Announcement - Restrictions in Use of "Coming Soon", WIPs, and Other Filler Placeholders in WebKom Platform

by WebKom Admin

WEBKOM ANNOUNCEMENT

Date: Ika-17 ng Agosto 2024

From: WebKom Admin Team

To: Sa lahat ng Kreators sa WebKom Platform

Subject: Restriksyon sa paggamit ng "Coming Soon" at iba pang Filler Placeholders

Sa darating na ika-17 ng Agosto, ay epektibo kaagad ang pagbabawal sa mga series na naglalaman lamang ng "coming soon", WIPS, artworks/Illustration na imahe o filler na walang laman. Ito ay para mai-sakatuparan ang matino at madisiplinang pamamaraan ng pag upload ng ating mga komiks, at para hindi malihis ang mga nag aabang at nagbabasa sa Webkom.

Ang mga Kreators ay pinapayuhang tanggalin ang kanilang mga placeholders. Ang hindi na-asikaso bago magtapos ang Setyembre ay automatikong tatanggalin ng mga namamahala sa Webkom.

Pinapaki-usapan namin ang mga readers na i-report ang mga ganitong klase ng series, gamitin ang "Report this episode" na nakalagay sa pinaka ilalim ng pahinang binabasa.

Maraming Salamat po sa inyong lahat.

WebKom Announcement Aug 2024.jpg

Back to Blogs