Chapter 3

. . .

Hindi ako nagkakamali sa narinig ko pero ang misteryong batang babae na ito na pinakilala ang sarili bilang tagasunod ng Diyos ay inaalok ako maging Diyos.

Matinding pagkabigla na lang ang naging reaksyon ko at patuloy na naghihinala sa tunay na intensyon ng nilalang na ito.



" Ano ang ibigmong sabihin na magiging Diyos ako? " " Hi-hindi kita maintindihan." Sambit ko.

Medyo naguguluhan ako sa parte na sinabi nyang iyon, Alam ko may pambihirang kakayahan ang anghel na ito at posibleng maibigay nya ang ano mang hiling ko pero hindi ko na isip na tatanungin nya ako ng ganung bagay.

Tama, tinatanong nya ako kung gusto kong maging Diyos at sa tingin ko seryoso sya na kaya nyang gawin iyon base sa mga matatalim nyang ngiti.

" Alam mo kasi ako yung klase ng nilalang na madaling mabagot, kaya naisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung bibigyan kita ng pagkakataon na maging isang Diyos? "



Napakacasual nya parin magsalita kahit na parang komplikado ang mga sinasabi nya pero hindi kaya parang may mali sa nangyayari lalo pa isa syang anghel na sumusunod lang sa dakilang lumikha?

Nakakapagduda talaga pero gaya ng sinabi nya ay ito na ang huli kong pagkakataon upang mabago ang buhay ko kaya bakit ako magdadalawang isip sa alok nya.

" Teka posible ba talaga iyon? "

Dito nya muling ipinagmalaki na kaya nyang gawin ang lahat at gawing posible ang mga bagay na imposible para sa lahat.

Sa tingin nya raw hindi magkakaroon ng problema sa dakilang lumikha ang plano nya dahil hindi nito kayang maaapektuhan ng kapangyarihan ng banal na libro at kung sakaling maging Diyos ako ay hindi nito kayang pantayan ang ano mang katangian na meron ang dakilang lumikha.

Dito nya binanggit muli na kilala nya ang pagkatao ko at ayon sa kanya ay kahit biyayaan nya ako ng ano mang magagandang bagay sa mundo kagaya ng pera at kasikatan ay hindi iyon sasapat para makuntento ako dahil naiiba ako sa lahat.

May punto sya sa sinabi nya pero ok na rin naman saakin ang pera at kasikatan ang tanging iniisip ko lang ay ang pambihirang oportunidad na pwede ko pang makuha na higit pa sa pera at kasikatan.

' Alam ko ang gusto mo at ito ay ang bago at exciting na buhay."

" Paano kaya kung gawin nating realidad ang iyong pinapantasya? " Sambit nito na may pananabik na tono.

Naging mas weirdo pa ang mga naririnig ko sa kanya at kakaiba dahil sa mga idea nyang inaalok saakin. Naging masigla ang kilos nya at tila nasasabik sa pwede nyang gawin.

" Maging Superhero na pwedeng magligtas ng mundo laban sa mga masasamang elemento." " isang dakilang tao na hinahangaan ng lahat kagaya ng mga bida sa mga Anime. "

Medyo maganda sa pandinig ang sinabi nya at sino ba ang lalaking makakatangi sa oportunidad na maging superhero kagaya ni captain barbel pero mukhang mapanganib ang ideyang iyon.

Nag alinlangan ako at nagtanong sa kanya sa mga duda ko na maaaring manganib ang buhay ko sa balak nyang gawin.

" syempre naman, sa lahat ng paglalakbay o sa simpleng parte ng buhay ay palaging may pagsubok,hadlang at panganib itong kaakibat." Sambit nya saakin habang tila nagtataray.

Dito ako napatigil at mapakunot ng noo dahil parang hindi iyon bagay sa pagkatao ko.

Hindi sa ayoko sa ideya na sinasabi nya ngunit ayokong gawin ang bagay na maaari akong masaktan.

Dahil sa mga nasabi ko ay nagbago ang mood ni koko at muling nadidismaya saakin dahil daw sa pagiging duwag ko sa mga ganung bagay pero anong magagawa ko?

