Bloody Mandragora part 2

“Mas lumaki na kasi ito kaysa sa nung una itong dumating sa atin. Nasawak na nga ang paso niya e. Kaya ayon, inilipat ko nalang siya mismo sa lupa.” Pagsisinungaling ko.

Nilingon ni Ate Ging kung saan ako nakaturo. Nakita nga niya ang kanyang pinakamamahal na halaman at mas malaki na nga ito kaysa sa dati. Halos kasing taas na ito ng isang grade schooler. Nawala ang kunot sa kanyang noo at napalitan ito ng nakakalokong ngisi. Nagmamadali siyang nilapitan ito.

“Naku, Tam-tam!” biglang sabi niya.

“Tingnan mo, oh. Namukadkad na ang bulaklak niya,”

Wika niya at inamoy ito. Yung mga petals nito parang arrangement ng rose petals, mas malaki nga lang given na malaking pechay din kamukha nito. “At ang bangu-bango pa. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong kabango na bulaklak sa tanang buhay ko, ah?” gulat niyang wika. Totoo ngang humahalimuyak ang bulaklak nito. Hindi ko iyon napansin kanina kasi mas nakatuon ang atensiyon ko sa pagiging maingat ko sa halamang iyon. Ngunit napangiwi parin ako. Kung alam lang ni Ate Ging kung ano talaga ang halaman niyang iyan ay masisindak din siya. Pero papaano ko ba ipapaliwanag ang lahat? Bukod sa hindi ito maniniwala sa akin, ay kukutyain lang niya ako na gumagawa-gawa na naman ng kwento. Sana nga gawa-gawa ko lang iyon. Pero hindi, eh.

Habang abala ako sa pag-iisip, napansin ko na parang may gumagalaw sa lupa malapit sa mga paa ni Ate Ging. Sinipat ko itong mabuti at alam na alam ko kung ano ang gumagalaw na bagay na iyon. Nakita ko na iyong lumikha ng kahindik-hindik na pangyayari kaninang madaling araw. At nasaksihan ko mismo kung papaano niyang sinubukang lapain ang nagtangkang magnakaw sa kanya. Bigla akong naalarma. Hindi ako papayag na pati ang ate ko ay bibiktimahin ng halimaw na iyon. Lumingon-lingon ako para makakita ng maaari kung gamitin na pangprotekta sa ate ko. Nakita ko ang nakasandal na pala sa ding-ding ng bahay namin. Dali-dali ko itong kinuha at pumunta kaagad sa tabi ni Ate Ging.Kinakabahan man ay nilakasan ko na ang loob ko. Bahala na.

“Ate, ano pala. May tanong sana ako sayo?” Biglang sabi ko sabay pasekretong idiniin ang pala sa gumagapang na ugat malapit sa paa ni Ate Ging.

“San mo pala nabili ‘tong ‘bloody mandragora?’” Dagdag ko habang pasekreto paring tinignan kung anong nagyari sa ugat ng halimaw na halaman matapos kong idiin ang pala sa ugat nito. Naputol ito at para bang nagdurugo. Ang natitira namang bahagi nito ay hinatak na ng halimaw pabalik sa ilalim ng lupa.

“Kala mo ha?” Gigil na bulong ko sa sarili.

“Ano ba’ng binubulong mo diyan? At kelan ka pa nagkainteres sa pagbili ng halaman?” takang tanong ni Ate Ging sa akin.

Para namang umurong pansamantala ang aking dila. Naghanap ulit ako ng ikakatwiran sa ate ko.

“Ano ba’ng isasagot ko?” Tanong ko sa aking isipan.

“Hoy! Ano ba?” Tawag niya sa pansin ko nang matulala na lamang ako.

“Ah, ano ate, yung kaibigan ko sa school. Kahapon kasi bored ako at pinikchuran ko yong ‘bloody mandragora’ mo at pinost sa Fb. Ang unique kasi, eh. Tas yun, nakita ng kaklase ko na mahilig din sa halaman. Kaya nagchat sa’kin para tanongin kung saan daw mabibili tong ‘bloody mandragora.” Pag-iimbento ko ng sagot.

