis siyang nasugod ni Ted sa likuran. 

“Hindi ka makakatakas!” Makailang ulit niyang pinukpok ng martilyo ang likod ni Lex habang nakasubsob ang katawan sa lupa. Panghuli niyang ginawa ang pagmartilyo sa ulo ng binata hanggang sa mabasag ang bungo nito’t umapaw ang dugo sa lupa. 

“Sorry, hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang napagkasunduan nating apat.”

Humalakhak nang nakakaloko si Ted matapos niyang mapatay ang tatlo. Nilakaran niya ang bangkay na nakahandusay sa lupa. Malagkit ang buong katawan ni Ted, naliligo sa dugo ang katawan niya. Tumapat siya sa bunganga ng balon.

“Tapos na Jessa. Pinagbayaran na namin ang kasalanan namin sa ‘yo.” Tumingala si Ted sa langit. 

Plano na iyon ni Ted simula nang makalaya sila. Handa na sana niyang pagyaran ang kasalanan sa loob ng bilangguan nang bayaran ng pamilya ni Sid ang husgado. Simula noon, inisip na niya kung paano mapagbabayaran ang kasalanan hanggang sa magyaya ng get together si Sid. Sakto ang lahat dahil sa mismong lumang bahay pa nila napag-usapan ang planong pagkikita. 

“Jessa… magkakasama na tayo sa ilalim ng balon na ito…” Tumalon si Ted hawak ang martilyo. 

Hindi na mag-iisa si Jessa, kasama na niya si Ted sa madilim at malalim na balon. Sa pagwawakas ng kanilang buhay, nagwakas na rin ang bangungot na tinatakasan nila.



Tagu-Taguan"



Our simple life is amazing and peaceful. We drunked, played, dared at nagtutuksuhan ng kung anu-ano tungkol sa bawat isa. Ganiyan ang ginagawa naming magkakaibigan.

But there is a sudden thing happen that we didn't expect to happen. Ang masaya naming mundo ay nagbago sa isang iglap...

Ang masasaya naming ngiti ay luha na ang kapalit. Ang kaninang tawanan ay binago na at mga sigaw na ng pagkatakot at pagka gimbal.

Hinihingal kaming tumatakbo para takasan ang isang halimaw na humahabol sa amin.

Nakakatakot...

Nakakagimbal...

At nakakawala sa katinuan...

Lalo na kapag unti-unti mong nakikita ang bawat paghingi ng tulong ng mga kaibigan mo at ang tanging nagagawa mo ay tumakbo at iligtas ang sarili mong buhay.

"Nasaan na kayo, tayo'y maglaro ng taguan. Ako ang taya." Sabi ng halimaw sa nakakagimbal niyang boses at sinundan pa ng nakaka pangilabot na halakhak.

Pigil ko ang hininga ko at nakatakip sa bibig ko. Takot na baka may kumawala na hikbi sa akin. Halo halong emosyon. Para na akong masusuka sa kaba. Kasabay nito ay ang walang katapusang pag daloy ng luha ko. 

Paano namin matatakasan 'to?

May tutulong kaya sa amin?

Lalong sumisikip ang dibdib ko habang tumatagal ang pangyayari.

Ayoko na... Please...

Nagising nanaman ako sa isang bangungot. Hinahabol ko ang hininga ko habang puno ng pawis ang katawan ko dahil sa masamang panaginip na 'yun na paulit ulit na panaginip ko na ito. Ayaw akong tantanan. Bakit ba palagi ko nalang ito napapanaginipan?

Napasabunot ako sa buhok ko at pinunasan ang kumawalang luha sa mga mata ko. 

Nagsimula lang 'to ng makita ko isang gabi na may dalawang lalaki na naghuhukay sa bakanteng lote malapit sa amin.

Napadaan ako isang gabi sa bakanteng lote dahil wala akong choice na daanan dahil sarado ang dating daan patungo sa kabilang eskinita kung nasaan ang bahay namin. Tapos hindi manlang ako hinatid ng mababait kong kaibigan. Iinom inom hindi naman pala kaya. Tss. Dapat pala umuwi na ako ng maaga hindi maaga na. Nagsisisi tuloy ako bakit umalis pa ako ng mag isa sa bahay ng kaibigan ko. Tanging kapiling ko ay ang electric stun gun ko.