Normal sa tao ang matakot na masaktan.

" hindi na ako nagtataka na isa kang malamyang tao, mahina at talunan." sambit nya habang nilalait ako.

Medyo nainsulto ako sa narinig ko at masakit masabihan ng ganun lalo pa maririnig mo yun ng harapan sa isang sampung taong gulang na batang babae.

Pero magkagayumpaman ay tila hindi nun nakumbinsi ang nilalang na ito at pagkatapos ng magbuntong hininga dulot ng pagkadismaya ay muli sya pumiltik sa hangin at may pinalitaw na bagay.

Lumitaw bigla ang isang gintong balahibo na ginagawang pansulat noong unang panahon. Kinuha nya ito kasabay ng pagbuklat ng lumulutang na libro sa harap nya.

Muli kong nakita yung matatalim na ngiti nya habang may isinusulat sa book of life. Masyadong kaduda duda ang mga kinikilos nya at base sa mga ideya na sinasabi nya ay sa tingin ko hindi ko pwedeng hayaan sya sa ano mang ginagawa nya ngayon.

Nakita ko na umiilaw ang bawat letrang isinusulat nya dito kaya Dali dali akong kumilos at hinawakan ang braso nya upang pigilan ang pagsusulat nya.

" Anong ginagawa mo? " " Nagsusulat ng interesanteng bagay, Gusto mo bang malaman? " sagot nya sa tanong ko.

Wala akong ideya sa kung anong nakasulat doon gayung iba ang letra ang ginamit nya sa pagsusulat sa libro pero kinukutuban ako ng masama sa bagay na iyon.

" Hindi ba dapat ako ang magdedesisyon sa kung ano ang isusulat dyan? " " Hm.. Totoo naman."

Bigla nyang hinila ang braso nya sa pagkakahawak ko at akala ko ay nagkakaintindihan na kami ngunit.

" Pero anong paki ko ? " Bigla nyang sambit. " Hindi naman patas kung ikaw lang ang matutuwa sa pag gamit ng banal na librong ito."

Napakunot na lang ako ng noo nang marinig ko ang mga sinabi nya lalo na nang banggitin nya na wala namang kahit anong batas na ibinigay sa katulad nyang anghel na nagbabawal sa pakiki elam nya sa pag gamit ng banal na libro.

Hindi ito masyadong pumasok sa isip ko dahil maliban sa maganda at mukhang maamo ang itsura nya pero nagsasalita sya na tila isang rebelde at tusong bata na may daan-daang palusot para lang makagawa ng kalokohan.

Hindi ko lubos maisip na maririnig ko ito sa kagaya nyang anghel ng Diyos.

" Wag kang mangamba, alam kong kaya mo itong gawin ."

" yah, Hindi dahil sa isa ka lang talunang tao kundi dahil sa itinadhana ka para magawa ito." Sambit nya habang itunutuloy ang pagsusulat.

Nakakasakit ng loob na tila wala syang pakielam sa mga opinyon ko pero mas nakakasama ng loob ay kung paano nya ako laitin.

Bakit ba kailangan lagi nyang banggitin na isa akong talunang tao.

Sa gitna ng tila pagwawalang bahala nya saakin ay sinigurado nya ang magandang katapusan at tagumpay sa mangyayari.

" Sabi nang wag kang mag alala, matuto kang magtiwala sa cute mong anghel. " sambit nya habang naka OK sign saakin.

Kahit lumabas sa bibig nya na hindi ko kailangan mag alala ay parang nangangamba parin ako na mapahamak.

Tama, Sigurado yun. Napakaraming rason para mag alala ako para sa sarili ko.

Pero gayumpaman ay mukhang wala na akong ibang magagawa lalo na at ayaw nyang papigil kaya naman ngayon ay mas inaalala ko ay kung sakaling mapahamak ako at mamatay dahil sa kalokohan nya ay bibigyan kaya ako ng Diyos ng pagkakataon na mabuhay muli?