Humalinghing si Ate Ging. “Sus! Yun lang ba? Edi sa online seller. Nakita ko lang rin yun sa Facebook e. Tas chinek ko at nakita ko kaagad tong kakaibang ganda ng ‘bloody mndragora.’ Kaya yun, di na ‘ko nagpatumpik-tumpik pa. Binili ko na kaagad. Buti nalang may extra ako. Sumakto talaga,”

Tila nagmamayabang na sagot niya. Humarap ito at niyakap ang halimaw na tanim.

“Kaya masasabi kong tinadhana nga kami nitong mahal kong ‘bloody mandragora.’ Hmmm! At ang bangu-bango mo pa!” Wika nito na para bang kinikilig sa first date nila nung ex niya.

Nakita ko na namang gumagapang ang mga ugat ng halimaw na halaman. Sapagkakataong ito ay bahagya na itong nakapulupot sa paa ni Ate Ging ngunit hindi niya ito napansin kasi abala ito sa pagkakakilig niya.

“Ayaw mo talagang tumigil ha?”

Panggigigil ko ulit sa utak ko. Diniinan ko ulit ito ng pala upang maputol. Muli na namang dumugo ito at ninatak pabalik sa ilalim ng lupa.

“Ate, bumalik ka na kaya sa loob ng bahay para matapos mo na mga gawain mo dun? Ako nang bahala dito.” Panghihikayat ko.

“Ikaw Tam-tam ha? Bakit ba parang pinagtatabuyan mo ko sa sarili kong garden? Aba? Baka dahil lang sa pinagdilig kita eh aakuin mo na ring garden mo to. Naku! Makakatikim ka talaga sa’kin.” Pagbabanta ni Ate Ging.

“Ate, kahit pa ipamana mo sa’kin lahat nang to, hindi ko tatanggapin. Masaya na ko sa buhay ko nu?” Inis na sagot ko.

“Hmmmm,...” nakataas ang kilay ni Ate Ging. “Talaga lang ha?” diskompiyadong tanong niya.

“Oh, sige. Tama ka. May tatapusin pa ako sa loob. Pero Tam-tam, I have my eyes on you, tandaan mo ‘yan.”

Dagdag niya habang tinuturo mata niya nang kanyang hintuturo at hinlalato at inilipat-lipat ito ng turo sa akin at pabalik naman sa mga mata niya.

“Oo na. Drama mo, te.” Sagot ko na bahagya siyang tinutulak papaalis.

Sa wakas ay pumanhik na nga siya sa aming bahay. Naiwan ako na nakatayo sa tabi ng ‘bloody mandragora.’ Nung maalala ko ‘yun ay bigla akong napaharap sa halimaw na tanim habang hinahawakan ng dalawa kong kamay ang pala. Handa ko na itong ihampas sa kanya ano mang oras na may gawin ito sa akin. Kahit pa ba kinakabahan parin ako at natatakot ay pinilit kong maging matapang. Ako lang ang nakakaalam ng madilim na sikreto ng halamang ito. Tinitigan kong mabuti ito ngunit parang wala naman itong balak gawin. Dahan-dahan akong lumayo na hindi inaalis ang paningin ko sa kanya. Nang masigurado kong wala na nga itong balak na gumawa ng panibagong karahasan ay tinalikuran ko na ito. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba ramdam ko na nagbabadyang umatake ang mga galamay nito sa akin. Kaya nilingon ko ulit ito ngunit para normal na halaman na lamang ito; hindi gumagalaw at tahimik lamang. Dahil sa hindi na ako mapakali ay binilisan ko na ang pagdidilig upang makaalis na ako sa hardin. 