Nagtago ako para hindi makita ng mga taong iyon. Dalawa silang lalaki na nakamaong na pantalon, ang isa ay kulay berde ang t-shirt at ang isa pa ay nakaitim naman na polo shirt. Ang tanging nagsisilbing ilaw ay ang ilaw ng poste sa hindi kalayuan malapit sa kanila kaya medyo tanaw ko sila. Bihira na ang dumadaan dito kapag ganitong hating gabi o madaling araw kasi wala naman gaanong bahay dito. Wala lang talagang choice ngayon dahil ginagawa pa ang kalsada samin. Madilim na nga mga eskinita dito tanging ilaw sa mga poste ang nagbibigay liwanag sa daan. Kaso mo nga 'yung iba ay pundi na at ang iba ay aandap andap pa.

Alas tres na ng umaga kaya wala na talagang tao. Bakit kasi ngayon lang ako nakauwi. Nakakainis nakatulog ako sa bahay ng kaibigan ko. Nagkaroon kasi kami ng katuwaan dahil biyernes ngayon at walang pasok bukas. Simula hapon pa kami nag iinom pagkagaling namin sa eskwelahan. Kakatapos lang ng mahabang exam kaya nag plano kami na mag iinom para mag chill out pagkatapos ng masalimuot na mga exam. Hirap pag college kana tapos sunod sunod ang exam minsan sasabay pa ang bayarin at mga project nakaka sira talaga ng ulo. Lalo na pag hampas lupa ka na umaasa lang sa magulang mo.

Marami akong nainom kaya Ang mga abnormal kong mga kaibigan walang pakialam dahil sinulatan pa ang mukha ko ng pentel pen. Ang bait talaga ng mga kaibigan ko. Sarap pag pepektusan. Malakas lang talaga loob ko dahil marunong naman ako ng konting self defense at my dala naman akong electric stun gun. Buti nalang pati ay hindi ako nagka hang over, konti lang.

Mabalik nga tayo dito sa mga taong maghuhukay.

May dala silang pala. Naghuhukay sila sa bakanteng lote at may binaon sa lupa. Hindi ko makita kung ano 'yung binaon nila sa lupa. Kalaunan ay umalis din ang dalawa na parang walang nangyari at nag uusap.

Ano kaya ang binaon nila dun kayamanan kaya? Naku pagkakataon ko na yatang yumaman. 

Nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ang lugar kung saan sila naghukay at may ibinaon sa ilalim ng lupa.

Pero kusang humakbang ang paa ko papalapit doon sa lugar kung saan may ibinaon ang dalawang lalaki. 

Hukayin ko kaya o huwag na? Baka mashook ako sa makita ko. Paano pala kung hindi kayamanan ang naka baon dito? Baka mamaya katawan ng tao? Katawan ng impakto?

Kinabahan ako, paano nga kung katawan ng tao? Kinilabutan ako bigla at tumaas ang balahibo ko. Nanginig ang buo kung kalamnan. Kaya napag desisyunan ko na huwag nalang hukayin at tumakbo ako ng mabilis dahil sa kilabot na nararamdaman. Parang iba ang kutob ko at hindi ko alam kung tama ba na hukayin ko 'yun.

Ang kaso mo nga nagtakbuhan din ang mga asong palaboy at hinabol ako. 

Mama! Ang daming aso ayoko na!

Kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nagka adrenaline rush ako sa takot baka makagat ako ng aso. Halos pangapusan na ako ng hininga at muntik na akong magiba dahil sa layo ng tinakbo ko. Kaso ang mga lintik na aso hinahabol din nila ako. 

Mangiyak ngiyak na ako. Ang tapang ko may paself defense at stun gun pa ako. Pero sa aso takbo ako. Huhu! Mama!

Nakaramdam ako ng ginhawa sa dibdib ng matanaw ko na ang kulay silver namin na gate. Kaya lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. 