Dahil sa pagtatanong ko ng ganung bagay ay biglang tumawa si koko at pinaalam na hindi yun maaaring mangyari.

" Sino ka para muling buhayin ng dakilang lumikha? Kahit ang mga banal na santo ay hindi binigyan ng pagkakataon na muling bumalik sa lupa."

Dito nya sinabi na sa oras na mamatay ako ay mapupunta ang kaluluwa ko sa isang lugar kasama ng ibang pangkaraniwang kaluluwa upang salain at husgahan.

Nakakapagtaka na binigyan ako ng oportunidad na gamitin ang isang banal na bagay pero sa huli ay hindi parin ako ganun ka espesyal para sa mata ng Diyos.

Nilinaw saakin ni koko na hindi ako dapat mangamba sa kamatayan dahil hindi ako maaaring mamatay hangat hindi nangyayari ang itinakda sa libro ng buhay.

Ang libro ng buhay ay syang naglalaman ng mga bagay na nangyari at kasalukuyan at ang proseso na ginagawa nya ay pagtatakda ng mga mangyayari sa buhay ko.

" Hindi ka mamamatay maliban na lang kung natapos mo na ang gawain na isinulat ko dito, yah, kahit na isa kang pang talonan." " Pwede ba tigilan mo ang kakatawag saakin ng talunan!! " Sigaw ko rito.

Sa mga sandaling iyon ay bigla syang tumigil sa pagsusulat at may kung anong bilog na mga magic circle ang bumalot sa kanya.

Nagkikislapa ang mga bilog na bagay na tila magic dust ang bumulusok palabas sa libro na syang nagpapaliwanag sa paligid.

" Tapos na!! Maghanda ka ng harapin ang bago mong tadhana. " Sigaw ni koko.

Nabigla ako sa narinig ko at biglang kinabahan dahil paano ako magiging handa sa bagay na hindi ko naman gustong harapin.

" Sandali! Sandali!! " "Alam ko na gusto ko nang bagong buhay ngunit kailangan ba na humarap pa ako sa panganib doon?

Hindi sya sumagot at tinignan lang ako na tila nadidismaya saakin. Duwag na kung duwag pero wala akong nakikitang lohikal na paliwanag para piliin ng tulad ko na humarap sa ano mang panganib kung mayroon namang pagpipilian.

Naglabas ng liwanag ang loob ng libro na syang unti unting bumalit sa paligid. Sa sobrang liwanag nito at nakakasilaw ay halos wala na akong matanaw.

" Anong nangyayari? "

Sa pagkakataon na iyon ay naglabas ng enerhiya sa katawan si koko at umaamba saakin.

" Damhin mo ang kapangyarihan ng kalangitan." " Sisiguruhin ko na hindi mo ito makakakalimutan. " Sambit nito.

Tumalon ito at bumulusok papunta saakin at dali dali akong sinipa ng napakalakas na nagpatalsik saakin. " Divine kickkkkk!!!! "

Sa sobrang bigla ko ay hindi na ako nakagawa ng ano mang aksyon at nakikita na lang ang sarili na nakaangat sa lupa dulot nang pag sipa nya.

Bago pa ako tuluyang humampas sa pader ay may kung anong butas ang muling lumitaw dito at doon ako deretsong pinalipad ng sipa.

Isa yung butas na napakadilim pero ang mas kinatatakot ko sa mga oras na iyon ay ang pakiramdam na nahuhulog ako.

Wala akong mahawakang bagay at wala akong ideya kung gaano kataas ang huhulugan ko dahil sa dilim ng lugar na iyon.

Wala akong ibang nagawa kundi sumigaw ng malakas habang nahuhulog sa kawalan.

Kumakabog ang dibdib ko na tila sasabog ang puso ko dahil sa takot. Ilang segundo pagkatapos nya sabihin na wala akong dapat ipag alala para sa buhay ko.

Tama yata ang kutob ko na papatayin ako ng pasaway na anghel na yun. Hindi dapat ako nagtiwala sa kanya.

