Chapter 1 part 2
Isa lang naman akong normal na tao na may normal na pamilya na nakatira sa normal na bayan.
Normal ang lahat saakin at sa sobrang normal ay wala akong nararamdamang excitement sa buhay at dahil doon naghanap na lang ako ng paglilibangan.
Simula pagkabata ay palagi nang pinupuna ng mga magulang ko ang pag guhit ko dahil sa nababaling ang oras ko dito imbes na mag aral.
Aminado akong hindi ako matalino sa pag aaral at tamad kahit alam ko ang katotohanang kinakailangan ko ng kaalaman at diploma para mapabuti ako sa hinaharap.
Hindi ako sutil na bata na nagrerebelde sa magulang pero siguro dahil ito sa nawalan ako ng interes sa mga bagay bagay dahil sa pagiging normal.
Nawalaan ako ng gana makisama at makihalubilo sa ibang tao hanggang sa mapagtanto ko na tuluyan na akong lumayo sa mga nasa paligid ko at makuntento na lang sa pag guhit sa isang sulok sa bawat araw na lumipas.
Palagi akong mag isa.
Wala akong ibang pwedeng sabihan ng mga problema ko.
Hindi ko alam kong may nagawa ba akong mali sa ibang tao
pero pakiramdam ko nilalayuan ako ng iba at itinuturing na balewala.
Unti unti kong napagtatanto na hindi ako nabibilang sa mga tao sa paligid ko dahil lang sa magkakaiba naming mga hilig at kaugalian.
Nakukulong ako sa kalungkutan dulot ng pag iisa at tila ba nakikita ang sarili na naka upo sa isang madilim na sulok habang nilalayuan ng mga tao.
Lahat sila lumalayo, lahat sila.
Sa kasalukuyan ay pinili kong magbago. Sinubukan kong sumugal at maglakas ng loob na harapin ang realidad.
Inakala ko noon na may exciting na mangyayari sa normal na buhay ko kapag nagawa kong ibahin ang mga ginagawa ko sa araw araw.
Pero ang pagbabago ay hindi madalas maganda ang kinakalabasan dahil ang boring na normal na buhay na nirereklamo ko ay naging komplikado at mahirap pa.
Maraming nagbago sa buhay ko simula ng mamuhay ako ng mag isa. Iniisip ko na kailangan kong patunayan ang sarili ko na kaya ko rin mabuhay na hindi dumedepende sa ibang tao.
Sumugal ako kahit na hindi ko isinaalang alang ang limitadong bagay na meron ako magmula sa abilidad at ugali na maaari kong magamit para makasabay sa lipunan na ginagalawan ko.
Isa akong introvert at noon pa man hindi na ako sanay makisalamuha sa ibang tao at iyon ang dahilan kaya mas pinili kong maglaro at manuod na lang ng anime.
Masyado akong nahumaling sa pagiging fanatiko ng anime kaya wala akong ginawa sa mga libreng oras ko kundi magbasa,manuod at maglaro.
Nangongolekta rin ako ng mga anime mechandise bilang libangan.
Ito ang nagsilbing stress reliever ko sa bawat araw.
Hindi ko alam kong masama o mabuti pa para saakin ito ngunit komportable akong gawin ang mga bagay na ito.
Mabuti na lang at may mga nakilala akong mga kaibigan sa internet. Karamihan sa kanila ay katulad ko rin na gustong takasan ang kanilang realidad at nagpapalipas ng oras para kalimutan ang mga problema na hinaharap sa araw araw.
Ang paglilibang gamit ang panunuod ng anime ay nagiging sandata namin para mawala ang napaka komplikado at boring na buhay.
Ngunit kahit na marami akong kaibigan sa internet na pwedeng makausap ay tila may kulang parin saakin.
Tama, hindi maaalis ang katotohanan na nag iisa parin ako sa loob ng madilim na kwarto ko.
Ako lang at walang ibang kasama at sa oras na patayin ko na ang computer ko ay nagsisimula ng bumalot sa paligid ko ang nakakabinging katahimikan.
Hindi naman ako nagsisisi sa pagpili sa naging libangan ko lalo na dito lang ako naging masaya at komporrable ngunit siguro ang kalungkutan dulot ng pag iisa ay isang bagay na hindi pwedeng makakasanayan ng sino man.
Dahil sa pagkasawa ko sa pag gamit ng computer ko ay itigil ko na lang ito upang magpahinga na lang ng maaga.