Natapos ang araw at gabi na naman ulit. Doon na naman ako biglang kinabahan. Wala nang araw at baka may gawin na naman ang halimaw na ‘bloody mandragora’ na iyon. Nanatili akong alisto. Pagkatapos naming maghapunan ay pasekrito kung isinara at ni-lock ang bawat pinto at bintana sa buo naming bahay. Kailangan ay walang pweding paglusutan ang halimaw na halamang iyon. Kahit ang mga bintana sa silid nina Mama at Papa pati na kay Ate Ging ay isinarado at ni-lock ko na rin. Pagkatapos kung masigurado na naka-lock na lahat nang pweding madaanan papasok sa aming bahay ay pumuwesto na rin ako sa harapan ng aming TV. Kasalukuyang balita ang palabas noong mga oras na iyon.

“Magandang gabi! Isang lalaki ang natagpuang patay sa bakanteng lote malapit sa Brgy. San Andresano,”

“Teka! Sa kabilang baranggay lang ‘yan a?” Bulalas ni Papa.

“Hindi na masiyadong makilala ang itsura nito sapagkat tila ba naaagnas na ito at may lumalabas na berding likido sa mga mata, ilong, tainga at bibig nito. Nakakapagtaka din na putol ang kaliwang braso nito. May mga bakas din ng mga kagat sa iba’t-ibang parte ng katawan nito,...”

Sunod na nag-flash sa screen ang litrato ng bangkay. Lumaki ang mga mata ko at napanganga na rin ako. Hindi ako maaring magkamali. Iyon ang magnanakaw na sumubok nakawin ang ‘bloody mandragora.’

“Pero ‘bat ganyan ang nangyari sa kanya?”

“Ngunit ayon sa mga residente ng naturang baranggay ay siya daw si Abner Sulasi, isang talamak na magnanakaw sa kanilang lugar at labas-pasok sa kulungan...”

Dahil doon ay nakumpirma ko nga na siya ang magnanakaw. Ngunit ang talagang pumukaw sa aking atensiyon ang ang naging kalagayan ng bangkay ng magnanakaw. Kagabi lang nito nakaharap ang ‘bloody mandragora’ at maaaring naubusan ito ng dugo dahil sa naputol nitong braso. Ngunit hindi naman kaagad naaagnas ang bangkay kapag bago pa ito. At bakit may nga berdeng likido na lumalabas sa katawan niya? Nilingon ko si Ate Ging.

“Ate?” Tawag ko sa kanya.

“Di ba sabi ko sayo kanina nagtatanong classmate ko kung san mo daw nabili yung ‘bloody mandragora? Pweding pahingi ng link ng online seller mo?” Wika ko.

“Sige, ese-send ko sa’yo sa messenger.” Sagot niya habang chini-check ang cellphone niya.

“Sige, ate. Papasok na rin ako ng kwarto ko. Doon ko nalang hihintayin yung message mo sa messenger ha?” sabi ko sabay tayo.

“Pa, Ma, una na po ako.” Baling ko naman sa mga magulang ko sabay mano.

“Good night po sa inyo.”

“Kaawan ka ng Diyos.” Basbas ni Mama.

“Good night din anak.” sagot naman ni Papa.

Pumanhik na ako ng aking silid. Dumaan muna ako sa aking bintana na nakasarado na simula nang kababalaghang nangyari kagabi. Bahagya kong binuksan ang jalousie para silipin ulit ang ‘bloody mandragora’ sa likuran ng aming bahay. Tila ordinaryong tanim lamang ito. Ngunit hindi na ako noon maloloko.

“Ano ka ba talaga?”

Bulong ko sa sarili. Biglang tumunog ang notification bell ng messenger ko. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko at galing ky Ate Ging ang message na iyon. Lumapit na ako sa kama ko at umupo doon.

“Aalamin ko ang madilim na sikreto mo.” Determinado kong wika.