Kaso binilisan din ng mga aso ang paghabol sa akin. Ano ba kasalanan ko sa mga kutong lupa na 'to. Amoy nabubulok na karne na ba ako?

Nang makarating ako ay agad kong tinulak ang gate. Dinamba ako ng aso kaya sa kaba at takot ko napa akyat ako sa gate naging ninja ang datingan, mabilis kong natalon ang itaas ng gate hindi naman kasi kataasan ito. Napatalon ako sa loob. Mangiyak ngiyak akong napahiga pagkababa ko. Tahol parin ng tahol ang mga aso pero hindi ko nalang pinansin.

Hingal na hingal ako dun ah? Nakakaasar na mga aso 'yan hindi ko na uulitin. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Pagdilat ko ng mata ko nakita ko ang nakataas na kilay ni mama. Halatang galit siya dahil ngayon lang ako nakauwi.

Sana matuwa naman siya na nakauwi ako ng ligtas bago niya ako sermunan. Buhay talaga ng tao minsan nakakaasar!

Pero mali ako ng haka-haka dahil mukha lang galit si mama. Napabuntong hininga siya at tinulungan niya akong tumayo. Kaagad niya akong kinabig at kinulong sa mga bisig niya.

"Ikaw na bata ka! MegumiJ naman pinag alala mo ako hindi ako makatulog ng wala ka! Tapos hindi ka pa sumasagot sa text at tawag ko!" Sabi niya sa nanginginig na boses may halong kaba at pag aalala. 

Siguro natural response lang 'yun ng magulang kapag bigla silang nagagalit at sisigawan ka kapag may nagawa kang mali. Doon yata nila naeexpress yung pag aalala nila. Kasi magagalit ba sila ng walang dahilan o dahil trip lang nila? Aminin man natin sa hindi pasaway lang talaga tayong mga anak. Tapos tuwang tuwa pa tayong asarin sila lalo na kapag galit na.

"Sorry na mama," sabi ko. Kumalas ako sa yakap niya at napatingin ako sa mukha niya. Bakas ang mga luha at pag aalala sa mata nito at napabuntong hininga na din dahil nakita niya na nakauwi naman na ako.

"Lika ka na, pasok na tayo sa loob." Sabi niya habang ang kamay niya ay nasa bewang ko. "Ano ba nangyari sayo at nakahiga ka sa tapat ng bahay natin?" Tanong niya pa.

Mukha na siguro akong ewan. Nag usap lang kami ni mama sa kung ano ang ginawa ko. Hindi ko kasi nasabi at naitext si mama nawala sa isip ko kanina dahil sa sobrang drain ng utak ko sa exam. 

Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos namin mag usap ni mama. Naligo muna ako at nagbihis bago matulog.

Akala ko makakatulog na ako ng maayos pero mali ako...

Dito nagsimula ang paulit ulit kong panaginip na hindi ko pala alam na magiging totoo at mas malala pa sa inaasahan ko...

Naisipan naming mag camping na magkakaibigan. Dahil bakasyon na. Kaya nandito kami malapit sa ilog at gubat na maraming puno. Nag camp fire kami at naisipan naming mag laro ng walang kamatayang truth or dare. Bawal ang KJ kaya lahat mag paparticipate. kaming mag kakaibigan. Labing dalawa kami sa grupo Ako sina Korum, Mai, Asahira, Jam, Koko, Hammy, Cjp, Zai, Kurai Kan, Hoshikari at Kuys Jeff. Bigla nalang...

"Laro tayo tagu-taguan.

Tagu-taguan masarap mag mahal 'pag hindi iniwan..." Sabi niya habang nag uumpisa na kaming tumakbo.

Nakakapag biro pa siya.