Tumayo ako sa sofa na inuupuan at naglakad papasok sa mallit na kusina ng apartment. Maliit lang ito na may kakaunting kagamitan na naipon ko.
Agad akong gumamit ng computer pag ka uwi ko galing sa labas kaya naman uhaw na uhaw ako kaya agad kong hinanap ang inuminan na nasa lamesa ko.
Kumuha ako ng baso at agad na sinalinan ito ng tubig upang makainom at habang lumalagok ng tubig ay may napansin akong
Maliit na papel sa lamesa.
Nakatiklop ito ng maayos at mukha naman itong normal na papel lang ngunit ang mas pinagtataka ko ay wala akong natatandaan na may inilagay akong papel sa ibabaw ng mesa kagaya ng nakikita ko.
Napapaisip tuloy ako kung may taong nakapasok sa apartment ko upang ilagay iyon pero isa yung kalokohan.
Dinampot ko ito at binuklat upang mabasa at nasusulat sa puting papel na ito ang mga katagang.
" Gusto mo ba ng bago at exciting na buhay? Sumama ka saakin at tutuparin ko ang nais mo. "
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nabasa ko dahil isa lang iyong kalokohan, Gusto kong matawa pero nakakaramdam din ako ng pagka inis dahil siguro sa naiinsulto ako gayung minamalas ako sa buhay.
Sa pag kairita ko tungkol sa bagay na iyon ay nilukot ko ang papel na hawak ko at umangil.
" Siguro ang apo ng landlady nanaman ang may gawa nito para lokohin ako." pag angil ko.
binilog ko ang papel gamit ang dalawang kamay at ibinato sa basurahan pero kahit ang pagpasok nito sa basurahan ay sumablay dahilan para lalo akong mainis .
" Seryoso? Ganun na ba ako ka bano at kamalas? "
Naiinis ako na tila ba pakiramdam ko na kontra saakin lahat ng bagay at pinapamukha saakin na wala akong kwenta.
Naglakad ako papunta sa lababo kung saan bunuksan ko ang gripo para maghilamos ng mukha upang kahit papaano ay malamigan ako.
Kailangan kong magpahinga at siguro ay napapagod lang ako kaya ako nag iisip ng negatibo dulot ng pagbyahe ko maghapon upang maghanap ng trabaho.
Malamig ang tubig kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko pero gayumpaman ay hindi ito nakatulong para makalimutan ko ang mga iniisip ko.
" Tuparin ang mga kahilingan ko? " Bulong ko sa sarili.
Napangiwi na lamang ako sa inis ko at naisip ang kamalasan ng buhay ko.
Marami akong gusto gawin at makamtam sa buhay at malayong malayo ito sa kinahinatnan ng buhay ko.
Nagsusumikap ako ngunit tila wala na akong takas sa kalagayan ko ngayon.
Napupuno ako ng galit sa mundo at sa mga tao dahil tila isinumpa ako. Naging mabuti akong tao pero hindi yun sapat para pagpalain ako.
Tinahak ko ang daan at larangan na sa tingin ko ay nababagay saakin, Nagsumikap at patuloy na umasa pero gayumpaman,
tunay na hindi lahat ng pagsisikap
ay nasusuklian ng maganda. Mananatili lang itong bale wala at pag aaksaya ng panahon.
Nakakainis, tunay na nakakairita ang lahat ng bagay sa oras na isa isa kong inaalala ang lahat.
Ibinigay ng Diyos ang ganitong kapalaran saakin kaya sa paanong paraan ako pwedeng kumawala?
Naiimagin ko sa isipan ko kung gaano ako kawalang kwenta at bale wala. pakiramdam ko lahat sila ay nakatingin saakin habang hinahamak ako.
Ayoko ng ganitong uri ng tadhana.
Ayoko, Hindi dapat ganito ang naging takbo ng buhay ko.
Dahil sa pagkabalisa ko at pagkablangko ay sumagi sa isip ko na wakasan lahat ng problema ko.
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang paminggalan kung nasaan ang mga kasangkapan sa kusina.
Sa pagkakataon na yun ay humakbang ng kusa ang mga paa ko at binuksan ang lagayan ng plato kung saan naroon din ang bagay na iniisip kong susi para makatakas sa kalagayan ko.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kutsilyo sa loob nito at itinutok sa braso ko.