Sinimulan kong puntahan ang site na nasa link na isinend ni Ate Ging sa’kin. Tila ordinaryong online shop lng ito. Sunod na hinanap ko ang ‘bloody mandragora’ sa item lists. Nakita ko ito at hinanap ko ang info ng supplier. Napag-alaman kong ang supplier ay tinatawag na Void Arcanum. Nagsearch din ako tungkol sa supplier na iyon at wala masiyadong info online about dun. Pero may isang blog na nakapagsabi na ang Void Arcanum daw ay isang dark web kung saan makakbili ka ng mga matatalinhagang bagay. Meron ding link doon sa blog na nakapagdala sa akin sa mismong site ng Void Arcanum. Para iyong online shop ng mga weird na bagay. Tinignan ko ang items list nila at nakita ko ang ‘bloody mandragora’ doon. Kinlik ko ang picture ng halimaw na halaman upang mkita description nito.

Ayon sa Void Arcanum, and ‘bloody mandragora’ ay isang carnivorous plant at kinakain nito ang kahit anong buhay. Para daw mapataba ito at mapabilis ang paglaki ay kinakailangang diligan ito ng dugo. Ito din ang dahilan kung bakit pulang-pula ang nag-iisang bulaklak nito at kaya din ganoon ang kanyang pangalan. Ang bulaklak nito ay naglalabas ng nakakahipnotismong halimuyak. Ginagamit ito ng ‘bloody mandragora’ upang humikayat ng mabibiktima. Ang mga ugat naman nito ay humahaba at kayang humatak ng mabibiktima at dalhin sa hinukay nitong lupa at doon ibabaon ito kasama ang kanyang sarili. Sa ilalim ng lupa niya mismo kakaining ang kanyang naging biktima. May dalawa naman itong mga galamay na may mga matatalim na ngipin at nagsisilbing pangunahing mga sandata nito. Naglalabas ang mga ito ng kimekal na nagpapabilis ng pagkabulok ng kalamnan at mga lamang loob.

Hindi ako makapaniwala sa mga nnabasa ko tungkol sa ‘bloody mandragora.’ Lubhang napakamapanganib pala talaga ng halimaw na halamang iyon. Habang malalim ang aking iniisip ay bigla akong may naamoy na mabangong-mabango. Ang halimuyak na ito ay tila ba dinuduyan ako. Biglang bumigat ang ng aking mga mata. Para bang antok na antok na ako. 

“Ang bulaklak nito ay naglalabas ng nakakahipnotismong halimuyak. Ginagamit ito ng ‘bloody mandragora’ upang humikayat ng mabibiktima.”

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, umaalingawngaw sa aking isipan ang bahagi ng nabasa kong iyon tungkol sa ‘bloody mandragora.’

“H’Hindi ito m-maari.”

Sambit ko habang pilit na nilalabanan ang pagka-antok. Kailangan kong gumising kung hindi ay malalagay kaming lahat sa panganib. Kailangan kong makaramdam ng sakit para manatili akong gising. Inuntog ko ang ulo ko sa dingding ng aking kwarto. Napalakas yata ang pag-untog na ginawa ko at parang nahilo ako. Pero nawala naman ang antok na nararanasan ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko upang i-check sina Mama, Papa at Ate Ging. Nakabukas parin ang TV ngunit wala na sila doon sa sala. Nakabukas din ang front door namin. Kinabahan ako bigla.

“Ma! Pa! Ate Ging! Nasaan po kayo?” tawag ko sa kanila.

Bigla nalang narinig kong umuungol si Ate Ging malapit sa front door. Tinignan ko kung nandoon siya at hindi naman ako nabigo. Naroroon nga siya ngunit walang malay at balot ang buong katawan ng mga halamang ugat. Mukha lamang niya ang nakalabas. Tila sinakluban ako ng langit sa aking nasaksihan. Mabilis na hinahatak ng nakapulupot na mga ugat si Ate Ging palabas ng bahay namin.

“Ate!” natatarantang sigaw ko.

“Hoy! Halimaw ka! Ibalik mo ang Ate Ging ko. Pati na sina Mama at Papa ko!” utos ko.