Ilang saglit pa ay umeko sa paligid ang boses ni koko, wala akong ideya kung nasaan ito nang gagaling pero malinaw ko itong naririnig habang nahuhulog ako na tila katabi ko lang sya.

" ipapadala kita sa mundo na pinapangarap mo." " kung saan ay makasalamuha mo ang mga nilalang na ikaw mismo ang lumikha. "

"kasama na ang mga bagay na itinakda mo para sa lahat na maganap." "Pakingan mo ang kanilang panalangin, ang kanilang pasasalamat at pati ang lahat ng pagkapoot na kanilang tinataglay laban sa diyos na lumikha sa kanila. "

Hindi ko maunawaan sa umpisa ang mga sinasabi nya siguro dahil patuloy na nangingibabaw saakin ang takot dulot ng pagkahulog ngunit ng biglang nagbago ang atensyon ko ng banggitin nya ang pagliligtas sa isang lugar.

Isang lugar na magsisilbi kong bagong tirahan at dapat kung iligtas. Ang Endoryo.

" Endoryo? Wag mong sabihin? " " Yes, Tama. Ang mundo na binuo mo gamit ang iyong ginawang komiks."

Nakakabigla ang mga narinig ko dahil higit pa iyon sa isang kalokohan na pwedeng maisip ng isang tao. Ipapadala nya ako sa mundo ng komiks na ginawa ko. Ito ba ang ibig nyang sabihin sa pagiging Diyos ko?

Gaano iyon ka posible at kung mangyari man ang kalokohan na iyon ay paano ko iyon ililigtas?

" Ikaw na ang bahala sa bagay na iyon, ang kapalaran mo ay mabubuo sa kung anong desisyon at aksyon ang gagawin mo doon." Sagot nya sa mga tanong ko.

Wala syang derektang sinabi kung paano ito matatapos ngunit binigyan nya ako ng isang bagay na pwedeng gawin upang mag simula at iyon ay ang pagsali sa isang laro.

Nabanggit nya na kailangan kong sumali sa isang laro na ginawa ng isang makapangyarihang nilalang na si Crimson.

Sa pagsali at pag gabi sa laro ay maaari kong maisalba ang Endoryo.



Nagsimula syang magsabi ng mga impormasyon tungkol sa komiks na ginawa ko at kung gaano ito kadelikado para sa lahat ng nilalang lalo pa at kontrolado ito ni Crimson na ginawang tau tauhan sa isang laro ang boung planeta para sa kanyang pansariling kasiyahan.

Base sa ginawa ko ay mayroong walong warlords ang pumatay ng higit sampung milyong buhay para lang manalo sa laro.

Maliban pa ito sa mga nilalang na araw araw na namamatay dulot ng mga pagkatalo sa bawat laro na wala silang pagpipilian kundi laruin.

" Hindi ba isa yung kasuklam suklam na bagay at hindi makatarungan para saakin at sa halos lahat ng nilalang na hindi naman ginusto ang tadhana na ibinigay mo sa kanila." Sambit nya.

Napaisip ako bigla sa pinupunto nya at alam ko na hindi ko maitatangi na ako ang may gawa nito ngunit isa lang iyong kathang isip at mga simpleng senaryo lang iyon sa isang komiks.

Muli syang nagbigay ng paalala saakin na kung magagawa kong matalo ang walong warlords ay magiging tamang diyos ako para sa mga nilikha ko.

" pero pagkakatandaan mo lang na hindi magiging madali ang lahat para saiyong katayuan gayung isa ka lang normal na tao. "

Nilinaw nya saakin na hindi ako isang makapangyarihang nilalang na baba doon bilang diyos kundi isang normal na tao na maraming limitasyon.

Pinaalalahanan nya ako na kailangan kong maki-isa sa mga tauhan na naroon at gamitin ang nalalaman ko para talunin ang laro.

Masyadong komplikado ang mga pinapagawa nya at hindi kayang pumasok sa isip ko at miski sa panaginip ay hindi ko maiisip na magligtas ng buhay ng iba.

Sa mga sandaling iyon ay biglang naglitawan at sumaboy ang mga gintong papel sa paligid ko na animo'y mga pahina ng banal na libro.

