The Wolves of Webkom Present

by Arusano Yume

Ang Webkom ay isang napakalaking platform puno ng matalentadong mga komikero at novelista. Sa kagitnaan nito, makikita mo ang nakakamanghang mga tribo na ipinangalanan sa mga hayop. Isa sa mga ito, ang nakakatakot at malakas na tribo ng mga lobo. Sila, ang Webkom Wolf Tribe. Ito ang nakikita ng mga mata ng tao sa labas ng tribo na to. Pero ang tanong....... Totoo kaya?

Ayon sa nagsisilbing lider at tagapagbantay ng wolf tribe na si Sir Arusano Yume: "Mga asong baliw kami, pero di kami nangangagat". Para mapatunayan naman ito, nagsagawa ng experimento si Sir Arusano Yume, kasama ang mga pinakamagaling na novelista ng webkom, ang Owl Tribe. Nagsagawa sila ng isang inter-tribe visitation, kung saan ang mga miyembro ng wolf at owls ay nagsilapitan ng mga group chat.

Ang Owl Tribe ay ang tribo ng mga kwagong manunulat na hindi lang magaling sa paggawa ng mga nobela, kundi magaling din, sa paghaharot?
Sabi naman ni sir Arusano Yume, nasa Owl Tribe daw ang "Mga Hari at Reyna ng Kaharotan". "Sila'y isang tribe na kung saan hindi lang sila strikto sa kanilang mga rules, mabait naman sila sa kanilang members" sabi ni Sir Arusano. Ang dahilan diyan ay, ang ibang mga miyembro ng owl tribe, mga batang nageedad 12 pababa.

Ang sabi naman ng mga taga Owl Tribe: "Ang saya talaga sa tribe ng wolf. Ang friendly din nila at kahit papaano ay nakilala ko ang mga Comic artist ng Webkom. My experience in Wolf is very fun. Even in that little amount of time, I enjoyed talking with the wolf members as if I'm on of them. I just hope that I can bond with them in the near future".

So ayan ng sagot. Hindi lang sila magagaling sa paggawa ng komiks, puno din sila ng tawanan at iba't iba pang kagaguhan na bigla-bigla lang papasok sa kanilang ulo. Most importantly, sila ay YOUNG, WILD, AND FREE.

Hindi kumpleto ang Wolf Tribe kung wala ang kanilang pinakapogi't magandang mga Wolfies(members) at ang kanilang series. Kasama na dito ang malalaking ngalan ng webkom na HouzaiK ng Takipsilim, White Skull ng The Seven Norther Warlords/T7NW, Raymart Bayang ng Monster series, HiroYuugi ng Cyra: Vampire Classes, ang nag-uumahon na Gods and Demons ni Arusano Yume, JesreelBot ng Glitch at Elementadia series, Moonie ng Muni Time, TensaiSenpie ng Sky Lords, AlterEgo ng Shiruka, at iba pa.

Sila ang mga lobong lumalakas araw-araw at umaahon patungo sa kaitaasan ng webkom. Nagtutulungan sila sa isa't isa at itinuturi nilang pamilya ang kanilang mga miyembro. Malakas, Mapagmalaki, Mapaglaro. Bagay-bagay talaga sa kanila ang ngalan at trono na Lobo ng Webkom.

Back to Blogs