Nasulyapan ko ang mukha niya kanina. Malaki ang katawan niya at puro hiwa-hiwa sa bawat parte ng katawan niya. Meron sa mukha na malaki ang hiwa at lumuluwa na ang mata niya at may mga uod na sa bawat sugat niya. Mahaba ang buhok niya hanggang balikat at nagkalat na sa ulo at katawan dahil sa mga sariwang sugat. Nang makita ko ang itsura niya ay naduwal ako sa nakita ko. Hindi kinaya ng sikmura ko. Lalo na kapag nakikita ko na kinakain ng uod ang mga sugat niya. Hindi ba siya nasasaktan kapag kinakain ng uod ang sariwa niyang mga sugat?

"Ay mali pala ang kanta ko. Nyahahaha..."

Nagawa niya pang tumawa tawa samantalang kami dito ay mahimatay na sa takot. Pero isa sa aming magkakaibigan ay walang tumawa.

Nakita ko sa kabilang punong kahoy si Koko nakaluhod na at nagdadasal na yata sa lahat ng pwede niyang dasalan at nangangako na yata na hindi na manghaharot.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. 

Pagbilang ko ng sampu dapat nakatago na kayo.  Dahil kapag hindi....  Nyahahahaha....... Syempre maglalaro tayo..."

Tumingin ako sa bandang unahan ko at nakita ko si Jam na binaba ang short. Ano kayang ginagawa niya? Huwag mong sabihin na hindi nanaman niya mapigilan ang pag dumi niya? Grabe naman kahit na habol na namin bawat segundo ng buhay namin dito nagawa pa talaga niya 'yan.

"Isa...... Ano nakatago naba kayo?"

Bakit ganun masaya pa ang tinig niya habang sinasabi ito?

"Dalawa....... Huwag niyo akong subukan....." 

Pagpapatuloy niya sa pagbibilang. Patuloy din ang pagluha ko dahil sa kaniya.

Sa kaliwang dako ko naman aaninag ko si Hoshikari na nagagawa niya pang kumain ng pagkain. Bakit ganito ba ang mga kaibigan ko. Malaki na yata ang diperensiya sa ulo.

"Tatlo...... Bilisan niyo na....." 

Naririnig ko na ang mabibigat niyang hakbang. Bumilis lalong ang tibok ng puso ko at parang masusuka nanaman ako sa kaba.

"Apat....... Hindi pa ba ako sapat? Nyahahaha... Ang korni. Pero oo nga bakit mo ako iniwan. Hindi pa ba ako sapat?" 

Lumungkot ang tinig niya sa huling salitang binitawan niya. Bakit pati yata siya ay may hugot sa buhay? At bakit ko ba pinoproblema 'yun dapat sarili ko nalang problemahin ko eh.

"Lima....... Magdasal na kayo......"

Nauna na ngang magdasal si Koko. Kanina pa nakaluhod at hindi pa tumatayo. Nagdadasal kaya talaga siya?

*****

Palapit na ang yabag niya sa akin... Kinakapos na ako ng hininga. Napasigaw si Koko kaya nabaling ang paningin ko sa dako niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Hiniwa ng walang hiyang halimaw ang leeg nito, dinukot ang mata niya at pinutol ang dila para hindi na ito gaanong maka sigaw. Hiniwa ang iba't ibang parte ng katawan na parang wala lang para rito ang ginagawa niya. Ginawa niyang boneless bangus ang kawawang katawan ni Koko. Tumalsik ang dugo nito sa paligid natalsikan din ako sa mukha. Nanlaki ang mga mata ko at hindi na ako maka kilos sa kinatatayuan ko na parang tinulos na dito.

Bakit? Bakit nangyayari ito? Tama na please... 

Hindi ko na yata kakayanin. Kahit nanginginig pa ang kalamnam ko sa nakitang pagpatay kay Koko. Nabaling ang paningin sa'kin ng walang awang pumatay kay Koko, ngumisi pa ito sa akin na sinasabing ako na ang susunod. Agad akong napasigaw sa takot at pinilit kong tumakbo sa ibang dako. Binilisan ko sa takot na maabutan niya ako.

Pabalik balik sa isipan ko ang unti-unting pag bali sa kamay ni Koko at ang pag pira piraso sa katawan nito na akala mo ay humihiwa lang ng letson. Habang kinakain niya ang bawat laman nito. Ang mga sigaw ni Koko ang paulit ulit na gumigimbal sa akin at wala manlang ako magawa. Gusto ng bumaliktad ng lahat ng lamang loob ko. 