Naiisip kong laslasin na lang ang pulso ko upang maubusan ng dugo at mamatay.
Masyadong nakakatakot at alam ko na masakit pero ang mga paraan na lang ito ang tangging pwede kong gawin.
Halos hindi ko mahawakan ang mga kutsilyo ng paayos dahil sa panginginig ko habang umaagos naman ang pawis at luha ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.
Wala ng atrasan ito, Isang hiwa lang at matatapos na ang lahat saakin.
Lahat lahat.
Buo na ang desisyon ko pero tila may kung anong bumabagabag saakin na gawin ito.
Natatakot ako sa tingin ko pero ano ba ang paki elam ko ? Ano pa ba ang kinatatakot ko, iiwan ko na ang walang kwentang mundong ito sa oras na ituloy ko ito.
Patuloy na nanginginig ang kamay ko habang nakadikit sa balat ng mga pulso ko ang talim ng kutsilyo na hawak ko.
Bakit ako nag aalinlangan?
Tulungan mo ang sarili mo makatakas sa realidad mo.
Pero ang hindi ko alam sa mga sandaling iyon may isang nilalang na nanunuod sa mga ginagawa ko.
Napakatahimik ng lugar na iyon kaya sa gitna ng nakakabinging katahimikan sa kwarto na iyon ay may kung anong tunog ang nagpatigil sa aligaga kong kaisipan.
Mga mahihinang tunog na ani mo'y mga nadudurog na maliliit na bagay. Tama, base sa aking palagay ay tunog yun ng pagkain na ningunguya ng kung sino.
Lalo pa akong kinilabutan ng marinig ko ang pagkaluskos ng isang plastic na nang gagaling sa likoran ko.
Nagsimula akong matakot ng maisip kong ako lang ang nag iisang tao sa apartment ko at pero nakakasiguro akong may kung sinong tao ang nasa likuran ko sa mga oras na iyon.
Namamawis ako at kinilabutan dahil hindi ako matapang na tao na handang humarap sa mga ganung senaryo.
Gayumpaman ay kailangan kong harapin ito at alamin kung sino ang misteryosong tao na nasa likuran ko.
Nag ipon ako ng lakas ng loob at dahan dahang humarap sa likod hanggang sa mapatameme ako sa nakita ko.
Halos mabangga ako sa lagayan ng plato dahil sa paghakbang ko paatras dulot ng pagkagulat dito.
Hindi ko mailarawan kung ano ang pwede kong maging reaksyon dahil sa nakakatakot na sitwasyon na iyon ay biglang bumulaga sa harap ko ang isang cute na batang babae.
Nakaupo sya malapit sa lababo habang kumakain ng junkfood kasabay ng panunuod sa ginagawa ko.
Nakasuot ito ng itim na bistida na may maliit na sumblero sa ulo na tila manika. pink ang buhok nito at may magagandang mga mata na ngayon ay nakatingin saakin ng deretso,
isang totoong gothic loli.
Dapat ba ako matakot sa napakacute na batang ito pero sandaling nawala ang pagkamangha ko nung naisip ko ang sitwasyon ko.
"Sino ka?" Tanong ko rito.
Agad naman nitong tinugunan ang tanong ko at ipinakilala ang sarili
" Hi, Ako nga pala si Koko."
Napaka plain ng reaksyon nya habang pinakilala ang sarili saakin at parang ang weird dahil kung iisipin ko ay napakakampante nya habang pinapanuod akong maglaslas at nakuha nya pang kumain ng junkfood na tila ba nanunuod lang ng palabas.
" Nakapagdesisyon ka na ba? dahil nandito ako para tuparin ang nais mo." Sambit nito.
Nagtaka bigla ako sa nasabi ng batang nasa harap ko. Ano ba ang ibig nyang sabihin sa tuparin ang nais ko ?
Sandaling tumahimik ang lugar sa hindi ko magtugon hindi dahil sa hindi ko kayang magsalita kundi dahil nalilito ako sa nangyayari.
" Huh ? "
Ang hindi ko alam sa mga oras na iyon ay nakatakda nf magsimula na ang pag babago na matagal ko ng hinahangad.
--
-
-
End of part 2 of chapter 1
.
.
( Author's note : upang suportahan ang kwento at ang author , please do share this chapter and the series on my Artpage " ALAB NG APOY~ Art creation" on Fb.)
Thank you.