Nahalata naman ni koko ang takot ko sa mga nangyayari dahil sa pananahimik ko kaya naman muli nya akong pinalalahanan.

Nabanggit nya na kahit magdesisyon akong tumanggi dito at mabahag ang butot na hindi harapin ang aking responsibilidad ay mangyayari ang lahat ayon sa tadhana na isinulat nya sa banal na libro.

" Ang nag iisang bagay lang ang hindi nakasulat at pwedeng mabago sa bawat oras ay ang mga taong nakakasalamukha mo at ang bilang ng mga buhay na mawawala dahil sa mga masasamang warlord sa mga araw na lumipas."

"Hawak mo ang kanilang kapalaran at karapatan na mabuhay sa mundo na ginawa mo base sa iyong pantasya."

Patuloy akong naguguluhan at natatakot para sa buhay ko dahil sa napakalaking responsibilidad na ibinibigay saakin. Isa iyong kalokohan para saakin.

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko napansin na bumagal ang pagkahulog ko na tila naabot na ang dulo ng kadiliman at pumalit ang napakaliwanag na lugar.

Kasabay ng paglaho ng dilim ay ang pagkaagnas ng mga gintong papel na kasabay kong nahuhulog kanina.

Ilang sandali pa nakaramdam akk ng kapayapaan sa loob ng liwanag na iyon dahilan para mapapikit ako. Napakatahimik dito at may banayad na presensya na tila lumulutang ako sa kawalan.

Sa ilang segundo kong pagdama sa mainit at masarap na paglutang ay mabilis itong na palitan ng kadiliman na labis kong ikinabahala.

Naging mabigat ang pakiramdam ko at may matigas na bagay na nakakapa sa kamay ko.

" Anong nangyari? Ang bigat ng Pakiramdan ko bigla. "

Dito ko napansin na nararamdaman ko ang isang matigas na bagay sa pwetan ko na idikasyon na nakaupo ako, Nakakaamoy rin ako nang napakabango na amoy na masarap sa ilong.

" Teka nakapikit ba ako? "

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at nasilayan ang napakalaking lugar. Isang lugar na hindi ko maaaring hindi makilala.

Iyon ang Agatha's tower. Dito mismo ginagawa ang mga laro na pwedeng gawin ng mga nilalang. Ang pakikipag dwelo at pag gawa sa mga pagsubok na maaaring laruin ng mga kalahok sa crimson game.

Magmula sa pader,upuan at mga gwardya ay perpektong kuhang kuha ayon sa natatandaan ko sa iginuhit ko.

Sa sobrang bigla ko ay napatayo ako sa upuan ko hindi dahil namamangha ako kundi dahil sa takot ko sa katotohanan na ang lahat ng napag usapan namin ay magaganap na.

" anong kalokohan ito!!" " seryoso talaga ang baliw na anghel na iyon sa sinabi nya, Nagawa nya talaga akong dalhin sa mundo ng sarili kong komiks"



Hindi ko gustong paniwalaan ang nangyayari kaya aligaga akong tumitingin sa paligid ko at dito ko napansin na tila may kakaiba sa katawan ko.

Lalo akong nagulantang ng mahata ko na nagbago ang katawang anyo ko, mas bumata ako ngunit kagaya ng sabi nya ay mukhang isa lang akong pangkaraniwang tao sa mundong ito.

Wala akong naging reaksyon kundi pagkabigla habang nakahawak sa ulo at tulirong tuliro. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa buhay ko.

Oo gusto ko ng pagbabago sa buhay ko ngunit hindi sa ganitong paraan at hindi sa napakamapanganib na mundo na hango sa ginawa kong komiks.

Gaano na ba ako kateribleng makasalanan para parusahan ako ng langit ng ganito?

Sandali, ibalik nyo ako sa dating mundo ko!

. . End of chapter 3 . . ( Author's note : upang suportahan ang kwento at ang author , please do share this chapter and the series on my Artpage " ALAB NG APOY~ Art creation" on Fb.) Thank you.
Alabngapoy Creator