"Anim....... Ang galing ko talaga. One down beybeee eleven more to go. Sino gustong sumunod? Huwag niyo na pahirapan ang sarili niyo. "

Tinignan ko sa di kalayuan ang iba kong mga kaibigan. Sigurado ako na narinig din nila ang bawat iyak ni Koko at paniguradong lumuluha din sila at walang magawa. Paniguradong nag iisip din naman sila ng paraan.

"Pito...... Ang pogi ko pala. Pero bakit niya ako iniwan? Kapalit palit ba ako"

Marami pa itong monologue. Sa bawat biro niya at mga hugot. Bumabaliktad ang sikmura namin at tanging pagdaloy ng luha ang nangyayari. At mga sigaw ng mga kasama ko ang naririnig ko. Sigaw ng takot at pag asa na sana maka alis kami dito.

"Walo..... Naiinip na ako....."

Natisod si Korumples dahil sa malaking ugat ng puno. Sinubukan siyang tulungan ni Kuys Jeff at ni Mai nakatayo na sila ngunit naabutan sila ng humahabol sa amin. 

"Tumakbo na kayo Mai! Ako ng bahala dito." Sigaw ni Kuys Jeff.

Kahit alangan si Mai at Korumples ay tumango na lang sila dito. Sinubukan suntukin ni Kuys Jeff ang mukha nito ngunit walang epekto at tumawa lang ito ng pagkalalas. Napunta sa kamay ni Kuys Jeff ang mga uod na nagkalat sa mukha nito. Malalaki na ang mga uod at nakita ko na kinakagat na ng uod ang kamay niya. Kaya napasigaw siya. Ginawa naman ng halimaw na walang puso ay sinakal si Kuys Jeff at diniinan ang pagkakasakal hanggang sa mawalan na ito ng malay. Lumitaw nanaman ang nakaka kilabot niyang ngiti. Pinutol niya ang ulo gamit ang kaniyang dalang pang hiwa. Kagaya ng ginawa niya kay Koko ganoon din ang ginawa niya kay Kuys Jeff...

Wala na...

Kapag ba tumigil ako ay titigil din siya at ako nalang ang kukunin niya? Kasi ako nalang ang magsasakripisyo huwag na ang iba kong mga kaibigan. 

"Siyam...... Bakit pa nga ba ako nagbibilang.....sige na. Dalawa na ang aking nabiktima. Sampu nalang ang kulang" sabi niya sa pakantang tinig.

"Sampu... Nakatago na ba kayong sampu? Huling bilang para sa inyong sampu nakakapagod din pala mag bilang. Kaya hindi na ako mag bibilang. Sa pag mamahal nga napagod ako sa pagbibilang pa kaya?"

Dami niya talagang hugot sa buhay. Tumakbo nalang ulit ako at ayoko ng marinig ang mga pinagsasabi niya. Nauntog ako sa puno kaya nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo at dumaloy ang dugo mula sa noo ko. May matulis na sanga pala ang naka tusok sa akin. Nahirap ako alisin ang sanga. Maliit lang ang nakatusok pero masakit kasi kapag inunti unti kong tanggalin. 

May tumulong sa'kin para maalis ko agad ang sanga. Hinila niya ako ng mabilisan para matanggal ako sa sanga. Mag papasalamat na sana ako sa tumulong sakin. Pero ang mga hiwa at may uod na mukha ang bumungad sa'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto ng tumalon at kumaripas ng takbo. 

"Hi." Ito lang sinabi niya at nalanghap ko ang nabubulok na amoy ng kaniyang hininga. Hindi mapigilang maduwal.

"Nice to meet you din." Sarkastikong sabi nito ng makita akong naduwal sa harap niya.

Pinilit kong lakasan ang loob ko. Sumigaw ako ng "Darna!" at tumuro ako sa likod niya kaya napatingin din siya sa likod. Ginawa ko itong dahilan para makatakbo ako.