Ngunit hindi ako pinansin ng ‘bloody mandragora.’ Nilingon lamang nito ako at ngumisi. Hind na rin ito mukhang sanggol. Para bang mas naging matured ang itsura nito. Siguro dahil nakakain ito ng braso ng magnanakaw kagabi. Pero hindi ko na hahayaang lumaki pa ito sa pamamagitan ng pamilya ko. Hindi sila magiging pataba ng halimaw na halamang iyong. Tumakbo ako patungong front door namin. Ngunit huminto muna ako para makapag-isip. Ano ba ang gagawin ko upang mailigtas ko sila laban sa ‘bloody mandragora?’ Binalingan ko ulit ang halimaw na halaman.

“Bahala na.”

Punong-puno na ako ng pawis dahil sa kaba at takot. Pero sa pagkakataong iyon ay ako lamang ang maaasahan ng aking pamilya. Nung mahabol ko sa hardin ang ‘bloody mandragora’ ay nakita kong may bago na naman itong hinukay na butas sa lupa. Doon inihulog niya si Ate Ging ko. Sinubukan kong lumapit ngunit inagilan ako nito at itinutok sa akin ang mga galamay nitong may mga pangil.

“May dalawa naman itong mga galamay na may mga matatalim na ngipin at nagsisilbing pangunahing mga sandata nito. Naglalabas ang mga ito ng kimekal na nagpapabilis ng pagkabulok ng kalamnan at mga lamang loob.”

Umalingawngaw na naman ulit ang bahagi ng description na nabas ko sa dark web. Kailangan ko umiwas sa mga galamay na iyon kung hindi ay katapusan ko na at ng pamilya ko. Magiging pataba kami ng ‘bloody mandragora’ at walang sino man ang makakaalam kung anong nangyari sa amin.

Hinanap kong muli ang pala. Ngunit hindi ko na iyon makita. Sa halip ay nakita ko ang lumang karit ni Papa na ginagamit niya noon na pangputol sa mga damo. Medyo kinakalawang na iyon pero mas mabuti na kaysa sa wala. Hinawakan ko na nang mabuti ang karit at hinarap ang ‘bloody mandragora’ na nakahanda na ring kalabanin ako. Mas nakakasindak na ang mga maiitim at makikintab na mga mata nito. Medyo maliwanag padin ang buwan kaya kitang-kita ko ang buong pagmumukha nito. Kulukulobot parin ang balat nito na kulay abu. Ang mayabong na parang pechay nga mga dahon niya ay pagiwang-giwang sa kanyang ulo pati na rin ang mapulang bulaklak nito. Tinangka nito akong atakihin ng may pangil na galamay niya pero tinaga ko iyon ng aking karit bilang dipensa. Hindi iyon naputol pero alam kung nasaktan siya dahil umungol ito at biglang hinatak pabalik sa kanya ang kanyang galamay. Sunod naman nitong tinangkang puluputan ako ng kanyang mga humahabang ugat. Sinubukan kong umilag ngunit nahuli nito ang kanan kong paa. Nawalan ako ng balanse at natumba ako sa damuhan. Medyo ininda ko muna ang sakit ng bewang bago makabawi sa pagkakatumba ko. Pero kahit ganoon, hindi ko parin binitiwan ang karit. Sinubukan ko ring hilahin ang kanang paa ko pero masiyadong mahigpit ang pagkakapulopot ng mga ugat nito. Kaya pinagtatataga ko ito ng hawak kong karit. Hindi mabilis maputol ang mga ito dahil sa bukod na matitibay ang mga ito at medyo mapurol din ang karit.

Magkaganoon man ay napilit ko paring maalis ang mga ugat nito sa paa ko. Agad akong tumayo at pumorma ulit para paghandaan ang muling pag-atake ng ‘bloody mandragora’. Nakatuon ang buong atensiyon ko sa kanya nang bigla kong marinig ungol ni Ate Ging ulit.

“Ate Ging!” Nag-aalalang tawag ko.