"Walang hiya! Mandaraya ka! Huwag lang kitang mahuli at hindi kana sisikatan ng araw." Sigaw niya na may kasama nanaman na malakas na halakhak.

Nakabunggo ko si Jam sa daan habang tumatakbo kami kaya nagulong kami malapit sa bangin. Napa kapit kami sa mga sanga ng puno. May nag abot ng kamay sa akin at agad ko naman itong inabot hindi ko naaninag kung sino ang tumulong sa akin dahil medyo madilim. Nakita ko din na may nag abot ng kamay kay Jam medyo malaki ang palad, agad naman inabot ni Jam ito at napasigaw nalang siya. Nang makita namin ang kabuuan ng katawan ng tumulong sa kaniya ay napasigaw din ako. 

Nakita ko nalang na natalsikan ang dugo sa katawan ng tumulong sa akin. Pag baling ko kung sino ang tumulong sa akin ay si Cjp pala. Laking ginhawa ko akala ko isa ulit halimaw. Agad niya akong hinila paalis doon at tanging sigaw ni Jam nalang ang naririnig namin. Mga hinaing at sakit ng ginagawa sa kaniya ng halimaw na 'yun.

Umakyat kami sa isang puno at may binuksan na pintuan sa puno si Cjp at pumasok kami dito. Nandito sa loob ang ilan sa kasamahan namin. Maliban kay Asahira, nasaan nanaman kaya ang isang 'yun laging may sariling lakad.

Naabutan ko na nag lelecture si Hammy tungkol sa mga strategy na gagawin namin sa halimaw na iyon at kung paano kami lalabas dito.

Nagtataka ako kung bakit may ganitong lugar dito. Para saan kaya ito? 

"So ganito, nabawasan na tayo ng tatlo o apat dahil hindi namin sigurado kung kasama si Asahira sa namatay gawa ng halimaw.

Ito palang kagubatan na pinasok natin ay isang lumang laboratory ng matandang scientist na namatay dahil sa nagawa niya sa pag eexperimento. Iyong halimaw na humahabol sa atin isa siya sa napag experimentuhan ng scientist na ito. Ito kung nasaan tayo ay isa sa laboratory niya. Once na naka pasok ka pati sa kagubatan na ito ay hindi kana makaka alis ng ligtas. Maliban sa isang bagay..." Mahabang pahayag ni Hammy. Siguro ay marani siyang natuklasan sa maikling panahon.

"Ano 'yun Hammy?" Tanong ni Zai.

"Hanapin ang sikretong lagusan. Nakita ko sa isang blue print ng lugar na ito. Kaso ay malabo na kaya hindi gaanong maitsurahan kung saang bahagi ito dito sa kagubatan." Nag bulungan na sila ng posibleng lugar kung saan ito at nag plano na kung saan nakaasign sa paghahanap."

Hindi ko masyadong naintindihan kung saan ba ako naka assign. Napag desisyunan ko na kay Cjp nalang ako sasama. Kaso masama ang kutob ko sa mga mangyayari. Hindi ko alam kung para saan. Gusto ko nalang magpahinga dahil sa pagod. 

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako dahil sa pagod, hindi ko alam kung paano. Nagising lang ako sa isang silid na punong bangkay at umaalingasaw na amoy. Nakatali ako sa isang kwarto na madilim at ang tanging ilaw ay mga kandila na pula at may amoy na hindi ko mawarian kung ano ito. Napadako ang paningin ko sa harapan ko. Nakita ko din ang iba kung mga kaibigan na nakatali din ang dalawa nilang kamay at paa na naka tiwarik din na kagaya ko. 

"Gising na pala ang mga mababait kung mga kaibigan." Sabi ng halimaw na walang puso. Habang naghahasa siya ng palakol at itak. 

Napalunok ako ng makita ko ang mga hinahasa niya. Alam ko na kung para saan niya gagamitin 'yan. Kagaya ng ginawa niya kina Koko, Kuys Jeff at kay Jam. Panigurado na ganiyan din ang gagawin niya sa amin o baka mas malala pa.