“Ate, ayos ka lang ba diyan?”

Tanong ko kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya nga ako. Baka may epekto pa sa kanya ang halimuyak ng bulaklak ng ‘bloody mandragora’. Masama ito. Kailangan ko na silang mailigtas. Tumakbo ako papalapit sa ‘bloody mandragora’ nang nakaamba ang karit sa aking kamay.

“Yaaaaaaaaahhhhh!”

Pinagtatataga ko ito at pinunterya ko mismo ang mga dahon nito. Muntikan ko na ring mahagip ang bulaklak nito. Pero nung mapansin iyon ng ‘bloody mandragora’ ay bigla na lamang nito dinagdagan depensa niya. Saglit itong umurong papalayo sa akin habang umaangil. Medyo nagtaka ako sa bigla nitong ikinilos ngunit tila may napagtanto ako. Mukhang alam ko na kung pano ko magagapi ang halimaw na halamang ito. Pero bago ko isagawa ang naisip kong plano ay susubukan ko munang iniligtas ang pamilya ko.Tumalon ako sa butas na gawa ng ‘bloody mandragora’ upang alisin ang mga nakapulopot na ugat kina Mama, Papa at Ate Ging.

“Ma, Pa, Ate Ging, gumising kayo.” Sabi ko habang inaalog ko silang tatlo.

Tila naman naalimpungatan sila ang unti-unti nang nagkakamalay. Nang dumilat sila ay laking pagtataka nila akong tinitigan.

“Wala na po akong panahon para magpaliwanag. Ang mahalaga ay makaalis tayo dito.”

Sabi ko sa kanila habang pinag puputol ang mga ugat gamit ang karit. Una kong tinulungan si Mama. Nang medyo maluwag na ang pagpulupot ng mga ugat sa kanya ay tinulungan ko naman si Papa. Panghuli kong tinulungan si Ate Ging sa pagkalas sa mga ugat. Nang medyo halos matanggal na nila ang mga ugat sa kanilang katawan ay napansin naming parang tinatambakan kami ng lupa. Lumigon ako at nkita ko ang ‘bloody mandragora’ na ibinabalik na nito ang hinukay niyang lupa habang nasa butas pa kami. Napatili si Ate Ging.

“A-Ano ‘yan?” Nanginginig na tanong niya.

“Ate, ‘yan ang ‘bloody mandragora’ mo.” pagtatapat ko.

“Ano?” Tinignan niya ako nang nakakunot ang noo.

“Paano? Eh, halimaw ‘yan.” Hindi makapaniwalang dagdag niya.

“Yun na nga ate, eh.” Sang-ayon ko.

“Di ka ba nagtataka kung bakit ‘bloody mandragora’ ang tawag diyan? Nagresearch ako at kaya ganyan pangalan niyan kasi kailangan dugo ang ididilig mo para mas tumaba at lumaki pa, yumabong,”

Paliwanag ko. Nakita kong litong-lito parin si ate ganon din sina Mama at Papa.

“Basta, tulungan niyo nalang akong patayin ‘yang pesteng ‘yan.”

Muntik na akong mapuwing sa mga lupang ipinangtatabon sa amin ng ‘bloody mandragora’. Bigla namang pumulot ng malaking tipak ng lupa si Papa at ibinato ito sa ‘bloody mandragora’ na sinalag niya naman ng kanyang galamay. Gumaya na rin sina Mama at Ate Ging. Ako naman, sinubukan kong tagain ng karit ang mga paa nito na malapit sa bunganga ng butas. Napaatras ito ng konte. Kailangan ko nang tapusin ito. Lumingon ako kay Papa.

“Pa, pwedi niyo po ba akong iangat para makaalis ako dito sa butas at Makakuha ng kahit anong maitutulong sa inyo?” tanong ko.

“Sige anak. Hali ka dito.” Sagot naman ni Papa.

“Ma, Ate, ituloy niyo lang pagdistract sa halimaw na ‘yan para makaakyat ako. Tas ako na po bahala pag nasa taas na ‘ko.” Bilin ko naman sa kanila.

Isinagawa na namin ni Papa ang plano. Matagumpay akong nakaakyat mula sa butas. Sinubukan akong atakihin ng ‘bloody mandragora’ pero nasapol ni ate ang mukha nito ng tipak ng lupa. Dali-dali akong naghanap ng pweding gamitin na pang hatak sa kanila paitaas. Lumingon-lingon ako at nakita ko ang hose. Tumakbo ako at kinuha ito. Sapat ang haba nito upang umabot sa kanila sa butas. Una kong inabutan si Papa. Nung makaakyat na siya ay ibinigay ko sa kanya ang hose para hatakin din sina Mama at Ate Ging. Samantala, umikot naman ako sa butas at hinarap muli ang ‘bloody mandragora’ kasama ng aking karit.

Pinagtatataga ko ulit ito at sa pagkakataong ito ay pinunterya ko ang bulaklak nito. Ngunit sandyang malakas ang pakiramdam ng ‘bloody mandragora’ dahit sinasalag nito ang bawat pagtaga ko. Nang makaakyat na sina Mama at Ate Ging ay ipinakpatuloy nila ang pagbato ng lupa sa ‘bloody mandragora’. Si Papa naman ay kinuha ang pala upang gawin ding panlaban sa halimaw.

“Pa, i-distract niyo po siya dito sa harap. Tas susubukan kung ikutan siya.” Sabi ko sa kanila.

“Sige anak, kaming bahala dito.” Sigaw naman ni Mama.

“Mag-iingat ka Tam-tam.” Bilin naman ni Ate Ging.

“Opo!” Tipid kong sagot.

Habang abala ang ‘bloody mandragora’ sa pagsalag sa mga pag-atake ng pamilya ko ay maingat naman akong umikot papunta sa likuran nito. Dahan-dahan akong lumapit habang itinataas ko ang aking karit. Nang itataga ko na ang karit ko sa kanya ay bigla na lamang itong lumingon sa akin. Umangil ito at itinutok sa akin ang mga galamay nitong may mga pangil at naglalabas ng nakakabulok na kimekal. Huli na para umiwas pa ako kaya itinuloy ko nalang ang aking binabalak.

Pinunterya ko ng mabuti ang bulaklak nito at matagumpay ko naman itong natigpas. Biglang natigilan ang ‘bloody mandragora’at isa-isang nanlambot ang mga ugat at galamay nito. Unti-unti din itong nalanta at namatay. Tama nga ako. Ang bulaklak ang kahinaan nito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na rin nalaman ng pamilya ko ang buong pangyayari. Sabay na namatay ng ‘bloody mandragora’ ako. Nung tinaga ko ang bulaklak nito ay nagawa din nitong ipakagat sa aking dibdib and kanyang may pangil na galamay. Dumiretso sa aking puso ang nakakabulok na kimekal na nilalabas nito. At dahil diretso na sa puro ko ay segundo na lamang ang aking itinagal. Nagtagumpay ako ngunit gayon din ang ‘bloody mandragora’. Simula nung gabing iyon ay nagbago ang lahat sa aking pamilya. Naging lubhang malungkot na malungkot sina Mama at Papa. Si Ate Ging naman ay palaging sinisisi ang sarili at itinigil na rin niya ang pagbili ng mga exotic plants sa online stores.

Sa kasalukuyan, hindi ko pa rin naman iniiwan ang pamilya ko. Paminsan-minsan, nakakaramdam parin sila ng lamig ng akap ko. Nandito lang ako sa tabi-tabi at nagpaparamdam at patuloy silang pinagmamasdan. Ginawa ko na ring palipasan ng oras ang hardin ni Ate Ging at umuupo parin naman ako sa duyan. Kung minsan kumakaripas ng takbo ang mga kapit bahay kapag napapadaan sila sa amin ay kusang umuugoy ang duyan.
Owl Tribe Creator