"Kanina taguan ang laro natin kaso ang dali niyo naman mahanap. Kaya ngayon mini mini may nimo ang lalaruin natin. Handa na ba kayo? Opo master. Ako na din sasagot ayoko mapagod kayo." Napahalakhak nanaman siya. Nakaka pangilabot ang kaniyang halakhak mala demonyo.

"Sa kuta ko kayo nag tago. Akala niyo safe na ang pinuntahan niyo. Ang hindi niyo alam marami na akong na trap doon. How sad di ba? Better luck next time. Ituturo ko sainyo ang daan. Naiinis lang ako hindi na yata ako marunong mag bilang. Bakit walo nalang kayo? Tatlo pa lang ang ginawa kong hapunan. Nagugutom nanaman ako, sino uunahin ko?" 

Tinignan ko ang bawat tao sa harapan ko kung sino ang wala. Lahat ng nandito ay may nakalagay na blade na marami sa bibig nakatayo ito at kapag nasarado namin ang bibig namin tiyak na magsusugat ito at babaon sa aming bibig. May naka tutok na malaking espada sa bandang leeg namin na konting kilos lang ay tatarak sa aming lalamunan. 

Kahit anong gawin namin ay mamamatay kami.

Nag umpisa na sa pag mimili ang halimaw at nag mini mini may nimo nga siya na tumapat kay Hoshikari. Nilapitan na niya ito para hiwain ang braso ngunit napatigil ng bumukas ang pinto at pumasok si Hammy at Asahira na may dalang... water gun? Ano nanaman kaya naisipan ng mga ito?

"Tapos na ang palabas mong hayop ka." Sabi ni Hammy at tinapat dito ang dalang water gun at binaril ito. Lumabas ang kulay pulang likido na hindi ko alam kung ano. Naging dahilan ito ng pag aray ng halimaw at nalulusaw na parang niluluto ang balat na nalagyan ng pulang likido.

Kahit na napapahiyaw siya sa sakit ay mabilis itong naka kilos at nahablot si Hammy.

"Iligtas mo na sila Asahira ako ng bahala dito!" Sigaw ni Hammy na agad naman sinunod ni Asahira. Isa isa niya kaming kinalagan. 

Habang si Hammy ay binabaril ang halimaw gamit ang water gun. Hindi niya ito tinitigilan hanggat hindi ito tumitigil. Kahit na nagdudulot ito ng pagkalapnos ay nagawa parin ng halimaw na gamitin ang kapit niyang itak at nahiwa niya ang kamay ni Hammy kaya napasigaw siya sa sakit.

"Bilisan mo na Asahira!" Sigaw ulit ni Hammy kahit napapahiyaw din siya sa sakit.

"SANDALI! Akala mo ba madali mag kalag? Palit kaya tayo dito!?" Balik sigaw ni Asahira lalo na ng hindi niya makalag ang tali ni Zai. Kaya tinulungan ko na siya ng matapos niya kalagin ang tali ko. Kailangan din alisin ang blade na nasa bibig at maingat na ibaba dahil kung hindi ay masasaksak ng mahabang espada.

Madali namin natanggal ang tali ng kay Zai sunod ay tali ni Hoshikari, Korumples, Mai, Cjp at ang huli ay si Kan Kurai. Tinulungan ni Korumples si Hammy sinipa niya sa likod ang halimaw napasubsob nga lang ito sa katawan ni Hammy kaya napasigaw si Hammy at pinilit na kumawala dahil nalipat sa katawan niya ang mga uod at unti unti ng kinakain ang balat niya.

Kaya tinulungan na din namin na sipain ang halimaw. Pilit namin inagaw ang kapit nitong palakol at itak. Sinipa ni Asahira ang mukha nito kaya napa bitaw ito sa kapit niyang. Si Mai naman ay nakaisip ng gagawin at sinabi sa amin na itali namin halimaw doon sa tali kanina at sunugin nalang namin.

Ngunit walang nagtangka dahil gumagapang ang uod sa katawan namin kapag nadikit ito sa amin ay hindi na naaalis. Kagaya ng nangyari kay Hammy patuloy siyang kinakagat ng mga uod at ang iba ay pumunta sa sugat niya at ito naman ang kinakain nila. At bigla nalang lumuwa ang mata ni Hammy at nagtalsikan ang dugo mula sa ilong bibig at sa tenga nito. Naka handusay na si Hammy at wala ng buhay.

Kaming mga mababae ay naduwal sa nakitang itsura ni Hammy. Hindi kaya ng sikmura namin. Lumaki ang mga uod na parang nagkakaroon mg sariling katawan. 

Kaya itinarak nalang ni Cjp ang itak sa puso nito at si Zai naman ang umitak sa ulo nito na naging sanhi na pagka putol ng ulo nito at tumalsik sa ikaliwang dereksyon.

Agad kaming tumakbo palabas ngunit bago kami tuluyang umalis ay narinig namin ang sigaw ni Korumples dahil kinagat narin pala siya ng mga uod na kumapit sa paa niya ng sinipa niya ang halimaw. 

"Sige na huwag niyo na akong intindihin. Iligtas niyo na ang sarili niyo Sa muling pagkikita natin mga kaibigan..." Kaniya kaniyang daloy ng luha ang namayani sa aming pisngi na wala naman kaming magawa. Kahit masakit sa loob namin na iwan sila ay umalis na kami at hinanap na namin ang sekretong lagusan. 

Nakita na pala ni Asahira ito kanina kaya wala pala siya ay hinanap niya ang lagusan. Kaya ngayon ay tinuturo na niya sa amin ang lagusan. Madilim parin ang kakahuyan na tinutungo namin.

Kapit-kamay kami nina Mai at Zai habang si Asahira at Cjp ay nasa unahan namin samantala nasa likod namin si Hoshikari at Kan Kurai ay nasa likod namin. Tinatahak namin ang madilim ulit na kagubatan na sa maikling panahon ay kumitil sa buhay ng aming mga kaibigan. Dahil nagsimula lang ito sa nakita kong bangkay ng tao sa bakanteng lote na binalikan ko noong hapon at hindi ko sinabi kahit kanino. Kilala ko na din ang pumatay na dalawang lalaki na naghukay. Hindi ko lang maamin kung sino ito. Natatakot ako sa mga nangyari. Ilang araw din akong hindi pinatulog.

"Nandito na tayo. Ang lagusan na ito ay palabas malapit sa syudad." Inporma sa amin ni Asahira.

Pinangunahan na niya ang pag lalakad at sumunod lang kami sa kaniya. Napa harap kami sa likuran namin dahil sa liwanag. May nag salita, hindi ko makita kong sino dahil sa liwanag na tumatama sa amin. 

"Maging masaya kayo sa inyong paglalakbay sa kabilang buhay. Lalo kana MegumiJ alam mo kung sino ang totoong pumatay sa bangkay na nakita mo. Subalit mas pinili mo ang manahimik. Siya ang tatay ko. Hindi siya nabigyan ng hustisya dahil sa'yo. At itong laboratory at kagubatan na ito ay pag mamay ari namin. Amazing 'di ba? Kanina pa ako nakikipaglaro sa inyo" Bumakas ang gulat sa akin at alam ko kahit sa mga kasamahan ko lalo na ng narinig namin ang boses niya. Kurai Kan... "Ako din ang nag suggest nitong lugar na ito para tapusin ang buhay niyo. Dahil mga mapag panggap kayo! Imbes na tulungan niyo ako na hanapin ang salarin sa pag patay sa ama ko naging pipi kayo! Ngayon papatahimikin ko narin ang buhay niyo. Mga wala kayong kwenta! Mahilig kayong magtago lalo na ng hustisya at katotohanan."

Biglang bumuka ang inaapakan namin na lupa at nahati ito kaya naging dahilang ng pagkahulog namin at pag tarak ng katawan namin sa matulos na bagay na naging dahilan upang kainin na kami ng dilim...

——

Napa balikwas ako ng bangom at habol ko ang hininga ko. Panaginip lang pala ang lahat. Salamat naman kung ganoon.

Owl Tribe Creator